Suicide Love

By iamsograce

2.5K 24 13

They say she's satanic, cult, a wicked witch, they even say she's a badass bitch! She's Gothika Diorama. May... More

PROLOGUE
Chapter 1 -- The Curse
Chapter 2 -- When I Look At You
Chapter 4 -- Her New Confidante
Chapter 5 -- Let Go And Let Live
Chapter 6 -- You Ruin Me
Chapter 7 -- Hardest Goodbye
Chapter 8 -- Convincing A Broken Heart
Chapter 9 -- The Jealous Guy
Chapter 10 -- Let Love Bleed Red
Chapter 11 -- How To Save A Life?
Chapter 12 -- I Must Be Dreaming
EPILOGUE

Chapter 3 -- Miserable At Best

26 0 0
By iamsograce

Kanina pa pinagmamasdan ni Jared si Gk na nooy ay nakaupo sa lilim ng puno habang nakikinig sa ipod nito at may isinusulat sa notebook niya.


Bakit ba napaka misteryosa mo? Ano bang meron sa'yo? Naputol lang kanyang pag iisip nang lapitan siya ni Mart.


"Kung ice cream lang si Gk, malamang kanina pa siya natunaw." Tinignan niya din si Gk. "Intresado kaba sa kanya?" Diretsang tanong ni Mart.


"Gusto ko lang siyang makilala ng lubusan."


"Wow! Getting to know each other stage."


"Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi may responsobilidad na'ko sa kanya mula nang makita ko siya sa bar. Ayokong gawin niya ulit yung balak niya nun. Gusto ko makita ko siyang masaya."


"Responsibilidad? Big word. Ano ka niya? Boyfriend? Asawa? Haynaku, iba nayan. Talagang gusto mo na siguro siya." Umiiling iling pa itong si Mart.


Makita lang kitang nakangiti, kahit minsan lang, okay na sa'kin yun. Gagawa ako ng paraan para magkasundo tayo.


Pag uwi sa kanila ni Gk nakita niyang masayang nag tatawanan sa sala ang kapatid niya at ang kanyang Mommy. Nakaharap pa sa laptop niya si Carlisle habang sa sofa nakaupo ang Mom niya. Marami ding snacks sa table nila. Sandaling tumigil si Gk at tinignan ang dalawa.


Kung magtawanan sila para silang mga baliw. I really hate them, forreal! Kaya nga ayokong umuwi sa bahay dahil sa kanila. Hindi pa man siya nakaka akyat nang makita siya ni Carlisle.


"Ate, kumain kanaba?"


"Napansin mo pala ako. I thought I was invisible." Sarkastikong sabi niya.


"Buti naman hindi ka ginabi ngayon." Sabi sa kanya ng kanyang Ina.



"Oh, sorry. My bad. Don't worry, simula bukas gabi na'ko uuwi." Pilosopong sabi niya.


"Kahit kailan pilosopo ka talaga."



"This is non sense." Sabay kumpas ng kanyang kamay, ni hindi man lang niya nilingon ang kanyang Ina.


"And you're non nense."


"Mom?" Alalang sabi ni Carlisle. Baka kasi mag away na naman ang dalawa at ayaw niyang mangyari 'yon.


Nakaramdam ng kirot si Gk sa puso niya. Alam niya nasaktan siya sa sinabi ng kanyang Ina. Gk, you're already used to it. Kaya dapat wala lang sa'yo yun. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Hindi na lang niya pinansin ang kanyang Ina at nag tuloy-tuloy na siya sa kanyang kwarto.


"Ever since the day that Daddy died hindi na kayo nagkasundo ni Ate. And you're blaming her for Daddy's death, well in fact she had nothing to do with it."


"Kapag nakikita ko siya, lagi ko lang naaalala ang nangyari sa Daddy mo." Tsaka niya pinag krus ang kanyang mga braso.


"Mom, be fair to her. Nagkaka ganyan si Ate ng dahil na rin sa inyo."


Hindi sumagot si Mrs. Diorama. Close sila ni Gk nung buhay pa ang asawa niya. They are a picture of happy family. Until one day that picture suddenly broke. End of happiness.



Dahil sa badtrip ni Gk umalis siya ng bahay at nagtungo sa bar ng mag isa. Uminom siya ng uminom.


