Trinie's Collection

By IamTrinie

11.6K 227 143

*Articles/Short Stories/Fanfics/Poems More

Courting Him (Ang Kuwento ng Panliligaw ni Jelai)
How to Know if You are Normal
Chicken Pox (A short story)
Innocent Love Not XD
FanFic #1: The 7th Thing by modernongmariaclara
CORNEA [POEM]
SENTIMENTS OF THE DEAD
ROSEBUDS
LOVE IS A PRONOUN
THE GRANDEST DREAM
TATTOO
ROAMING ALICE
Paru-paro
SENTIMENTS OF THE DEAD
One Step Closer to You
DID GOD EVER SLEEP?
EVEN IF
A Plea to God
PRAYER WARRIOR
II
IV.
III.
II.
I. Champ
Teaser.

I'm inlove with My Guardian Angel ? (Brandon and Donna)

553 10 8
By IamTrinie

DEDICATED TO PANGGA MARS

A/N: At dahil hindi ko alam kung kailan ulit ako mapapadpad kay watty..heto..

Ngayon ko na ipo-post ang ending *my version* ng “I’M IN LOVE WITH MY GUARDIAN ANGEL” by MarsTubalinal, as promised po yan..:)

Yung kila Brandon at Donna po ito huh,

Pwedeng malayo talaga ‘toh sa mga nangyari sa kuwento, sorry pangga.

Sorry rin kung di nyo toh magugustuhan, hindi ko kasi talaga forte ang Fantasy eh. Ma-drama raw kasi forte ni Ako, kaya ma-drama rin 'toh hihi.

PLEASE READ THE STORY PARA MAKA RELATE..:)

First fantasy story po ito na natapos ko sa wattpad..:) at super na-enjoy ko kaya nakapagbitaw ako ng salita na gagawa ako ng fanfic. At dahil I do what I say, ayan, napasubo ako.

baka gawan ko na rin yung stories niyo ng FanFic, syempre pag pumayag na kayo, hihihi

Enjoy Reading!!!

-------------------***-----------------------------------------------------***---------------------------------------------------

Noname’s POV-ako raw narrator ngayon…

“ANNIIKKAA!!!” napatigil si Jenny dahil sa narinig na pagtawag sa kanya.

Umiling siya ng mariin.

Imposibleng siya ang tinawag dahil siya si JENNY.

Jenny ang pangalan niya.

Lalo namang bumilis ang paglalakad ng tumawag sa kanya.

Natagpuan niya na lamang ito na nakaharang sa dinadaan niya.

“Sandali,” he stretched his hands to stop her.

“Harvey?” tawag niya rito nang mapagtanto kung sino siya. “Anong ginagawa mo rito?”

“Jenny, ikaw si Annika. Maniwala ka sakin, ikaw si Annika.”  Naguguluhan na ngayon si Jenny. Ilang tao na ba ang tumawag sa kanya sa pangalang iyon?

“Hindi. Hindi ko kilala ang Annika na sinasabi mo.”  Matigas niyang sabi. “Nakikiusap ako sa’yo Harvey, paraanin mo na ako.”

Itinulak niya ang lalaki at mabilis na nagmamadaling umalis.

“Teka, sandali lang,” nagulat siya na nagawa pa rin siyang habulin nung lalaki. Hinawakan siya nito sa braso upang pigilan.

Ngunit mas nagulat dahil siya sa nakita nung lingunin niya ito.

Hindi na si Harvey ang kaharap niya ngunit isang lalaki na malayo ang hitsura sa mukha ni Harvey. Napakaputi rin ng damit nito at…

At…

At…

 Tama bang nakikita niya???

May pakpak ‘yung lalaki!

Isang …

anghel?!

Nahintakutan ang dalaga.

“Annika, ako ‘toh, si Brandon. Nakikiusap ako sa’yo, pakinggan mo muna ako.”  Wika nung lalaki sa nagsusumamong boses.

