Ang Boss Kong Beki

By BatangHeartBroken

10.2K 464 179

Ano kaya ang mangyayari kung magkakasama sa iisang opisina ang isang BEKI at GIRL? Will a romance begin? Or a... More

PROLOGUE
Chapter 1: Job Hunting
Chapter 2: First Day
Chapter 3: Busy Day
Chapter 4: Day Off
Chapter 5: Party ! Party ! (Part 1)
Chapter 6: Party ! Party ! (Part 2)
Chapter 8: Concern
Chapter 9: Revelations
Chapter 10: Airport
Chapter 11: They Meet Again
Chapter 12: JellyAZEL
A VERY BIG THANK YOU! :)
Chapter 13: Isang Linggong Pag-ibig--este Bakasyon
So Sorry!
Chapter 14: Isang Linggong Pag-ibig---este Bakasyon (Part 2)
Chapter 15: Isang Linggong Pag-ibig---este Bakasyon (Part 3)
Chapter 16: Christmas Spirit :)
Chapter 17: Christmas Party

Chapter 7: The Break Up

488 27 8
By BatangHeartBroken

[Third Person's POV]



Two weeks have passed. At taliwas sa inaasahan ni Ana, Azel didn't talk about what happened that night. Mukhang walang maalala ang bakla sa ginawa nito nung nakaraang dalawang linggo. Pero si Ana, na lahat lahat ay naaalala niya? Para lang namang sumali sa karera ang puso niya sa lakas ng tibok nito.




Lalo na kapag nasa malapit lang ito. At mas lalo na kapag inaakbayan siya nito o inaakap-na normally na naman nilang ginagawa. 'Di naman siya pwedeng bigla nalang umiwas, baka magtaka pa ito at manghinala na may gusto ito sa kaniya. That's the last thing on Ana's mind-to be caught- right now. Kaya kahit mahirap, kailangan niya paring sakyan anumang trip ng beking amo niya. Even if it's her feelings at stake.




"Walangyang baklang yun, pinaasa lang ako!" sa isip ni Ana.




'Bakit sinabi niya bang umasa ka?' echos naman ng utak niya.




"Hindi."




'Oh yun naman pala eh. So that's your fault, not his.'




Napailing nalang si Ana sa naiisip niya. Para tuloy siyang sira ulo dito, kinakausap ang sarili.




"Hoy bruhilda!"




"Ay kabayo!" gulat na sigaw ni Ana at pinaikot ang swivel chair.




"Sige ipamukha mo pa sakin na kabayo ako!" sabi ni Azel nang makalapit siya sa sekretarya.




"'To naman, nagulat lang ako no! Oh bakit ba, may iuutos ka?" sagot at tanong ni Ana.




"Snack tayo. 4 pm na eh." simpleng sagot ni Azel habang nakatingin parin kay Ana.




"Sige wait lang, e shut down ko muna 'tong computer ko." sagot ni Ana at pinatay ang computer, kinuha ang long coat nito na lagpas tuhod na kulay maroon. Malamig kasi sa office nila, at kahit na sa buong kompanya, kaya naka coat palagi si Ana. At pagkatapos ay lumabas na ang huli kasama si Azel.




"San tayo zel? Starbucks?" nagniningning ang mata ni Ana habang tinatanong ang amo.




"Etchosera 'to. Sa pantry lang tayo no!" sagot ni Azel.




"Ay, 'kala ko pa naman sa Starbucks tayo. Minsanan pa lang naman ako makapunta dun." medyo nanghihinayang na sabi ni Ana.




"Alam mo ang kuripot mo masyado
Ba't di ka pumunta mag isa? fifty thousand naman ang sweldo mo a month ah?" komento at tanong ni Azel.




"Pantustus kaya yun sa pang araw araw na buhay namin, budgeted na yun no! 'Di naman ako mayaman kagaya mo no! At tsaka ang mahal kaya dun. Imagine 330 isang kape lang? Jusko, pang isang linggong pamasahe na ng mga kapatid ko yun eh!" sagot ni Ana.




"Kuripot talaga." sa isip ni Azel, habang nakangiti.



