PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys20...

By xxladyariesxx

4M 154K 20.2K

Kingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young la... More

Ang Simula
Kabanata 1: Wings
Kabanata 2: Special Ability
Kabanata 3: First Day
Kabanata 4: Sean Miller
Kabanata 5: Training
Kabanata 6: Wind Attributer
Kabanata 7: Duel
Kabanata 8: Assignment
Kabanata 9: Frustration
Kabanata 11: Punishment
Kabanata 12: Emosyon
Kabanata 13: Intruders
Kabanata 14: Heal
Kabanata 15: Her
Kabanata 16: Creation
Kabanata 17: Back
Kabanata 18: Walk-Out
Kabanata 19: Fire versus Fire
Kabanata 20: Necklace
Kabanata 21: Memories
Kabanata 22: Sophia of Zhepria
Kabanata 23: Escape
Kabanata 24: Rebel
Kabanata 25: Cursed Magic
Kabanata 26: Boundary
Kabanata 27: Fight
Kabanata 28: The Stone
Kabanata 29: Premonition
Kabanata 30: Pain
Kabanata 31: Dangerous
Kabanata 32: Suffer
Kabanata 33: Monster
Kabanata 34: Captured
Kabanata 35: Leave
Kabanata 36: Laboratory
Kabanata 37: Destruction
Kabanata 38: Battle
Kabanata 39: Over
Kabanata 40: Princess Of Zhepria
BURST INTO FLAMES: TEASER
#Wattys2016
Princess of Zhepria Special Chapter
THANK YOU!
POZ #CLOAK FICTION

Kabanata 10: Please

92.3K 4K 235
By xxladyariesxx

Tahimik kaming naglalakad ngayon sa papuntang library. Ako, si Sydney, Joseph at Sean. Ni isa sa amin ay walang naglakas loob na basagin ang katahimikang bumabalot sa amin ngayon.

It's already one o'clock in the morning. Tahimik ang buong Tereshle Academy. I activated my senses para naman mas aware ako sa paligid. Tanging paghinga lamang at mga yapak ng mga kasama ko ang naririning ko ngayon.

Napatingin ako sa malapad na likod ni Sean. Napahawak ako sa baba ko habang may inaalala. I know it was him. Boses niya ang narinig ko noong lumabas ako sa training room. Di ako pwedeng magkamali.

Mayamaya pa'y narating na namin ang library. Tahimik ang buong paligid. Nakakabingi. Nagpalinga-linga si Sydney. I bet she's using her special ability right now. She's scanning the whole place. Ganoon din ang ginawa naming tatlo. Kahit wala kaming special ability like her, we can sense something naman kung may kakaiba o mali sa paligid.

"Let's go and check the library." Basag ni Sean sa katahimikan.

Iba ang aura niya ngayon. Sean, the Shendra group leader. Seryoso. Mukhang mapanganib. Iyon ang nakikita ko sa kanya ngayon. Tumango lang kami bilang pagsang-ayon sa nais niya. Tahimik kaming apat na pumasok sa library. Since deactivated ang mga alarm na nakapalibot sa buong library, matiwasay kaming nakapasok sa loob.

Inadjust ko ang mga mata ko. Madilim sa loob at tanging liwanang lang mula sa buwan ang nagsisilbing munting ilaw sa loob nito. Inilibot ko ang paningin ko. Ngayon lang ako nagawi sa library simula noong nakapasok sa Tereshle Academy. Malalaking bookselves at sandamakmak na libro ang narito. Napasimangot ako. I hate books. Really. Kaya nga ayaw ko sa lugar na ganito. Nalulula ako sa dami nila.

"Maghiwa-hiwalay tayo. Look for something suspicious," utos ni Sean sa amin. Halos pabulong lang din noong sabihin niya iyon sa amin, yung tipong sakto lang na magkakarinigan kaming apat. I stay still. Inilibot ko ang buong paningin. Suspicious? I doubt makakahanap kami. Everything seems normal in this place kaya naman palaisipan sa akin kung ano ang tunay na pakay noong tatlong estudyanteng pumasok ng illegal dito.

