Malabo pa sa Sabaw ng Pusit

By DonRaymundo

866 40 7

More

Malabo pa sa Sabaw ng Pusit
Trapik
Pinoy Vs. Tate
Loosing my Religion
Piggy bank
It's no Fun in the Philippines
Artista na yan!
Return of the Comeback
Para sa kaibigan
Sino ang tama, sino ang mali.
SAMPALAN FEST!
Diskriminasyon
Tatlong mukha ng Pinas
Ang Katapusan

Atleast Pilipino

42 2 0
By DonRaymundo

Okay lang at pwede na. Ayan ang madalas na sinasabi natin kung gumagawa tayo ng mga proyekto o kung ano pa mang mga gawain. Laging okay yan, basta meron, kesa wala, atleast may gawa. Kaya ang resulta, kung hindi man average, palpak ang iyong ginawa.

Nasa kultura na nating mga Pilipino ang tanggapin kung anong meron na o kung ano ang kinalabasan ng ating ginawa kahit na panget ito at mababa lang ang kalidad. Halimbawa nalang sa ibang larangan, halimbawa sa sports, ayos na kung makapasok tayo sa world stage pero hindi natin iniisip ang maging pinakamagaling.

Bakit nga ba tayo kuntento na sa ganitong estado ng buhay? Ang magkaroon ng tirahan ngunit parang mayroong waterfall sa kisame mo, ang kumaen ng isang beses sa isang araw (atleast daw nakakakaen sila), ang magkaroon ng kuryente (jumper nga lang), at magkaroon ng gobyerno (kurakot nga lang). Ayos na sa atin ang magkaroon ng meron pero hindi natin hinangad ang mas maganda at maayos.

Atleast. Kaya hindi umaasenso dahil sa atleast. Bakit? isipin mo nalang ang least sa salitang atleast. Least ay ang pinaka mababa, pinaka-kaunti. Kaya ang tayong mga Pilipino laging nasa baba, dahil atleast maituturing naman tayong bansa (bagsak nga lang).

Kaya kung iisipin mo, bakit nga ba ang pag-unlad ay wala sa ating panig? Dahil iyon sa ang pag-unlad ay wala sa ating pag-iisip.  Wag nating masyadong sisihin ang gobyerno kung bakit hindi tayo naunlad, kahit na kurakot ang karamihan sa kanila, Isipin din natin ang ating mga nagawa, may tirahan ka nga ngunit wala ka namang trabaho, nakapag-aral nga ang mga anak mo ngunit hindi naman nakapag-tapos.

Ganyan tayong mga Pilipino hanggang mayroong magagamit, gagamitin hindi napaparamihin. Hindi tayo marunong paliwigin pa ang ating mga kayaman, hanggang mayroon, gastos lang, kung wala, edi wala, Atleast Pilipino.

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
6.5K 415 18
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
701K 3.9K 30
Completed Paano natagpuan ni Olivia ang sarili sa ibang kama,gayong may naghihintay siyang asawa sa kanilang bahay?
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...