♥ (One-Shot?)

By xxpandaaa

834 16 4

More

♥ (One-Shot?)

834 16 4
By xxpandaaa

Hi ate Swiss? Captain Swiss? Ay ewan. Hindi ko alam ano itatawag ko sayo. Hahahaha xx Wala lang, dinedicate ko lang sa'yo 'to kasi trip ko lang. Jk. Ikaw kasi una kong naisip nung sinulat ko 'to kahit alam mo na, hindi talaga ako magaling magsulat. Bitin pa nga ending nito eh. Sabaw na kasi utak ko. Ako yung nakausap mo sa facebook, sana naaalala mo pa ako. Chos, drama. Loveyou ate!!! Stay as what you are. Ang bait mo talaga mwaaa :) :* 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

HER THOUGHTS...

Foundation day namin ngayon. As usual, napaka-boring. Heller, wala naman kasi akong ginagawa eh. Tamaders ako makisali sa kasiyahan nila. Duuuh? Jk. xx Busy ako kakalait sa mga kaabnoyan nila eh, wala akong panahong magsaya... Buti pang kumain at titigan si crush Debuuuh?! Hahahaha xx

At dahil foundation day namin ngayon, andaming trip ng mga estudyante. Booth dito, booth doon... Kulang na lang magtayo sila ng mental hospital sa sobrang kabaliwan ng naiisip nila. Mga booth para sa mga bata — yung parang ilalagay mo mukha sa isang figure tas tatamaan mukha mo ng wet sponge? Eh ganon trip ng iba... Mga walang ligo lang sumasali dun. Hohoho xx ^^v May booth din para sa mga duwagers — horror booth na hindi mo malaman kung matatawa, matatakot o maiinis ka ba sa sobrang init ng classroom. Walang kwenta! Tsk... May booth din para sa mga genius — maze daw chos. Peste! Foundation day na nga, dinadala pa rin pagka-nerd. Uso magsaya, right? Marami pang iba eh... Pero ang hinding-hindi mawawala sa booth na itinayo nila ay ang booth para sa mga magco-confess at para sa kalandian101 — love knot, marriage booth at iba pang landiboothbooth dyan na wala naman talaga akong pakealam.

Hapon na at wala pa rin akong ginawa upang magsaya... Naupo lang ako habang nakikinig sa bandang tumutugtog... Parking payb 'to pardz! Yaman talaga ng school na 'to. Buti dito ako pumasok. Peste lang... Ang gwapo talaga nila— mga asawa ko sila eh, kapag ako pumili, bongga talaga!!! Hahahaha xx

Pero kahit gwapo sila... hindi ko mapigilang hindi lumingon sa kung saan nakaupo si love of my life. Ayshet nakatingin sya sa akin. Maganda ba ako? Maayos lang kaya buhok ko? Omg, nakatingin sya sa akin. Shet lang.

Kinalabit ako ng kaibigan ko at sinabi nyang "kinakabahan ka na naman... Hindi ka na ba nasanay sa titig nyang yan sayo? Crush ka rin niyan eh, ramdam ko." Napangiti ako sa sinabi nya at hinampas sya sa braso at sinabing, "hindi yan. Bakit naman ako magugustuhan nyan 'diba? Sa pagkakaalam ko, taga-ibang paaralan crush niyan." Tas tumawa na lang siya at sinabing, "sos. Tignan natin ngayon... Pinapahabol ka yata niya eh. Tinuturo ka oh. Ilo-love knot nya yata kayong dalawa." Kinabahan naman ako sa sinabi nya kaya nang tignan kong may papalapit na senior sa amin at tinanong kung asan ako, kumaripas na ako ng takbo. Ayoko kasi nung mga kalandian na ganon. Nakakahiyaaaa. Baka masabi ko na lang sa kanya bigla na gusto ko sya tas yun pala, hindi kami same ng nararamdaman, diba? Hinabol ako ng abnormal na alagad ng kalandian kaya tumakbo ako nang tumakbo papunta dun sa CR. Bwahaha!!! Akala nila, hindi ako makakatakas? Psh. Trolololo...

