The following day, sinamahan ulit ako ni Harold kina tito Rey. This time wala na si Bricks. The therapy lasted for almost an hour then umalis na din kami kaagad. Nasa loob na kami ng SUV nya ng bigla siyang nagsalita sa nangyari kagabi.
"Sorry about last night. Hindi ko naman alam na nandun din sila. Sana sa iba na lang tayo kumain." He said in an apologetic tone. Tahimik kasi siya buong biyahe kagabi pero nararamdaman ko na galit siya. Alam nyo naman yan nagtratransform pag galit kaya hinayaan ko lang siya at hindi din ako nagsalita.
"That's okay." I answered curtly. Honestly, I was really bothered about them. Why do friends end up like foes to each other every time I come into their lives? I don't know what's with me. May sumpa ba akong dala?
"I'm really sorry, Elise. I know you're worried. Huwag mo ng isipin kung ano man ang meron sa amin ni Aidan ngayon. Wala kang kasalanan dun, okay? Don't stress over us. Problema namin ni Aidan yun and about sa lakad namin ni Nikola, hindi na ako sasama dun."
Napatingin ako sa kanya "Bakit naman?" Tama ba yung nasabi ko?
He met my gaze. "Anong bakit naman?" he looked confused.
"Bakit hindi ka na sasama sa kanya. Sige na, okay lang naman. Ganyan din naman kami ni Gonzales pero hindi mo naman ako pinipigilan. Bestfriend mo pa rin naman siya." Liar! Pero I'm just trying to be an understanding girlfriend.
He eyed me suspiciously. "Talaga??"
"Y-yeah. Go." Naman. Why did I stammer?
Kahit na nakatingin siya sa daan, I can see na naningkit yung mga mata niya and he's restraining his grin. "Elise, alam ko namang ayaw mo, kaya hindi na ako sasama."
I sighed. "Hindi naman sa ayaw ko. Ang sa akin lang, bakit kailangan ka pa niyang isama? Hindi ba siya makakapunta dun kapag hindi ka kasama. Maliligaw ba siya o may password ba dun at ikaw lang ang nakakaalam" I contradicted my first statement. If I were in a trial, I will be found guilty for sure.
"Ayaw mo talaga." he mumbled and let out chuckle.
"Bakit mo ko tinatawanan? Nakakatawa ba yung mga sinabi ko!?" Nagkita na naman ang mga kilay ko.
"Hindi. Ang cute mong magselos eh. Nagtratransform ka din." he glances at me then grins.
"Selos? Ako?? Hindi ah. Nagtratransform ka diyan." I looked away. Selos ba yun.
"Oo kaya. Kanina sabi mo okay lang then bigla kang nag-whine. Hala Elise! Tignan mo yung ilong mo humahaba." He pointed to my nose.
"Ha? Bakit?" Napahawak ako sa ilong ko hanggang sa na-realize ko kung ano yung gusto niyang sabihin.
He laughed loudly. "Bwisit ka!" Kinurot ko yung braso niya.
"Ikaw kasi eh. Huwag kang magsisinungaling. Masama yun. Sino ba ang girlfriend ko?"
"Ano?" Tumaas ang kilay ko.
"Ang sabi ko, sino ba ang girlfriend ko?" He glances at me again.
"Ako." I answered lifelessly.
"Lakasan mo hindi ko marinig." He ordered me.
"Narinig mo naman eh. Saka alam mo na yan, malaki ka na." Pagmamaktol ko.
"Ulitin mo. Sige na. Ikaw may pakana nyan di ba." He's restraining his grin again. Bwisit to! Ibalik ba naman sa akin yung mga ginawa ko.
"Okay, okay. Ako! Ako ang girlfriend ni Dax Harold Lagdameo. Happy?"
"Very much! Meron din akong statement na ganyan. Ako naman ang boyfriend ni Anna Elise San Roman. Dapat ganyan ang sagot natin pag may nagtatanong sa atin." Evil grins.
I rolled my eyes heavenwards. "All right. Oo na lang. Anyways, saan ba tayo pupunta?"
"We'll have a date."
>>>>>>>>>>
For almost three weeks, sinasamahan ako ni Harold kina tito Rey. Bantay sarado talaga ako. Hindi na naman nagpupunta si Bricks dun. Ewan ko dun sa lalaking yun, praning. Afterwards, he'll date me. Sabi niya kasi pag nagtrabaho na ako, magiging busy na daw ako kaya sinasamantala na niya. Tinawagan na pala ako sa St. Louis' Hospital in Makati and for interview ako ngayong umaga.
