Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Nicole’s Point of View
Naglalakad na ako ngayon sa daan papuntang soccer field. Hayyss.. naiinis talaga ako sa tuwing naalala ko yung nangyari kanina..
“And because of you, I fell on the ground! Paharang-harang ka kasi eh!”
Huh! Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Ako na nga yung nasagasaan nya tapos ako pa yung sinisi nya.
Hay nako, pasensya na kayo sa akin ah. Galit kasi ako ngayon kaya kung ano ano nalang ang nasasabi ko. Badtrip kasi yung---
“Ay kabayo!”
Ay, pesteng lata naman to. Paharang-harang sa daan..
Hayysss.. Badtrip! Ba’t ba ang malas malas ko ngayong araw na to. Kanina, nabangga ng isang antipatikong creature. Tapos ngayon naman, muntik nang madapa dahil sa pesteng lata na ‘to. Haysss, first day na first day, naba-bad vibes ako.
“Bwisit kasing creature na yun eh. Dahil sa kanya minamalas ako.”
Sabay sipa ko dun sa latang naapakan ko kanina.
“Naku, wag na wag siyang magpapakita sa akin kundi papalamon ko talaga siya sa pitbull namin.”
Pero siyempre joke lang yun. Bad vibes lang talaga ako kaya nasabi ko yun. At isa pa, wala naman talaga kaming pitbull sa bahay eh. Chiuaua lang.
Nagulat ako ng may marinig akong nagsalita sa likuran ko at sinabing “Sinong kabayo?”
“Ay chiuaua!”
Pagtingin ko sa likuran ko, nakita ko ang isang “oh so gwapong” nilalang na nakangiti sa akin.
“Oh? H-hi X-Xander! Ikaw pala.”
Nautal ako ng makita ko si Xander. Grabeee, nakakahiya..
Siya lang naman si Alexander David, ang campus heartthrob at crush ng bayan sa school. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil mabait, guwapo, maputi, matangkad, matalino, guwapo,..( ay nasabi ko na pala yun..hehe) at higit sa lahat, gentle man. Siya ang president ng theatre club namin sa school. Almost perfect,diba? Kaya hindi maikakailang madami siyang fans sa loob ng campus. At xempre, isa na ako dun.. obvious naman diba? Hihihi..
“Kanina kabayo, ngayon naman chiuaua? Haha” Natawang sabi niya habang nakangiti pa rin sa akin.
Ayiie.. Ang pogi talaga..
“Hehehe.. Nagulat lang kasi ako kaya may kabayo at chiuaua..hehehe” sabi ko kay Xander.
Waaah! nakakahiya talaga..
“Haha.. masyado ka talagang magugulatin. Haha. Sino nga pala yung kausap mo? At parang inis na inis ka?” Ngiting sabi sa akin ni Xander.
Nuh ba yan.. Nakakatuwa talaga siya pag ngumingiti. Isang ngiti pa lang, ulam na ulam na.. haha.. echos. Pero siyempre dalagang pilipina tayo kaya wag dapat papahalatang kinikilig.
“Ah.. hehehe.. Yun ba? Ahh ehhh---”
Hala, Nikki.. Patay kang dalagang pilipina ka. Sa sobrang kilig mo hindi mo na napaghandaan yung sagot sa tanong nya. Kelangan kong mag-isip ng idadahilan.. Isip, isip...
“----Si Simsimi? Tama, si Simsimi.. Paano kasi sinabihan nya akong panget kaya nainis ako. Nakakabadvibes kaya.” Palusot kong sinabi kay Xander.
Sana effective.. sana talaga..
“Talaga?? Hahahaha.. Nakakatuwa ka talaga,Nikki! You’re so cute and funny.”
Yes! Buti nalang medyo madaling mapaniwala si papa Xander. Nakalusot ako.. haha..
Teka..
Ano yung sinabi niya? Tama ba yung narinig ko? Cute daw ako?
Yiieee! Naman talaga ‘tong si papa Xander oh. Wag ka ngang ganyan. Hahaha.. Kilig much?!
Iniba ko na yung topic bago pa ako tuluyang mag-hysterical at mamatay sa kilig. Baka kasi bigla nyang marealize na palusot lang pala yung sinabi ko.
“Hmmm... Ano nga palang ginagawa mo sa likuran ko? Kanina ka pa ba?"
