Crush Kita Konti Lang

By asherinakenza

2.6M 50.8K 3K

High school life More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Finale
Epilogue

28

44.4K 857 49
By asherinakenza

Chapter 28

 

Lumipas ang araw na palagi kong iniiwasan na makita ni Shane na kasama ko si Stan, mahirap na baka mamaya mabiktima nanaman ako nung ‘isang selos kapalit ng isang halik’ kuno niya.

“Kumpleto na ba?! Wala ng kulang?” Tanong ni Tita A. Tour kasi namin ngayon sa Baguio alas dose na ng gabi kaya naman dadating siguro kami sa Baguio ng mga 6am.

Nakapunta na naman ako ng Baguio kaya lang 10 years old pa ako non, kasama ko si Papa at si Tita Marie, ipinasyal nila ako. Nakakamiss nga eh.

“Pringles?” Alok ni Shane, katabi ko siya ngayon dito sa bus, paano ba naman siya ang nag ayos ng seating arrangement ng klase namin, ang nangyari? Yung upuan lang naming dalawa ang inayos niya, tapos yung sa mga kaklase namin pinabayaan na niya, ang adik talaga niya. Sa bandang gitna kami nakaupo sa kaliwa para daw safe. Ganun daw yun eh pagsasakay ka daw ng bus kailangan sa linya ng driver ka uupo para kung sakaling may mangyari daw hindi ganun kalala.

 

 

“Sige lang Shane..” Nakangiting sabi ko sakanya, maya maya pa umandar na yung bus namin kaya naman nagsigawan na ang lahat. Karamihan din naman sa mga kaklase ko nakapunta na sa Baguio, ang habol  nalang nila eh yung picture kasama ang mga kaibigan nila saka yung dagdag na points sa exam. Sigurado ako malamig ngayon sa Baguio dahil December na ngayon.

“Nakapunta ka na rin sa Baguio diba Shane?” Tanong ko sakanya, tumango tango siya habang kumakain nung Pringles.

“Matagal na. 10 years old yata ako non.” Kwento niya.

“Hala! Pareho tayo Shane!” Sigaw ko.

“Abhie?! Gusto mo ng chocolate?” Alok ni  Stan na nakaupo lang sa likuran namin.


“Sala—“ Natigilan ako ng abutan ako ni Shane ng chocolate.

“Ehem!!” Sigaw ni Elle, na nakaupo naman sa harapan namin, nakadungaw siya sa  may sandalan ng upuan niya.

“Akin nalang yan Stan! Salamat!!” Sigaw ni Elle saka inagaw yung chocolate ni  Stan.. Tinignan ko naman si Stan, malungkot yung itsura niya kaya naman inilahad ko yung kamay ko na para bang humihingi ako. Ngumiti siya at binigyan ako.

“Thank you Stan.” Nakangiting sabi ko, tumango siya  at bumalik na siya sa pagkakaupo  niya.

Tinignan ako ni Shane.

“Bakit?”

“Wala.” Walang ganang sagot niya saka tinakpan yung Pringles na kinakain niya.

“Bakit nga?”

“Nung inalok kita ng Pringles hindi mo tinanggap.” Pagtatampo niya, hala ang cute ni Shane! Hahaha!

“Nagseselos ka?” Pang aasar ko sakanya.

“H’wag mo akong subukan Abhie. Alam mo ang gagawin ko kapag nagselos ako.” Napalunok ako dahil sobrang seryoso ng boses niya, uminom siya ng tubig at kitang kita ko ang paglunok niya. Shete talaga. Tumingin nalang ako sa bintana para maiba naman. Masyadong gwapo si Shane sa paningin ko.

“Abhie..” Parang may tumatawag saakin.. “Abhie..nandito na tayo..” Niyugyog pa nito ang braso ko..

“Halikan mo na kaya baka sakaling magising..”

“Sira ulo ka Elle.”

“Sus..hinalikan mo na nga yan sa gilid ng lips niya diba?”

“Gising siya non Elle. Ayokong halikan ng tulog si Abhie.”