Tinatawagan niya ang mga old classmates niya pero ni isa sa kanila walang sumsagot. They are all plastic. Shit! Kung kailan kailangan niya ng makakasama dun sila wala. Well, that only means hindi talaga sila totoong kaibigan.


Nagkataong nando'n rin sa bar na 'yon sina Jared at Mart. As usual makikipag meet na naman si Mart sa isa sa mga ka text niya at ang role ni Jared? Isang dakilang chaperon. Take note gwapong chaperon.


"Pare, hintayin mo na lang ako diyan, ha? Nasa kabilang table na daw si Andy, hinihintay ako." He taps Jared's shoulder.


"Andy? Baka naman, lalake yang katagpo mo?" Pabirong sabi ni Jared.


"Sira ulo ka talaga. Andrea ang pangalan niya, Andy for short. Malay mo, kamukha pala niya si Andy Eiganmann."


"Mangarap ka. O sige na, puntahan mo na siya." Sabay inom ng alak. At umalis na nga si Mart.


Ano kayang ginagawa niya ngayon? Okay lang kaya siya? Na ang tinutukoy niya ay si GK.


Napatingin siya sa may gawi ng dance floor at parang kilala niya ang babaeng napapalibutan ng maraming lalake. Teka? Tama ba 'tong nakikita ko? O nag ha-hallucinate na'ko? He shooked his head. Hayy Gk, bakit kahit saan nakikita kita? Tinignan niya ulit yung babaeng inaakala niyang si GK.


"Putik! Siya nga 'yon." Dali dali niyang tinungo ang kinaroroonan ni GK at linapitan ito. Binabastos na kasi si GK ng ibang mga lalake at isa pa lasing na lasing na ito. Agad niyang hinawakan ang isang kamay nito.


"GK, halika na." Pilit niya itong sinasama.


"Hey, kasayaw pa namin siya ah." Angal nung lalake. Sumang ayon naman yung isang lalake.


"Girlfriend ko siya. May angal kayo?" Tsaka niya sinama ang lasing na lasing na si GK. Wala na tuloy nagawa ang mga lalake sa bar.


"Teka, ayoko pang umuwi. Ano ba?" Lasing na sabi niya. Pilit niyang binabawi ang kamay niya kay Jared pero hindi niya magawa. Masayado na siyang mahina para gawin pa 'yon. Bigla na lang siyang binuhat ni Jared hanggang makalabas ng bar.


"Ano bang problema mo, ha? Sino kaba?" Sa kalasingan hindi na niya makilala kung sino tong lalakeng humatak sa kanya. "Hoy! Ibaba mo nga ako, walang hiya ka."


"Lasing na lasing kana nga, si Jared 'to."


"Jared?" Hinawakan niya ang mukha ni Jared at inilapit sa mukha niya. Kulang na lang at mag halikan na sila. Tinignang maigi ni GK ang mukha ni Jared para makilala ng husto.


Teka, GK huwag masyadong malapit natutukso ako. Ano ba 'yan? Kahit lasing kana maganda ka pa rin. Kahit saang anggulo maganda kapa rin.


"GK" Gusto na niya itong halikan, unti unti pa niyang nilalapit ang mukha niya dito. Konti na lang at maghahalikan na talaga sila nang biglang inilayo na ni GK ang mukha niya dito.


"Si Jared ka nga."


Pagdating sa parking lot ay binaba na ni Jared si Gk. "Akin na ang susi ng kotse mo, iuuwin na kita." Kinapa niya sa mga bulsa ni GK ang susi.


"A-ano bang ginagawa mo? Nananyansing ka lang eh." Nang makuha na ni Jared ang susi ay pinasok na niya sa loob ng kotse ang lasing na si GK.


"Lasing na lasing kana, sigurado ako nag aalala na sayo ang mga magulang mo."


Biglang natawa si Gk sa sinabi ni Jared. "Si mommy? Mag aalala sa'kin?" Tumawa ulit siya. "Nagpapatawa kaba? Walang pakialam sakin ang mommy ko, kaya kahit kailan hindi siya mag aalala sakin. Kahit kailan hindi niya'ko hahanapin."


"Hindi ko alam kung bakit mo nasasabi yan, pero siguro naman kahit konti nag aalala yun 'sayo. Anak ka niya kaya may pakialam siya sa'yo."