“Ahh..Yun ba? Kasi papunta na sana ako sa may department nang makita kita. Balak kasi kitang gulatin kaso mukhang seriyoso ka at baka mabadvibes ka pa ng dahil sa akin. Kaya hindi nalang kita ginulat. Pero hindi ko inakalang magugulat pa rin pala kita. Haha”
“Uy, hindi ah. Ikaw nga yung laging nagpapa-good vibes sa akin eh. Haha”
“Good vibes? Talaga?” Nagtatakang sabi niya sa akin...
Ooopps.. Na-carried away ata ako. Hayyss.. Nikki naman. Ang daldal mo kasi..
“Ah.. Eh.. Oo naman! Lahat kasi kaibigan ko, nagdadala ng good vibes sa akin. Hehe” palusot na sinabi ko kay Xander.
“Ah, ganun ba? Hahaha. Ok! Nga pala, may gaganapin palang school play sa batch natin for this year."
“Talaga?!”
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang mabuting balita. Gusto ko talaga pag merong play na nagaganap sa school.
“Mukhang excited ka na ah..Haha. Oo. Actually, fund raising ang school play na yun. Kaya pwedeng manood kahit taga-ibang school. Kaya kelangang magparticipate ang lahat para sa nasabing event.”
“Wow! Yehey! Kelan siya gaganapin?”
“Hmmm.. Not sure. Pero pagmemeetingan muna namin yun with the director of the school. Basta sasabihan nalang kita pag meron nang updates.” Ngiting sabi ni Xander.
“Okey! Salamat ng marami, Mr. President!” Energetic na sinabi ko kay Xander with matching salute pa.
“You’re welcome, Ms. Former President!” Sabi sa akin ni Xander with matching salute din.
Gulat ba kayo? Hindi nyo siguro inakalang dati akong President ng theatre club. Hehe.. Yes! President nga ako dati nung nasa 2nd year ako pero dahil lagi akong gabi na nakakauwi at ayaw ni daddy ng ganun, biniwan ko na yung tungkulin na yon kaya naman binigay ko yun kay Xander. Kaya nga medyo close kami ni papa Xander eh. Now you know!
“Teka, ano nangyari sa siko mo?” Nagtatakang sabi ni Xander habang tinuro ang sugat sa bandang siko ko. Naka-salute pa din kasi ako nang makita nya yun.
Binaba ko bigla ang kamay ko at sinabing “Ahh.. Wala ‘to. Nagasgas lang ako sa pader kanina”
Sabi ko sa kanya, pero ang totoo, dahil dun sa Mr. Antipatiks na nakabunggo sa akin kanina.
“Ahh.. okay.. Teka, wait!” May kinuha siya sa bagpack nya at “Here”
Tinignan ko kung ano yun. Isang small bag siya na naglalaman ng betadine at band aid. May pagkaboyscout din pala si Xander.
“Naku.. salamat nalang. Pero ok lang naman kahit wag---“
“Ano ka ba? Kailangan mo yan para hindi maimpeksyon yang sugat mo. Sa’yo na yan para malinis mo pa lagi ang sugat mo.” Sabi nya sa akin at ginulo ang buhok ko.
Ba't ba trip ng mga taong guluhin yung buhok ko. Dahil ba maikli? Hmmm.., Pero di bale, si Xander naman yung gumulo eh.. kaya ok lang.. Ayie!
“Ahh.. Ok, Salamat ulit ha”
Napangiti ako nang sinabi ko ‘yon. Actually, naramdaman ko nga na namula ng konti ang pisngi ko habang inaayos ko yung nagulong buhok ko eh/.
“You’re welcome! Paano, Niks. Una na ako ah. 7:30 kasi yung meeting ko with the director. Sige. Bye! See you!” Ngiting sabi ni Xander at naglakad na siya paatras.
“Sige, Bye Xander! See you when you see me!” Ngiting sinabi ko with matching waving of hands to the highest level.
Kumaway rin siya sa akin at humarap na siya sa dinadaanan nya.
Nang papalayo na si Xander, nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang soccer field kung saan ang tambayan naming magkakabarkada. Napasarap yata akong kwentuhan ko kay Xander ah, halos nakalimutan ko na yung lahat ng nangyaring kamalasan sa akin kanina.
Hays! Buti nalang, Xander, nandyan ka!
Okey, na-goodvibes na ulit ako! Yehey!
---------> See you in Next Chapter: Meet Ashley and Kristoff
Xander's Image (In right portion)