******



"Ana! It's so nice to see you here again. Ang tagal nang di kita nakita ah?" tanong ni Julius. Tumingin saglit si Ana kay Azel na kumakain ng donut bago niya sinagot ang lalaki.




"Busy kasi kami these last few days." sagot nito.




"Ahh.. Kaya pala. So anyway, free ka ba this weekend?" hopeful na tanong ng binata. Tumingin ulit si Ana kay Azel na ngayon ay nakatingin na rin pala sa kaniya na wala namang kahit anong ekspresyon. Napabuntong hininga nalang si Ana.




"Pasensya na Julius ah? May gagawin kami this weekend eh.." sagot ni Ana.




"Kami?" takang tanong ni Julius, at nagpalipat lipat ang tingin niya kay Azel at Ana.




"I..I mean kami ng mga kapatid ko." palusot ni Ana.




"Ohh.. Okay sige, next time nalang." sabi ng lalaki at umalis na.




"Anong next time?! Wala nang next time uy gago!" bulong ni Azel upang si Ana lang ang makarinig. Napatawa nalang si Ana sa sinabi ng amo.




"Ano Ana Maria, bet mo?" tanong ni Azel na medyo naiinis.




"Hindi no! Halata namang babaero yung lalaking yun!" sagot ni Ana at nagpatuloy sa pag-inom ng coffee.




"Anyway, speaking of bet, wala ka ba talagang boyfriend? O kahit crush man lang?" tanong ng amo niya at uminom ng cappuccino. Napaubo tuloy si Ana.




"Ba't mo naman natanong?" tanong ni Ana. Sa labas mukhang okay lang siya, pero sa loob loob nito ay nagwawala na ang kaniyang mga organs. Parang may butterfly sa tiyan niya at yung puso niya parang nagkakarera.




"Wala lang. I'm just curios. Wala kasi akong alam sa lovelife mo eh. Di ko nga alam anong bet mo sa isang lalaki." sagot ni Azel habang nakatukod ang siko nito sa lamesa at nakapatong ang baba sa pinagdaop niyang palad.




"There's nothing to talk about, kasi wala naman akong lovelife. May crush ako, oo, pero hopia lang ako dun eh." sabi naman ni Ana.




"Hopia ka pala? Anong flavor?" biro ni Azel.




"Ha. Ha. Ha. Nakakatawa, sobra!" sagot nalang ni Ana at tumawa ng peke.




"But kidding aside. Sino ba 'tong crush mo?" tanong ulit ni Azel.




"Tsaka ko na sasabihin pag naka get over na 'ko sa kaniya." sagot ni Ana, at kinain ang last piece ng bavarian niya.




"Sasabihin mo naman pala, ba't di pa nagyon?" pangungulit ni Azel.




"Ang kulit mo! Next time na nga!" sagot ni Ana na pinipigilan ang sariling mamula. Di pa naman siya pwedeng magpalusot na mainit, dahil air conditioned din pati pantry nila.




"Kilala ko ba?" tanong ulit ng amo niya.



"Wala kang mahihita sakin bakla. Di ko talaga sasabihin, bahala ka diyan." pagmamatigas ni Ana.




"Well suit yourself. Malalaman ko rin naman 'yan. One way or another." sabi ni Azel at sumandal sa upuan niya. Kinabahan tuloy si Ana sa sinabi ng amo.




"Sana pala di ko nalang sinabi na may crush ako! Bopols ka talaga Ana Maria! Aghh.." sa isip ni Ana.




******



Kumatok si Ana sa pinto ng amo, may papipirmahan lang. At nakailang katok na siya ay di parin sumasagot ang bakla. Kinabahan naman siya kaya pinihit na niya ang door knob at binuksan ang pinto. Only to find his boss giggling habang may kausap sa phone niya.




"Sus, kaya naman pala! For sure boyfriend niya yang kausap niya. Pinag alala lang pala niya ako sa wala." sa isip ni Ana habang pinagmamasdan ang amo na nakangiting aso.




'Bakit, sinabi niya bang mag alala ka?'



"Shut up brain, you're ruining my mood."




