My Bodyguard

By DisenchantedNow

9.7M 121K 5.6K

Dahil sa dami ng death threats na natatanggap ni Kristoffer para sa kanila ng anak niyang si Kyle, humingi na... More

My Bodyguard
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Epilogue

Six

240K 2.9K 41
By DisenchantedNow

6

KYLE

"Is there anything you can say?" pagkatapos kong magthankyou, wala man you're welcome na sasabihin? Tatahimik lang ba talaga siya?

"I-It's unexpected." parang gulat na sabi niya habang dinadampi ko pa rin ang ice pack sa noo niya.

I frowned. Unexpected?

"Which one? Ang pagtulong ko para matanggal bukol mo?... Why, does it brings you some electricity to your whole body?" at napangisi ako dahil iyon lagi ang description ng mga babaeng nakakasama ko. Yun daw ang epekto ko sa kanila.

Pero napangiwi ako ng malakas niyang hampasin ang kamay ko at inagaw ang ice pack sa akin at mag-isa niyang binabad ang noo niya dito.

"Awww! Bakit ba?!" inis na tanong ko at bumalik sa upuan ko.

And there I see her stare, masyadong masama para sa isang gwapong katulad ko. Ngayon pa lang ako tinitigan ng ganito ng isang babae. Most of the time, full of lust and hunger ang mga titig nila sa akin. Yung tipong, gusto akong sakmalin at kainin, anytime they want to.

"Bakla ka ba? Ang hina-hina lang nun, kung makapag-aray ka, akala mo, sobrang nasaktan ka. Wag ka ngang OA." mataray na sabi niya.

Ngumisi ako. "Ako bakla? Try me then. I'm willing to prove to you what's the truth." hamon ko.

Pero inirapan niya ako. Takot pala siya eh. Pero wala pang tumatanggi sakin kapag nago-offer ako, ha. Sabagay, she's not into action scenes that happen on the bed.

"So tell me what's unexpected, lady." nakakatawa din palang asarin tong babaeng to, todo taray. At nawiwili ako dahil siya pa lang ang unang babaeng nagtaray sakin in my entire life. Even mommy, and even ... K-Kate. Hindi nila ginawa sakin to.

"That you'll say thankyou." she answered shortly.

Napatitig ako sa kanya. Ganon ba talaga kasama ang tingin niya sakin? Na hindi ako marunong magpasalamat?

I remember what daddy told me.

"Don't make it hard for her son. Don't blame her for what's happening. In the first place, I just hired her and her team to protect us. Maiah is just doing her job. Bakit ba napaka-rude mo sa kanya? I don't see anything wrong, Kyle. I don't see any good reason why you're acting like you hate her. She just saved your life. You should've said thank you to her instead of those nasty words that came out from your mouth."

Well, let's say natauhan na ako ngayon. Dad has a point. Hindi naman talaga niya kasalanan kung may death threats man kami ngayon. Na delikado ang buhay namin ngayon. Maybe it's just my ego. Ikaw ba naman ang magkaroon ng female bodyguard on your 27 years of existence. Nakakatawang isipin, di ba?

Pero dahil mapilit si Daddy, mukhang ako ang talo sa sitwasyong to. Kaya naman hands up na ako at suko sa pagpipilit na ayoko sa kanya. I hate the idea dahil ang sakit sa pagkalalaki ko yun, but I don't have a choice. I guess, I just need to trust her. In fact, may napatunayan na rin naman siya, sa ngayon.

"I'm not as bad as what you think."

"Kung makikipag-cooperate ka lang naman sakin at sa team, madali naming matatapos ang kaso niyo." she said seriously.

"Then what do you want me to do? "

"Simple. Just follow security orders. No buts. Just obey and everything will be fine."

"Simple nga. Pero di ko alam kung simple din ang orders mo. Kagaya na lang ngayon, tinanggal mo ang night life ko. Ano'ng susunod mong isa-suggest, huwag akong lumabas ng bahay?"

Hindi talaga ako papayag ng ganon.

"If that's applicable, why not? Tsaka hindi ba billionaire ka naman? Eh di dalhin mo na lang ang club dito sa mansyon niyo." Is she trying to crack a joke?

"Well, you're not funny." I said, sarcastically.

