Goodbye Girl : Days To Forget...

By TheCatWhoDoesntMeow

324K 11.4K 1.3K

I fell in love. An unimaginably naive and crazy love. These were the days I tried to forget. - Helga Lastimosa More

Read Me First!
Signature
Helga Lastimosa
Ashton Millari
Day 08 : Seen
Day 29-30 : First Reply
Day 82 : First Heartache
Day 82 : Dance without music
Day 88 : Ranunculus
Day 139 : Saturday flowers
Day 139 : The date
Day 142 : Chills
Day 143 : Sneak
Day 143 : Moments
Day 253 : Ten minutes
Day 314 : Last Saturday
Day 315 : Loss
Day 1051 : Letting Go
Day 1795 : Magnetized
Day 1810 : Wrong kiss
Day 1818 : Sugar
Day 1818 : Midnight
Day 1820 : Tour
Day 1821 : Always
Day 1824 : His
Day 1828 : Approval
Day 1828 : Love drunk
Day 1829 : Busted

Day 153 : High

8.9K 351 37
By TheCatWhoDoesntMeow

High
-----

"Sino po ang may fear of heights dito? May iba pong trail para sa hindi tolerant sa heights."

Nagkatinginan kami ni Ash after magtanong ng tour guide.

"Ano?" tanong ko sa kanya at mahina siyang siniko. "Sa wimpy trail tayo?"

Ngumiti lang siya. " 'Yung hanging bridges nga ang habol natin, 'di ba?"

Nag-pout ako. "Gagayahin natin 'yung sa dream ko, gano'n?"

"Hindi po, Miss. Makikitili ako sayo para sweet," sabi niya at mahinang tumawa.

Inirapan ko siya. Mukhang seryoso siya na totohanin 'yung panaginip ko. Bakit naman ako tututol?

Sabado. October 31st. Umaga. Nasa Masungi Georeserve kami sa Rizal for our second date. Maganda ang sikat ng araw kahit naging maulan the past days. It's a good day to be scared, be held and be kissed on a hanging bridge.

Paghudyat na tapos na ang briefing, we started the trek. Ang laki ng ngiti ko sa nakapalibot na makakapal na puno at halaman. Humuhuni ang mga ibon at may lamig na dala ang mga puno. I instantly loved the place. There's something majestic and calming in being at one with nature. Madaling huminga at maging malaya. Unlike sa bahay.

Gusto ko sanang itaas 'yung dalawang kamay ko at huminga nang malalim pero medyo nahihiya pa 'ko sa mga kasabay naming visitors. Baka mawirduhan sa 'kin.

Four pairs kaming nasa isang group. Dalawang pares ang lovers at ang isang pares naman ay mag-bestfriend na girls. Ang sabi sa orientation, 2-4 hours ang trail, depende sa kung gaano katagal kaming mag-stay sa isang point or peak to take pictures.

Napabaling ako kay Ash na nakangiti akong pinanonood habang nasa tagiliran ko.

"Bakit?" I asked him.

"Ang ganda ng ngiti mo," casual na sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Tumungo ako sandali para itago 'yung siguradong pamumula ng mukha ko.

Lately, mas maayos na kami mag-usap. Lagi pa ring nakikipag-unahan sa hininga ko 'yung tibok ng puso ko pero mas madali nang maging komportable. We can tell each other our thoughts and banter like in our messages. Mas madali na ring magpalambing o manglambing. Kahit na nakakatakot 'yung pagdating ng birthday ko, kasi baka ma-brokenheart ako sa magiging desisyon nina Mommy at Daddy, mas madaling maging masaya dahil alam kong mahal ako ni Ash.

I know what it feels like to claim someone and to be claimed back. Pero dahil si Ash 'yung someone na 'yun, I feel a particular high everyday.

It feels like walking on clouds and owning the sky every time I will remember how he feels for me.

Nagkakatawanan pa kami no'ng nasa sementadong trail pa lang. Pero pagdating namin do'n sa tinatawag na Lambat, medyo kinabahan na 'ko. May nakaharang na rock wall sa daraanan namin at aakyatin 'yun gamit 'yung parang lambat na rope structure.

"Akyat na. Nasa likod mo 'ko," susog ni Ash nang hindi ako agad gumalaw no'ng ako na 'yung aakyat.