"Anna, malapit ng mag-eight. Hindi ka pa ba aalis? Anong oras ba yung interview mo?" Kanina pa ako tinatanong ni mama. Ang tagal naman kasi ni Harold. Sabi niya sa akin kahapon sa phone, 7:15 nandito na siya. 7:45 na wala pa din siya.
"9'o clock pa naman, Ma. Hintayin ko lang si Harold." Kanina ko pa rin tinatawagan yun hindi naman sumasagot kahit text wala.
Lumapit sa akin si kuya Joey. "Sumabay ka na sa akin, Anna. Pareho naman tayo ng way."
"Ayun. Dalian mo Anna. Interview mo ngayon kaya kailangan maaga ka. Hindi baleng ikaw ang maghintay dun, huwag sila ang paghintayin mo." Pansin ko lang kanina pa ako pinagtatabuyan ni Mama.
"Opo, eto na nga." Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng bahay. Text ko na lang siya na nauna ako.
May tumabi sa akin. "Ano bang sabi sa'yo ni Dax kahapon?" kuya Keith asked me. Sumabay na siya sa amin palabas.
"Susunduin nya daw ako ng 7:15." Nauuna sa amin si kuya Joey ng konti.
"Sandali, tatawagan ko lang." he took out his phone inside his bag and dialed Harold's number.
"Hello, nasaan ka ba? Kanina ka pa inaantay ni Anna." Ang daya naman niya. Bakit kay kuya sumasagot siya samantalang ako, naka-ilang tawag na ako hindi niya sinagot. Kahit text man lang.
Medyo matagal din sila nag-uusap. "Ganun ba. Sige pagaling ka. Magtetext ka kasi para alam niya." Binaba na ni kuya.
"Teka, bakit hindi mo binigay sa akin? Anong nangyari sa kanya?" I asked worriedly.
"Nilalagnat daw siya eh. Ngayon lang daw siya nagising. Sorry daw."
"Bakit kasi hindi mo siya pinakausap sa akin?" I complained.
"Pag binigay ko sa'yo, mababawasan ng malaki yung load ko." He sneered.
"Tsss. Kuripot. Sumbong kita kay Jo. Pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila mamaya." Sinabayan ko na lang si kuya Joey. Nakakainis si kuya Keith.
>>>>>>>>>>>
Nakarating ako sa hospital ng 8:40. Na-traffic kami ni kuya Joey sa may Makati Ave. Hinatid niya muna ako sa hospital. Umakyat na ako sa fifth floor. Sakto lang naman ako kasi wala pa yung rehab doctor na mag-iinterview sa akin. Pinaupo muna ako ng chief PT sa may tapat ng consultation room. I was freaking nervous. First time ko kasi ma-interview. After a few minutes, I received a text message.
1 Message Received
From: Tita Maggie
Anna, mga lunch ka na pumunta dito. Aalis kasi kami ng hapon ng tito Rey mo.
Dapat kasi 4 pm pa ako pupunta sa kanila. Siguro naman tapos na ako ng ganung oras dito.
To: Tita Maggie
Okay po tita. Pero baka ma-late ako ng konti kasi po may interview ako ngayon.
I glanced at my watch. 9:10 na wala pa din. Kinakain na ako ng kaba. Hay! Mga doctor talaga, never on time.
1 Message Received
From: Tita Maggie
No problem. Dito ka na mag-lunch ah. Niluto ko yung favorite mo. Sinigang na Hipon
Nung nabasa ko yung text, bigla akong nagutom. Ayos! May reward kaagad ako. Masarap magluto si tita.
To: Tita Maggie
Thanks tita. Hindi nyo pa pala nakakalimutan yung favorite ko. :)
Okay na rin yung maaga para, maaga ako makapunta kina Harold. Kawawa naman yun may sakit pala.
After a few minutes of waiting in vain, dumating na rin yun rehab doctor. Sandali lang yun interview sa akin. I'll start as volunteer for two weeks then after that, evaluation ko and they'll assess me if they'll gonna hire me or not. Okay na rin to kesa tambay sa bahay. Malapit pa sa amin. Dumiretso kaagad ako kina tito Rey.
