Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

Von Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... Mehr

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

IV : The death of another

76.7K 3.7K 1.2K
Von Serialsleeper


IV

The death of another

Cielo's POV


"Hindi niyo ako masisisi! Eh kung sana sinabi niyo ng mas maaga, malamang nakakuha ako ng mas pormal na alternative sa cooler! Napakahalaga ng oras kaya ito nalang yung pinakadaling naisip ko! At isa pa kailangan nating i-preserba ang katawan niya! Once her body decomposes, we can never—"


"Thank you Shem..." Hindi ko na napigilang bumulalas, "You did a great job... all of us did great and I'm sure Dana would be really happy knowing we're doing our best to get her back home." At kahit alam ko mang hindi pa ito ang tamang panahon para magsaya, hindi ko mapigilang mapangiti sa kanilang lahat bilang pasasalamat. Pero hindi kasali sa kanila si Harper... sure she's beginning to redeem herself but who am I kidding? I can't treat her the way I used to lalo pa't sariwang-sariwa pa sa alaala ko ang sakit na dulot ng mga nagawa niya. I can't forgive her... unless everything comes back to the way they used to, unless we get Dana and Wacky back.


"Churchill what the hell?" Bigla naming napansin ang paniniko ni Mira dahilan para mapatingin kami sa kanilang dalawa ni Churchill.


"No listen! You can hear his voice if you listen carefully!" Biglang giit ni Churchill habang nakatingin sa kawalan at para bang natataranta. Bigla siyang napaharap sa railings ng tulay at napatitig sa napakalalim at napakadilim na ilog.


"Churchill anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Raze na agad humakbang papalapit rito.


"Si Wacky! Hindi niyo ba talaga naririnig ang boses niya?!" Giit ni Church at muling humarap sa amin. This time, kitang-kita ko na ang panlulumo sa mukha niya.


"You and Dana are the only ones with emotional connection to him. That's probably why." Biglang bulalas ni Harper kaya sa kanya naman kami napatingin. She's just standing there, without a pinch of emotion and by the looks of it, the truth about Wacky's whereabouts are about to come out.


"Emotional connection? Tangina ano bang nangyayari?! May alam ba kayo kung nasaan si Wacky?!" Bulalas ni Churchill na halatang naubusan na ng pasensya.


Napabuntong-hininga si Harper at napaupo sa nakabukas na pinto ng van, sa tabi ng cooler kung saan kitang-kita parin namin ang bangkay ni Dana, "Si Primo Fergullo, naging malakas ang pananamba niya kay Astaroth kaya nagawa nilang makapag-komunika sa isa't-isa kahit hindi pa nakalalaya si Astaroth sa lungga niya. Nagagawa ni Astaroth na makapagbigay ng masagang ani sa pamamagitan ng maliit niyang kapangyarihan, kaya lalo pang naging kumbinsido si Primo sa kakayahan nito. Ayon kay Astaroth mas lalo siyang magiging malakas at mas lalo siyang makakatulong sa bayan ng fergullo sa pamamagitan ng dalawang kaluluwa kaya kaya naman napagdesisyunan ni Primo na ialay ang sarili niyang anak bilang mapagkukunan ni Astaroth ng lakas, pati narin ang isang binata para maging sisidlan." Biglang napatingin si Harper sa aming dalawa ni Axel, "Nang malaman ng taga ibang bayan ang pananalig ni Primo sa demonyo, ipinapatay nila ang mga magiging alay para mawalan na ng paraan si Astaroth na magkaroon ng sapat na kapangyarihan para wasakin ang lahat. Sa ngalan ng kapangyarihan at pananalig kay Astaroth, nagkaroon si Primo ng kakayahan na gumawa ng sumpa habang unti-unti silang nilalamon ng apoy, the curse was about returning and getting this town back, making everyone suffer just like how they did but even worse. Isang salamangkero ang nagkulong sa mga kaluluwa nila sa isang plaka upang 'wag maisakatuparan ang sumpa—"


"And you played it on my birthday..." Biglang sabat ni Churchill at nang muli akong mapatingin sa kanya ay kitang-kita ko ang galit sa mukha niya habang nakatingin kay Harper. Si Harper naman mukhang hindi na apektado, I don't know if she's just pretending or manhid nalang talaga siya sa sama ng epekto ng pinaggagawa niya.


