Crush! Pautang naman (One Sho...

By Nicolodeion

3.4K 163 51

Isang walanghiyang babae na mang-uutang sa CRUSH niya <3 More

Crush!!! Pautang naman :) (One Shot)

3.4K 163 51
By Nicolodeion

Hellooooooooooo :))

Pautang :)))

joke

CRUSH! PAUTANG NAMAN :)

Hay malapit nanaman ang intrams namin. Ano kayang sasalihan ko? Actually magaling naman ako sa lahat ng sports eh pero meron akong isa na gustong-gusto kong salihan. Ang JACKSTONE! joke lang pinapatawa ko lang ang mga malulungkot diyan pero kung hindi kayo natawa, sowee naman po. Anyway,highway,subway,sasalihan ko po talaga is volleyball kase volleyball din si CRUSH eh,.

(A/N : so dapat gayahin mo siya??!Impakta ka!)

Huwag mo akong pakialaman author!! Ako ang bida!! haha

BTW I'm Shakira Mendez , isang 4th year student dito sa Angel's Academy. Hoy! hindi yan all girls ah, mukha lang sa pangalan -.-.Pero teka wala bang lalaking anghel? Meron naman ah!. Si Neon, hay isa siyang anghel na bumaba dito sa lupa. Neon Flores, 4th year, gwapo, mabait , gwapo , matangkad , gwapo , matangos ang ilong , gwapo , maputi , gwapo , chinito , gwapo , evey girl's ideal boyfriend! Teka sinabi ko na bang gwapo siya? GWAPO siya!haha tinotopak ako ngayon, sorry :)

"SHAKIRA!" rinig kong sigaw mula sa harap ko.Yayts! si Mam pala. Hindi kasi ako nakikinig eh. Si Neon kasi hindi maalis-alis sa isip ko eh. Yak!! korny :/

"Po?" tanong ko kay Mam Castro.

"Sasali ka daw ba sa volleyball? Hinihintay na ang sagot mo oh" sabi niya sabay turo sa labas. Dun ko lang napansin na may dalawang babaeng 4th year din ang nakatayo doon.

"Ah opo" sabi ko tapos kinausap ni Mam Castro yung dalawang babae tapos umalis na,

"Okay back to our lesson, what is Love for you?? uhmm..." sabi ni Mam habang naghahanap ng estudyanteng sasagot sa tanong niya. Ako naman sumubsob dito sa desk ko, na dapat ay hindi ko ginawa dahil...

"SHAKIRA!!" Napatayo ako dahil nakakabigla ang pagtawag niya.

"P-po?"

"What is Love for you?" 

"Love is ahm, ehh, ahh" sakto namang padaan si Neon sa classroom at...

at...

ngumiti saakin?

"Love is a strong feeling of affection towards a person. That everytime you see that person there are millions of butterflies flying, rolling, and dancing in your stomach" wala sa sarili kong sagot habang tinitignan si Neon na padaan sa classroom namin.

"Uy may pinanghuhugutan"

"Ayiehhhh"

"Siguro may boyfriend na haha"

"Mam may lovelife na pala si Shakira"

Sabi ng mga classmates ko.

"Good Shakira" naupo na ako pero tameme parin. Totoo?? ngumiti siya saakin??

"According nga kay Shakira Love is blah blah blah, oink oink oink, chu chu chu twit twit twit bang bang bang"

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING

"Yes!! tapos nadin ang madugong pag-upo sa arm chair ko" sabi ni Mika, bestfriend ko.

"Oo nga eh" pagsang-ayon ko.

"Uy paano mo nasagot yung kanina? Kailan ka pa natutong mag english??"

"Ano ka ba? Huwag mo akong laitin! Kahit mukhang walang alam to, meron din naman kahit papano!"

"Uy yung pamatay line niya!"

"Haha, tara na nga kumain na tayo" tapos hinila ko siya . Kumain kami sa labas ng school. Marami kasing pagpipilian dun  atsaka masasarap. Kumain kami ni Mika ng fried noodles. Ang anghang nga eh! Galit ata yung nagtitinda saakin.

"Anghang!!" sabi ko kay Mika.

"Dba mahilig ka sa maaanghang?" tanong ni Mika.

"Oo pero konti lang"

"Ah akala ko mahilig ka talaga eh kaya dinamihan ko"paliwanag niya.

"Ikaw pala ah" gugulpihin ko na sana si Mika na may marinig ako.