Hindi nga ako nakatakas... Peste! Andun na eh, nakahawak na ako sa lock ng CR. Bago pa naman 'to, kelangang ingatan pero shet! Sa kasamaang palad... Nasira ko ang lock nang hinila ko ito at nahuli ako ng alagad ng kalandian. Peste! Badtrip lang, ano bang ginawa ko at ako'y pinaparusahan ng ganito?! Chos, hinila nila ako papunta sa booth nila. Ipinasok ako sa cubicle. Eh? Muntanga, wala naman akong kasama dito eh. Sino bang peste ang nagpa-love knot sa akin at hindi naman ako sinipot?! Duwag ni koya, sarap sapukin. Hohohoho xx Natapos na ang oras ko kaya akoy lumabas ng pawis na pawis... Ang init sa loob, dapat pina-aircon yun eh. Tsk :|

HIS THOUGHTS...

As you read above, foundation day nga namin ngayon. Iba't-ibang booths, pero wala akong pake, hindi naman kasi nakikisaya ang babaeng gusto ko eh. Nakaupo lang siya, nagmamasid sa mga estudyanteng palakad-lakad at nagsasaya. Ang ganda niya talaga, yung gandang hindi nakakaumay... Yung kahit matagal mo na siyang tinititigan, mas gumaganda sya lalo. Ay peste! Nakakabakla talaga kapag may mahal ka no? Nakakaloko lang. Plano ko ngang umamin ngayon eh, kaso busy naman kasi siya at wala talaga akong naiisip na plano...

Tinapik ako ng kaibigan ko sa balikat at sinabi niyang, "brad, kung nakakamatay lang ang titig, matagal ng namatay yang mahal mo. Ayaw mo naman sigurong mangyari yun diba? Since grade school mo pa mahal yan, wala ka pa bang balak umamin? Torpe forever!" Napanganga ako sa sinabi niya. Sino ba naman kasing mag-aakala na may matino palang masasabi ang pinakamaloko kong kaibigan. Ngumiti ako bilang tugon at sinabing, "mamaya. Ipapa-loveknot ko kaming dalawa. Aamin na ako brad!" Ngumiti naman siya at umalis na kasama ang girlfriend niya. Nang-iinggit pa ang loko. Shet lang!

Oras na para magpapa-loveknot ako... Tinuro ko na ang babaeng mahal ko at saka naman siya pinuntahan nung manghuhuli sa kanya. Nahalata yata ng mahal ko (shet bakla ko talaga) na siya ang huhulihin kaya tumakbo siya bigla papunta sa CR. Bilis talaga tumakbo ng babaeng 'yon. Sana man lang... Sana, mahuli siya. Aamin pa ako eh.

Nahuli nga siya, hindi ako nagkamali pero peste... Kinakabahan ako, palapit na siya nang palapit. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Peste, ayaw kumalma! Bwisit na puso 'to, oo. Nakakainis lang. Sobrang lapit niya na lang... Sobrang lapit na niya nang tinawag ako ng Principal namin. Panira ng moment 'tong matanders na 'to. Andun na eh, papasok sya sa cubicle, susunod ako... Aamin ako, magliligawan, magiging kami, magpapakasal kami, magkakaroon kami ng sandamakmak na anak... Pero peste! Hindi pa nga yata siguro ngayon ang tamang oras para gawin ko ang plano kong pag-amin. Ni mismo nga si tadhana, ayaw niya eh. Hihintayin ko na lang ang perfect moment na yon. Magkakaroon din ako ng chance, tiwala lang. Sa gwapo kong 'to, hindi pagbibigyan? Malabong hindi ako pagbibigyan...

