Teach Me, Teacher (Teach Me S...

By johniumbi

1.2M 11.9K 1.2K

NOTE: SPG/R-18 Teacher ko mahal ko. Meet Abby, ang bored na estudyante palaging kasama ang mga lalaki. Pero n... More

Teach Me, Teacher
Prologue
Teaser
TM-Teacher 1
TM-Teacher 2
TM-Teacher 3
TM-Teacher 4
TM-Teacher 5
TM-Teacher 6.1
TM-Teacher 6.2
TM-Teacher 7
TM-Teacher 8
TM-Teacher 9
TM-Teacher 10
TM-Teacher 11
TM-Teacher 12
TM-Teacher 13
TM-Teacher 15
TM-Teacher 16
TM-Teacher 17
TM-Teacher 18
TM-Teacher 19
TM-Teacher 20
TM-Teacher 21
TM-Teacher 22
TM-Teacher 23
TM-Teacher 24
TM-Teacher 25
TM-Teacher 26
TM-Teacher 27
TM-Teacher 28
TM-Teacher 29
TM-Teacher 30
TM-Teacher 31
TM-Teacher 32
TM-Teacher 33
TM-Teacher 34
TM-Teacher 35
TM-Teacher 36
TM-Teacher 37
TM-Teacher 38
TM-Teacher 39
TM-Teacher 40
TM-Teacher 41
TM-Teacher 42
TM-Teacher 43
TM-Teacher 44
TM-Teacher 45
Epilogue
Thank You: An Author's Note

TM-Teacher 14

19.9K 205 23
By johniumbi

~Pulling me Closer~

|Abby's POV|

Naglalakad na kami ni Aryh at kahit nakasaklay ako gusto ko na nasasanay ko pa din ang paa ko kahit na may sugat ako.

"Ah!"

tapos nanakit ang sugat ko sa kanang talampakan ko.

"Okay ka lang? Magsabi ka, beshie."

"Kanina ka pa, bes. Oo na po."

sabi ko sa kanya.

Nakita ko si Derry. Naglalakad magisa parang nasa buwan ang lakad niya at nag-iisa siya. Dala-dala niya ang bag niya. Nakita ko naman si Aryh nagse-selfie pati ako ay dinamay sa kaikikan niya.

"Beshie, selfie tayo. 1,2,3"

sabay tap niya sa camera ng Iphone niya pero di ako nakatingin sa camera kundi kay Derry. Kahapon kasi ang sungit-sungit niya. Dinaig ang babaeng may red point sa kasungitan. Tapos ngayon parang ang lungkot niya.

Agad naman ako napatingin sa nagaalburuto na si Aryh.

"Beshie, kung saan-saan ka kasi nakatingin. 'Yan tuloy ang chaka ng kuha natin."

pag-iinarte ni Aryh sa kuha niyang litrato naming dalawa.

"Bes, anong problema ni Sir. Derry? Ang lungkot niya these past few days."

sabj ko sa kay Aryh na napatigil sa pagce-cellphone at ningisian niya ako.

"Ayie! 'Yung isa dito oh! Nag-aalala kay Sir."

sabay halaklak ni Aryh sa akin na para bang nangangasar sa akin.

"Tignan mo kaya siya oh!"

sabay turo ko kay Sir. Derry na malapit na sa entrance gate ng BSU.

"Siguro dahil sa iyo."

"BAKIT? I mean, bakit ako 'yun dahilan?"

tanong ko sa kanya.

"Aba'y ewan ko. Ang alam ko lang ay mahuhuli na tayo sa klase niya."

Tapos inalalayan na ako ni Aryh para medyo mabilis ang paglakad namin at di kami mahuli sa klase niya.

|Derry's POV|

Nagising ako ng maaga. Parang walang buhay akong bumangon sa kama. Dahil siguro kailangan ko na namang iwasan si Abby. At 'yon ang pinakamahirap na gawin sa lahat.

One Message Received.

From: 09111213141

Do you miss me?

Tinapon ko lang 'yung cellphone ko sa kama ko. At agad akong sumugod sa banyo para maligo. Sigurado isa sa mga babaeng nakama ko lang ang nagtext sa aking ngayon.