"Pero iba si Mommy, wala siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa'kin, 'ni hindi man lang niya kinumusta ang first week ko sa bago kong University." Bigla na lang nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. "She never asked me if nag breakfast naba ako, nag lunch, o nag dinner. At kapag umaalis ako ng bahay, 'ni hindi man lang niya sinasabi sa'kin na, "GK mag ingat ka". Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha niya.


Sa pag ku-kwento ni GK, pakiramdam ni Jared unti-unti na niya itong nakikilala. Ramdam din niya ang bawat sakit sa mga binibitawan nitong salita. He wanted to tell her na nandito lang siya para sa kanya.


"GK" Sambit niya tsaka niya pinunasan ang mga luha ni GK. Hindi ko alam kung ano ang kailangan kong gawin para mapatahan ka at para mabawasan kahit konti ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Hinawakan niya ang mukha ni Gk at unti-unting nilalapit sa mukha niya.


"Jared" Dahan-dahan siyang hinalikan sa mga labi ni Jared. Pumikit siya at sinalubong ang halik nito.

Pagmulat ng mga mata ni Gk nagulat na lamang siya nang makita ang dalawang bata na nakatingin sa kanya. Isang sampung taong gulang na babae at siyam na taon na lalake. Hindi din pamilyar ang kwarto kung nasan siya. Napabalikwas tuloy siya ng bangon at tinitigan ang dalawang bata.


"Gising kana." Sabi nung batang lalake sa kanya. Nang pumasok si Jared sa kwarto. "Kuya, gising na siya."


"Maingay siguro kayo kaya nagising siya."


"Hindi ah, tinitignan lang namin siya." Depensa nung batang babae. Nagtataka parin si GK kung sino ang dalawang batang 'tong nasa harapan niya.


"Nasan ako? What am I doing---- here?" Sabay libot ng tingin niya sa loob ng kwarto.


"Nasa bahay ka namin, sa kwarto ko." Sabay ngiti. Napanganga tuloy itong si Gk.


Sa kwarot ni Jared? Shiz! No!


"Mga kapatid ko pala, sina Jake at Jaimie. Jake, Jaimie ang ate GK niyo." Kumaway yung dalawang bata kay GK. "Sige na, Jake, Jaimie, pumunta na muna kayo sa labas." Utos nito sa dalawa, na agad namang sinunod ng mga kapatid niya.


Agad na sinuot ni GK ang mga sapatos niya. Hurry up, Gk. You need to get out of this house asap. I'm here on Jared's room. Oh my God!


"Lasing na lasing ka kagabi, ayaw mong umuwi kaya dinala na lang kita dito sa'min, dito sa kwarto ko." Napatingin sa kanya si GK, parang alam na niya kung para sa'n ang tingin na 'yon. "Huwag kang mag alala, ikaw lang mag isang natulog dito, sa sala na'ko natulog."


Bakit ba defensive siya masyado? The nerve of this guy, really! Tss! Tinuloy na niya ang pagsisintas sa kanyang mga sapatos. Pagkatapos tumayo na siya at hinarap si Jared. "I don't know what the hell is with me at pumayag akong sumama sa'yo dito. All I know is I'm so drunk, I don't even know why the hell I'm with you last night."



"Wala kabang natatandaan sa mga pinag usapan natin kagabi o kaya sa mga nangyari?"


Ano nga bang mga pinag gagawa ko kagabi? Isipin mong mabuti, GK. Damn! "Just forget about what happened last night. Wala lang ako sa sarili ko at lasing na lasing." Kinuha niya ang kanyang bag at lumabas na ng kwarto.


Simple lang naman ang bahay nina Jared, hindi malaki hindi rin naman maliit. Sakto lang para sa kanilang pamilya. Hindi din naman kasi sila gano'n kayaman.


Hindi pa man nakakalabas ng bahay si Gk ay may sumalubong na sa kanya ang isang matandang babae, nasa late 50's na siguro ang edad nito. Kung hindi siya nagkakamali malamang nanay 'to ni Jared.


"O Jared, dito mo na pakainin yang bisita mo. Hija, dito kana kumain at handa na ang almusal."


"Uhm.. Gk, ang Nanay ko, 'Nay si Gk ho, KAIBIGAN ko."