Pag baba ko ng tricycle, nagulat ako sa kotse ni Bricks na naka-park sa labas ng gate nila. Gosh! Nandito siya. Patay ako kay Harold nito. Sangkatutak na tanong na naman ang aabutin ko pag nalaman niya. Nasa labas na pala siya ng kotse niya hindi ko napansin. Mukhang hinihintay niya ako. Tinignan nya ako and he smiled.
"Hi Anna! Himala, wala kang bodyguard ngayon." Ewan ko lang. Pero feeling ko natutuwa siya na wala akong kasama ngayon.
"May sakit eh. Wala ka bang pasok?" Sabay na kaming pumasok sa loob.
"Nagpacheck-up ako. Namamanhid kasi lagi yung kamay ko saka sumasakit yung elbow ko." Tinuro niya yung left elbow niya.
"Ano daw findings sa'yo?" Parang alam ko na yung diagnosis niya.
"Epi-epicon-dylitis ba yun? Basta sounds like that." Sabi na eh.
"Ah, oo Epicondylitis nga. Lateral Epicondylitis to be exact. Ni-refer ka sa PT?"
He glanced at me. "Oo. Nag-therapy na rin ako kanina. Mabilis lang pala yun."
"Mabilis lang talaga yun. Madali lang naman ang treatment diyan." I smiled at him.
When we entered the door, sinalubong kami ni tita Maggie. "Anna, nandito ka na pala. Halika kain muna."
"Parang hindi mo ako nakita Ma, ah. Sino ba talaga ang anak mo ako o si Anna?" Pagmamaktol ni Bricks. Natawa ako sa facial reaction niya.
"Naku Bricks! Tumigil ka nga. Ang bilis mo namang magpacheck-up. Kamusta pala ang interview mo, Anna?" She led us to the kitchen.
"Okay naman po. Start as volunteer muna, after two weeks saka sila magdedecide if I'll be hired or not." I answered as we all sat on the chairs. Wala yata si tito Rey.
"Tanggap ka na niyan. Sus! Ikaw pa. Best Intern ka di ba?" Inabot sa akin ni Bricks yung kanin.
"Hoy! Hindi kaya. Sina Bulag at Camz kaya yun."
"Weh? Yun kaya lagi sinasabi ng mga co-intern mo nun pag nakakausap ko sila dati."
"Naniwala ka naman sa kanila. May crush kasi yung mga girls sa'yo kaya kung anu-ano yung pinagkwekwento nila makausap ka lang." Naalala ko kasi yung mga co-intern ko na may crush kay Bricks. Nagseselos pa nga ako nun kasi kung makadikit kay Bricks wagas.
"Kahit hindi nila sabihin alam ko naman na magaling ka talaga." He paused for a while like someone has splashed him cold water in the face.
Tita Maggie smiled. "Ehem, kumain na muna tayo."
Mmmm. Sarap talaga ng luto ni tita Maggie. Iingitin ko mamaya si Gonzales. Favorite namin kasi magluto si tita Maggie. Hindi na nagsalita ulit si Bricks.
After we ate lunch, I rested for a short while then bumaba na si tito Rey and we started our therapy. Sandali lang kami at natapos na kaagad.
"Bricks, ihatid mo si Anna. Wala siyang kasama ngayon." sabi ni tito Rey kay Bricks.
"Naku tito, wag na po. Ayos lang po ako. Sanay po akong mag-commute." I gestured my hand to say no. Patay ako kay Harold nito pag nalaman niya.
"Hindi Anna, hayaan mong ihatid ka ni Bricks. Delikado na panahon ngayon. Oo nga pala Bricks, dumaan ka din pala ng St. Mary's at mukhang may ginawa na namang kalokohan si Russel sa school. Nasa guidance daw ngayon. Yung batang yun talaga." Si tita Maggie.
"Ma, bakit kailanagan ako ang pumunta? Hindi naman ako ang magulang nun." Bricks whined.
"Hindi makapunta ang tita Joy mo. Ayaw nilang sabihin kay Eric dahil namumuro na yung batang yun sa Papa niya." Tita Maggie explains.
"Tss. Pasaway kasi." Bricks grimaced.
