Carrying the Vampire's Heir (...

By CloudMeadows

16.9M 482K 97.4K

(Reagan Series #1) "My baby hates milk but he savors the taste of that red thick fluid we call 'blood'." ... More

Carrying the Vampire's Heir
PUBLISHED UNDER PSICOM
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty (Part One)
Twenty (Part Two)
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Epilogue
SERIES
Special chapter
Ivo's story
SOON TO BE PUBLISHED

Forty Two

261K 7.5K 1.5K
By CloudMeadows

PRESENT


Aaliyah


After 2 weeks


It's been 2 weeks. 2 weeks of shutting them out and locking myself in my own room. 2 weeks of digesting all the truth. 2 weeks of reminiscing the past and 2 weeks of being a mess.


Nasa tabi ko lang ang libro na kakatapos ko lang basahin isang araw ang nakakalipas. Maraming nasagot sa katanungan ko pero may iilan pa ring hindi.


Napagpasyahan kong tumayo at kinuha ang picture frame na ibinigay sa'kin ni Ash bago ako tuluyang nagkulong. It was when me inside the coffin---lifeless. Ito yung nakita ko noon sa penthouse niya. Hindi ko agad napansin na ang nasa loob pala ng litrato ay walang iba kundi ako, hindi pa rin ako makapaniwala na namatay ako noon.


Unti unting bumaha ang mga memorya ko sa nakaraan hanggang sa kung saan inilibing ako ng buhay. Si Y-Yvonie, ang una kong anak, patay na ba talaga siya? Pinunasan ko ang luha ko na muling pumatak. Ayoko ng umiyak, nakakasawa na. Ayoko na rin maging mahina at magmukhang kawawa, bumuntong hininga ako ng malalim at pumasok sa banyo.


Habang rumaragsa ang tubig papunta sa'kin muli kong kinapa ang tattoo na nasa bewang ko. Now or never sa tingin ko yan ang mensahe sa'kin ni Halei bago siya namatay. Napakapa naman ako sa gilid ng ribs ko. Shadow passess, light remains I think this is also another message for me.


Napabunting hininga ulit ako nang may mapagtanto ako. Maybe this mess needs to settle down. Binilisan kong maligo at nagpalit ng damit. Hindi ko muna sila kayang harapin lahat pero mas maigi kung isa isa ko silang kakausapin.


Pero papaano? Andito ako ngayon sa bahay ni mama, kung kakausapin ko ang isa man sa kanila baka nasa academy sila ngayon. Ibig sabihin niyan wala akong portal na madadaanan.


Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang contact list. Nakuha ng attention ko ang number ni Sir Klint, hindi ko alam kung papaano napunta dito ang number niya pero isinawalang bahala ko 'yon. Nagbabasakali ako kung mababasa man niya ang text ko pagkatapos ko yon isend.


Sir Klint pwede ko ba kayong makausap? Please don't tell anyone about it.

-Aaliyah


Wala pang ilang segundo tumunog agad ang phone ko kaya dali dali ko 'tong binuksan.


Sure. ***Café, 5:00 P.M

-Klint


Napatingin ako sa orasan, limang minuto nalang kaya lumabas na ako. Malapit lang yung café dito kaya lalakarin ko nalang. Pagkarating ko doon umupo ako sa pinakasulok, may lumapit na isang waitress para kuhanin ang order ko pero umiling lamang ako at ngumiti.


Napatingin ulit ako sa orasan, isang minuto na lang.


Bakit nga ba si Sir Klint ang nauna kong naisapan na kausapin? Nabasa ko nga kung anong naging relasyon nila noon ni Halei pero may katanungan pa rin ako na gusto kong malaman sa'kanya.


Hindi ko napansin na may naglapag na pala ng kape sa harapan ko.


"Sir Klint."


"Klint nalang. Wala tayo sa academy."