Huminga na lang ako nang malalim bago kumapit sa lubid. Ayoko namang masabihang maarte ng mga kasabay namin. Namumuti 'yung knuckles ko sa pagkapit sa lubid dahil sa nerbyos ko. I was also reminding myself not to look down.

Napansin yata ng tour guide na si Ate Lora 'yung kaba ko. Sabi niya sa 'min ni Ash, mas mataas pa 'yung ibang peak at ibang aakyatan.

At totoo nga 'yung sinabi niya. Halos hindi ako makakibo no'ng umakyat kami sa mga batuhan. Wala pa namang harness sa ibang akyatan. 'Yung iba naman, rope-net lang din. Nililibang ko na lang ang sarili ko sa limestone formations na nadadaanan namin at sa mga nagkalat na halaman. May isang parte na masagana ang tubo ng jade vines at titan arum.

Pagdating namin ni Ash sa Sapot, nangangatog na ang tuhod ko sa kaba. Sapot is a web-like structure made of industrial steel. Nasa ibabaw ng rock formations. It's solely made for the viewing of the rocks underneath and the marvelous scenery around us.

Tumigil do'n ang grupo namin para sa picture-taking at para i-appreciate ang view.

"Are you regretting this, yet?" tanong ni Ash nang abutan ako ng bote ng tubig mula sa kit na bigay sa amin kanina.

Kinuha ko ang tubig at uminom. Tapos, ibinalik ko sa kanya. Uminom siya sa parehong bote.

Pumikit ako, huminga nang malalim at tumanaw sa paligid. Makikita ang Sierra Madre Mountain Range sa isang parte at ang Laguna de Bay naman sa isa pa. Naglakas-loob akong tumungo sa paanan ko. Maganda ang rock formations ng limestone. At ang taong nasa tabi ko...

"Kung titigil sa pangangatog 'tong tuhod ko every time na makikita ko kung gaano tayo kataas from the ground, this will be an ideal day," sabi ko kay Ash. "Ikaw? Sabi mo, takot ka sa heights? Bakit hindi ka naman mukhang kinakabahan?"

Ginulo niya saglit 'yung buhok niya. Medyo pinagpapawisan na siya dahil sa init ng araw. "Akala mo lang 'yun. Bawat kapit ko, may kasamang pagrorosaryo 'yun," sabi niya at tumawa.

Nadamay ako sa tawa niya. Ang lantod kasi tapos ang taginting. Nakakahumaling din pati siya panoorin.

"Mas malala ka pala sa 'kin," sabi ko sa kanya. Kinuha ko 'yung panyo ko sa kit bag ko at idinampi sa noo niya.

Kinuha naman niya sa kamay ko 'yung panyo at pinantuyo sa pawis niya.

"Mas malala ako?" sabi niya at malapad na ngumiti. "Panay nga bulong mo ng 'Oh my God', 'Oh my God'. Nakabantay tuloy ako lagi sayo."

Matapos niyang punasin ang pawis niya, idinampi niya sa noo ko 'yung panyo. Kukunin ko na sana sa kanya 'yung pantuyo pero ayaw niyang ibigay.

"Ako na," sabi niya, hinawakan ang baba ko at inanggulo ang mukha ko sa kung saan niya tinutuyo ang pawis.

"You have to shake off your fear of heights. Maraming forest at mountain conservation ang nangangailangan ng botanist. Someday, you might be climbing moutains on a regular basis," aniya at ibinalik sa 'kin 'yung panyo. "Mag-exercise ka rin for cardio. Ang bilis mong hingalin."

Napangiti ako kay Ash. Bukod kasi kay Kuya at bestie, siya pa lang 'yung taong ikinabit sa 'kin ang pagiging botanist. It's a big deal. Undecided at salawahan kasi ako sa maraming bagay maliban sa botany at kay Ash. Kaya sa bahay, hindi ako agad pinapaniwalaan nina Mommy at Daddy kapag may sinasabi akong gusto ko. Usually kasi, magbabago rin ang isip ko bago ko pa makuha.

"What are you smiling about?" untag niya sa 'kin habang ikinakabit ang cellphone niya sa monopod.

"Wala," sabi ko at umirap.

"Hm," aniya at umakbay sa 'kin. "Let's take a picture."

Kumapit ako sa baywang niya at dumikit sa tagiliran niya. "Mamaya, magpa-picture tayo kay Ate Lora sa gitna ng web."