Nagbihis na ako ng blue polo at pantalon tsaka black shoes tapos kumain na lang ako sa carinderia na katapat lang nang building namin kung saan nakatayo ang condo ko.

Saglit lang lakarin ang school mula sa condo ko. It consumes 20 minutes? of my life. Pero sa bagal kong maglakad halos isang oras na akong naglalakad.

Nakita ko si Abby na nakikipag-selfie kay Aryh. Nakangiti siya kaya agad kong binaling sa paglalakad ang tingin ko. Mas lalo akong nalungkot pero kailangan kong maging masaya kasi masaya din siya.

Pumasok na ako kaagad sa room. At pinaskil ko na sa pisara 'yong mga kagamitang biswal ko sa pagtuturo.

"Magandang Araw--"

"Paumanhin sa inyo mga kaklase at Ginoong Bartolome kami'y nahuli. Hindi na mauulit!"

sabi nila nang sabay ni Aryh at ni Abby.

"Sa susunod magising nang maaga. Maliwanag?"

"Opo!"

Agad nilang sagot sa akin.

"Magandang Umaga muli."

sabi ko.

"Magandang Umaga! Ginoong Bartolome!"

sabi nila. Nakita ko naman nakaupong bumati si Abby sa akin.

"May paggalang ka ba sa akin, Binibining Constantine."

"Ah! Eh! Sir, kasi 'yong paa ko po may suga--"

alibay niya sa akin.

"Huwag ka nang magdahilan. Maupo na kayo."

sabi ko sa kanya.

"Maraming Salamat po!"

sabi ng klase ko.

"Buksan na ang modyul sa Filipino sa pahina 48. Ano ba para sa inyo ang depinisyon ng pangungusap?"

tanong ko sa klase ko. Madaming nagtaas nang kamay upang sumagot sa tanong ko pero nakatitig lang si Abby sa modyul at nakayuko.

"Sige, Trinidad. Ano ang pangungusap sa sarili mong depinisyon?"

|Abby's POV|

"Grabe naman talaga siya sa iyo, beshie."

sabi ni Aryh.

"Mahal kita, Abby kaya kailangan kong gawin ito."

Napatunayan ko na hindi siya 'yon pero kung hindi siya. Sino?

"Good Morning! Im here to call Ms. Constantine. Is she here?"

Tumungo naman ang buong klase sabay turo sa akin na nagkukunwaring nagbabasa nang libro kahit hindi ko naman kailangan magbasa.

"Ms. Constantine, give this papers to Mr. Bartolome."

sabi ni Madame Katakutan sa akin. At agad siyang umalis sa room.

Pinuntahan ko naman ang Faculty Office nang Filipino Department. Sakto medyo nakabukas na ang pinto. Paglapit ko sa tapat ng pinto ay naisipan kong kumatok baka ibunton na naman sa akin ni Derry na wala akong galang sa kanya.

"Kailangan ko gawin ito para sa--"

"Oh! Abbigail. Ano ginagawa mo sa Department Building?"

Pinigilan naman ako ni Ms. Reign isang Filipino Teacher din.

"Pakibagay na lang Miss kay Sir. Derry itong papers. Salamat po."

sabi ko kay Miss Reign at agad akong sumakay ng elevator.

"ABBY, DI SIYA 'YUN. PWEDE BA? HINDI SIYA 'YUNG NAGSABI NUN. MALIWANAG?"

Nang makababa ako sa elevator ay sinalubong ako ni Aryh.

"Kanina pa kita inaantay? Oh? Kamusta naman ang pagpunta mo doon?"

Mga tanong sa akin ni Aryh.

"Ang dami mong tanong. Okay lang naman tsaka si Miss Reign na ang nag-abot kay Derry ng papers."

sabi ko sa kanya.

"Ganun ba? Nga pala ito 'yong mga papers na sasagutin mo sa Health at PE. Hindi ka naman kasi ngayon makakapasok. So free ka ng 2 hours today."

sabi ni Aryh sa akin.

Sinamahan naman ako at inalalayan ako ni Aryh papunta sa room. Pagkatapos niya akong inihatid sa room namin ay nagpaalam na siya sa akin.