'Anong mood? Bitter mood?'




"Baliw na nga ata ako."




"Yes baby, magkita nalang tayo mamaya. I miss you so much. I love you.." at pagkatapos nun ay binaba na ni Azel ang cellphone at nakita ang sekretarya niyang nakatayo sa may joint door nila.




"Oh Ana, may kailangan ka?" tanong niya.




"So it's Ana now ha?" she thought bitterly. Pero nginitian niya lang ang amo at linapitan ito.




"Yeah, may papipirmahan lang ako." sagot niya at binigay sa amo ang folder. Habang pinipirmahan ni Azel ang mga papers, halata ang saya nito. Joyful ang aura nito, na para bang may nangyaring maganda.




"Ang saya mo ngayon bakla ah?" pambabasag ni Ana sa katahimikan na bumabalot sa kanila. Hindi kasi normal na tahimik si Azel. Usually naman diba, ang ingay nito. Kaya nang tahimik lang ito at nakangiti habang pinipirmahan ang mga papeles, ay parang na bother si Ana.




"Uuwi na kasi si Rolly, at inaya niya akong mag hang out mamaya. Kaya excited na ako." sagot nito at binalik na ang folder.




"Ahh, kaya pala ang saya mo." sabi ni Ana and faked a smile.




"Siyempre naman, boyfriend ko yun eh, love ko yun no. At ikaw kung wala ka nang gagawin, pwede ka nang umuwi." sabi ni Azel na ikinagulat nang husto ni Ana. Simula kasi nung nagkita sila sa orphanage, everyday na siyang hinahatid ni Azel. As in everyday talaga, walang palya.




"Ahh.. Okay, sige, mauna na pala ako sayo kung ganun." sabi ni Ana na tinanguan lamang ni Azel.




Bumalik si Ana sa opisina niya na puno ng lungkot ang puso at halata naman sa mukha. Pero kahit ganun, kumatok ulit siya sa joint door nila upang magpaalam sa amo. At nang di na naman ito sumagot, pumasok nalang siya at nakitang nakatayo ang bakla na nakaharap sa transparent glass wall nito, na kung saan makikita mo ang nasa labas. Narinig niyang tumawa ang amo, malamang yung boyfriend na naman yung kausap niya.




Napalingon ito sa gawi niya so she mouthed the words "Alis na ko." Sinenyasan lamang siya ng amo ng "alis". Di man lang siya kinausap sandali, or nag goodbye man lang. Mukhang etchapwera na ata ngayon ang ating bidang si Ana.




"San po tayo maam?" tanong ng panot na driber.




"Sa SM po manong.." simpleng sagot ni Ana.




Tumango naman ang driber at pinaandar ang radyo nito.




Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin~~




"Wala na bang ibang stasyon diyan manong?" malungkot na may halong inis na tanong ni Ana.




"Pasensya na Maam, wala na po eh. Sira na kasi 'tong radyo ko, kaya itong tanging stasyon lang na ito ang nakukuha." sagot ng driber habang tutok sa pagmamaneho. Di nalang nagsalita pa si Ana, at walang choice na nakinig sa kanta.


Alam kong di mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin
Hahanapin din




Ana blinked her eyes several times, hoping to cast those tears away, preventing them to fall. Kasi feel na feel niyang tutulo na ito any minute.




Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y
Maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon
Kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon




Pinunasan ni Ana ang mga mata at pisngi niya, at pinaypayan ang sarili.




"Dito nalang manong.." mahinang sabi ni Ana sa driver. Itinabi naman nito ang sasakyan kaya nagbayad na si Ana at lumabas na.




"Bwiset naman yung kanta sa radyo ni manong oh! Nakakasenti tuloy!" sa isip ni Ana.




"Ana?!" gulat na aniya ng isang tinig, kaya liningon naman ito ni Ana.




"Oh my gosh! Lenard?!" gulat rin na tugon ni Ana at niyakap ang dating kaibigan.




"It's so nice to see you here." sabi ng lalaki.





"Yeah, you too. Di ka parin pala nagbabago, englisero ka pa din. Di ka ba nag aral ng tagalog?" tugon ni Ana.