"I'm not trying to be funny. I'm just giving out some suggestion." at naibaba na niya ang ice pack mula sa pagkakalapat niya sa noo niya.

Napapikit na siya, halatang pagod na at gusto ng magpahinga.

"Where are you sleeping, anyway?" Curious ako, eh.

"I'll not sleep. Marami pa akong gagawin. Marami pa akong ire-research."

Really? "But why?"

She frowned. "Ano'ng why? It's part of my job. Umakyat ka na nga dun. Istorbo ka sa trabaho ko." mataray niyang sagot.

"I'm so sorry for helping you..." sarcastic kong sabi at nagsukatan kami ng tingin. Tumayo na ako, at siya ang unang nag-iwas, siguro dahil sa abs ko na tumambad sa kanya kaya na-distract.

"Dad told you to watch over me, 24/7. If you want, you can work on my room, since you don't have any plan to sleep." suggestion ko bago ako tuluyang tumalikod palayo sa kanya.

***

MAIAH

Natingnan ko siya habang unti-unting lumalayo. Ang broad lang ng likod niya. Halatang maintain ang pagwo-work out. At ang hips, eh bakit ba ang sexy? Mas lalo pang nakapagpasexy sa kanya yung pajama niya na akala mo, malalaglag sa bewang niya, anytime he's going to move. Thank God, hindi naman nung umalis na siya.

Mabait lang yata siya kapag madaling araw eh. At kapag binabato ng unan. And did I hear it right? Sa kwarto na lang niya ako magtrabaho para mabantayan ko siya? Don't tell me, takot siya sa multo? 6'1" tall, takot sa multo? Natawa ako ng bahagya. Ang laking tao niya para matakot, ha. Pero for sure, di naman talaga siya takot. Nagpapabantay lang talaga.

Hindi na rin naman masakit ang noo ko, thanks to his ice pack.

And I find myself standing up, getting my laptop, and heading to his room.

Pagbukas ko ng pintuan, only his lamp is lightning his cozy room. I saw him on his king sized bed room. Tulog na tulog, and still topless. Mabilis pala siyang makatulog.

I decided to sit on his couch, opened my laptop, and start working. I emailed Tony and asked for some files from Cecille's phone that he copied. I activated advanced GPS, trying to have atleast an information about their location. But then again, GPS failed me. Naga-auto reject ang GPS. For sure, it's their network security na naman. Masyadong secured ang High Class. Ang hirap pasukin ng system nila. Damn.

Pero hindi ko alam kung bakit ako dinadala ng mga sariling mata ko sa banda roon. Sa bandang kama ni Kyle. Sa mismong nakahiga sa malambot at malaking kama na iyon.

He's still sleeping with his pajama only. Natatanaw ko naman kahit paano ang abs niya. Shit. Those abs. Napakunot ako ng noo. What exactly am I thinking? Bakit? Napalunok ako at agad na humarap sa laptop ko at narealize na hindi na pala gumagalaw ang mga daliri ko sa kakatype.

Is this really the effect of him to women like me? It's like hypnotizing. Yung tipong mapapatingin ka na lang sa kanya ng wala sa loob. Yung di mo gusto. Yung dadalhin ka ng sarili mong mga mata sa kanya. He has the talent of hypnotizing women, without any effort.

Pinilit kong alisin ang mga mata ko sa kanya at muling nagtuon sa harap ng laptop screen. Bumait lang siya nagkaganito na ako. Napataas ang kilay ko sa sarili kong statement.

Bumait? Now I doubt it. Mabait lang yata siya kapag madaling araw. Hindi araw-araw. At napailing ako. Bakit ko ba iniisip ang mayabang na to? Dapat pala sa labas na lang talaga ako nagtrabaho at hindi na dito sa loob. Para kasing ang init, eh. Pero ang lakas naman ng aircon.

***

Hindi ko alam kung nananaginip ako o ano. Pero parang totoo na hindi. Ramdam ko yung malambot na kamay niya na sumasagi sa balat ko. Ano bang ginagawa niya ? Ano'ng ginagawa ng taong to? Napakunot ako ng noo. I tried to open my eyes but they're lazy to do that. Ang sarap pa kasing pumikit. Ang sarap humiga. I tried again. Ayun, unti-unti na ring bumukas ang isa kong mata. Pero malabo pa ang nakikita ko, kasi parang nasisilaw ako. Pinikit ko ulit. Tapos dinilat. Pinaulit-ulit ko, hanggang sa maging malinaw sakin ang lahat.