"Okay ka lang ba dito na mag-isa?"

pag-aalalang tanong sa akin ni Aryh habang inalalayan niya ako makaupo sa upuan ko.

"Hindi ka pa nasanay sa akin. Syempre kaya ko mag-isa dito. Pumasok ka na sa MAPEH at magpalit ka na ng PE sa locker room. Kaya ko na 'to."

sabi ko sa kanya.

"Ingat ka. Mauna na ako."

tapos umalis na siya.

Inayos ko naman ang upo ko tapos inayos ko din 'yong saklay ko na nakasandal sa pader. Tapos nilagay ko sa bag 'yong papers na pinapasagutan sa akin ni Mr. Kantero.

"Ah~"

nahikab ako sa pagod kaya naiglip ako.

|Derry's POV|

May nilapag na papers si Reign sa table ko.

"Para kang tanga na nagsasalita kanina. Buti na lang di ka narinig ni Abbigail Constantine."

"ANO?! Nasaan siya?"

dali-dali akong lumabas ng Filipino Department Room pero nakita ko sa elevator na bumababa na iyon. Sana di na lang niya narinig 'yong sinabi ko.

"Ano na? May klase pa ako maiwan na kita diyan."

sabi niya tapos iniwan na niya ako.

Pinuntahan ko 'yong room nila Abby dahil ire-rekord ko na sa aking grading sheets 'yong mga activity ng group nila dahil isa siya sa mga lider.

"Si Abbigail?"

tanong ko kay Aryh na nasalubong ko sa daan.

"Ah Sir nasa room po kasi nagpapahinga."

sabi ni Aryh.

Pagkarating ko sa room nila ay nakita ko na mahimbing ang tulog niya. Pagod na pagod sa mga school works siguro 'to. Nilapitan ko siya at tinignan ko ang natutulog niyang mukha.

"Ang ganda mo talaga."

tapos nakita ko na parang nagigising na siya.

|Abby's POV|

May narinig akong nagsasalita at boses lalaki kaya nagising ako bigla.

Nagulat naman ako kung sino ngayon ang nasa harap ko. Si Derry.

"Oh?! Sir. May kailangan pa po ba kayo?"

"Ire-rekord ko lang 'yong grades ng group niyo."

Kinuha ko 'yong grading notebook kung saan ko isinusulat 'yong grades ng grupo namin. Pagka-abot ko sa kanya nun ay agad na siyang nagsulat.

"Nakita ka ni Miss Reign kanina sa labas ng Filipino Department. Ano ba ginagawa mo doon?"

tanong niya sa akin.

"Inutusan po kasi ako ni Miss Katakutan na ibigay sa inyo 'yong mga papers. Natanggap niyo po ba?"

sabi ko sa kanya.

"May narinig ka ba kanina?"

tanong niya sa akin. Tapos naalala ko 'yong narinig ko kanina.

"Kailangan ko gawin ito para sa--"

"Uhm, wala po."

sagot ko sa kanya. Tapos muli niyang binalik sa akin ang notebook ko.

"Talaga?"

"Opo. Sige po magpapahinga na--"

Hinatak niya ang braso ko. Naramdaman ko 'yong kaliwa niyang kamay sa likod ng ulo ko upang maitulak ako papalapit sa kanya. Tapos walang ano-ano ay hinalikan niya ako.

AUTHOR'S NOTE:

HOHO~

Kailangan kong gawin ito.

Ang halikan ka.

Abangan sa susunod na update ang kailangang gawin ni Derry.

Mga comment niyo ang nagpapagana sa aking mag-UD.

Salamat! Mga Loyal Readers!

Hi, Shanang_da_manang
Thank you for commenting in this part and for a small here's my dedication for you. Sana ituloy-tuloy mo lang ang pagsuporta and be a fan! Thank you, love lots!

Kuya J / King J

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 29.6K 22
What if mainlove ka sa lalaking mas malambot, mas maarte, mas malandi at mas magaling magmake-up kesa sayo?
1.5M 27.5K 41
I'm happy with my life. I can't ask for anything. I'm happy with my brother. We grew up together. And he's everything I have. If only We're related t...
1M 28.7K 31
Swift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)
3.9K 141 5
Hidden Series 02 R18|| MATURED CONTENT GayXGirl Sorn and Crayne