Don't look Back

Od LegendArie

8.8M 132K 11.3K

Old-fashioned and nerdy Alisson is in love with her sister's fiancé, Jayred, while her sister is in love with... Více

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
FB Group
LEGENDARIE

Chapter 12

158K 2.4K 159
Od LegendArie

Suot ko ang isang blue cocktail dress na binili sa akin ni Jayred kanina. Medyo hapit ito sa katawan ko kaya kitang-kita ang kurba nito. Medyo maikli rin ito at mababa ang neckline kaya medyo naiilang akong suotin. Lahat naman kasi ng binili niya ay ganito ang disenyo. Ito na nga ang pinakadisente at hindi masyadong bulgar.

Hapon na at pupunta kami sa bahay ng mga magulang niya dahil may party ang mga ito. Kinakabahan ako dahil ngayon ko na lang ulit makikita ang pamilya niya pagkatapos ng kasal namin.

Natatakot ako sa Mama at Ate niya samantalang magaan ang loob ko sa bunso niyang kapatid at sa ama niya dahil mabuti ang pakikitungo nila sa akin, una pa lang.

Huminga ako nang malalim at kinuha sa dresser ang make up kit na bigay sa akin ni Ate Adisson noon. Marunong naman akong mag-ayos kahit papano dahil natuto ako habang pinapanood ko siya dati.

Naglagay lang ako ng manipis na make up dahil hindi naman ako sanay na maglagay ng kahit ano sa mukha. Kung hindi lang kailangang magmukha akong presentable ay hindi talaga ako maglalagay nito. Hindi naman ako kagaya ni Ate na makapal lagi ang ayos.

Sinunod kong inayos ang buhok ko. Kinulot ko lamang ang dulo nito at hinayaang nakalugay. Hindi naman ako nahirapan dahil natural na wavy naman ang buhok ko.

Patapos na ako nang may kumatok sa pinto.

"Alisson, matagal ka pa ba?" tanong ni Jayred na nasa labas ng kwarto at mukhang naiinip na.

"Ah, sandali na lang 'to," sagot ko at sinimulang isuot ang sapatos. Ngayon na lang ako magsusuot ulit ng high heels. Tinuruan na kasi ako dati ng baklang kaibigan ko na nasa ibang bansa na.

"I'll wait outside, okay?" sagot naman ng asawa ko kaya mabilisan ko nang isinuot ang mga alahas ng Mama ko na bigay ni Manang sa akin. Para sa 'kin daw talaga ang mga ito. Inihabilin ni Mama kay Manang na ibigay sa akin ito bago siya mawala.

Hinablot ko na ang pouch kong nasa kama at nagmamadaling lumabas. Baka kasi magalit na naman si Jayred kung magmamabagal pa ako.

"Tara na." Nilapitan ko siya. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko habang nakatuon pa rin ang pansin sa cellphone na hawak niya.

"Wala ka na bang nai―"

Sunod-sunod ang paglunok niya nang lumingon sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi habang titig na titig sa kabuuan ko. Medyo nailang ako sa klase ng pagtitig niya sa akin.

Mula ulo hanggang paa ay sinusuri niya ako.

"Masyadong revealing ang suot mo." Bumalik ang tingin niya sa mukha ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko.

"P-panget ba?" nag-aalangan kong tanong, Baka hindi sa akin bagay ang mag-ayos ng ganito.

"No! You look so wonderful! Kaya lang ay masyado kang hot." Kinindatan niya ako habang itinataas ang dress ko upang maitago ang cleavage kong bahagyang nakikita sa suot ko.

Pinamulahan ako ng pisngi kaya dinamba ko na lang siya ng yakap para maitago ang hiya ko. Kinikilig kasi ako.

Ngayon lang niya ako pinuri nang wala kami sa kama. Napatawa siya nang mahina dahil sa kahihiyan ko ngayon.

"Let's go?" pag-aaya niya.

Tiningnan ko ang oras sa relong suot ko. Baka nagsisimula na ang party at mahuli kami. Nakakahiya iyon lalo na sa mga magulang niya.

Tumango naman ako at pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse.

"Dapat pala, hindi ganyan ang mga binili ko sa 'yo. Dapat ay iyong balot na balot ka," nakangusong turan ni Jayred habang nagmamaneho.

Napangiti ako. Kinikilig ako sa kanya.

***

"Mama." Humalik si Jayred sa Mama niyang nakataas ang brown na kilay sa akin. Napayuko na lamang ako habang nasa likod nila.

"Ate Ali!" Napalingon ako sa batang babaeng patakbong lumapit at yumakap sa akin. Si Emerald iyon.

"Hi, Em." Ginantihan ko ang yakap niya at matamis ko siyang nginitian, ngunit nawala rin ang mga ngiting iyon nang lumakad papunta sa amin ang Ate niya.

Katulad ng Mama nila ay nakataas ang mga kilay nito sa akin. Animo ay nanghuhusga sila.

"Himala yata, Red, mukhang tao ngayon ang asawa mo." Ngumisi pa si Ate Fushia at nilagpasan ako.

"Dapat lang. Nakakahiya sa mga tao kung hindi kaaya-aya ang itsura ng asawa ni Red," dagdag pa ng Mama niya kaya lalo akong napayuko.