Tumikim ako at marahang tumango. Aaminin ko medyo naiilang ako sa'kanya, isang beses lang ata niya ako pinansin noong nag aaral pa ako sa academy.


"Hindi na ako magpapaligoy. Nabasa ko na yung librong isinulat mo. Gusto ko sanang magtanong." Kinuha ko ang kape na nasa harapan ko. "Salamat nga pala rito." Tumango siya at ngumiti. Hindi ba siya kinakabahan sa kung anong pwede kong itanong? Napaka kalmado niya kasi tignan.


"Off you go Ms. Aaliyah. I'll be answering them honestly."


Huminga muna ako ng malalim bago ko ibinuka ang bibig ko para magtanong.


"Bakit mo pinakasalan si Halei?" Diretso ang tingin ko sa mga mata niya pero di man lang siya nagulat o ano sa tanong ko. Mas lalong lumawak ang ngiti niya bago niya ako sinagot.


"Because I was bound to marry the last Amarenth."


What the. Ganon ba lahat ng bampira? Talagang may nakatakda? Tila ba napansin niya ang tanong ko kaya napatawa siya ng mahina.


"Yes Aaliyah, we are bound to marry someone."


Tumango nalang ako at hindi na 'yon kinuwestyon pa.


"Bakit mo pinabayaan si Halei? You wrote the book, ibig sabihin alam mo kung anong nangyari sa'kanya at sa'kin."


Sumipsip siya sa kape niya bago sumagot.


"I'm not the only one who wrote the book. The Queen helped me, she was enable to see what exactly happened in the past." Napaawang ang labi ko, sa all this time alam pala lahat ng nanay ni Ash? "And no, hindi ko siya pinabayaan. Sadyang ginamit niya ang natitira niyang kapangyarihan para hindi siya matunton ng kung sino man."


"But aren't you powerful? Mas malakas ka kay Halei ibig sabihin walang silbi ang kapangyarihan niya."


"Gaya ng sinabi ko, ginamit niya lahat ng natitirang kapangyarihan niya kaya siya labis na nanghina at isang rason yon kaya..." Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "...nakunan siya." Napalunok ako, iniwas ko ang tingin ko.


"May itatanong ka pa ba?"


"Bakit?" Yumuko ako. "Bakit kailangan niyo pa bang itago sa'min lahat ni Halei?"


"Nasabi ko na ang dahilan kay Halei/Cindy, wala ako sa tamang posisyon para sabihin sa'yo ang dahilan pero alam ko ang nararamdaman mo." Huminto siya saglit bago nagpatuloy. "Ang totoo niyan planado na ang lahat simula sa una palang. Ayaw ka nilang mabigla Aaliyah dahil pag nalaman mo ang lahat ng biglaan imbes na maalala mo ang masasayang alaala mo baka ang kasalungat naman nito ang maalala mo. Malaki ang posibilidad na baka maulit na naman ang pagtatangka mong wakasan ang buhay mo---at muntikan ka na naman buti nalang naabutan ka ng magkapatid. Aaliyah gusto ka lang nilang bumalik sa kanila lalo na si Ash. Siya ang huling nakaalam na nabuhay ka muli, nalaman niya lang 'yon nang makilala niya ang anak mo kaya siya rin lang ang huling nakaalam sa plano. Lahat ng plano ay isinagawa ng queen sa umpisa pa lamang."


Napatahimik ako, naalala ko yung ginawa ko dalawang linggo ang nakakaraan. Ang huli kong naalala ay ang pangalan ni Yvonnie bago ako nawalan ng malay. Pagkatapos 'non doon na ako nagsimulang magkulong kaya hindi ko na natanong pa kung sino siya.


"Teka ano ba yung plano?"


"Pasensya na pero wala ako sa posisyong sabihin yan."


"Bakit?"


"Pasensya na."


Huminga ako ng malalim, hindi nalang ako nagtanong pa. Ayaw ko naman siyang pilitin para magsalita, siguro sapat na yung mga sagot na nakuha ko, may nasagot na sa ibang katanungan ko. Ngayon ang kailangan ko lang malaman ay ang tungkol sa plano at kung sino si Yvonnie.