Kaibigan? Hey jerk, we're not even friends. I don't remember being friends with you. Classmates pwede pa, pero friends? Na-ah!


Gusto mang tumanggi ni Gk sa alok ng Nanay ni Jared ay hindi niya magawa mapilit kasi ito. Katulad ni Jared makulit din. May pinag manahan nga.


Ang sayang tignan ng pamilya ni Jared. Masaya silang nag ku-kwentuhang lahat. Parang ka barkada lang nila ang kanilang Nanay pati yung dalawang bata. Nakatingin lang sa kanila itong si Gk. Somehow naiinggit siya sa closeness ng Pamilya ni Jared. How I wish, ganito din kami. Nakakainggit, buti pa sila masaya kahit na hindi sila gano'n kayaman.


"Ate, girlfriend ka po ba ng kuya ko?" Tanong ni Jaimie.


Nagkatinginan tuloy sina Jared at GK. Ano daw? Ako girlfriend ng kuya niya? Excuse me! In his dreams. Ah no, not even in his wildest dreams pala. "Of course not!" Mabilis na sagot niya.


"Hindi ko nga siya girlfriend, Jaimie, kasi ..." Bumulong siya kay Jaimie. "Hindi ko siya type." Humagikgik si Jaimie sa narinig.


"Hoy, excuse me anong feeling mo? Type kita? Mataas ang standards ko no?" Kunwari bumulong eh sinadya niya namang marinig ng lahat. Adik talaga!


Natawa tuloy ang Nanay ni Jared. "Anak, bagay kayo, ang saya niyong tignan." Biglang nag blush si Gk sa komento ng nanay ni Jared.


Nasa loob na ng sasakyan niya si Gk habang nakatayo sa gilid nito si Jared.


"Gk, mag ingat ka."


"Thanks!" Tama ba ang sinabi ko? Thanks?


Napangiti tuloy si Jared sa narinig.


"And why the hell are you smiling?"


"Kasi ngayon marunong ka ng magpasalamat, atsaka hindi kana masyadong masungit."


Sabi ko na nga ba, wrong word eh. I shouldn't have said thank you. "It's just because your family's been good to me, so huwag mong bigyan ng ibang meaning. Okay?"


"Kahit na, masaya pa din ako. So, ano magkaibigan naba tayo?"


Dahil do'n masaya na siya? Ang babaw. Such a jerk! Tinignan lang niya si Jared then pinaharurot na niya ang kotse niya palayo


Paguwi sa kanila ni Gk, sinalubong agad siya ng kanyang kapatid. Halata sa mukha nito ang pag aalala.


"Ate, nasa-n kaba kagabi? Bakit hindi ka umuwi? Nag alala ako sa'yo, pati din si Mommy."


"Si Mommy? Mag aalala sa'kin? Nakakatawa."


"I'm just telling the truth. We've been calling you but your phone is off."


Kinapa ni Gk ang kanyang cell phone, dun lang niya na realize na wala 'yon sa bulsa niya o sa kanyang bag. It's okay, I can always buy a new one. "Pwede ba, Carlisle? Pagod ako, I want to rest."


Hindi pa man siya nakaka tungtong sa staircase nila ay pababa na ang kanilang Mommy. As usual, masama ang tingin kay GK.


Oh no, the evil witch is here.


"Where have you been?"


Napairap si Gk sa narinig. Hindi niya aakalaing tatanungin sa kanya 'yun ng kanyang Ina. "Oh, please don't act like you're concern. But anyway, thanks for being so plastic."


Bigla na lang siyang sinampal ng kanyang Ina. Napahawak tuloy siya sa pisngi niya.


"Bastos ka talaga! Huwag mong kakalimutan, ako pa rin ang Ina mo at anak lang kita."


Nararamdaman ni GK na ibig ng kumawala ng mga luha niya pero ayaw niyang ipakita sa kanyang Ina na nasasaktan siya. Gusto niyang ipakita dito na wala siyang pakialam. Na matatag siya. Kaya nag walk out na lang siya at pumunta sa kanyang kwarto.


Pagka lock ng kwarto ni Gk saka kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Kahit anong gamit ang madampot niya ay binabato niya sa bawat sulok ng kanyang kwarto. Bato dito, bato doon. Lahat na lang ng gagawin at sasabihin ko ayaw mo, lahat na lang mali sa'yo. Ano ba talagang gusto mong mangyari? Huh?