Akmang hahakbang na ako para pumunta sa gawing kanan ng aklatan nong may narinig ako. I immediately close my eyes.

Focus, Althea!

"Stop."

Agad namang napatigil ang tatlo at napatingin sa akin. I opened my eyes then looked at them. I place my finger on my lips to stop them from making any noises. Itinaas ko ang isang kamay ko at pinigilan silang tatlo sa paggalaw.

'What now?' Rinig kong tanong ni Sydney through her thoughts. I ignored her.

One.

Two.

Three.

Four.

Shit!

Five.

Lima sila.

Napatingin ako sa mga kasama kong di pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nila. Footsteps. Malapit na sila dito sa library.

"Come on. They're here," sambit ko sabay lapit sa tatlo. "Joseph, hawakan mo si Sean. Sydney, akin na kamay mo. Bilis," utos ko sa tatlo. Kahit naguguluhan ay sinunod nila ang nais ko.

Footsteps. Again. This time, mas rinig na rinig ko na ito. They're faster than I expected! Damn. Nandito na sila!

Tamang-tama lang noong pagbukas ng pinto ng library noong ginamit ko ang special ability ko. Invisibilty. Nakahawak ako kay Sydney at Joseph while Joseph is holding Sean's left arm. Kita ko ang paglaki ng mga mata nila. They didn't expect this thing coming, that's for sure. Gusto kong matawa sa naging reaction ng tatlo but I stop myself from doing something na ikabuko naming apat.

Agad kami napatingin sa pumasok nang library. Tama nga ako. Lima sila.

"Sabi ko na sa inyo! Wala dito iyong mga Shendra," mayabang na sabi noong isang lalaki.

"I bet tulog pa ang mga iyon," gatong pa noong isa. Itong dalawang ito ay di kasama noong nakaraang gabi. Who are they?

Naramdaman ko na humigpit ang hawak ni Sydney sa kamay ko. Mukhang nagtitimpi ito ng inis at galit sa mga naririnig.

"Come on, hanapin na natin ang kailangan natin dito. Baka dumating ang mga iyon."

Sebastian. He is the freaking Sebastian! I know his voice. Siya iyon. Napalingon ako sa mga kasama ko. They're just staring at them. Bawat galaw, binabantayan nila. Lalong lalo na si Sean. Napatingin ako sa kamao niya. Galit? Damn! As always. Ano pa nga ba aasahan ko sa isang ito? Napailing ako. This is not good. Pag magwala ito dito sa library ay siguradong tupok ito ngayon din.

Napalingon ulit ako sa limang lalaki noong magsalita ang isa sa kanila.

"Come on, Seb. Takot ka ba sa mga iyon?" nakangising tanong noong isa, the fire attributer. Ang isang lalaki naman ay tahimik lang na nagmamasid sa loob ng library.

Then I feel it. Again. My hands. The overflowing energy.

Napatingin ako sa lalaking tahimik lang na inililibot ang paningin niya at natigilan ako noong huminto ang mga mata niya sa pwesto namin.

Shit!

Hindi na ako nag-isip pa, I summoned my wind and in just a blink of an eye, nasa labas na kami ng library at binitawan ko na ang mga kamay ng kasama ko. Wala sa sariling napahawak ako sa ulo ko at napailing.

"The hell, Althea! Care to explain what just happened?" singhal ni Sydney sa akin pero di ko pinansin.

Napapikit ako. Yung mga matang iyon. I know that eyes. Damn! Saan ko ba nakita iyon? I shook my head, trying to calm my senses.

"Prepare yourselves," malamig na turan ni Sean na nagbalik sa akin sa ulirat.

"What happened earlier was freaking awesome, Althea. Pero ngayon, hayaan mong kami na lang ni Sean ang humarap sa limang to. Save your energy para mamaya. Mukhang marami-rami kang ikukwento sa amin," nakangising sambit ni Joseph sa akin na siyang nagpakunot ng noo ko sa kanya.