"I can speak tagalog now. Pero konti lang." sago ng lalaki na may kakaibang accent nang sinabi ang huling linya.




"Hahaha.. Unbelievable, Lenard Ramirez nagtagalog?" natatawang komento ni Ana.




"Ano nga palang ginagawa mo dito?" pahabol na tanong ni Ana.




"Oh I almost forgot, I'm meeting up with Katie pala!" sagot ng Fil-Am.




"Kayo parin pala? Wow ha.."




"Yup, so I'll go on ahead Ana. It's so nice to see you again." paalam ni Lenard.




"Ikaw din! Bye!" paalam rin ni Ana at tumakbo na papasok ng mall ang dating kaibigan.




Akmang papasok na rin sana si Ana sa mall nang mag ring ang cellphone niya. Inis niyang dinukot ito at tiningnan ang caller. Si Lissa pala, kaibigan niya.




"Oh?" bungad niya sa kaibigan.




"Wow, ang ganda naman ng bati mo sa best friend mong antagal ring di mo nakita." sagot ng sa kabilang linya.




"Ano nagtatampo ka na niyan?" napahinto naman saglit si Ana, naalala niya kasing sinabi rin ito ni Azel sa kaniya.




"Hoy!"




"A..ano?"




"Tsk, di ka ba nakikinig? Ang sabi ko kita tayo sa club malapit sa inyo. Yung Angel's Winx Club?" sabi ni Lissa.




"Bakit dun pa?" takang tanong ni Ana.




"Siyempre para wala kanang lusot. Malapit lang sa inyo yun kaya I'm sure  wala ka nang rason para tumanggi." sagot ng kaibigan. Na nai-imagine ni Ana na nakangiti ito ng nakakaloko.




"Mautak ka rin eh no? Okay fine, anong oras ba?"




"Mamayang six. Maghahanda lang kami." tiningnan naman ni Ana ang relo at nakitang 5:30 na.




"Okay. Pero wait lang, what do you mean by kami?" tanong ulit ni Ana.




"Duh, tangi ka ba? Obviously andito ang barkada. May iba pa ba akong isasama kung ikaw ang kikitain ko?" pabalang na sagot nito.




"Hoy ikaw ha! Di ka parin nagbabago!" pabirong komento ni Ana.




"Kasalanan mo naman eh. Wag ka kasi magtanong ng mga stupid questions na obvious ang sagot."




"Fine fine, tsk. Para ka namang si baka eh"




"What did you say?"




"Ha? Ano, uhmm.. Ang sabi ko dun nalang tayo magkita." palusot ni Ana.




"Okay sige, see you later Ana! We missed you!" paalam ng kaibigan niya, na ikinatuwa naman ni Ana ang sinabi nito sa huli.



******



"Oh my gosh!! Ana?! Is that you?"




"Hindi Seith, imagination mo lang 'to." biro ni Ana.




"Che! Ikaw talaga! Nagmana ka na dito kay Lissa kung maka bara!" sagot naman ng kaibigan.




"Joke lang 'to naman. Halika nga dito." sagot ni Ana at niyakap ang dalaga.




"Gosh girl, gumanda ka na ah? Dati rati maski pagsuklay 'di mo ginagawa! Ngayon may fashion sense ka na rin!" komento ng isa pa niyang kaibigan at inakap rin sya.




"Grabe ka Fe ah? Nagsusuklay naman ako dati, minsanan nga lang." sagot naman ni Ana at nagtawanan ang apat na magkakaibigan.



******



"Grabe ka Seith ang taas mo na ah? Di na kita ma reach!" komento ni Ana nang malaman niyang fashion designer na pala ang bruha. At may apat na branch na ito ng botique.




"Siyempre, ganyan talaga pag magaganda!" at nagtawanan ulit sila.



"Ikaw ba Fe nagtatrabaho ka parin ba dun sa realestate agency na pinapasukan mo dati?" usisa ni Ana.




"Oo naman, mag li-limang taon na nga ako dun eh, gusto ko naman kasi yung trabaho ko dun." sagot nito.