Napalunok ang dalaga. Walang nagawa kundi ang tumango.

Pakiramdam niya kasi namanhid ang buong katawan niya dahil sa nakikita niya ngayon.   

Mabilis ang tibok ng puso niya at nanlalamig na pawis na rin ang lumalabas sa katawan niya.

Nagsalitang muli si Brandon.

“Hindi Jenny ang tunay mong pangalan. Annika. Annika ang tunay mong pangalan.” Hawak pa rin ni Brandon ang braso ng dalaga. Natatakot na baka lumayo itong muli oras na pakawalan niya ang babaeng minamahal.

Nakatingin pa rin ang dalaga sa kanya. Pilit nitong inaalala ang mga sinasabi ng binata ngunit nabigo siya.

“Annika, matutulungan kitang alalahin ang lahat. Pakiusap, hayaan mo ako.” He begged again.

Saglit na nag-isip ang dalaga.

Tama ito, wala nga siyang maalala sa nakaraan niya.

 Ano nga bang nakaraan meron siya?

Gusto niya ring malaman.

“S-sige.” Sumang-ayon siya.

Dahan-dahang inilapit ni Brandon ang mukha sa dalaga.

Unti-unti’y isinailalim niya ito sa kanyang kapangyarihan. She started to be hypnotized.

Ang totoo’y hindi niya balak ipaalala sa dalaga ang lahat.

Tatanggalin niya ang lahat ng alaala nito tungkol kay Travis at ang mga alaala lamang ng dalaga na kasama siya bilang isang warrior angel ang ititira niya.

Hindi siya makapapayag na mapunta lamang si Annika kay Travis. Mahal niya ang dalaga at gagawin niya ang lahat upang makuha ito. Isakripisyo nya man ang lahat ng meron siya.

Akma nang gagawin ng warrior angel ang binabalak nang biglang…

Tila isang malakas na pwersa ang pumigil sa ginagawa niya. Hindi niya magawang ikilos ang katawan.

Mababakas naman sa mukha ni Jenny ang pagtataka.

“Hindi ka talaga patas lumaban Brandon.”  Nagsalita ang kung sinumang pumigil sa kanya.

“Donna?” nagulantang si Brandon nang makilala ito.

“Ang akala ko’y walang kapangyarihan ang mga Guardian Devils na katulad mo.”

Ngumisi siya pagkatapos, “Ano pa nga bang totoo aasahan ko sa mga demonyo na mga hari’t reyna ng panlilinlang?”

Hindi pinansin ni Donna ang sinabi ng anghel.  Ayaw niyang saktan ang sariling damdamin ngayon.

“Bakit kailangan mo siyang ilayo kay Travis? Hindi mo ba nakikita? Mahal nila ang isa’t isa.”

“Mahal? Donna, nais kong ipaalala sa’yo na napakalaki ng pagkakaiba nilang dalawa. Ang anghel ay para sa anghel, at ang tao ay para sa tao lamang. Hindi nila kakayaning ipaglaban ang sinasabi mong pagmamahal nila sa isa’t isa.”

“Hindi iyan ang sinabi mo sa akin noon.” Pinipigilan ni Donna ang maiyak ngunit tila may sariling isip ang mga mata na nagpakawala ng luha. Tears of a broken heart.

Tiningnan siya ng masama ni Brandon.

She looked at him desperately.

Saglit na katahimikan…

“Angel Warrior Brandon, nais kong malaman mo na …nagawa na nila. Nagawa na nilang ipaglaban ang pag-ibig nila sa isa’t isa. At tanggalin mo man ang alaala ni Annika, patuloy niyang maalala si Travis..dahil… hindi kailanman makakalimot ang puso,” mayamaya’y sabi niya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha.

“At sana’y ganun ka rin,” dagdag niya pagkatapos.

Nagulumihanan si Brandon sa huling narinig.

 At sana'y ganun ka rin..

“Anong ibig mong sabihin…” naguguluhan niyang tanong.