God, he's so handsome. Hindi nakakasawa ang hitsura niya. It's Kyle. It's him. And his face is so close to me. Pero imbes na mapangiti sa magandang view na nakikita ko, nanlaki ang mga mata ko. As in malaking-malaki!

"What are you doing?!" matigas at gulat na tanong ko sa kanya. At agad na hinatak ang instant kumot na nasa katawan ko at napaatras hanggang sa mapaupo ako sa couch na kinahihigaan ko.

Napangiwi siya. "Ang OA mo naman! Ano'ng feeling mo, nirape kita? I'll never dream of having you, Maiah. Hindi ang katulad mo ang type ko. Hindi isang babae na mas lalaki pa sakin." and he smirk.

This jerk! Insultuhin ba naman ako umagang-umaga ? Ano'ng akala niya sakin, tomboy? Ang walang hiya talaga, sabi na nga ba at mabait lang kapag madaling araw. Tumatama talaga ang mga kutob ko sa kanya. At ano'ng sabi niya? Hindi ako ang type niya? Mas lalong hindi ko naman siya type dahil bukod sa mayabang na, ang yabang yabang yabang pa! Nakakairita talaga to, eh. Dapat yung Daddy na lang niya ang naka-assign sakin. May sense pang kausap kesa sa anak niya.

Tiningnan ko siya ng masama at binitawan ang kumot ng maramdaman kong may damit pa pala ako. Actually, di naman natanggal talaga. Suot ko pa rin ang slacks and racerback sleeveless top ko na kulay itim.

At siya, topless pa rin hanggang ngayon. Dapat lang talagang wag siyang magkakamali dahil mababaon siya, 6 ft. underground kahit gaano pa siya kayaman.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Hmmm... Bagay rin pala sa kanya ang pagtataas ng kilay. Nagmumukhang istrikto. Sa bagay, kahit ano naman siguro, bagay sa mukha niya. Pwedeng gawin kahit ano, pero gwapo pa rin. Oh my goodness. Ilang beses ko na bang sinasabing gwapo ang mayabang na to?! Magtigil ka nga, Maiah!

"Para saan naman?" nakaismid kong tanong.

"Ay oo nga pala. Wala kang malay kaya naman nag-atubili na akong ayusin yung pagkakahiga mo sa couch at bigyan ka ng kumot kasi lamig na lamig ka na sa sleeveless mo. I really don't know why you took off your coat. Eh hindi naman ako maaakit sa yo."

Ang yabang talaga. "Well, thank you so much. I owe it a lot." sarcastic kong sabi at ngiting aso sa kanya.

Pero nakatitig lang siya sakin habang nakangiti ng pang-asar. Bwisit na lalaki to. Nawa ay matapos na talaga ang kaso nila ng mawalan na ako ng kunsumisyon.

Agad na hinanap ng mga mata ko ang laptop na nakalapag sa maliit na center table sa harap ng couch. Agad kong kinuha iyon at tumayo na. Hinding-hindi na ako magtatrabaho sa kwarto niya. Since hindi naman talaga ako nakapagtrabaho at nakatulog na lang pala. Tapos panira pa ng umaga ko ang lalaking to.

Lalabas na ako ng kwarto niya ng maramdaman kong susunod din siya. Tiningnan ko siya ng masama. "And where are you going?" paasik kong tanong.

"And what do you think? Syempre lalabas! Bakit ikukulong mo ba ako sa sarili kong kwarto?" masungit niyang sagot.

Agad ko siyang tinalikuran at mabilis na binuksan ang pinto.

Pero natigilan ako ng makita ang bumungad sa amin. Si Mr. Martin, at si Tony. Na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Kyle, at nanlalaki ang mata.

Continue Reading

You'll Also Like

32.8K 615 41
Ginny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na...
29.2K 1K 60
A mysterious girl caught the eye of the almost perfect college student slash one of the most famous business man in Asia or you can tell in the whole...
145K 3.6K 59
Scarlet Kylie Harmony also known as a sky is a basketball player in SAINT AQUARIUS UNIVERSITY (SAU) In the championship sky games got affected afte...
1M 19.2K 48
Nagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga si...