"May mga nakaligtas mula sa bayan ng fergullo, ilan sa kanila ay mga pamilyang may mga sanggol—umabot sa kanila ang isa pang sumpa ni Primo, na balang araw babalik ang kaluluwa ng dalawang magiging alay." Muli, napatingin si Harper sa aming dalawa ni Axel, "As impossible as this sounds, kayong dalawa 'yon. Cielo, nabasa ko sa medical records mo sa mental institute na kinatatakutan mo si Astaroth and that's when I realized something... That Astaroth has been trying to reach you so you could make the wish. Then, I learned about the old record, yung plakang pinagkukulungan ng kaluluwa ng mg fergullo. I thought I could make a wish or even manipulate you into wishing for my parents to be alive again if everyone's life is in danger but it didn't happen—"


"And you're blaming Dana kasi hindi niya sinali ang parents mo sa wish?" Sarkastiko namang putol ni Mira na ngayo'y nakataas na ang kilay habang naka-krus ang mga braso. Napansin ni Mira na nakatingin kaming lahat sa kanya kaya napasinghal siya, "Sorry guys but I'm not buying this whole 'tinutulungan niya tayong lahat na mabalik si Dana' acting. There could be a twist here somewhere, let's be careful with this bitch." Dagdag pa niya.


Napabuntong-hininga si Harper at animo'y binalewala na lamang ang sinabi ni Mira, "Kanina ko lang natanggap ang ibang research papers at cuneiform transcriptions mula sa ibang bansa na patungkol kay Astaroth. According to the legend, Astaroth was a high ranking demon who was trapped by a sorcerer in his own labyrinth. The only way he could escape is if he gets a soul that would take his place in his labyrinth and use its body to possess, and another soul that to feed on in order for him to gain enough strength to conquer this world. Astaroth needs a willing soul to consume kaya niya tutuparin ang kahilingan nito bilang kapalit. But first the two souls to be sacrificed should have an emotional connection."


"Kaya kami ni Cielo ang gusto niyang kunin mula noon..." Napatingin sa akin si Cielo, "Pero bakit si Wacky ang ginawa niyang sisidlan at hindi ako?"


"Because maybe he realized that Cielo has become unbreakable.... That Dana would be a better soul to feed on because Dana is more vulnerable to her emotions. Takot at paghihirap ang nagpapalakas kay Astaroth at siguro iniisip niyang kay Dana niya ito pinaka makukuha, at sa lahat ng naroon si Wacky at si Dana ang may malakas na emosyonal na koneksyon." Paliwanag pa ni Harper at sa puntong 'yon, muli akong napatingin kay Churchill na labis na ang panlulumo dahil sa naririnig.


"N-nasaan si Wacky?" Muling sambit ni Churchill na animo'y hindi parin halos makapaniwala sa mga narinig.


"Odds are, he's in hell with Dana. Wacky's soul will replace Astaroth's spot in his labyrinth and at the same time, Astaroth will possess his body and use him as a vessel. Once Dana gives Astaroth enough power, that demon will walk over this earth and no words can describe the horror that could happen." Sabi pa ni Harper at napatitig na lamang sa sahig.


"See! She's still doing this for herself! Tumutulong lang siya kasi madadamay siya sa sa kasamaan ni Astaroth!" Giit pa ni Mira.


"Say what you want, believe what you want." Giit ni Harper.


"I'll also do what I want and that's to slap your brains out!" Sigaw ni Mira at bigla na lamang sinugod si Harper at sinabunutan dahilan para muli kaming magkagulo. Dali-dali kaming umawat pero sadyang nanggagalaiti na silang dalawa sa isa't-isa. Sigawan dito, hampasan doon, panay ang panghihila namin pero sadyang mas makapangyarihan ang galit sa pagkakataong 'to.


"Timeout! Inuuod na si Dana!" Biglang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Shem dahilan para matigil sina Harper at Mira sa pagsasabunutan at paghahampasan. Dali-dali kaming napatingin muli sa cooler na nakabukas kung saan naroroon si Dana at para akong nabunutan ng tinik ng makitang wala namang uod o sugat sa kanya.