****


Pabalik na ako sa bahay ni mama, kahit na may masama akong alaala doon tinitiis ko nalang kaysa naman wala akong matirahan ngayon. Nauna na si Klint at sinabi ko sa kanya kung maari wag muna niyang sabihin sa iba na nag usap kami.


Malapit na ako sa gate nang bigla nalang may humawak sa balikat ko. Mabilis kong hinawakan ang kamay na nakadantay sa balikat ko at inikot yon, "A-Aray! Ate naman!"


"Ark?" Binitawan ko ang kamay niya, nakangiwi siyang tumingin sa'kin. "Anong ginagawa mo dito?"


"Ikaw ate, kamusta ka na? Buti naman naisipan mong lumabas." Nasilayan ko ang lungkot sa 'kanyang mata. Hindi ako sanay sa ganito, mas sanay ako sa kakulitan at kaingayan niya pero ngayon mukha siyang nananamlay.


"Inuulit ko, anong ginagawa mo dito?"


"Lagi kitang binabantayan ate. Nakita nga kita kanina kasama si Klint."


"A-ano?"


"Ate kailan ka pa naging bingi---aww!"


Hinimas niya ang kanyang ulo, sinamaan ko siya ng tingim bago ako pumasok sa bahay. Naramdaman ko namn siyang naksunod sa'kin kaya hinayaan ko lang. Ayoko na naman magkulong at magmukmok. Kailangan kong kumilos para malaman ang totoo.


"Ate kumain ka man lang ba? Tignan mo mas lalo kang pumayat."


"Upo." Itinuro ko ang sofa na nasa tabi niya.


"Ha?"


"Kuya kailan ka pa naging bingi?" Mukha siyang natigilan sa sinabi ko.


"N-naalala mo na?" Sabi niya saka umupo sa couch. Umupo naman ako sa isang couch na kaharap lang niya.


"Konti." Napabuntong hininga na naman ako at tumingin sa kanya. "Hindi ko maalala lahat. Ang naalala ko lang ay tungkol sa sunog, Ark you need to help me remember everything please."


Nanlambot ang mukha niya at pinunasan niya ang luhang kumawala sa mata ko. Hinila niya ako at iniupo sa tabi niya saka niya ipinulupot ang braso niya sa balikat ko. Idinantay ko naman ang ulo ko sa balikat niya. Na mimiss ko na ang kuya ko pero kailangan kong malaman kung papaano. Paano siya nabuhay pagkatapos ng sunog? Ako? Paano ako nabuhay ulit at napunta sa ibang pamilya?


"Makinig kang mabuti."


Ark's POV (Flashback)


Today is my 12th birthday, exactly 12 in the evening nagbibigay sina mama ng regalo sa'kin. Napatingin ako sa orasan, nice, one minute to go. Dali dali akong tumakbo papalapit kina mama at daddy. Ang lalawak ng ngiti nila sa labi, sa likod nila naaninag ko ang napakalaking gift box kaya di ko maiwasang mapanganga.


"Happy birthday anak! Excited ka na ba sa gift mo?"


"Yes!"


Umalis sila sa harapan ng malaking gift kaya wala akong sinayang na oras at pinagpupunit ang wrapper. Hanggang sa wakas nabuksan ko 'to kaso hindi ko inaasahan ang nakita ko sa loob. May isang babaeng nakatayo doon, ang haba ng buhok niya at kulay dilaw? Blonde? Yun ata tawag nila don.


"Dad wag niyong sabihin niregaluhan niyo ako ng buhay na manika? Holeh fish di ako bakla!"


"Anak bagong kapatid mo siya. Hindi ka ba masaya?"


Kapatid? Napatingin ulit ako doon sa babae, tahimik lang siya at hindi makatingin sa'kin. Hala! Tinakot ko ba siya?


