Last Wish

By missashky

446 9 5

If you are given the chance to make a wish...what would it be? More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3

Chapter 4

15 0 0
By missashky


Chapter 4


[Next day]


"Mama bat andaming pagkain? may okasyon ba?" Nagisip-isip ako.


Natawa lang si mama. 

"Ayusin mo yang sarili mo at may bisita tayo."


"Ha? Sino?"


"Basta, mag-ayos ka na."

at tinulak-tulak nya ako papuntang hagdan.

Pagkalingo ko naman sa hagdan ay nakita kong pababa si kuya.


"KUYA! magbihis ka daw. May bisita tayo."

Bakas naman sa mukha nya ang pagkagulat. Sinigawan ko kasi sya eh. Hahaha!


"Ha? Sino?"


"Ewan! sabi lang ni mama eh." Nung malampasan ko siya... "Baka si...ate Ca--"


"HOY MALIGO KA ANG BAHO MO!" tapos naglakad na sya papunta sa kwarto nya.

At ganun na rin ako. Naligo at nagbihis.

Narinig ko na may pumasok na ng gate. Kaya agad akong bumaba para makita kung sino ang bisita.


O___O


"MARIS??"


"ATE GAB!!"


Agad kong niyakap ang pinsan ko. Matagal na kaming hindi nagkita. 4 years ang gap namin. It was 5 years ago nung bumisita sila dito sandali ng pamilya nya.


"A-anong ginagawa mo dito? Ikaw lang" tanong ko.


"Oo eh. Nasa Ilocos sila mama." 


"Sayang naman. Kumain ka na ba?"


"Hmm medyo. Pero nagugutom na rin ako eh. Haha!"


"Halina kayo at marami akong niluto."


--


Habang kumakain kami nagchichikahan kami.


"Magkokolehiyo ka na Maris, diba?"


"Opo. Buti na lang pumayag si mama at papa na mag-aaral ako dito sa Maynila."


"Talaga?! mabuti naman. ano bang kurso ang kukunin mo?" ako.


"Uhm...gusto kong kumuha ng Hotel and Room Management."


"Abaaa. gusto mo pala tumayo ng sariling hotel ha."  pang-aasar ko. 


"Magtatanong lang nga ako doon sa paaralan mo tapos babalik narin ako ng Ilocos."


"Agad-agad?" malungkot kong sabi.


"Kailangan eh. Isa pa malapit na rin kasi ang fiesta sa lugar namin doon."


"OH MY GOD! Pwede bang sumama?" tanong ko.


"Hep hep hep! anong sasama anak?" pagpigil ni mama


Hinarap ko naman sya agad.


"Mama, sige na. Matagal na eh simula nung huli kong pagpunta sa piyesta doon."


"May pamasahe ka?"


"Mama naman eh..."


"Ayan ka nanaman ha. Umaandar nanaman yang pagkalakwatsera mo."


Napayuko ako. Nakakainis naman oh!


"Wag kang mag-alala ate, may next time pa naman eh."


--

Pagkatapos namin kumain ay nasa kwarto ko kaming dalawa ni Maris.

Tinutulungan ko siyang ayusin ang mga gamit nya.


"Masaya ba ang piyesta doon?"


"Oo naman! Depende pa rin sa lugar ha at pamumuno ng mga tao."

Napaupo ako sa kama.


"Haaay. Nakalimutan ko na ang pakiramdam ng piyesta doon."


Bigla nag notify ang phone ko. 


_____________________________________________________________________

Messenger

Sean: Hi Gabby!

_____________________________________________________________________

Agad naman akong napatayo, at laking ngiti  sa mukha ko.


"Ate, bakit?"

Nilingon ko si Maris at sasagutin ng--

_____________________________________________________________________

Sean: Busy ka ba?

_____________________________________________________________________

Nabalik naman ang tingin ko ulit sa phone ko at napatalon sa kilig.

Okay wait.

Stop Gab.

Chill. 

Umupo ako ulit sa kama...

_____________________________________________________________________

Me: Hindi naman, bakit?

Sean: Hinanap kita sa library pero wala ka.

Me: Wala na kasi akong pasok.

Sean: Ah ganun ba. Hehe

_____________________________________________________________________

Nalungkot naman ako bigla.

Wala na kasi akong marereply eh.

"Huy ate! ano bang nangyayari?"


"Yung crush ko kasi...shh ka lang ha! Nagchat sa'kin!"


"Haba ng hair! Patingin sa crush mo."

Pinakita ko naman sa kanya ang prof pic ni Sean. Shet ang gwapo talaga.

"Shet! ang gwapooo."


"Crush mo na rin?" malungkot kong sabi


"Oo." Sabi ni Maris


"Seryoso?!" pag-aalala kong sabi.


"HAHAHA! JOKE LANG! Hindi noh. Mukhang bakla eh."


"Hindi kaya!"

Tinitigan ko naman ang litrato ulit.

Sa totoo lang ha, matagal ko ng nakikita sa school si Sean pero di ko alam bakit biglaan lang talaga na nagusutuhan ko sya.

Tama nga si mama...ito ata yung sinasabi nya...

Yung tungkol sa kidlat, di natin alam kailan, kanino at kung saan tatama.


--


[Next day]


Sinamahan ko si Maris mag-inquire sa school ko. 

Naisipan kong pumunta ng library baka kasi andun si alam nyo na? Haha!

Pero habang papunta pa lang ako sa spot ko, may narinig akong patatalo sa likod ng mga bookshelves.

"Diba sinabi ko naman sayo, maghihintay ako kahit gaano katagal pa." sabi ng isang babae. "Ano ba! sumagot ka naman oh! wag mo ako gawing tanga!"


"Hindi kita ginagawang tanga! ikaw ang may gawa nyan sa sarili mo. Tabi nga!"

Narinig kong parag palabas na yung lalaki sa likod ng bookshelves.

kaya agad ako naglakad papalayo pero...

"Hindi ako aalis dito!"


"Hindi ako nananakit ng babae pero sumosobra ka na talaga." sabi ng boses ng lalaki na pamilyar sa'kin.


"Edi saktan mo ako! wala akong pake!"


"Baliw ka na talaga. tss"


Naglakad na ang lalaki palabas pero hinabol sya ng babae.


"Sean!"

Agad naman akong napahinto. nanigas dahil sa narinig kong pangalan.

Ramdam kong nasa likuran ko lang sila at napahinto rin.


"G-Gabby?"


Dahan-dahan naman akong lumingon sa kanya.

Ngumiti akong ng pilit.


"H-hi."


"Sino siya?" tanong nung babae.


Nakita ko naman naiinis na si Sean sa babae kaya naman naglakad sya at hinila ako palabas ng library.

Hindi na nakapagsalita ang babae at di narin sumunod.


At heto ako...gulat na gulat.


Kinakabahan dahil nahuli ako ni Sean at kinikilig dahil hinawakan nya ang kamay ko.


OO! hinahawakan nya ngayon.


Patuloy pa rin kaming naglalakad at hindi ko alam san nya ako dadalhin.


*****************************************************************************************************


SO WHAT DO YOU THINK GUYS?

Nakakabitin noh?

ahaha! maguupdate ako agad kapag nagcomment kayo. Promise ko yan!

Go! atleast 3 comment will do.

Continue Reading

You'll Also Like

419K 12.2K 54
VALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance...
194K 8.6K 46
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
51.5K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...