Nagpaalam na ako kina tita at lumabas na kami ng bahay nila. Pumasok na kami sa loob ng kotse niya. Wala pa ding pinagbabago yung loob. Pati yung scent gaya pa din ng dati.
"Daan muna tayo sa Mary's, okay lang ba?" he asked as he started the engine.
"Oo naman." On the way naman yun sa amin. Medyo nostalgic ang ambiance sa loob. Ewan ko lang, if ganun din ang nararamdaman ni Bricks. Seryoso siyang nag-drive. Hindi nga niya ako kinakausap.
Nakarating na kami sa school. Sinabi namin sa guard yung purpose of visit namin. Nag-iwan kami ng ID at binigyan ng visitor's ID. Dumiretso na kami sa loob ng Guidance's office. Nakita namin si Russel na nakaupo sa tapat ng pinto.
Nilapitan ni Bricks si Russel at sumunod ako. "Ano na naman ba ang ginawa mo?" Galit na tanong ni Bricks.
"Pinagtanggol ko lang sarili ko kuya. Mga gago yung section ng Lourdes eh. Ate Anna, ikaw pala." Russel retorted and greet me.
I smiled and Bricks reprimanded him again. "Kahit na. Ang dami mo ng offense. Sa guidance ka na nga dinala. Dati sa Prefect of Discipline ka lang. Malala ka na talagang bata ka." Para silang mag-ama. Nakakaaliw silang pagmasdan.
May pumasok sa loob. "Sorry for keeping you waiting. Kinausap ko lang si Mrs. Adela with regards sa case ni Russel." Shit! Kilala ko yun ah. Pag harap namin ni Bricks, tama nga ang hinala ko.
"Kuya Aidan, ikaw pala ang Guidance Counselor dito." Nagulat din si Bricks. Nanigas akong bigla.
"Kilala mo siya kuya Bricks? Ayos. Lusot na ako." Russel grinned.
"Anong lusot!? Mangarap ka, ungas!" Bricks retorted while Russel grimaced.
"Hi Anna and Bricks. Pinsan mo pala si Russel, Bricks. Pasok na muna kayo sa room ko." He opened the door.
Napaatras ako ng konti. "Ah, Bricks dito na lang muna ako sa labas."
Bricks face me. "Sure ka?" I nodded.
"Okay, hintayin mo muna ako. Sandali lang to." Pumasok silang dalawang mag-pinsan. Walang alam si Bricks sa amin ni Aidan.
Aidan looked at me meaningfully before he closed the door.
Dito pala siya nagtatrabaho. Ano ba naman yan! Lahat ng dapat kong iwasan, nakita at nakasama ko pa ngayong araw. Bakit kasi ngayon pa nagkasakit yang si Harold!
Mga halos twenty minutes sila nag-usap sa loob. Bumukas na yung pinto.
"Ah, Anna. Hintayin mo muna ako dito. Pupunta pa kami sa Prefect of Discipline. Mukhang suspended tong gagong to." Hindi na mai-pinta ang mukha ni Russel.
"Sama na lang ako." I protested. Ayokong maiwan dito.
"Babalik din kami. Maiinip ka lang dun para may makakwentuhan ka. Nandiyan naman si kuya Aidan. Pasok ka daw pala." Double shit!
"Naku! Sama na lang....." Aidan cut me off. Nakatayo na pala siya sa mya pinto.
"Anna, matatagalan sila dun. Sa loob ka na lang maghintay." Kakaiba talaga yung mga tingin nya.
"H-hindi. O-okay lang. Gusto kong makita yung buong school." Naman ayokong maiwan sa loob na kasama niya. That'll be very awkward.
"Sige na Anna. Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo." Tinulak ako ni Bricks papasok ng room at umalis na silang dalawa.
Wala na akong nagawa. "Take a seat." He gestured me.
Umupo na rin siya sa chair niya. Umupo naman ako sa may chair malapit sa pinto. "How are you?" Nararamdaman ko yung mga tingin niya.
"Ayos lang." I answered bluntly without looking at him.
"May work ka na ba?" he continues despite of my animosity level. Alam ko namang nararamdaman niya yun.
"Wala pa." Hindi ba siya nakakahalata na ayoko siyang kausap. Isang tanong, isang sagot na nga ang drama namin eh.
"Galing ka sa therapy ng Papa ni Bricks." Sumandal siya sa chair.
