Tik.tok. tik.tok.
Ugh. Nakakainis talaga sya! Akala nya talaga kina pogi nya yung pagiging late nya.
''Denden!''
Tawag sakin ng boyfriend kong si Alex.
Nakakunot nuo ko syang tinignan. Humahangos naman syang umupo sa tabi ko.
''Pasensya kana Denise, alam mo naman na may report kaming kailangan tapusin diba?''
Pagpapaliwanag nya. Oo nga pala, graduating na kasi sila kaya madami silang kailangang report na ipasa para maka pasa.
Naiintindihan kong may report sya at busy sya, kaya lang pwede naman sya mag text manlang diba?
''May load ka ba?'' Tanong ko sakanya.
''Meron. Bakit?'' Tanong nya pabalik.
''Bat di ka manlang nag text?'' Tanong ko ulit.
''Sorry na. Sorry na Denden. I love you.'' Pang susuyo nya saakin.
''I love you too.'' Sagot ko sabay halik sakanya.
Mahal na mahal ko talaga si Alex. Sobrang swerte ko sakanya, kahit na ako yung mali sya palagi yung nag so-sorry. Pag nag a-away kami, sya palagi yung gumagawa ng paraan para mag ka bati kami. Pag nag se selos ako, imbis na magalit sya, iniintindi nya ako at nilalambing.
Matalino kasi si Alex. Hindi sya ganun ka gwapo, hindi din naman sya panget. Matangkad sya, moreno, at may bilugan ngunit mahabang mata. Sikat sya sa school namin at madami din nag kaka gusto sakanya.
Ako? Hindi ako sikat. Ordinaryong estudyante lamang. Sabi nila cute daw ako. Petite, singkit na mata, malaking pisngi, maputi, at may mahabang buhok.
4th year high school na si Alex samantalang 3rd year naman ako. Hindi talaga kami close. Nag kakilala lang kami sa journal. Sports writer sya ng English habang ako naman ay news writer ng English din.
Nag kasama kami ng lumaban kami sa ibang school. Dun kami naging close, hanggang sa mag tapat sya saakin at ligawan nya ako.
2nd year sya nun samantalang ako naman ay nasa 1st year. Alam kong masyadong maaga para sa edad ko nun ang mag karoon ng nobyo pero hindi ko na inintindi pa yun dahil sa pag ka gusto ko kay Alex.
Akala ko pag naging kami ay mababawasan na ang mga tiga hanga nya. Pero nag kamali ako dahil marami pa din nag la-lakas na loob na lumapit at landiin sya.
Masyado kasing mabait si Alex. Kahit na naiinis na sya sayo, hindi ka pa din nya pakikitaan ng masama. Lalo na sa mga babae. At nang dahil dun, naging selosa ako.
Pag may lumalandi sakanya, ine-explain nya na may girlfriend na sya. Pero dahil nga masyadong mabait ang pakikitungo nya ay hindi pa din sya tinitigilan ng mga ito, ayaw pa din sumuko.
Yun ang madalas namin pag awayan. Pero hindi din nag tatagal dahil nilalambing nya agad ako. At dahil mahal na mahal ko sya ay humuhupa na agad ang selos ko.
Bago kami umuwi ay nag date kami. Nanood ng movie, nag arcade, kumain sa favorite fast food chain namin. Pagkatapos nun hinatid nya na ako pauwi.
Sobrang saya ko talaga pag kasama ko sya. Wala na akong hihilingin pa.
***
Maagang natapos ang class ko kaya naman na pag pasyahan kong puntahan si Alex sa room nila.
Pag pasok na pag pasok ko sinalubong kaagad ako ng kaklasse ni Alex at binulungan.
''Uy, pwede pumasok pero bawal muna mag ingay ah? Nag sh-shooting kasi kami para sa performance task namin e.'' Sabi ng classmate ni Alex sabay kuha ng upuan.
''Upo ka muna. '' Mahina nyang sabi sabay takbo para isara ang pinto.
Hinanap ng mata ko si Alex.
Pero wala sya.
Huh? imposible naman na mag cutting yun. Kasali yun sa student council e.
Napatingin naman ako sa babae't lalakeng mag ka holding hands habang nag bubulungan.
Napatingin naman ako sa lalake.
T-teka.. si Alex to ah?
May ka holding hands sya.
M-miley?
Si Miley. Sikat sya kasi malandi sya. Oo, literal na malandi na kahit teacher ay pinapatulan nya. At hindi din lingid sa kaalaman ko na may gusto sya kay Alex.
