"Okay hanggang dito nalang muna tayo. Class Dismiss". Sigaw ni Mam bago tuluyang lumabas ng classroom. Pagkatapos nun mabilis na din akong tumakbo palabas para makauwi na dahil mag aalas diyes na din kasi ng gabi. Pano kasi si Mam ang dami pang sinasabi at kung hindi pa namin ipapaalalang time na hindi pa siya titigil.
Ito ang hirap kapag College ka. Minsan gabi kana umuuwi dahil sa schedule mo tapos minsan pa nasa matataas na floor ang classroom niyo tulad namin ngayon na nasa third floor.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko hudyat na may tumatawag pero hindi ko yun sinagot dahil nagmamadali na kong bumaba para makauwi na rin ako dahil alam kong si Mama na yung tumatawag. Paniguradong nag aalala na yun dahil hindi pa ko nakakauwi, ang alam niya kasi hanggang alas nuwebe lang kami ngayon. Si Mam kasi eh. Hayst!
Ng makababa naman ako ay agad kong kinuha sa bulsa ko yung cellphone ko pero hindi ko na nasagot yung tawag ni Mama kaya naman tinext ko nalang siya na pauwi na ko para naman hindi na siya mag alala pa sakin. Nagsimula na din akong maglakad papunta sa main gate ng school para makauwi na pero talaga atang minamalas ako dahil pagkarating ko doon ay siya namang buhos ng malakas na ulan.
"Bakit ngayon pa kung kailan naiwanan ko yung payong ko?!". Inis kong bulyaw sa kung saan. Paano na ko makakauwi ngayon nito? Lintik naman kasi kung kailan pa umuulan saka ko naman nakalimutang dalhin yung payong ko!
Dahil nga sa wala akong payong na dala ay wala akong nagawa kung hindi ang panuorin nalang ang ibang mga estudyante na umuwi habang dala dala ang mga payong nila. Kasi naman MJ bakit mo ba kasi kinalumutang dalhin yung payong mo?!
Lumipas pa ang isang oras pero hindi parin tumitigil yung ulan at sa halip ay parang mas lumalakas pa ito. Teka wala namang sinabing magkakabagyo ngayon ah? Paniguradong nag aalala na si Mama nito sakin dahil hindi pa ko nakakauwi. Bakit kasi ngayon pa umulan.
"Miss hindi ka pa ba uuwi?". Tanong sakin nung guwardiya na nakabantay doon sa may gate.
"Ah nagpapatila lang po".
"Nako mukang hindi na yan titila Miss. Kakasabi lang sa balita na magdamag ang pag ulang yan".
Nagulantang naman ako sa sinabi niyang yun. "Ha? Nako kuya baka naman may payong ka diyan ibabalik ko nalang bukas promise!".
"Sorry Miss pero wala din akong dalang payong dito eh".
"Ah ganun po ba sige po salamat nalang". Sabi ko dito saka bumalik sa pagtingin sa ulan habang masagana itong pumapatak. Siguro kailangan ko ng takbuhin to.
Akmang tatakbo na sana ko ng bigla nalang may humawak ng kamay ko para pigilan ako. "Hoy kuya bakit mo ko hinahawakan?".
"Mababasa ka kung magpapaulan ka". Malumanay na sagot sakin nito. May estudyante pa pala kala ko ako nalang ang estudyante na naiwan dito sa campus.
"Kesa naman abutin ako dito ng umaga. Sige na bitawan mo na ko para makaalis na ko". Pagpupumilit ko habang inaalis ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"May payong ako dito. Sumabay kana lang".
Napalingon naman ako sa kanya saka siya tinignan mula ulo hanggang paa. Sa hitsura niya muka naman siyang mabait pero hindi niya ko malilinlang. Baka mamaya modus niya lang to tapos baka kung anong gawin niya sakin kapag malayo na kami.
"No thanks kuya. I can handle my self". Sagot ko. Akala niya siguro madali niya kong mauuto ha. Neknek niya.
Huminga muna ko ng malalim saka ako tumakbo ng mabilis habang nakapikit at malakas parin ang ulan. Takbo lang ako ng takbo pero sa pagtataka ko ay hindi ko maramdaman ang pagpatama ng ulan sa katawan ko na para bang hindi ako nababasa. Tumila na ba?
Napamulat tuloy ako ng dahil doon at agad kong nakita yung lalaking kausap ko lang kanina na naghahabol ng hininga habang nakahawak sa itim niyang payong para hindi kami mabasa.
"S-sinabi ko n-naman sayo b-baka magkasakit ka". Hinihingal niyang sabi sakin. Tinignan ko naman siya na puno ng pagtataka.