"Yeah." Hindi siya question pero sinagot ko na. Kainis! Ang tagal nila Bricks. Dapat nagpahatid na lang muna ako sa bahay.
"Pinayagan ka ni Dax na sumama kay Bricks?" he asked skeptically.
"Why do you care?" Hinarap ko na siya and I raised an eyebrow.
"I'm just surprised. Ang alam ko kasi bantay sarado siya sa'yo. Pero looked, wala siya ngayon para bantayan ka sa amin ni Bricks." He says casually.
I didn't answer. Naiinis ako. Ano bang gusto niyang palabasin?!
"How are you and Dax?" He leaned closer to check my reactions.
"Why do you want to know?" I met his gaze.
"I'm just checking if he's really a good boyfriend to you."
"Okay, if that's what you want to know. Okay na okay kami. He's a very good boyfriend to me at lagi siyang nandiyan para sa akin." My blood starts to boil while he stays cool. Arrgghh!
"Talaga? Lagi siyang nandiyan. Eh, nasaan siya ngayon?" he mocked a smile.
"Teka nga, ano bang gusto mong palabasin?" My voice raised a notch.
His facial expression changed. Hurt is etched all over his face. "Bakit ka ba galit sa akin? Wala naman akong ginawang masama sa'yo."
I heaved a sighed to cool myself. "Sa akin wala pero kay Harold malaki."
"Siguro nga malaki ang kasalanan ko sa kanya pero he already gets even. Sobra pa nga eh."
"I don't know what you're talking about."
"Because you really don't know, Anna." he looked at me straight to the eye. May gustong sabihin yung mga mata niya pero nararamdaman kong may pumipigil sa kanya.
"Will you stop that, please? Stop your riddles. Bakit kailangan lagi mong pinagiisip ang mga taong kausap mo? Why can't you say it directly?"
"I did that because I thought it's for the best. Hindi lang naman siya ang nahirapan noon, Anna. I just can't lay down all the cards. Look, I can't change what has been and the damage that I've caused. I guess I've already paid for that. Karma got me already. I know how he felt before. The betrayal and agony. If only I could turn back time, Anna. I'll fix everything." Frustration. That's what I saw on his face.
Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. I can see so much hurt in his eyes. I can feel his misery. A pang of guilt starts to build up on me. He has done nothing wrong to me so I don't have any right to be mad at him.
"I'm sorry. I shouldn't have said that. I was just....nothing. Sorry." Sumandal siya ulit siya upuan.
"I'm sorry too. I know I don't have a right to be mad at you dahil wala ka namang kasalanan sa akin. It's just that nasaktan kasi si Harold. Hindi ko man alam at nakita ang buong nangyari sa kanya noon, alam ko kung gaano siya nasaktan. I'm sorry." Medyo mahinahon na ako. Wala naman talaga akong karapatang magalit.
"I know. I know I've hurt him big time. I just need to do that. By the way, nasaan ba siya at hindi mo siya kasama?" he changed the topic maybe to cool the ambiance.
"May sakit siya. Kaninang umaga lang."
"Sakit??" He seemed perplex with what I said.
"Yeah, nilalagnat siya. Why?" Nagulat din ako sa reaction niya.
"Wala. Hindi naman kasi sakitin si Dax kaya nagulat ako." Nakakunot na yung noo niya.
Bumukas yung pinto. Si Bricks. "Anna, tara na. Okay na kami."
"Ah, okay sige. Aidan, uuwi na kami." I got on my feet and took my bag.
"Kuya Aidan, alis na kami." Paalam ni Bricks.
"Ingat." Yun lang ang sinabi ni Aidan. I glanced at him for the last time at hindi na maipinta ang mukha niya. Ang lalim ng iniisip niya. Bigla na lang nagbago yung mood niya. Ano bang nangyari dun?
"Mukhang ang lalim ng pinaguusapan nyo kanina ni Kuya Aidan ah. Seryoso kasi mga mukha ninyo." Puna ni Bricks habang naglalakad kami palabas.
"Ah, wala lang. We're actually not in good terms kasi pero we've talked it out already kanina. Ako lang talaga ang magulo." Binalik na namin yung visitor's ID sa guard at pumunta sa kotse niya.
"Ah, ganun ba." He opened the door for me.
Nang nakasakay na siya I asked him about kay Russel. "Anong nangyari kay Russel?"