“Brandon… m-mahal kita.” She said wholeheartedly.

 Hindi nakapagsalita si Brandon.

She waited for his answer.

“AHAHAHAHAHAHA!!!” tumawa ng pagak si Brandon. Hawak pa nito ang tiyan habang tumatawa.

Tumigil siya mayamaya, tiningnan niya si Donna.]

At muli na naman siyang nagpakawala ng malutong na hagakhak.

“Nagpapatawa ka ba?! Hindi mo ba nakikita? Demonyo ka at anghel naman ako. Kailan ka pa nakakita ng demonyong umibig sa isang anghel? Isa yang malaking kahibangan!” she laughed again in mockery.

“B-bakit, sinabi ko ba na minahal kita d-dahil isa kang anghel?” she said blushing of shame.

 Napatigil si Brandon sa pagtawa.

“B-Brandon, minahal na kita noon pa mang una. Noong---noong tao ka pa.” her tears burst again.

Luhaan siyang unti unting lumapit sa lalaking minamahal.

Bawal na kung bawal ngunit hindi na niya magagawang kayanin pa ang kalagayang mayroon sila ngayon.

She kissed his forehead.

Gustong itulak ni Brandon ang demonya dahil sa ginawa nito, ngunit…

 Unti-unti.. may mga imahe na bumalik sa alaala ni Brandon.

Mga pangyayaring nangyari noong nabubuhay pa siya.

Tumingin siya kay Annika…

Bakit ganoon?

Bakit wala na siyang maramdaman para rito?

Hinarap niya si Donna…

Lumuluha ito.

Hindi niya alam kung bakit ngunit tila may isang sulok ng puso niya na nakararamdam ng kurot dahil sa nakikitang pagluha ng kaharap.

Naguguluhan siya.

Ngunit mariin siyang umiling…ng paulit ulit.

He stepped backward.

Then he pointed his sword to her.

Marahil ay isa na naman ito sa taktika ng demonyang ito. Hindi siya dapat padaig.

“Harvey!!!”  nauntag siya sa pagsigaw na iyon ni Travis.

Tao lamang si Travis at walang kapangyarihang tulad ng mga anghel at demonyo kaya naman ang mga katawang tao lamang ng mga ito ang nakikita niya.

Nakita ng binata na may nakatutok na espada kay Donna.

Tiningnan niya ng masama si Brandon.

Anong ibig sabihin nito, Harvey?

Tila natauhan naman si Brandon. Inihagis niya ang hawak na espada.

Sa gitna ng lahat ng kaguluhang iyon, si Jenny ay…

Bigla na lamang natulala at…

Tila may kapangyarihang bumalot sa kanya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ag mga imaheng iyon ngunit bigla na lamang silang pumapasok sa memorya niya.

Umiling siya ng sunod sunod habang umaasa na mawala ang kung anumang mga nakikita niya.

Hanggang sa…

“Anong ginawa mo sa kanya?” alalang alala si Brandon dahil sa pagkakatulala ni Jenny.

“Annika, mahal ko. Gumising ka.” Sinubukan niya itong yugyugin ngunit wala ring nangyari.

Hinarap niya si Brandon.

“Anong ginawa mo sa kanya?!” paangil niyang tanong dito.

Hindi ito sumagot.

“Magsalita ka!” binigyan niya ng ubod-lakas na suntok si Brandon.

Napaatras ito, pagkuwa’y nasapo niya ang bibig.

He looked at Travis. Perplexed.

“Hindi ko alam… hindi ko na alam ang mga nangyayari.” He gave him a continuous nod.

“H-hindi ko na alam ang gagawin ko.”

Mayamaya’y nagdesisyon siyang umalis muna upang mapagliwanag ang nagugulumihanang isipan.

Ngunit bago pa man siya maglaho’y may biglang nagsalita.

“Alam mo ang gagawin mo ngunit hindi mo lamang iyon ginagawa dahil natatakot ka.”

Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses.

Nagliwanag ang mukha ni Travis…

“A-ANNIKA!” tumakbo siya papunta rito at agad itong niyapos. “Ang akala ko’y di na kita makikitang muli.” Umiiyak niyang sabi.

Nagbalik sa dating anyo ang dalaga. Muli ay isa na naman itong anghel.

“Travis…” her tears are falling also. “Dahil sa pagmamahal mo kaya ako nagbalik sa dati.” She smiled at him.

They glared at each other for a moment.

Then they chuckled.

They hugged each other. Tightly.

Mayamaya’y kumalas si Annika at tinungo ang kinaroroonan ni Brandon.  Ramdam niya ang kaba sa mukha nito.

Hinawakan ni Annika ang nanginginig na kamay ng kapwa anghel.

“Brandon…” she smiled at him.

Itinapat niya ang kamay nito sa puso niya. “Alam mo ang sinasabi ng puso mo. Kinakausap ka niya, pakinggan mo ‘yun.”

“Pero…Annika, ikaw ang mahal ko.” Gusto niyang ipagpilitan sa sarili ang ideyang iyon.

Nakangiting umiling  ang dalaga, pagkatapos ay tumingin kay Donna.

“Ako nga ba?” she asked.

Tiningnan ni Brandon si Donna.

Nais niyang makaramdam ng pagkapoot para dito. Ngunit dahil sa mga alaalang bumalik sa kanya’y hindi niya iyon magawa.

Litong-lito siyang umalis sa pamamagitan ng paglaho.

Naiwan ang isang pusong nakararamdam ng kabiguan, at ang dalawang nilalang na masaya sapagkat alam nilang kakayanin na nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanila.

**

 Nakaupo ngayon sa matataas batuhang nasa gitna ng karagatan si Brandon.

Kasabay ng paghampas ng mga alon ay ang patuloy na pagpigil niya sa sariling damdamin.

HINDI. Hindi niya mahal ang Donna na ‘yun.

Isa itong demonyo at kahit na noon niya pa ito minahal ayhindi maaaring mahalin niya ito.

Si Annika, siya ang mahal niya.

Ngunit kahit patuloy niyang sinasabi ang mga salitang iyon ay hindi niya pa rin magawang supilin ang damdaming nabuo mula pa man noong nabubuhay siya bilang isang tao.

“May gumugulo sa isipan mo?” may nagtanong mula sa likuran. Pamilyar kay Brandon ang boses na iyon.

Si Archangel Uriel.

 “Alam kong pumupunta ka lamang sa lugar na ito sa tuwing may problema ka, maaari ko bang malaman kung ano iyon?”dagdag nito.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Brandon…

“Naguguluhan po ako.” He said in desperate voice.

“Dahil kay Donna?”

Napatingin sa kanya ang binata. Wala talaga siyang maililihim dito.

“Hindi ko po siya maaring mahalin.” Malungkot niyang tugon. Napayuko siya matapos sabihin iyo.

Pati ang kanyang mga pakpak ay napakababa dahil sa labis na pagkatamlay.

“Huwag kang mag-alala hijo, makapangyarihan ang pag-ibig.” Makahulugan nitong sabi.

“Sana nga po.” Wika ni Brandon.

**

*Flashback ni Archangel Uriel*

“Nakikiusap ho ako sa inyo, tanggapin niyo na ho ako.” Nagmamakaawa si Donna ngayon sa arkanghel.

“Alam ko pong hindi ako naging mabuti noong nasa lupa pa ako…at alam ko rin pong marami akong nasaktan noon, pero---pero nakikiusap ako sa inyo, nagmamakaawa ako, bigyan niyo po ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko.” She burst her tears.

“Ngunit Donna, hindi sapat na dahilan ang mga sinabi mo upang gawin kitang anghel. Alam mo ang batas na mayroon tayo.” Matigas na pagtanggi ni Arkanghel Uriel.