"Kuya adik ka ba?". Tanong ko dito dahil sa ginawa niya. Sino ba naman kasing nasa katinuan ang hahabol sa isang babaeng nakausap niya lang kanina at hindi man lang alam ang pangalan para lang payungan? Edi ba adik lang?
Sa halip na Iritableng sagot ang matanggap ko sa kanya ay isang malakas na pagtawa ang sinagot niya sakin. Ay adik nga si kuya.
"May nakakatawa ba sa tanong ko?".
"Hahaha. Alam mo bang ngayon lang ulit ako natawa ng ganito?". Hindi ko po tinatanong. "Pero teka muka ba kong adik?".
Hmm. Kung titignan hindi naman siya mukang adik. Ang gwapo naman niyang adik kapag nagkataon pero baka naman rapist? Shocks! Baka rapin niya ko mamaya tapos papatayin niya ko and then itatapon nalang niya basta yung katawan ko sa may ilog? Pero muka namang hindi. Ang OA ko ata masyado.
"Teka ano bang trip mo sa buhay at bakit mo ko hinabol para lang payungan?".
"Dahil gusto ko lang". Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Grabe din pala ang takbo ng utak ng isang to.
Hindi ko na siya pinansin pa at nagsimula nalang akong maglakad kaya naman sumunod siya. Malakas parin ang ulan kaya naman medyo nababasa parin ako kahit nakapayong na kami.
"San ka nga pala nakatira?".
"Diyan lang sa may sunod na kanto". Turo ko. "Ikaw?".
"Diyan lang sa malapit".
"Saang malapit?".
"Basta".
Napailing nalang ako sa kanya at hindi na nagpumilit pa hanggang sa makarating na kami sa harap ng bahay namin. Nakita kong bukas parin ang ilaw kaya naman paniguradong gising pa si Mama. Nako lagot na naman ako nito.
"Pano alis na ko".
"Ah teka kuya".
"Ceres".
"Ha?".
"Ceres. Yun ang pangalan ko". Sabi niya saka siya ngumiti sakin.
"Okay Ceres. Salamat pala sa paghatid".
"Walang anuman. Sige na pumasok kana". Tumango naman ako bago ako pumasok ng gate namin at saka ito sinara. Magsasalita pa sana ko ng makita kong wala na siya paglingon ko. Ang bilis naman ata niyang maglakad?
Binaliwala ko nalang yun saka ako pumasok ng bahay namin. Nadatnan ko agad doon si Mama na nakatayo. "Ginabi ka ata?".
"Sorry Ma, naiwan ko po kasi yung payong ko kaya hindi agad ako nakauwi buti nalang hinatid ako ng kaibigan ko".
"Kaibigan? Wala naman akong nakitang kaibigan mo nung dumating ka?".
"Ah meron Ma. Yun nga lang umalis na agad".
"Oh siya halika na at matulog na tayo. Mamaya papasok ka na naman". Oo nga. Hindi ko napansin alas dose na pala.
**
"Anong trip mo at dito ka sa rooftop tumatambay?".
"Wala naman. Ang ganda kasi dito yun nga lang umuulan kaya hindi tayo pwedeng pumunta sa labas".
"Alam mo Ceres naweweirduhan na ko sayo. Ilang araw na tayong magkakilala pero wala parin akong alam sayo". Sabi ko.
Lumapit naman siya sa pwesto ko kung saan ako nakaupo. "Ano bang gusto mong malaman?".
"Hmm kahit ano. Dali magkwento ka about sa buhay mo".
"Ako si Ceres Alexander Silva. Nagiisa lang akong anak kaya naman wala akong kasama kapag nasa trabaho sila. Business Major Student at Gusto ko ang ulan".
"Ulan?". Tumango naman siya. Ang weird talaga ng isang to.
"Para sa iba nakakalungkot kapag umuulan pero kabaliktaran yun para sakin dahil ang ulan ang nagbibigay buhay sakin kaya naman pinapahalagahan ko ang bawat segundo habang umuulan". Seryoso niyang sabi.
"Ha-ha-ha. Alam mo kung hindi ko lang alam na may pagkaweird ka baka naniwala na ko sa mga sinasabi mo. Tara na nga baka malate pa tayo". Ani ko pero kahit itanggi ko sa sarili ko may ibang dating sa utak ko ang sinabi niyang yun.
Lumipas ang mga araw at lalo kaming naging mas malapit sa isat isa. Favorite tambayan namin? Rooftop ano pa ba. Pagkatapos naman ng klase lagi niya kong hinahatid samin and to think na laging umuulan tuwing dumadating siya, mahal niya talaga ang ulan.
"Pano ba yan magsasummer na, matagal na ulit bago umulan". Pagbibiro ko sa kanya habang nasa rooftop kaming dalawa. Umaambon ng mga oras na yun kaya naman tuwang tuwa na naman ang loko.