"Ayun 1 week suspended ang gago. Ang dami na kasing offense ng batang yun. Rebelde kasi eh. Naimpluwensiyahan ng mga barkada niya sa dati niyang school."
"Ganun talaga. Maiisip din niya yang mga pagkakamali niya." Well, teenagers eh.
"Sana nga. Kawawa naman ang Mama niya. Laging naiipit sa kanilang dalawa ng Papa niya." Napatingin ako sa side ko at may nakita akong familiar na figure ng lalaki na pumasok sa loob ng restaurant.
"Wait. Will you stop the car?" Is that Harold? Akala ko ba may sakit siya?
"What? Why?" Nagtatakang tanong ni Bricks as he glanced at me.
"Just stop the car for a while." I firmly said
"Okay. Wait." He pulled over at the side.
Lumabas ako ng kotse at sinundan ko yung lalaki. Binati ako ng mga servers as I enter the resto, I just smiled at them. Hinanap ko yung lalaking nakita ko. Nakaupo siya sa isang table.
"Harold?" Lumingon siya.
He seemed so surprised and I am as well.
"What are you doing here?" he asked me warily.
"I thought you're sick. Okay ka na ba?" Mukha naman siyang okay eh.
Tumayo siya "Ah, k-kaninang umaga lang pero nakainom na ako ng gamot kaya medyo o-okay na. Ayoko kasing laging nakahiga kaya lumabas ako." Napapansin kong hindi siya mapakali.
I creased my forehead. "May kasama ka ba? Kanina ka pa palingon-lingon eh." I looked around para tignan kung ano ba yung tinitignan niya.
"W-wala. Ako lang. Tatawagan ko sana si Keith para sabihing pumunta ka dito." He's strangely different today.
"Bakit kailangan mo pang tawagan si kuya, you can call me directly naman."
"Para may maghahatid sa'yo." Hindi talaga siya mapakali. Feeling ko hindi pa magaling to.
"Are you sure you're okay? You seemed so worried eh. Namumutla ka oh. Dapat nagpahinga ka muna." I asked concernly.
"I-I'm okay. Medyo groggy lang ng konti."
May lumapit sa aming lalaking hinihingal. "A-anna, s-sino bang nakita mo ang bilis mo.....Ah, kuya Dax ikaw pala." Fudge! Oo nga pala. kasama ko si Bricks. Sumama tuloy yung mukha ni Harold.
"Magkasama kayo?!?" Tumaas yung boses ni Harold. Wo-oh! This is bad.
"Ah..." I got tongue tied.
"Pinahatid kasi siya ni Mama sa akin kasi delikado dun sa village namin pag nagcocomute. Wala ka kasi kaya ako muna." Sinalo ako ni Bricks pero kakaiba yung tono at mukha niya.
"Ngayong nandito na ako. Okay na. Pwede ka ng umuwi. Salamat, ako na ang bahala sa girlfriend ko." Harold pulled me behind his back.
"Ang bilis mo namang gumaling kuya Dax. Sabagay, effective talaga mga gamot these days eh. Mabilis 'um-action'. Sige, alis na ako Anna. Salamat pala sa pagsama sa akin kanina. I've had a great time." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gusto ba niya akong mapahamak?
"Ah eh, wala yun sige. Ingat ka." I smiled awkwardly.
"Okay. I'll see you again next time." He smiled at me and looked at Harold meaningfully for the last time.
"Sira ulo yung batang yun ah!" Bulalas ni Harold pag alis ni Bricks.
"Huh? Bakit ano bang ginawa niya? Wala naman ah." I feigned innocence but I know what he is talking about. Sira kasi si Bricks parang nangaasar pa. Pero kakaiba nga si Bricks kanina.
"Bakit sumama ka sa kanya? Dapat nagtaxi ka na lang. Saan ba kayo nagpunta at 'he had a great time' daw." He looked at me seriously.
"Hinatid lang niya ako saka sinamahan ko lang siya sa St. Mary's. Na-guidance kasi yung pinsan niya." I say calmly pero deep inside I'm dying. Ano ba naman! Patay ako nito!
"St. Mary's? Guidance? Nagkita kayo ni Aidan?!!" Oh No! I'm one dead meat.
Someone behind me cut our conversation. "Hi!" When I turned around, I saw her.
"N-nik..." Siya na naman. Anong ginagawa niyan dito?