Nakita niya yung naka display na picture nila ng kanilang Daddy sa side table. Kinuha niya ito. "Dad, I wish you were here." She cries and  cries. Nakatulog siya sa pag iyak habang yakap yakap niya ang picture nila ng kanyang Dad.


Nakaramdam ng init si Gk kaya napag pasyahan niyang maligo muna. After niyang maligo napatitig siya sa salamin at pinagmasdan ang kanyang repleksyon. Bigla na lang sumagi sa isip niya nung gabing hinalikan siya ni Jared. Napahawak siya sa labi niya.


"Jared kissed me?" Takang tanong niya sa sarili. "Am I only just dreaming? Oh, God! I can't even remember."


Nang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya kaya agad siyang lumabas sa banyo at binuksan ang pintuan. "What are you doing here?"


Imbes na sagutin ni Carlisle ang tanong ng kanyang Ate ay iba ang sinabi nito. "Ngayon lang ulit kita nakitang walang makapal na eyeliner ah." Sabay upo sa kama ni Gk.


"Is that an insult?"


'Ate, ano kaba? Of course it's a compliment."


"Ano bang kailangan mo at pumasok pasok kapa dito sa kwarto ko?"


"Someone called you on the telephone downstairs. Miggy daw. He's calling you on your phone, but it's off. Anyway, tinransfer ko na diyan yung tawag niya." Sabay turo sa telepono sa side table ni Gk.


"Okay, thanks. You out now."


Nagtungo na si Carlisle sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Gk pero bago umalis, "Miggy is your new boyfriend?"


Lumapit si Gk sa pintuan kung nasa'n si Carlisle. "I'm glad that you have a good sense of humor, but I don't need it." Bigla niyang sinara ang pintuan wala siyang pakialam kung naipit man si Carlisle o hindi.


Ilang sandali pa at magkasama na sina Miggy at Gk. Pumunta sila sa isang music studio. Do'n kasi nag re-rehearse ang banda ni Miggy.


Pagpasok nila sa loob ng studio, nando'n na ang mga ka bandmates niya, siya na lang pala ang hinihintay ng mga ito. Naka set na lahat.


"You are 10 minutes late." Sabi ng babaeng nasa harapan ng microphone. Malamang siya ang vocalist ng banda.


"Sorry, Emz, sinundo ko pa kasi itong si GK."


Napataas ang isang kilay ni Emily, halatang nainis sa sinabi ni Miggy.


"Guys si Gk nga pala, Gk this is Anissa our drummer," kinawayan siya ni Anissa na nasa Drum set na. "James our bassist,"


"Hi, gorgeous." Bati niya kay Gk. Suot na din niya ang kanyang gitara at tinotono na lang niya.


"And this is Emily, our vocalist." Hindi man lang ngumiti si Emily kay Gk.


Damn! Another bitch on my bitch list!


"Ano? Mag ku-kwentuhan na lang ba tayo dito?" Inis na tanong niya. "Ikaw, Miggy, late kana ngang dumating, nagdala kapa ng audience."


Hindi nagustuhan ni Gk yung narinig niya kaya hindi niya ito palalampasin. "Hey, got a problem with me?" Hindi sumagot si Emily. "Then say it straight to my face."


"Sorry, I don't talk to strangers." Sabay snob kay Gk.


"Then stop talking shit!"


"Uhm ... girls, enough. Emily, she's my guest and GK please-----"


Hindi pa man tapos ang sasabihin ni Miggy ay inunahan na siya ni GK. "Got it." Umupo na lang siya.


"Emily?"


"Fine!" Sagot niya.


Nagsimula na silang tumugtog. Halatang baguhan pa nga lang sila. Hindi pa kasi magkasundo ang bawat instrumento nila. Ang iba nahuhuli, ang iba nauuna naman. Kapag napapatingin si Gk kay Emily napapa ngiti siya. Yung nakakalokong ngiti na parang nakaka insulto. Biglang tumigil sa pagkanta si Emily.


"Damn! I forgot the lyrics. I can't concentrate because of your guest, Miggy."


"Wait a minute, I have nothing to do with your performance. It's not my fault if you're losing the lyrics."


"Naiirita ako dahil tumatawa ka habang kumakanta ako." Sabay duro kay GK.