"Gago! Wala namang—" Natigil si Raze sa pagsasalita kaya napalingon ako sa direksyon ni Shem. Napangiwi na lamang ako nang makitang nakaupo na si Shem sa mismong railings ng tulay habang nakaharap sa amin. Sa sobrang lakas ng hangin, tinatangay na nito ang kanyang buhok dahilan para maya't-maya siyang mapailing-iling dahil humaharang na ito sa kanyang mukha. Maya't-maya rin siyang napapahawak sa yellow helmet niya upang 'wag itong malaglag habang ang kabila naman niyang kamay ay nakahawak sa kongretong kinauupuan. I know this isn't the right time to say this but this boy should've got his hair cut, if this overgrown hair situation goes on, he'll end up looking like Boris— but a skinny, chinito and bitch-faced version ni Boris.


"Bumaba ka diyan Shem!" Sabi pa ni Axel.


"What the hell Shem, get off the ledge or i'll push you myself and use your geeky yellow helmet to bash Harper's brains out!" Pagbabanta naman ni Mira na kahit concerned man kay Shem, halatang nagpupuyos parin sa galit dahil kay Harper.


"Lagi ko na 'tong ginagawa mula pagkabata, kalma lang kayo!" Giit ni Shem na itinaas pa ang kanyang mga kamay na animo'y nagpapakitang gilas.


Bigla na lamang umalingawngaw ang isang malakas na busina kaya naman sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon nito. Agad kaming sinalubong ng nakakasilaw na liwanag mula sa isang malaki at kinakalawang ng truck. Huminto ito malapit mismo sa kinatatayuan namin. Shit, where have I seen this truck before?


As the door opened, I saw a pair of huge rugged shoes come out and then I looked up and realized who it was.


"M-mang Boris..." He's nice. Kahit pa mukhang napakabarumbado niya dahil sa laki ng katawan at ayos niya, I know he is among the nicest people here in Drayton. He works really hard just to put food on the table and give his family a better future but despite knowing all of this.... hindi ko na mapigilang makaramdam ng kaba sa kanya lalo pa't sariwang-sariwa pa sa alaala ko ang mga dinanas namin sa mga kamay niya.


"Anong ginagawa niyo—Teka hijo!" Biglang sumigaw si Boris ng napakalakas at nagtatakbo patungo sa direksyon namin. Hindi ko alam anong nangyari pero namalayan ko na lamang na nagsisigawan na kami at nagtatakbuhan palayo, siguro dahil to sa takot nang makitang tumatakbo na sa mismong direksyon namin si Boris.


"Guys si Shem!!!"


Natigil lamang kami sa pagkakagulo nang umalingawngaw ang sigaw ni Axel. Magkakaiba man ang direksyong tinakbuhan namin, pare-pareho kaming napalingon sa direksyon kung saan nakaupo si Shem at labis kaming nagimbal sa napagtanto—Nalaglag si Shem mula sa tulay at patungo sa tubig ng kawalan.


"Shem!!!!"


Lalo kaming nagkagulo. Umalingawngaw ang naglalakasan naming mga boses habang isinisigaw ang boses ni Shem sa sobrang taranta.


Nakita naming tumakbo si Boris pabalik sa truck niya at ginamit ang kanyang radyo upang kumontak ng mga taong tutulong; hindi lang mga emergency personnel kundi pati narin ang mga malalaking sasakyang pandagat na kasalukuyang nasa ilog kung saan nalaglag si Shem.


"Umalis na kayo! Ilayo niyo si Dana dito! Take Shem's van!" Narinig kong sambit ni Raze kay Churchill at Mira.


"Patungo saan?!" Bulalas ni Mira.


"Sa villa ng lolo at lola ko, sa lungsod ng Holloway, apat na oras mula dito!" Giit naman ni Axel, "Tatawagan ko ang kapatid ko, ibibigay niya sa inyo ang address." Dagdag pa niya.


"Go with them! Kami na ang bahala kay Shem!" Utos sakin ni Harper.


"Shem has always helped Dana and I, so I'm staying here until we find him!" Giit ko. I know Dana, I know this is what she would've wanted me to do.



END OF CHAPTER 4!

Note: Just in case anyone whines about how short this update is, please bear in mind that I have tailored every chapter chronologically so it is the scenes serve as the relevant factor for the chapter cuts and not the number of words. I cannot add scenes just to prolong a chapter as it will just mess the dominos i've plotted and positioned.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

485K 25K 199
ODONG HUNTERS #1 PART 1 & 2 • Bisaya Short Story • Epistolary "Para sa mga gipangchar-char lang." FIRST WATTPAD'S BISAYA STORY. Date Started: Decemb...
865K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...