Anong ibig niyang sabihin? Lalabanan nilang dalawa ang limang iyon? Really? Napatingin naman ako kay Sean. Deretso lang ang tingin niya sa may library. Tila isang mapanganib na hayop na naghihintay ng makakain.

"Sydney. Take her," utos ni Sean kay Sydney.

Napabuntong-hininga na lang ito sabay hawak sa braso ko. "Come on. We can't stay closer to them. They know what they're doing."

Napalunok ako. Right, silang dalawa lang talaga ang lalaban. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan ng dalawa. They're strong, alam ko iyon, pero may kung anong nagpapakaba sa akin.

Noong makalayo na kami ni Sydney sa dalawa ay nagsalitang muli si Sean.

"Make them out, Joseph," utos nito. Halatang seryoso ito pero sobrang kalmado ang boses.

"As you wish, sir."

Agad na sinuntok ni Joseph ang lupa na kinatatayuan niya. Kitang-kita ko ang energy waves mula dito na bumulusog patungo sa loob ng library.

The hell! Humuga ang buong building! Para itong lumindol pero tanging ang library lang ang gumalaw.

Napalingon ako kay Sydney. Seryoso lang itong nakatingin sa kanila.

"Sigurado bang di tayo makikisali sa dalawang iyon?" tanong ko dito. Bumuntong-hininga muli ito bago sumagot sa tanong.

"Ilang beses nang nangyari ito sa akin. Pag sinabi ni Sean na huwag akong makialam sa laban ay di na ako nagpupumilit pa," huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa akin.

"Those guys are came from Tiendra group. Kilala ang grupo ni Sebastian na palaging gulo at sakit sa ulo ng mga teachers nila," pagkukwento niya sa akin. Now I know kung bakit sa amin ibinigay ang task na ito. We can handle them. Base pa lamang sa rank ng grupo namin dito sa academy, alam kong mas malalakas ang taglay naming attributes.

"Tanging taga-Shendra lang ang makakapigil sa kanila," wika pa ni Sydney sabay tingin sa dalawa naming kasama.

Hindi nagtagal ay nagsilabasan na ang limang lalaki sa building. Pinagmasdan ko silang mabuti. Wala silang ni isang dala na kahit ano. Mukhang di pa nila nakukuha ang kailangan nila sa library.

Rinig na rinig ko ang mga mura nila noong makitang nakatayo sila Sean at Joseph sa harapan nila.

"Surprise?" sambit ni Joseph. Kahit di ko nakikita ang mukha nito ay alam kong nakangisi ito ngayon. Tahimik naman si Sean.

'I want you to make a force field around us, Althea. Can you do that?'

Natigil ako noong marinig ko ang boses ni Sean. His thoughts again!

'Please. Do it. Now.'

I rolled my eyes towards him. Nag please na nga, demanding at nagmamadali pa.

I sighed.

Napalingon si Sydney sa akin at takang tiningnan ako noong itinaas ko ang kaliwang kamay ko.

"What are you doing?" mahinang tanong nito sa akin. I just smiled at her.

"Well, someone just ask a favor, Sydney and he even say please to me," I answered her. Iyon lang ang sinabi ko at ikinumpas ko na ang kamay ko patungo sa kinatatayuan nila Sean at Joseph. Rinig ko ang mura ni Sydney sa tabi ko pero di ko pinansin.

Then, there you go. A force field made by wind. My tornado. I just hope na maging okay lang ang dalawang iyon sa loob.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 70.3K 134
Do you want to know how to have a get-out-of-jail free card and get away from any crime you committed? Then, learn from her. Ang storyang ito ay hin...
161K 9.2K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...
508K 16.2K 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na h...
1.1M 53.1K 50
COMPLETED | Aerilon Academy unlocks the element within. Lucianna Sariel Rofocale is a mystery. Ang kapangyarihan niya ay kakaiba, at hindi nabibilang...