Mga Letrang Iniukit

By alexisaur

75 0 0

Mga tulang hindi malaman kung paano maaalala Nais iparating sa iba at di gugustuhing mabaliwala Aking pinipil... More

Dinig
Bibitaw?

Matamis na Pagdurusa

49 0 0
By alexisaur


Umiiyak, lumuluha, ako'y nasasaktan
Tuwing naaalala ang iyong pagkawala
Nais kong malaman ang iyong mga dahilan
Upang ako'y 'yong iwan na parang hindi kawala


Saan nga ba talaga lubusang nagkamali
Hindi ba sapat ang lahat ng kaya kong gawin
Mga pangako mo'y tuluyan na ngang nabali
Tuluyan na ngang nagbago ang lahat sa atin


Mataas pa rin ang pagsikat ng haring araw
Kislap ng mga bituin ay kayganda pa rin
Ngunit ang lungkot ay patuloy na sumasapaw
Anong kanilang saysay kung ika'y di na akin


Puso ngayo'y pinapako ng paulit ulit
Mga mata'y tila ulap na puno ng tubig
Bawat araw na nalipas ay puno ng pait
Nais muling maramdaman ang iyong pag ibig


Panaho'y lumipas, may bagong taong dumating
Nais pawiin ang lungkot sa aking damdamin
Ngunit bakit nagbabalik ang 'yong paglalambing
Sa'yong pagbabalik ay kaya pa bang tanggapin?


Ikaw ay tinanggap ngunit siya'y nabaliwala
Muling nahalina ng iyong mga mata
Pinilit mabalik ang nasira mong tiwala
Nais balikan ngunit may pakpak ang balita


Imbis na balikan, ika'y pinasalamatan
Sa lahat ng sakit na iyong ipinaramdam
Nais ipabatid na ako ay natauhan
Dahil panlilinlang lamang ang tangi mong alam


Ikaw at ako'y hindi para sa isa't-isa
Pagkat dala mo'y kahon ng kasinungalingan
Siya ang aking pipiliing bigyan ng pag-asa
May pait at sakit ma'y magiging tapat naman


Tuluyan na ngang ika'y aking nakalimutan
Siya naman ay natututunan ko nang ibigin
Subalit sa kabila ng lahat ng nagdaan
Aking masasabing mahalaga ka pa sa'kin


Hindi ko na alam ang takbo ng aking isip
Naguguluhan na sa tunay na ninanais
Siya nga ba'y naging pamawi lang ng pagkainip?
Ako'y handa na bang tunay sa kanyang pag alis


Umiiyak, lumuluha, ako'y nasasaktan
Kaibigan mo pala ang pumasok sa'king buhay
Bakit hindi pinaalam ang 'yong karamdaman?
Tuloy ang pagdurusa sa iyong pagkamatay



© 15 October 2015

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 80 22
panget,baduy,bait baitan at higit sa lahat WALANG LOVE LIFE yn ang kadalasang pagdedescribe sken ng mga Tao sa paligid ko. wlang kaibigan ,wlang ksm...
53 0 30
"Minsan sa pagiging insensitive mo hindi mo namamalayan na itinutulak mo na pala palayo ang taong laging umiintindi at umuunawa sayo"
5.9K 73 24
Idaan natin sa mga tula ang puso mong di kayang magbitaw ng salita.
101 0 11
Hindi po sakin ang story, gusto ko lang ipost to para hindi mawala kase bukod sa gusto kong makita to ng Real Author napaka sentimental nitong story...
Wattpad App - Unlock exclusive features