Dahan-dahang lumuhod si Donna.

“Gawin niyo na ho akong anghel. Sabi nila, hindi importante sa nagmamahalan ang edad o kung ano man sila. Tatanggapin ng mga puso nila ang kung anuman ang nakikita nila sa minamahal nila. Tama man ito o mali…pero…” itinaas niya ang tingin sa anghel. “Gusto ko hong… maging anghel… hindi dahil sa hindi matatanggap ni Brandon ang pagiging demonyo ko…gusto ko hong maging anghel dahil alam ko na oras na hindi ko toh gawin,” pinahid niya ang luha… “Alam ko… siya nama ang lalapit sa inyo upang gawin niyo siyang kauri ko…”

“Alam ko ho ang pakiramdam ng kinagagalitan ng lahat ng tao, alam ko ho kung paanong layuan ng iba dahil isa akong demonyo…dahil iniisip nilang wala akong alam gawin kundi ang sirain ang buhay ng iba. Hindi ko ho gustong maranasan niya rin ang naranasan ko…kaya nakikiusap ako sa inyo, tanggapin niyo na ho ako. Gagawin ko ho lahat ng ipag-uutos ninyo,  maging karapat-dapat lang ako kay Brandon.” Napayuko si Donna.

Nag- isip ng mataman ang arkanghel…

Maya-maya’y isang nakasisilaw na liwanag ang namayani sa lugar na iyon.

*End of Flashback*

Napangiti ang arkanghel dahil sa naalala.

“Sa tingin ko’y dapat na akong umalis. May kailangan ka pang patunayan hijo.” Tinapik niya ito sa balikat at tuluyan nang lumipad palayo.

Hinatid naman siya ng tingin ng warrior angel.

*Poinks*

May nilalang na kinatusan siya.

Luminga-linga siya.

Humagikhik ang nilalang na iyon.

Tila isang pamilyar na boses.

“Hulaan mo kung sino ako…” may nakakikiliting boses na bumulong sa kanya.

Patuloy niyang iginala ang paningin.

Patuloy niya ring naririnig ang makulit na paghagikhik.

“Bulaga!” may isang bulto ng babaeng anghel na nagpakita sa kanya. Nakalutang ito.

Napaatras si Brandon.

“Sino ka?” he asked.

Pinaningkitan siya nito ng mata habang unti-unting inilalapit ang mukha sa mukha ng binata.

“Hulaan mo sabi ko eh.” makulit niyang wika.

“Paumanhin ngunit wala akong--” natigilan si Brandon habang palapit nang palapit ang mga mukha nila sa isa’t-isa.

Tinitigan niya ito ng husto.

“D-Donna?” he statteringly asked in wonder.Hindi talaga siya makapaniwala sa nakikita.

“BINGO!” sinundan niya ito ng pagtawa. “Nagulat ka noh?” she giggled again.

“Pero paanong--”

“Ssshhh…” pinigilan niya ang labi sa nito sa pamamagitan ng kanyang hintuturo.  “Hindi na mahalaga ang bagay na iyan sa ngayon…” she cupped his face.  “Ang mahalaga… magkasama tayo…at, hindi na tayo maghihiwalay ulit. Kasi, wala nang pipigil sa atin.” She smiled at him.

A long silence.

Tanging walang kasawaang pagtitig lamang nila sa isa’t isa ang namayani.

“Mahal  kita, Donna. Pilit ko iyong inialis sa puso ko ngunit hindi ko kaya.” He later said earnestly.

“Mahal din kita Brandon, at handa kong gawin ang lahat para sa’yo.”

Slowly…

Their faces came closer to each other…

And they shared a kiss giving a seal of an eternal love.

-----------------------------The End----------------------------------------------------------------------

A/N: waaaah! Pasensiya na pangga! Parang basura langs toh, hehehe

pero sana na-enjoy niyo pa rin 'toh..:)

Continue Reading

You'll Also Like

324M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
20.4M 505K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]