Last Wish

By missashky

446 9 5

If you are given the chance to make a wish...what would it be? More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4

Chapter 3

11 0 0
By missashky

Chapter 3

"Goodmorning ma!"

"Goodmorning nak. O kumain kana, pakitawag na rin sa kuya mo, sigurado ako gising na yun." Sabay hain ni mama ng niluto nya sa mesa.

Agad mo namang pinuntahan si Kuya sa kwarto nya.

*knock*

"Kuya kakain n--"

Biglang bumukas ang pinto kaya naman nanigas ako sa gulat.

Tuloy-tuloy lang yung paglakad nya palabas ng kwarto.

Wow. Invisible ba ako? -__-

Sumunod na rin ako papuntang dining.

"O Paolo bakit busangot yang mukha mo? Nasa harap ka ng pagkain." Tanong ni mama.

"Pagod lang." Maikling sagot nya.

"Anong oras ka ba nakauwi kagabi ha?"

Di na sumagot si kuya.
Sa isang malaking computer company nagtatrabaho si kuya. TESDA graduate sya, at dahil sa galing nya about computers parati syang na popromote ng boss nya. Pero hindi ko alam anong posisyon nya ngayon, pero malaki-laki na rin sweldo nya kumpara dati eh.

"Baka masyado ka namang nagpapagod anak."

"Uhmm Mama, may mga ipapagawa po ba kayo sa'kin?" Bigla kong tanong.

"Marami. Pakilaba ng mga labahin, paki lipat nung mga gamit na iyon sa bodega, at...pwede ka na gumala pagkanagawa mo na lahat ng iyon."
Sabay ngiti ni mama.

Napangiti rin ako agad sa kanya.

"Ikaw Paolo di ka ba aalis? Di ba kayo magde-date?"

Mas lalong sumeryoso ang mukha ni kuya.

Hmm! Alam naaaa.

"Marami akong gagawin." Sabay tayo at pumunta ng kusina para hugasan ang pinagkainan nya.

"Mama, badtrip si kuya. Sigurado may kinalaman si ate Cathy dito."

"Tsk yun nga eh. Ganyan talaga kapag may lovelife."

"Hahaha! Nakakasira pala yan ng araw. Kaya ako, ayoko talaga muna magkaroon--"

"Hoy! Bata ka pa ha! Kahit 20 ka na pero bunso ka pa rin namin!"

"MA! Hindi naman talaga."

"Pero wag kang sumagot ng patapos...sa buhay, di natin alam kailan tumatama ang mga bagay-bagay, tulad ng kapag umuulan, di natin alam kailan tumatama ang kidlat at kung saan at kanino. Kaya magingat ka."

"Si mama talaga, ayan nananaman yang words of wisdom nya hahaha"

"Aba nagpapaalala lang ako."

---

Pagkatapos ko nagawa lang ng ipinapagawa ni mama sa'kin ay agad naman akong nagbihis para umalis.

Hulaan nyo saan ako pupunta...

Sa library ng school namin. Hahaha!

Paboritong tambayan ko kasi itong library, hindi naman ako mahilig magbasa pero may isang hilig akong basahin...yung tungkol sa mga myths. Nag eenjoy kasi ako eh. Hahaha!

Andito ako sa pinakasulok ng library kung saan tahimik at malamig.

This is my spot!

Sa sobrang tahimik ng paligid kasi Finals na namin, konti na lang yung mga studyante.

May narinig akong ingay. Sumilip ako sa mga shelves, pero wala naman akong nakikitang tao.

SHEMAY! Di kaya? Nako wag naman! Matatakutin talaga ako!

"Puch*! Saan ba dito?!"

Boses ng isang lalaki.

Tumayo ako at naglakad at hinanap sya.

Nagmakaabot ako sa dulo, wala na.

Kaya naisipan kong bumalik ng--

*BOG*

Nahulog yung mga libro na dala ng isang tao.

"Sorry po!" Agad ko naman pinulot yung libro.

Pagtayo ko para iabot sa kanya...

O__O

"Ikaw yung..." Panimula nung lalaki

"Sean." Bulong ko.

"Ahh yes. Ako nga. At ikaw si?"

"Gabby."

"Oh yeah. Shoot! Sorry I forgot your name. Marami kasi akong iniisip."

Wait, so he remembers me? Nakalimutan lang nya?

Ang labo ko hahaha!
Basta ang ganda na ng araw ko!

"Uhh okay lang. Hmm kanina ka pa dito?"

"Unfortunately. May research kasi kami and nautusan ako ng kagrupo namin." Natawa ako ng mahina. "I know. Funny right?" Natawa rin sya.

"Sorry. Eh wala kasi sa itsura mo yung napapasunod sa utos ng kaklase." Sabi ko.

Natawa naman sya sa sinabi ko. Mukhang nag-agree rin.

"Kanina ka pa rin ba dito?" Sean.

"Oo. Doon sa likod. Narinig ko nga yung kinakausap mo sarili mo. Haha!"

Nanlaki naman ang mga mata nya.

"I am so sorry. Everything I said, they were--"

"Haha! Ano ka ba! Okay lang. Wag kang magalala, secret lang natin yun."

"Hahaha! Galing mo rin ah. Secret. Haha! Gabby, it was really nice talking to you but I have to go now."

"Sure."

"So I'll see you next time?...here?"

Natawa naman kaming dalawa.

"Sige ba."

At umalis na sya.

Ako naman...naglalakad pabalik ng spot ko ng parang lumulutang.

Grabeee!!! Masarap mabuhay!!! HAHAHA

--

Pagkauwi ko ng bahay nagopen ako ng skype para makausap sandali si Papa na nasa London, nagtatrabaho bilang caregiver.

Pagkatapos nun ay kumain ng dinner at bumalik ng kwarto at nag facebook, twitter at instagram.

Busy buhay ko noh?
Joke! Ngayon nga lang ako nakapag-open ng accounts ko dahil Finals this week.

1 friend request

Pagbukas ko...

Sean Dela Rosa wants to be your friend

O___O

Ang haba ng hair ko!! At siya pa talaga ang nag-add sa'kin!
Si Sean Madrigal na famous dancer sa school na nakakainlove lalo kapag sumasayaw at kinababaliwan ng mga babae at beki.

Okay wait, Gab..

ACCEPT!

Ikaw na talaga ang Diyosa!

****************************************************
HEY GUYS! Grabe sobrang tagal kong nawala. Pero sino ba ang masaya at bumalik na ako?

Pasensya na kayo ha? College student po kasi ako 3rd year na at Medical ang course ko.
Busy talaga ako. Araw-araw study dahil may quiz.

Ganun kahirap.
Pero kinakay naman!

Basta't andyan kayo para mag comment, ipagpapatuloy ko itong kwento ko.

Continue Reading

You'll Also Like

260K 11.2K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
2.1M 99K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
991K 68.6K 33
When 30-year-old Golda learns she only has a year to live due to cancer, she decides to relive her youth by going back to high school by bribing the...
576K 4.9K 28
Written by: 4reuminct Gwy Saludes.