“Wushu..ABHIEEEE!!!!” Para naman akong napabalikwas ng upo! Inilibot ko ang paningin ko sa bus wala na yung ibang kaklase namin, si Elle at Shane nalang ang nandito pati ako.

“Bakit hindi niyo ako ginising?!” Sigaw ko.

“Kanina ka pa namin ginigising. Hahalikan ka na nga dapat nitong si Shane para magising ka.” Pakiramdam ko nag init ang mukha ko!

“Nasaan na sila?!” Pag iiba ko  ng usapan.

“Nasa baba na, tara na tayo nalang ang nandito..” Yaya ni Elle.

Inayos ko muna ang buhok ko  at kinuha ko yung camera,wallet at cellphone ko. Pagbaba namin sa bus nagkakagulo na yung mga kaklase ko sa kakapicture.

“Let’s go.” Hinila ni Shane ang kamay  ko, nandito kami ngayon sa Mines View Park.. Nakatingin lang saamin si Stan, nginitian naman niya ako at kinawayan, kasama niya yung ibang kaklase kong lalaki.

Naglakad pa kami pababa ni  Shane at hinila ko siya dun sa asong malaki, iba na ngayon yung aso, hindi na siya yung aso na nilapitan namin noon ni Papa.

“Ma’am! 50 pesos lang po per person! Tapos dalawang shots na!” Sabi nung lalaking may ari  yata sa aso. Umupo ako at hinimas ko ang balahibo nung aso  grabe ang lambot ng buhok nito.

“Shane! Papicture tayo?” Yaya ko sakanya.

“Ikaw nalang pipicturan kita.” Sabi niya, tumango ako, magbabayad na sana ako  pero inunahan niya ako, sinampa nung aso yung dalawang paa niya sa hita  ko kaya naman napasigaw ako!  Narinig ko naman ang paghalakhak ni Shane na ngayon ay hawak hawak ang camera niya at kinukuhanan ako.

“Anong pangalan ng aso mo Kuya?” Tanong ko dun sa may ari ng aso..

“Bernard.” Sagot saakin nung may ari.

Tumayo na ako at nagpaalam na ako dun sa cute na aso!

“Bakit ayaw mo?” Tanong ko kay Shane..

“Wala lang.”

 

Nauuna na akong maglakad, tawa nga ako ng tawa kasi walang ginawa si Shane kundi ang kuhanan ako ng picture, puro mukha ko na yata ang laman ng camera  niya!

Sumakay  din ako dun sa kabayo  na kulay  pink ang buhok at syempre! Kinuhanan nanaman ako ni Shane ng picture, naglakad pa ulit kami hanggang makarating kami sa dulo ng park, napangiti ako ng matanaw  ko yung bundok..Grabe lang yung fog ngayon dito sa Baguio ang kapal..

Tumingin ako sakanya at napangiti ako ng mapansin kong kinukuhanan niya pa rin ako.

“Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?” Natatawang tanong ko sakanya, ngumisi siya.

“Hindi. Hindi ka naman kasawa sawang titigan.”

“Baliw ka talaga.”

“Sayo.”

Tinawanan ko lang siya, maya maya pa nagkayayaan na ulit kaming maglakad pabalik. Pumasok kami sa shop ng Cordillera World, madaming mga Sto.Nino doon, saka mga souvenirs..

Napatingin ako dun sa dalawang bracelet na magkatabi, parehong kulay black.

“Ma’am friendship bracelet po  yan.. Madaming nagsasabi na kapag bumili ka niyan habang buhay mo ng makakasama yung taong pagbibigyan mo niyan.. Parang bestfriend forever!” Natawa naman ako dun sa babae. Bibili na sana ako pero nagsalit si Shane.

“Bestfriend forever? Psh..” Masungit na sabi niya.

“Bakit ba? Dali na bili na tayo ibigay mo kay Stan yung isa para naman maging friends na kayo!” Pang aasar ko sakanya..

Pero tinitigan niya lang ako, nakakatuwa talaga siya!