Naka ngiti sila ng bahagya sa isa't isa habang nag bubulungan.
Ang lapit nila sa isa't isa.
Alam kong acting lang to' pero ayoko. Bukod sakin ayokong may ibang kalapit ng ganito si Alex. Ayoko! Dahil alam kong may posibilidad na maagaw sya sakin ni Miley.
Maganda si Miley. At malandi.
Pano pag nahulog ang loob nya kay Miley?
Hindi. Ayoko. Akin lang si Alex. Ganun ko sya ka mahal. Iisipin ko pa lang na mahuhulog sya iba ay nasasaktan na ako. Pano pa kaya kapag nangyare na?
Naiyak nalang ako sa sobrang selos at umalis.
Pag ka tayo ko ay hindi sinasadyang sumabit ang paa ko sa arm chair na inuupuan ko kaya naman nadapa ako.
"Denise okay ka lang?"
Pero hindi ko sila nilingon at pinansin. Dire-diresto akong nilisan ang silid nila at tumakbo.
''Denden!'' Tawag sakin ni Alex.
Pero di ako tumigil, tumakbo ako hanggang sa maka rating kami sa likod ng school. Kung saan walang tao.
''Denden please, makinig ka. Play lang yun. Para sa performance task namin.'' Pag papaliwanag nya.
Umiiyak ako. Hindi ako galit pero nag seselos ako ng sobra.
"Pero alam mo naman na may gusto sayo si Miley diba? Bakit kailangan mong dumikit ng ganun sakanya? Bakit yung malandi na yun pa?!"
Alam kong ako ang girlfriend nya pero selosa ako. Sobra. Ayokong nahahawakan si Alex. Hindi ko alam pero ganun ko sya ka mahal.
"Denise please listen. You know that I love you right? At kahit na mag hubad pa sya sa harap ko ay wala akong paki alam cause you're the one that I love. So please stop being jealous."
"Pero alam mo naman na selosa ako diba?! Kahit na performance task lang yan wala akong pake alam! I don't want you with her end of the story!"
Naluluha na ako sa selos. Para akong baliw ngayon. Parang batang inagawan ng candy.
Di ko sya nililingon. Di ako tumitingin sakanya. Kasi gusto ko, gusto ko yakapin nya ako't suyuin gaya ng lagi nyang ginagawa.
Kahit na ako ang mali palagi, sinusuyo nya ako. Kahit na dapat ako yung mag sorry, para matapos na yung away sya yung nag so-sorry.
Kagaya ng gusto kong mangyare, niyakap nya ako mula sa likuran at hinalikan ang pisngi ko.
''Denden ko, mahal na mahal kita. Sorry na?'' Sabi nya.
Pinipigilan ko yung ngiti ko. Gusto ko syang takutin, gusto kong lalo nya pa akong suyuin at lambingin.
''Ayoko. Break na tayo.'' Sabi ko.
Bumitaw sya at sinabing. ''Ganyan ka e, sige mag break na tayo.''
Di ko inaasahan ang sagot nya.
Di ko na kinaya at napa upo nalang ako sa sahig. Napahagulgol.
Ang sakit. Sobra.
Pero nagulat ako, nagulat ako nung hinalikan nya ako sa labi, pag katapos niyakap nya ako sabay sabing
''Break na tayo. Just kidding! Mahal na mahal kaya kita.''
Kringgggg
4:32
Nag mulat ako ng may luha sa mga mata.
Panaginip lang pala
Paulit ulit kitang napapaginipan Alex. Pa ulit ulit akong nag sisisi sa ginawa ko kaya naman hangang sa pag tulog iniisip ko yung gusto kong mangyare, na sana, sana ganyan nalang yung nangyare, na sana joke nalang na break na tayo.
Kaya lang palagi akong nagigising.
Nagigising sa katotohanan na wala na talaga tayo. Matagal na.
Muling nag balik sa isipan ko ang tunay na nangyare nuon.
''Ayoko. Break na tayo.''
''Alam mo Denden?! I'm tired of this relationship! Sawang sawa na ako suyuiin ka! palagi na lang ako yung umiintindi, nakaka pagod na! Kaya sige kung yan ang gusto mo mag break na tayo!''
Sana, sana ito nalang yung naging panaginip ko, sana hindi nalang ito yung tunay na nangyare.
Sana, sana panaginip nalang ang lahat ng ito.