"Sige. For now, smile for me."

Ngumiti naman ako. At hindi na natanggal ang ngiti ko kahit nang matapos ang click ng camera.

***

Napagod na yata akong kabahan sa patuloy na pagbaybay namin. Masyado kasing maganda ang view. Nang lumipas na rin ang kaba ng mga kagrupo namin, naging mas maingay at mas mabiro na lahat. Madaldal din si Ate Lora at mapagpasensiya. Minsan, overtime na kami sa picture-taking at pahinga pero hinahayaan lang niya kami.

We saw several sink holes on the rock formations. Pumasok kami sa isang kweba na tinatawag na Yungib ni Ruben. Nanamantala kami ng pictures sa dalawang pinakamataas na peaks ng Masungi - iyong tinatawag na Nanay at Tatay. Magkatabi kaming humiga ni Ash sa tinatawag nilang Duyan (na duyan naman talaga pero para sa higante). Sa Ditse at Patak, nag-picture kami ng cactus garden. At tumawid kami sa napakaraming hanging bridges na nagkokonekta sa mga istasyon ng Masungi. 'Yung iba, halos pang-isahan lang kapag tinawid. 'Yung mas matibay at malapad tingnan, magkahawak-kamay kami ni Ash.

Tinotoo nga niya 'yung nasa panaginip ko. When we crossed one of the bridges, napapikit ako at napakapit sa tagiliran niya nang mag-sway ang inaapakan namin. Naglikot kasi 'yung kasunod naming naglalakad. Then, he held me tight and kissed my temple.

Pagdating namin sa Liwasan, 'yung huling station na may ponds, nangangatog na 'yung tuhod ko sa pagod kahit na ang laki ng ngiti ko.

Nagpahinga kami sandali sa guest area kung saan kami in-orient. Dahil tanghalin na, kinuha lang namin ni Ash 'yung baon naming lunch sa kotse at sa guest area na rin kumain.

Sa gitna ng pananghalian, kausap namin 'yung ilang locals na nando'n. Ang sabi nila, may kaingin pa rin daw at illegal logging sa area na pinipilit nilang pigilan. Dumadagsa na rin daw ang mga taong gustong ma-experience ang Masungi kaya mas hinihigpitan nila ang turismo para mapangalagaan ang lugar. After lunch, inaantok na ako sa pagod habang si Ash ay nakipagkwentuhan pa kina Ate Lora.

Bandang alas dos, bumalik kami sa kotse. Dapat, magda-drive na si Ash pauwi pero ayoko pa. Kapag bumalik na agad kami, susunduin na ako agad ni Kuya at hindi na uli kami magkasama ni Ash. Makakausap ko na lang siya sa maiikling messages sa umaga at sa phone calls sa gabi.

"Dito na lang muna tayo," sabi ko sa kanya habang nakaupo sa passenger seat. "Dito na lang ako matutulog."

Tumingin siya sa 'kin. Parang nag-iisip. "Akala ko, pagod ka na? Hindi ka makakaayos ng higa kapag dito ka sa kotse natulog."

"Okay lang 'yun. Iidlip lang naman ako," sabi ko sa kanya.

Tumahimik siya sandali at lumingon sa backseat. "Sa likod na lang tayo."

Lumabas kami sa kotse at lumipat sa backseat. Inilagay niya 'yung backpack niya at isang maliit na unan sa dulo ng upuan at pinahiga ako. Pagkatapos, ipinatong niya sa kandungan niya 'yung paa ko at tinanggalan ako ng rubber shoes.

"Baka masipa mo 'ko," sabi lang niya.

"Hala! Do'n ka na uli sa labas! Makipagkwentuhan ka sa mga locals," sabi ko habang pilit sanang binabawi ang paa ko sa kanya.

Tumawa lang siya nang mahina. "Nahihiya ka sa paa mo? May amoy ba?"

Inirapan ko siya! Grabe makabintang! "Wala a! Ano ka?!"

" 'Yun naman pala." Iniayos niya ang binti ko sa kandungan niya. Mainit ang palad niya na nakadantay sa tuhod ko. "Tulog na. Anong oras kita gigisingin?"

"Do'n ka na nga sa labas, please n -"

"Nandito ka e," sabi niya habang nakatingin sa 'kin. "Kaya dito lang ako."

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng gagawin mo habang tulog ako?"