"Dad anong pangalan niya?"


"Aaliyah. At dahil parte na siya ng pamilya natin, isa na rin siyang Lopez."


Tumango ako at nakangiting nilapitan si Aaliyah. Noon ko pa kasi gusto magkaroon ng kaptid dahil only child lang ako.


"Hello!"


"Uwaaa!"


Eh?


"Anak naman! Huwag mo siyang gulatin."


"Uy sorry na."


Sa oras na yon isa na akong ganap na kuya kahit na hindi kami magkapatid sa dugo tatanggapin ko pa rin siya.


Ilang buwan na ang lumipas at nagiging magaan na ang loob namin sa isa't isa. Lagi kaming nagkukulitan at nag aasaran.


"Kuya!"


"Oh bakit ate?"


"Kuy---Bakit mo ako tinatawag na ate? Mas gurang ka kaya."


"Trip ko bakit?"


"Heh! Wag mo ako tawaging ate, kuya na nga tawag ko sa'yo tapos ate tawag mo sa'kin. Siraulo ka ba?"


Sinalpakan ko ng cookies ang bunganga niya at inilagay sa kamay niya ang gatas na kakatimpla ko lang para sa'kanya. Anak ng kalabasa mas lalo ata siya naging madaldal.


"Ayaw mo 'non may tawagan tayo? Oh wag ka ng umangal, inumin mo yang gatas mo bago ka matulog ha?" Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang kanyang buhok.


"Opo kuya."


"Oh sige ate inumin mo na yan."


Lumipas ang isang linggo napagpasyahan naming magbakasyon sa dagat. Napagtripan naming kunan nang litrato ang sarili namin habang nakatingin sa dagat. Balang araw ipipinta ko ang larawan namin ni ate.


"Kuya bakit ganon? Bakit ang hilig mo sa dagat? Trip mo bang magpakasal sa mga shokoy?" Lokong batang 'to.


"Yung barko lang naman nagpapasaya sa'kin tuwing nakikita ko ang dagat."


"Ah akala ko gusto mo magpakasal sa mga shokoy." Napailing na lamang ako at ginulo lalo ang buhok niya.


Gabi na at mag isa akong nag lalakad dito sa tabi ng dagat nang maramdaman ko bigla ang kamay na nagtakip sa bunganga at ilong ko. Hindi ako nakapalag dahil sa nakakahilong pabango na ipinatong sa ilong ko.


Hanggang sa nalamayan ko nalang ang sarili ko sa isang silid. Tulad ko, maraming bata ang nakagapos. May pumasok na isang lalaki at kinaladkad ako papalabas sa kwartong 'yon. Sapilitan niya akong inihiga sa isang matigas na kama at nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya ang isang metal na na naglalaman ng napakaraming matutulis na bagay. Napatingin ako sa gilid ng silid at nakita ko ang mga lamang loob na nasa loob ng mga plastic.


Bago pa man niya ako maitali ulit nanlaban ako. Sinipa ko siya sa mukha at dali daling tumayo kahit na labis akong nanghihina. Tanging kandila lamang ang nagbibigay liwanag dito sa loob. Hindi na ako nagdalawang isip at kinabog ko yon dahilan upang magkalat ang apoy sa paligid.


Kahit na wala akong makita dahil sa usok pinilit kong makalabas kaso hinigit ako nung lalakeng humila sa'kin kanina. Buong lakas niya akong inihampas sa pader, hindi pa siya nakuntento at pinagsusuntok niya ako sa sikmura. Gusto ko ng mawalan ng malay dahil sa sobrang sakit. Maya maya'y di ko na maramdaman ang sakit, unti unti kong iminulat ang mata ko at naaninag ko ang isang matandang babae na nakangiti sa'kin. Pansin ko rin na wala na kami sa nasusunog na gusali.


"Bata kailangan mong sumama sa'kin." Umubo ako at pinilit kong sumagot sa matanda.