“Sige Miss bibilin ko ‘to.” Nakangiting sabi ko dun sa babae, ibibigay ko yung isa kay Syril, kahit hindi kami magbestfriend gusto ko pa rin siyang maging kaibigan habang buhay noh!

Pagkatapos naming bumili bumalik na kami sa bus dahil narinig nanamin yung pagpito ni Mr.K, kanya kanyang takbuhan kami! Ang susunod naming pupuntahan yung Botanical Garden, 10 minutes lang daw ang biyahe.

Pagkarating namin don magpapicture sana ako dun sa mga igorot kaya lang namahalan ako sa bayad! 100 pesos isang tao!! Grabe, kaya ayon patago ko nalang silang kinunan.. Ang ganda lang ng mga puno dito, tuma-twilight lang ang peg!

Napansin ko  naman na panay ang kuha ni Shane sa mga puno.

“Huy! Baka mamaya kung anong makuhanan mo diyan!” Pananakot ko sakanya.

“Multo ba Abhie? Sabi nga nila marami daw dito, lalo na dun sa tutulugan natin mamaya. Sa Teacher’s Camp? Sobrang dami daw multo dun..may mga nagsasabi pa nga tuwing gabi daw may naglalakad daw sa hallway ng mga kwarto, tapos sa bintana may lumulutang na babaeng nakaputi..” Nakangising kwento niya, para namang nagtayuan ang balahibo  ko.

“Sus! Kanino mo naman nalaman yan!” Pilit kong tinarayan ang boses ko kahit na medyo natatakot  na ako, dun kasi kami matutulog mamaya ng buong klase.

“Sa internet.. Saka sa libro, yung true phillipines ghost stories? Karamihan dun tungkol sa Teacher’s Camp, saka—“

“Shane!!!!” Sigaw ko sakanya!

“Hahaha! Ikaw ‘tong nanakot tapos ikaw din ang matatakot.” Bulyaw niya saakin, inirapan ko lang siya..  Umupo ako dun sa may bakal, medyo sumasakit  na rin kasi ang paa ko..

“Shane? Picture tayo..”Yaya ko sakanya. Wala pa kasi kaming picture na magkasama.

“Tayong dalawa?” Tanong niya.

“Hindi kami ng anino  mo.”

“Pilosopo.”

Lumapit siya saakin at inilabas niya yung cellphone niya.

“Eto nalang camera ko!” Sabi ko sakanya, wala pa kasing picture yung camera ko! Ay meron pala! Yung mga igorot kinuhanan ko  kanina ng patago.

Pero hindi niya ako  pinansin,  nakaset na yung camera niya at itinaas niya yon para makuhanan kaming dalawa, nakatayo siya ako  naman nakaupo, napangiti ako ng makita kong ngiting ngiti siya dun sa camera!

“Abhie! Shane!! Kumain muna tayo ng lunch! Naglatag kami ng blanket dito!” Yaya ni Elle saamin, nandun din si Stan!

Hinila ko na si Shane para naman makakain na kami, medyo gutom na rin ako dahil pag gagala namin..

“Kagaya ng usapan natin may dala akong ulam at kanin!” Excited na sigaw ni Elle saka binuksan yung mga pagkain, grabe ang dami niyang dala.

“Kain na!!” Sigaw ulit ni Elle..

Nagsimula na kaming kumain..

“Abhie, pwede tayo namang dalawa ang magkasama?” Paalam ni Stan.

“May kasama na siya.” Masungit na sabat ni  Shane.

“Sorry pare hindi ikaw ang kausap ko.”

“Masanay ka na pre, ako at  ako lang ang sasagot sa mga suhestiyon mo kay Abhie.”

“Bakit boyfriend ka ba niya?!”

****

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 52.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
621K 13.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
112K 3.1K 24
CROSSROADS SERIES #1 *** Para sa mga manglalakbay ito iyong tipong na stuck ka sa intersection and you have to choose whether you have to take the ri...
28.3K 956 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...