"Edi matatagalan ulit bago mo ko makita".
"Bakit magbabakasyon ka?".
"Parang ganun".
"Alam mo kahit kailan ang weird mo talaga".
"Sayo lang naman ako nagiging weird". Sabi niya saka niya ko kinindatan. Naramdaman ko naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang pamumula ng pisngi ko. Anong nangyayari?
"Namumula ka". Saka siya tumawa.
"Che! Tara na nga sa baba baka malate pa ko sa klase ko". Mabilis akong naglakad habang patuloy parin siyang tumatawa sa likuran ko. Kasi naman.
**
Dumating ang summer at tulad nga ng sinabi niya sakin, nawala siya. Nawala siya ng wala man lang pasabing aalis siya. Oo sinabi niyang magbabakasyon siya pero hindi man lang niya sinabi saking aalis na pala siya. Teka nga bakit ba ko umaarte dito na parang pinagtaksilang girlfriend?
"Anak may bisita ka".
"Sino Ma?".
"Bumaba kana lang muna dito". Hindi na naman ako nagtanong pa at bumaba nalang. Doon ay nadatnan ko sina Lyca at Audrey, mga kaklase ko, na nakaupo sa Couch na may kasamang isang Babae at Lalaking kaedad ni Mama.
"Lyca, Audrey anong meron?". Sa totoo lang kasi wala naman akong kaibigan sa school kaya naman nakakapagtaka na nandito sila.
"Ah kasi MJ nagaalala lang kami sayo".
"Nag aalala? Wala naman akong sakit ah?". Ano bang meron?
"Hindi yun. Lately kasi lagi ka naming nakikitang may kausap kahit na wala naman. Noong una akala ko guni guni ko lang yun pero napapansin din pala yun ng mga kaklase natin". Paliwanag ni Lyca.
"Teka ano bang nangyayari?".
Wala namang sumagot pero bigla nalang may inabot saking frame yung kasama nilang babae na inabot ko naman. Laking gulat ko nalang ng makita kong si Ceres ang nasa picture.
"Kayo po ba ang mga magulang ni Ceres?". Tumango naman sila pero halata ang lungkot sa mga mata nilang mag asawa. "Ah hindi po pala kayo kasama ni Ceres sa bakasyon niya. Teka saan po pala siya nagbabakasyon ngayon? Hindi niya kasi sinabi sakin basta ang sabi niya lang matagal siyang mawawala".
Tulad kanina ay hindi nila ko sinagot. Napuno ng katahimikan ang bahay namin at may kung ano sa dibdib ko ang hindi mapakali ng makita kong umiiyak na ang Mama niya.
"Wala na siya". Sabi pa nito bago tuluyang humagulhol sa pag iyak. "Matagal ng wala ang anak namin hija". Ngayon naman ako ang hindi nakapagsalita.
"Last year may nabalitaang naaksidenteng estudyante sa harap ng School natin hindi ba. Na-hit and Run habang tumatawid ng kalsada pero hindi nahuli ang nakasagasa sa kanya. At ang estudyanteng iyon ay si Ceres Alexander Silva". Dagdag ni Audrey.
"Ano bang pinagsasabi niyo? Alam niyo kung wala kayong sasabihing maganda umalis nalang kayo!".
"Totoo ang sinasabi namin MJ. Patay na si Ceres kaya napakaimposibleng nakakausap mo siya. Makinig ka samin".
"Umalis na kayo!". Sigaw ko.
"MJ ..".
"Huwag mong sabihing pati kayo Ma naniniwala sa mga sinasabi nila? Diba nakikita mo si Ceres kapag hinahatid niya ko? Kumakaway pa nga siya sa inyo eh".
"Anak hindi totoo si Ceres".
"Hindi niloloko niyo lang ako, pwede ba!". Sigaw ko saka ako lumabas ng bahay namin at tumakbo paalis. Kailangan ko siyang makausap. Alam ko namang niloloko lang nila ko para layuan ko na siya eh.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa rooftop na tinatambayan namin pero wala siya doon. Walang Ceres na nanduon.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak. Naniniwala na ba ko sa kanila? HINDI ! Niloloko lang nila ko. Buhay pa si Ceres alam ko yun. Nararamdaman ko. Buhay pa siya eh. Hindi pa siya patay.
Napaluhod nalang ako dahil sa ideyang yun. Bakit parang tinatanggap na ng utak kong wala na nga siya? Bakit?
Habang umiiyak ako ay naramdaman ko ang sa una'y mahina pero palakas na patak ng ulan mula sa balat ko na animoy niyayakap niya ako. Alam kong siya yun. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Ceres ..".
-E.N.D