"Ang trabaho ba talaga ang gusto? O ang manager niyo?" biro ni Lissa at mas lumakas pa tawanan ng magbabarkada habang tinutukso si Fe. Di naman mapigilang mamula ng huli.




"Walang poreber uy!" hirit ni Lissa.




"Anyway, ikaw ba Lissa 'di ka parin ba naka get over dun sa ex mo? Bitter ka parin hanggang ngayon eh!" biro ni Ana.




"Pero balita ko may gusto daw sayo yung isang doctor dun sa hospital na pinagta-trabahuan mo ah?" panunuksong tanong ni Fe kay Lissa.




"At san niyo naman nakuha yang tsismis na 'yan aber?" inis na tanong ni Lissa.




"Sa tabi tabi lang.."




"Teka, wala ka atang sinasabi saming ganyan Lissa ah? Totoo ba yan? Naku babae ka, wag kang maglilihim samin ah?" tanong naman ni Seith.




"Hindi naman kasi totoo yun no! Wag kasi kayong magpapaniwala sa mga tsimis!" sagot ni Lissa at ininom ang natitirang laman ng The Bar sa baso niya.




"Ikaw Ana? Kamusta ka na? Matagal ka na ring di nakikipag chat samin ah? Mga messages nalang namin dun ang kadalasang makikita dun sa group chat natin eh.." tanong ni Fe.




"Oo nga, at ang huling nakita kong update sa status mo eh yung kumakain ka sa McDo." singit naman ni Lissa.




"Natatandaan ko pa nga yung caption mo dun eh, and I quote "The last time I went here, I was with myself, relaxing after a very long interview.. And now, I'm with him." May heart emoticon pa yun sa dulo ah. Di pa tapos, sa may dulo mayroon pang " Here @McDo, with someone." The question is, who is that someone?" dagdag pa ni Seith, napunta tuloy ang atensiyon ng tatlong kaibigan sa kaniya.




"Ano ba 'to! Na hot seat tuloy ako!" sa isip ni Ana.




"Saglit lang, oorder lang ulit ako ng iced tea ah?" at mabilis pa sa alas kwatrong lumabas si Ana sa room nila at pumunta sa may counter upang umorder.




"Kuya, iced tea nga po." pormal na sabi ni Ana.




"Uy pogi! May water ba kayo? Penge naman oh? Kailangan lang ng friend ko.." aniya ng isang tinig na parang nagmamadali. At pamilyar ito kay Ana kaya binaling niya ang tingin sa katabi nito. Laking gulat niya nang makitang si Sherley pala ito.




"Sherley! Ikaw pala 'yan!" gulat na sabi ni Ana.




"Uy teh ikaw pala 'yan!" tugon naman ng bakla.




"Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong pa nito.




"Hang out lang, with my friends. Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" sagot at pabalik na tanong ni Ana.




"Hindi mo ba alam?"




"Ha? Anong hindi ko alam?" takang tanong ni Ana.




"Nag break na si Mars at nang boyfriend niya. Kaya andito kami ngayon, nagpapakalasing kasi yung bakla eh.." sagot ni Sherley.




"Ito na po yung water maam.."




"Sige teh, una na ko sayo ah?" paalam ng bakla at umalis na. Habang si Ana ay di naman makapaniwala sa balitang narinig.




--------------------------





[a/n: This is the longest chapter yet! 2,600 words! Can you believe it? Haha.. Maraming salamat po sa mga boto! Dagdagan na rin po natin ng comments ano po? Hehe, see you next chapter!]







Continue Reading

You'll Also Like

393K 22.4K 41
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
2.3M 135K 45
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.9M 107K 89
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
777K 21.9K 61
"Real lifeမှာ စကေးကြမ်းလွန်းတဲ့ စနိုက်ကြော်ဆိုတာမရှိဘူး ပျော်ဝင်သွားတဲ့ယောကျာ်းဆိုတာပဲရှိတယ်" "ခေါင်းလေးပဲညိတ်ပေး Bae မင်းငြီးငွေ့ရလောက်အောင်အထိ ငါချ...