Balik sa tumawag sa akin. Napalingon ako sa principal at tinanong siya, "ano po yun?" Ngumiti siya. Landi talaga ng matandang 'to, ganyan ba talaga ako kagwapo. Shet! Hahahaha "May ipapagawa sana ako sa iyo, iho eh." Tinanong ko naman siya at sinabi niyang, "ayusin mo mamaya yung nasirang lock ng cubicle ng girls mamaya." Napanganga naman ako bilang tugon at sinabi kong, "bakit ako?! May maintenance naman diba? Eh sila na lang patrabahuin mo niyan maam." Ngumiti siya at sinabing, "ang mahal mo ang nakasira nung lock na 'yon. Siya ang kauna-unahang babaeng nakasira sa CR ng girls. Paparusahan ko ba siya o, aayusin mo yon?" Napatulala ako at tumango na lang bilang tugon...

Papalayo na nang papalayo si maam principal nang tinawag ko siya, "maam!" Lumingon siya at tinanong ako kung anong kelangan ko. Sabi ko naman, "maam, aayusin ko po 'yon sa isang kondisyon..." Nakinig lang si tanders at ngumiti sa sinabi kong kondisyon sa kanya... Ganyan ako kagwapo, ultimo matatanda, nahuhulog at hindi nakakatanggi sa kamandag ko.

HER THOUGHTS...

Lunes na, hindi ko feel pumunta ng school pero kailangan. Badtrip lang talaga pero... Woop! Andito na ako sa school at ang nakakapagtataka lang, pinagtitinginan ako. Alam kong maganda ako, pero iba yung tingin nila eh. Tinging kinikilig. Ano ba 'to? Binabae na ba silang lahat? Ako na lang ba ang naiwang babae sa mundong 'to? Ohmygoodness... Hahahahaha jk lang!!! Maganda lang talaga ako kaya nila ako tinitignan. Hohohoho xx Nasa classroom na ako nang pumasok ang guro namin ng nakangiti sa akin. Nakakakilabot na ngiti, walang kwenta. Sarap balibagin ng gurong 'to. Tsk >:)))) Nagchecheck siya ng attendance nang tumunog ang sound system namin...

"Calling the attention of miss *insert name here* please go to the principal's office now!"

Napalagok ako. Ano bang ginawa kong masama?! Wala naman, diba? Kayo ang nagbabasa, diba wala akong ginawang masama? Huhuhuhu xx <///3 nakakamatay. Tinitingnan nila ako, the spotlight is on me. Peste lang! Wala naman talaga akong nagawang masama eh. T^T lamunin mo na ako lupa, shet! Lumabas ako ng classroom at tulalang naglakad papuntang office. Binagalan ko pa para matagal akong makarating. Ayoko 'to eh, wala naman akong ginawang masama...

HIS THOUGHTS...

Naglalakad na ang mahal ko papalapit sa principal's office... Oo, ako ang nagpatawag sa kaniya. Ako ang principal ngayon, kung asan si tanders... Yan ang hindi ko alam at wala akong balak alamin. Sayang lang sa oras. Naaalala niyo ba dati yung kondisyong hiningi ko kay tanders? Eto yun...

*FLASHBACK 101*

"...aayusin ko po 'yon, sa isang kondisyon." Tinanong ako ni tanders kung ano yon. Ngumiti ako at sinabing, "alam niyo naman po siguro maam na mahal na mahal ko yung babaeng 'yon diba? Siya na lang talaga hindi nakakaalam. At sa sobrang katorpehan ko, nasasayang ang oras ko... Kaya pwede po bang, ngayong Lunes, ako muna magiging principal? Dun na ako aamin sa kanya..." Ngumiti si tanders at tinapik ako sa balikat sabay sabi, "oo naman iho. Malakas ka sa akin eh. Iba na talaga ma-in love ang kabataan ngayon. Boto ako sainyo. Mahal ka rin nun..." Chansing talaga 'tong tanders na 'to, kung makatapik sa balikat, feeling close. Pero gumaan naman ang pakiramdam ko pagkatapos non. At last, mapapasakin ka rin, mahal ko... Woohooooo!!! \m/

*END OF FLASHBACK 101*

Palapit na siya nang palapit, palakas na rin nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan na siya pero ang ganda niya pa rin...