Hinihintay kong ipagtanggol niya ako sa Mama at Ate niya pero hindi siya kumikibo. Hinahayaan lang niyang maliitin ako ng pamilya niya.

Sa kama lang magaling ang lalaking ito. He has no dick dahil hindi man lamang niya ako kayang protektahan mula sa mga pananalita ng iba.

Sabagay, sino ba ako?

Nilingon ko siya ngunit nananatiling walang reaksyon ang mukha niya. Kung si Ate Adisson ang sinabihan ng ganyan ng Mama at Ate niya ay baka itakwil na niya ang pamilya pero kung ako lamang ay ano nga ba ang pakialam niya?

***

Ilang minuto lang ay nagsimula na ang party. Maraming bisita ang mga dumalo. Nananatili lang ako sa isang tabi dahil wala naman akong kilala rito. Si Jayred ay nasa barkada niya malapit sa pool.

"Alisson."

Hindi pa man ako tumitingin ay alam ko na kung sino iyon. Inangat ko ang aking mukha para lang makasalubong ang mga mata niyang kamukha ng akin.

"Ate Adisson," mahina kong naibulong. Niyapos na lang niya ako bigla at gano'n din ako. Namiss ko si Ate. Lagi kong iniisip kung nasaan ba siya at kung mabuti ba ang kalagayan niya.

"Ate, anong ginagawa mo rito? Hindi ba nasa ibang bansa ka?" Ngumiti lang siya nang tipid at hinila niya ako paupo.

"Mahabang kwento. Kumusta ka na? Kayo ni Jayred? You looked so gorgeous, Ali." Namumugto ang mga mata niya at pilit na ngumingiti sa akin. Ngumiti rin ako nang pilit.

"Ayos lang," pagsisinungaling ko.

Hindi ayos at baka hindi na umayos pa dahil nandito ka na ulit.

"Talaga? Buti pa ikaw," mahina niyang sabi. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ilang pasa sa braso niya. Napakunot ang noo ko. Nagmamadali niyang itinago iyon nang makita niya na roon nakapako ang tingin ko.

"T-tara. Sa pool tayo." Itatanong ko sana kung saan niya iyon nakuha pero inunahan na niya ako.

Lahat ng tao sa nadaanan namin ay nasa amin ni Ate ang atensyon. Maganda kasi at sexy si Ate Adi kaya sanay na siya sa mga ganito.

Napalingon ako sa gawi nina Jayred at nakita kong nakatingin sila sa amin. Ang mga mata niya ay nakapako kay Ate Adisson. Ang sakit.

Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa ibang bagay dahil ang sakit sa matang makita ang asawa ko na parang walang ibang nakikita kung hindi ang kapatid ko.

"Ate Ali!" Napatingin ako kay Emerald na humahangos papunta sa akin.

"Bakit Em?"

"Hinahanap ka ni Kuya Sky. Nasa loob po siya." 'Yon lang at nagtatakbo na ito paalis.

"Si Sky?" natatarantang tanong ni Ate sa akin. Tumango ako.

Lalo namang naging balisa ang mukha niya. Nakapagtatakang hindi siya masaya nang malamang nandito si Sky samantalang dati ay nagtatatalon na siya sa kilig.

"Pupuntahan ko muna siya, Ate, baka may sasabihing importante." Nag-a-alangan siyang tumango sa akin.

Nang makapasok ako sa loob ay hindi ako nahirapang mahanap si Sky. Nakaupo siya sa sofa at umiinom ng wine.

"Sky!" Agad siyang napalingon sa akin. Para siyang gulat na gulat nang makita ako kaya medyo nailang ako.

"Alisson? Wow!" Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya lalo akong nailang sa kanya.

"B-bakit mo ako hinahanap?" Naupo ako sa tabi niya. Binigyan naman niya ako ng pwesto.

"Wala lang. Miss na kita," pilyo niyang saad kaya napatawa ako.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa maraming bagay bago namin naisipang maglakad-lakad sa garden. Tahimik dito at walang tao. Masarap ang simoy ng hangin at maraming magagandang bulaklak.

"I miss you so damn much." Napahinto kami sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon.

Jayred.

Nilingon namin ang pinanggagalingan ng boses at natagpuan ng mga mata ko ang asawa ko at si Ate Adisson na halos magkayakap na.

Para akong sinaksak patalikod sa nakita ko lalo na nang maglapat ang mga labi nila.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Sky sa braso ko.

"Ali, umalis na tayo." Hinila niya ako paalis sa lugar na iyon pero nananatili lang akong nakatayo at nakamasid sa kanila.

Hinahayaan kong maramdaman ko lahat ng sakitpara kapag sobra na at hindi ko na kaya ay hindi na muli akong lilingon pabaliksa kanila... Sa kanya.


LEGENDARIE

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

353K 14.3K 52
Known for being Brooklyn's most notorious jerk, Stevan Davis decides to give up on life after battling cancer for many years. When Loverielle Costell...
11.3M 140K 34
If you're new to Wattpad or started reading Wattpad 2016 onwards, PLEASE DON'T READ THIS I reposted this because some of my readers were asking why i...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
32.4K 1.5K 46
Noong unang panahon normal ang magkaroon ng alipin para sa mga maharlika. Subalit sa ngayon, matagal ng natapos ang pananakop ng mga dayuhan, at nagk...