"H-hindi pwede. Kailangan pa ako ng kapatid ko."


"Yun na nga. Kailangan mong sumama sa'kin, kailangan ko ng tulong mo. Wag kang mag alala para rin 'to kay Aaliyah." Hindi ko alam kung papaano niya nalaman ang kapatid ko pero sa mga oras na 'yon wala na akong inaalala kundi ang kapakanan ni Aaliyah kaya wala sa sariling napatango ako. At sa puntong yon naramdaman ko ang napakatinding sakit sa leeg ko, ang sakit na nagpabago na ng tuluyan sa buhay ko.


(End of flashback)


Aaliyah's POV


"I-ibig sabihin hindi mo bangkay yung natagpuan ng mga pulis?" Umiling si Ark at pinunasan na naman ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam ang dinanas niya nung na kidnap siya noon pero sa kabila ng lahat ng yon kapakanan ko pa rin ang iniisip niya.


"Ginawan na niya lahat ng paraan."


"T-teka ibig sabihin, ang nanay ni Ash ang tumulong sa'yo noon?" Ngumiti siya at marahang tumango.


"Sorry ha? Sa'yo sinisi lahat ni mama ang pagkamatay ko." Nakatungo niyang sabi pero ngumiti lang ako. Ayoko ng alalahanin pa ang ginawa sa'kin ni mama noon.


"Pero hindi ako nagsisising kinukop ako ng nanay ni Ash. Nalaman ko doon lahat ng nakaraan mo at handa akong tumulong at doon kk na napagalaman ang tungkol sa plano."


Plano. Ano ba talagang meron sa planong yan?


"Ark, anong meron sa plano?"


"Aali---"


"Huwag mong sasabihin na wala ka rin sa posisyon para sabihin ang tungkol sa plano? Kuya hindi ako makaktulog ng maayos neto dahil sa kakaisip ng planong yan!"


"Aaliyah kumalma ka muna."


Ginawa ko ang sinabi niya. Napagtataasan ko na rin kasi siya ng boses.


"Naalala mo pa ba yung kaibigan mo na nagpumilit sa'yo para umattend ng birthday party ng hindi mo kakilala?" Tumango ako.


"Ang totoo niyan doon na nagsimula ang plano. Sinabihan ko yung kaibigan mo na umattend sa birthday party ko. Natuwa ako sa mga oras na yon dahil sa wakas nakita na kita ng mas malapitan pero ang hindi ko inaasahan ay ang namagitan sa inyo ni Ash nung gabing yon." Para bang umakyat lahat mg dugo sa pisngi ko dahil sa ala alang yon. Napansin ata yon ni Ark kaya napangisi siya.


"Sige lang asarin mo ako at ihahampas ko 'tong unan sa'yo."


"Oo na suko na ako ate." Tumawa siya kaya napasimangot ako.


"Yun nga, wala yon sa plano. At mas nakakagulat dahil nagbunga yung ehem alam mo na. Walang alam si Ash tungkol sa plano noon. Pero nang makita ka niya ulit sa academy doon na siya nagsimulang magtaka."


"Kaso?"


"Panira lang talaga wig mo." Nakamisangot niyang saad kaya tinawanan ko nalang. Namiss ko tuloy yung wig ko.


"At yung mga nagbibigay ng mga laruan kay Ivo. Isa ako sa mga nagbibigay sa'kanya siguro naman napansin mo yung tambak na laruan sa bahay diba?" Tumango ulit ako.


"At yung tungkol kay Kai, yung biglaan niyang pag alis, ang totoo niyan natatakot siya na baka mahuli mo siya. Alam mo naman mga buntis paranoid. Kaya nagpakalayo layo muna siya."


"Teka nga ikaw ha. Nakabuntis ka pala."


"Wag mong ipunta sa'kin ang usapan."


Palihim akong napairap. Unti unti ng gumagaan ang loob ko dahil unti unti na ring nasasagot ang mga katanungan ko.