HER THOUGHTS...

Palapit na ako nang palapit. Ayan na, kakatok na ako. Bumukas din naman. Dami talaga pakulo ng principal na 'to. Nakatalikod ba naman. Tsk. "Pinatawag niyo raw po ako maam?" Tanong ko. "Nasira mo ang lock ng CR. Ikaw ang kauna-unahang nakasira 'non at dahil diyan, paparusahan kita." Teka nga, naiiyak ako. Pero... Mas nangingibabaw ang katanungan sa isip ko. Sino ba 'to? Boses lalake kasi. Sa pagkakaalam ko, hindi pa naman nagreresign si maam principal. Naguguluhan ako, at sinabi kong, "sorry naman po. Kasalanan naman po kasi ng nanghila sa akin nun eh. Kung anong parusa po yan, tatanggapin ko... Basta, sana hindi lang 'to makaabot sa magulang ko." Nakayuko ako nung panahong yun nang biglang may humawak sa buhok ko at pinatingala ako. Nagulantang ako sa nakita ko, ang lapit ng mukha niya sa akin. Mamamatay ako ng wala sa oras. Bumibilis lalo tibok ng puso ko. Peste, bakit ganito 'to kalapit sa akin?! Shet lang hihihihi xx "b-b-bakit ikaw ang nandiyan? Wala naman pala akong parusang matatanggap eh. Pinagloloko mo lang ako, makaalis na nga. Psh." Yan ang sabi ko, awkward na kasi eh. Baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at ako pa hahalik sa kaniya, dejk lang hahahaha xD

"T-t-teka... Alam ni maam 'to. Ako daw ang magbibigay ng parusa sa'yo." Sabi nya ng nauutal. Nakakautal pala ganda ko, chos. Tinanong ko naman siya kung anong parusa 'yon at bigla siyang lumapit sa akin at bumulong...

"MAHAL KITA..."

Natulala ako sa sinabi niya. Peste, buffering ho ang utak ko. Totoo po ba yon o hindi? Sabihin niyo sa akin, sapakin nyo ako, sampalin... Lahat-lahat na, jusme huhuhuhu naiiyak ako. Hindi ko pinahalata ang kilig ko at sinabing, "oh? Tapos? Anong parusa dun?" Nalungkot bigla ang mukha niya at pabulong na sinabing, "wala nga yata talaga akong pag-asa. Ganito makasagot eh. <///3 pero 'di ako susuko, sinimulan ko eh." Pabulong ba 'yon o pinarinig niya lang sa akin? Tsk. "Ano na ba kasing parusa 'yon? Gagawin ko naman eh. Dali na, sinasayang mo oras ko eh." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at sinabing, "pwede ba akong maging guro mo? Tuturuan lang kita kung paano ako mahalin."

Hindi ko siya sinagot at lumakad na ako papunta sa pintuan para lumabas. Palabas na ako nang biglang lumabas sa bibig ko ang katagang...

"Hindi natuturuan ang puso eh... Sorry!

Matagal na kitang minahal at patuloy kitang minamahal at mamahalin. Kahit 'di mo pa sabihin 'yon, matagal nang natuto ang puso kong IKAW LAMANG ang kanyang mamahalin."

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Wala na. Peste lang talaga! Ngayon lang ako nagsulat ng ganito kaabnormal na OS at hindi ko pa nagawa ng maayos. Sorry naman sa kaabnormalan ko no? Hahahaha xx wala lang talaga akong magawa pagkauwi ko galing sa school. Hectic ng schedule ko from the exams tapos andami pang activities sa school at 'di ko namalayan na nasulat ko nalang 'to bigla. Kayo na lang bahala mag-isip kung anong nangyari sa kanila pagkatapos ng sinabi ni girlaloo ha? Hahahaha xx loveyouu :***

Continue Reading

You'll Also Like

69.2K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
237K 15.7K 77
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
26.9K 1.3K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...