Bitch, next time you point a finger. I'll point you to the mirror! "Are you sure ikaw ang tinatawanan ko?"


Hindi makatiis si Emily, kaya nilapitan na niya si GK. Lumapit na din sina Miggy sa dalawa. Baka kasi mag away pa ang dalawa, mahirap na. Hindi man lang tumayo si Gk sa inuupuan niya.


"I want you out of this studio."


"I guess you don't own it."


"I don't, but we rent it."


"I couldn't careless at all." Matapang na sagot ni GK.



"What is your problem?" Dahil sa tanong na 'yon ni Emz napatayo na si Gk sa kanyang inuupuan.


"Ikaw pa talaga ang may ganang magtanong sa'kin niyan? Dapat nga ako nagtatanong sayo niyan eh. What is your problem?"


"The problem is, I don't like you."


Napataas ang isang kilay ni Gk. "You know what? HATING me won't make you PRETTY." Ngumiti na naman siya ng nakakalokong ngiti na parang insulto ba.


"How dare you say that to me? You're a----"


Hindi pa man tapos ang sasabihin ni Emz ay sumbat na agad itong si GK. "Try to call me a bitch and I'll show you one. And you should be scared to mess up with me."


Walang masabi ang mga ka bandmates ni Miggy sa mga narinig. Lahat sila halos nakanganga. Sabi nung isa 'astig' sabi naman nung isa 'cool'. Hindi alam ni Gk kung siya ba yung astig at cool o si Emz. Pero wala na siyang pakialam kung sino pa man ang tinutukoy nila.


Kinuha ni Gk ang bag niya. "Miggy, I gotta go. Sorry sa konting gulo. Just go on, continue your rehearsal." Paalis na sana siya pero muli niyang hinarap si Emily. "By the way, nice meeting you, Emily. Don't worry hindi naman ako galit kung naiinis ka sakin o kung may balak kang siraan ako in the future. Hahayan na lang kita gano'n kasi talag pag INSECURE."


Pagkarinig ng salitang insecure ni Emz nag alboroto na siya. "Ano'ng sabi mo? Ako insecure? Eh sira ka pala eh." Susugurin na sana niya si Gk nang harangan siya ni Miggy.


"Emz, tama na."


"Ang lakas ng loob mong sabihing insecure ako. Hoy, mas maganda ako sa'yo no? Sa itsura mo pa lang mukha ka ng hindi masaya sa buhay mo. Well, buti nga sa'yo."


Yeah. I won't and never will be happy. Salamat sa pagpapa alala.


"Sabi ng tama na eh."Awat ni Miggy.


"Ilayo niyo dito ang babaeng 'yan." Galit na utos ni Emily.


"Don't worry, I'm leaving." She left without even telling Miggy. Natamaan siya sa mga sinabi ni Emily.


Tama siya, hindi nga siya masaya. Hindi na siya sasaya kahit kailan. Yun ang kanyang paniniwala.


Lumabas ng studio si Miggy para sundan si GK, nakita na lang niya itong nakaupo sa may stairs ng building.


"Ayos kalang ba?" Alalang tanong niya kay GK.


"Bakit mo pa'ko sinundan dito? Baka lalong magalit sa'yo ang mga kabanda mo."



"Pasensya na sa mga ginawa ni Emily."


"Huwag kang mag pasensya, may kasalanan din naman ako. Tsaka tama naman yung sinabi niya, hindi nga ako masaya. Kahit kailan hindi na'ko magiging masaya."


"Huwag mo ngang sabihin 'yan. Magiging masaya ka. Papasayahin kita."


Hindi ko nga alam kung pa'no ako magiging masaya o ano ang magpapasaya sa'kin. Tulad nga ng sinabi ko, "I don't necessarily want to be happy. I just want to stop feeling miserable." Yun lang, yun lang.


Nakalimutan ko na kung pa'no maging masaya. Kailan nga ba ako huling naging masaya? 3 years ago?

-------

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 1.6K 28
In the midst of filming in the Philippines, Korean actor Lee Jong Hee and Filipino actress Marianne de Guzman find themselves thrust into an unexpect...
8.8K 392 26
This is a secret that no one knows. Enter the room filled with mistery and untold stories. There is a turning back as long as, you keep your mouth sh...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
222K 14.4K 72
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...