"Teka paano nga ulit ako nabuhay?"


"Ano pa ba? Reincarnation." Napa 'aah' ako. Akala ko sa palabas lang nangyayari yon. "Pero diba sampung taon na ang nakakalipas nung nangyari 'yon tapos 19 ako ngayon, paano 'yon nangyari?" 


"Nailipat ang kaluluwa mo sa isang batang 9 years old na may leukemia sa may bahay ampunan at isa pa kamukang kamukha mo yung bata, that's why."


"Eh bakit di ko naramdaman ang pagiging bampira ko noon?"


"Ang dami mong tanong."


"Sagutin mo nalang."


"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko lalabas lang ulit ang pagiging bampira mo sa tamang edad."


Bigla siyang tumayo at pumunta sa kusina. Sinundan ko lang siya at nakita ko siyang nangangalkal ng kung ano sa cabinet.


"Binggo!"


"Anong ginagawa mo?"


Hindi niya ako pinansin. Pinanood ko lang ang ginagawa niya. Bakit siya nagtitimpla ng gatas? Wala naman dito si Karren ah?


"Oh."


"Aanhin ko 'to?"


"Baka gusto mong kainin?" Sinamaan ko siya ng tingin.


"Eto naman di na mabiro. Syempre iinumin mo yan. Diba yan ang dati nating gawi? Titimplahan kita ng gatas tuwing gabi." Napangiti ako nang maalala ko ulit ang mga panahon na yon.


"Ark sa tingin mo bakit wala akong maalala noon?"


"Pansamantalang binura ang alaala mo para sa plano."


"Diretsuhin mo nga ako. Ano ba talaga yung plano niyo?"


"Hays. Sa simula palang plinano naming magpakita ng mga signs sa'yo. Cliché pero effective naman diba? Medyo may naalala ka."


"Ano pa ba yung signs na ipinakita mo?" Tanong ko bago uminom ng gatas.


"Naalala mo yung pink ma gloves sa locker mo noon? Ako yung naglagay non."


"Nakashabu ka ba?"


"Sign nga kasi yon, galing yon kay Yvonnie nung bata pa siya."


Napatigil ako sa pag inom. Yvonnie, narinig ko na naman ang pangalan niya.



"Naaalala mo ba si Veronica Palermo?" Pagkarinig ko palang sa pangalan ng babaeng 'yon, kumulo agad ang dugo ko.


"Yung babaeng pumatay sa'kin. Tama ba? At siya rin yung nagsabi nakunan---" Napatigil ako, tila ba napansin yon ni Ark at agad siyang nagsalita.


"Hindi yon totoo. Hindi ka nakunan. Naipanganak mo noon si Yvonnie habang wala kang malay. Ikinuwento to lahat sakin ni Cynthia (Ash's mom) Sinubukang patayin ni Veronica ang anak mo pero nakita yon ni Ash. Dahil sa sobrang galit napatay niya si Veronica lalo na't napagalaman niyang siya rin ang pumatay sa'yo." Sa lahat ng sinabi ni Ark iisa lang ang tumatak sa utak ko. Muntik ko pang mabitawan ang baso ko.


"Ibig mong sabihin buhay pa si Yvonnie?"


****


Sana naman malinaw na. May masasagot pang mga tanong sa next chapster.

-Vmp101

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 412K 68
[The Walkers Trilogy #1] Simple at tahimik ang pamumuhay ni Kisha Louise Madrigal hanggang sa makilala niya ang ubod ng manyak na bampira na nangngan...
28.4K 925 45
HIGHEST RANK ACHIEVED: RANK #1 - ANTONIO RANK #1 - PLAYFULNESS RANK #1 - KILLS Hell Camp "Hide, kill, or be killed? First Cover by: Viennethesecond ...
AURORA By Deam

Teen Fiction

31.4K 1.3K 23
NOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison...
4.4M 100K 66
[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa k...