Inilabas niya ang cellphone niya. "Titingnan ko 'yung mga pictures natin kanina."

Nag-pout ako, nag-iwas ng tingin at mahinang nagsalita. "Naiilang ako sayo e. Pa'no 'ko makakatulog..?"

"Wala naman akong gagawin sayo, Miss. Babantayan lang kitang matulog."

Umingos ako. Hindi ko naman problema kung may gagawin man siya.

"Bakit? Nakanganga ka matulog?" tukso niya sa 'kin at tumawa.

"Hindi a! Ang ganda ko kaya matulog. Lalo kang ma-i-in love!" sabi ko at malapad na ngumiti.

"O 'di matulog ka na agad para lalo akong ma-in love," sabi niya at tinanguan ako. "Come on, sleep."

Tinapik-tapik niya 'yung tuhod ko gamit ang isa niyang kamay at itinuon na ang mata niya sa cellphone. Nawiwili akong panoorin 'yung side profile niya.

"Ano'ng tinitingnan mo?" usisa ko.

"Pictures nga natin kanina," aniya.

"Patingin ako!"

"Matulog ka na. Mamaya mo na tingnan pag nagda-drive na 'ko pauwi," sabi niya sa 'kin.

Tuloy lang siya sa pagtingin sa cellphone niya. Tuloy lang din ako sa panonood sa kanya. Ang ganda ng lips niya kapag nakatagilid siya. Ang tangos din ng ilong.

"Bakit nanonood ka pa rin sa 'kin? Inaantok ka, 'di ba?" sita niya at bumaling.

"Ang cute mo e," sabi ko at ngumisi.

Ilang sandali na tumingin lang siya sa 'kin bago nangiti. "May candid shot tayo kanina."

"Huh?"

Iniharap niya sa 'kin 'yung screen ng cellphone niya. "Ipinasa sa 'kin ni Ate Lora kanina."

Napangiti ako lalo sa picture namin ni Ash na nasa screen. Kuha iyon sa hanging bridge kung saan nakadikit ako sa tagiliran ni Ash habang nakapikit. Nakaakbay naman siya sa 'kin habang nakahalik sa sentido ko.

"Ang ganda..." halos walang-hanging sabi ko. The shot was breathtaking. Gusto kong gawing phone wallpaper, laptop wallpaper, at facebook cover. Gusto ko ring ipa-frame at ilagay sa bedside table ko. "Transfer mo sa 'kin! Gagawin kong wallpaper!"

Kinuha niya 'yung secret phone ko sa kit bag na nasa passenger seat at ipinasa roon ang imahe. Ginawa kong wallpaper.

"Ikaw? Gawin mo ring wallpaper mo!" sabi ko sa kanya. Napaangat pa 'ko sa pagkakahiga ko para sipatin 'yung cellphone niya..

Ngumiti siya, pumindot sa cellphone niya at iniharap sa 'kin ang phone screen. "Kanina pa po."

Ang laki ng ngiti ko sa kanya.

"Umayos ka na ng higa at matulog," aniya.

Nakangiti pa rin ako.

"Walang goodnight kiss?" tanong ko. Nangungulit.

Natawa siya at nailing. "Wala. Tirik ang araw."

"Gano'n? Mamayang gabi, meron na?"

"Susko. Makulit na babae, matulog ka na," sabi niya.

"Bakit? Ayaw mong dagdagan 'yung sobra sa tatlo, less sa sampu?" tukso ko sa kanya at tumawa.

"Kawawa sayo lahat ng lamang-loob ko," aniya, ihinarap ang katawan niya sa gawi ko at umayos ng sandal sa backseat. "Tulog na, Miss. Nanakawan pa kita ng pictures habang tulog ka."

Napatitig ako sa kanya. "E..? Totoo? Kinukuhanan mo rin ako ng stolen shots?"

"Oo. Kinukuhanan mo rin ako, 'di ba?" aniya sa 'kin at tumango.

"Tss."

"Tulog na, Helga."

Tumawa lang uli ako, hinawakan ang isang kamay niya at pumikit. "Gandahan mo 'yung stolen shot ko."

Sinilip ko pa 'yung mahinang pagtawa niya at pagbulong ng 'Makulit' bago tuluyang matulog. # 1102 g / 05192016

Continue Reading

You'll Also Like

356K 10.5K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
1.1M 36.2K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
5.6M 118K 45
(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. S...