"Uy nginitian ako ni Neon kanina" G#1.

"Talaga??" G#2.

"Oo haha, eto na ang pinakamasayang araw ko" G#1

Arghhh!! Akala ko pa naman AKO ang nginitian niya, si Cheska pala! Ung muse namin! Arg! Papatayin kita Cheska!

"Uy" sabi ni Mika.

"Pigilan mo ako Mika! makakapatay ako ng tao!" umuusok na talaga ako sa inis.

"Ayoko nga! edi pumatay ka! Sinong makukulong aber?" sabi niya sabay inom sa milong binili niya.

"Arghhh panira ka ng moment, tara na nga" sabi ko sabay hila sa kanya pabalik ng classroom.

"Ihhh sayang yung binili ko" reklamo ni Mika pagkadating namin sa classroom.Hindi kasi pwedeng ipasok yung mga pagkain na binili mo sa labas sa loob ng campus.

"Bahala ka nga diyan" sigaw ko sakanya atsaka na pumasok sa classroom at umupo. Nakakainis ang araw na to! Oo nabadtrip ako dahil hindi pala ako ang nginitian niya! Nag assume kasi ako eh!! Ang sakit pala. Grabe lang.

"Uy sorry na Shaki"

"Hindi ayos lang"

"Sure ka?"

"Yup"

"Okay sabi mo eh, ngiti lang yun ano ka ba?"

"O.o ? Paano mo nalaman?" takang tanong ko.

"Siyempre bestfriend mo ako kaya alam ko"

"Talaga? Pero bakit nakakainis parin?"

"Selos ka kasi"

"H-hindi ah. Pagseselosan ko yung Cheska na yun? NO WAY!!"

"Cge i deny mo pa! Halata ka kaya!"

Selos ba talaga ako?

"Oo na nagseselos ako, na hindi pala ako ang nginitian niya! Masaya ka na?"

"Haha oo masaya na ako"

"Psh"

*Mic test,!! Mic test!! To all players of volleyball boys and girls, may practice kayo mamayang 2:00-6:00. Excuse po kayo sa subjects ninyo from 2:00-5:00. That's all thank you"*

Hay practice pala namin later. Nakakawalang gana!Dahil sa ngiting yun nabadtrip ako.Ohh no nagkakawrinkles na ata ako! Relax ka lang kasi Shakira! Hindi pa end of the world, may pag-asa pa kayo ni Neon. Tiwala lang!

[2:00]

*Sound check! All players of volleyball, proceed to the covered court now*

So ayun nagpaalam na ako kay Mika then pumunta na sa gym.Nagpractice kami ng nagpractice. Ay mali lagi lang pala akong tumitingin kay Neon. Bwisit! bat ba kasi ang gwapo niya??

"Uy shaki" sigaw ni Mika habang papalapit saakin.

"O Mika?" sabi ko pero kay Neon parin ako nakatingin.

"Libre mo naman ako! Ikaw din ang may kasalanan kung bakit hindi ko masyadong nakain yung pagkain ko kaninang break eh! Hello nakikinig ka ba?"

"Oo , lahat sayo na"

Lahat sayo na Neon. Lahat ng kagwapuhan, kaputian,katangusan,katangkaran, lahat-lahat! Bat ang damot mo ? sinolo mo lahat, hindi mo man lang binigyan ang iba -3-.

Teka...

"Mika??" paglingon ko wala na siya. Nakalimutan kong kinakausap niya pala ako. Kay neon kasi ako naka focus eh -.-

"Okay break muna" sabi ng coach namin kaya naman umupo muna ako sa bleachers para magpunas ng pawis.

"Shakira oh" nag-abot ng sandwich at bottled water si Joy,co-player ko sa volleyball. At siyempre libre ito muwahaha. Kami na nga maglalaro para sa school tapos kami pa gagastos nung pagkain namin? no way -.-.

"Thanks" so ayun linantakan, ooopppsss ang pangit ng word na linantakan. So ayun kinain ko na ang sandwich ko then ininom ung tubig.

30 minutes lang ang break tapos nagpractice na ulit kami.

"Okay see you tomorrow guys" sabi nung coach namin so it means uwian na. Hello! 6:00 na din kasi.

Teka parang gusto ko ng ice cream ah.*Dukot sa bulsa ng wallet* wala? Ah baka nasa bag ko *Dukot sa bag ng wallet* AHHHHHHHH O.O Patay!

NAWAWALA ANG WALLET KO!!!!

Inisip kong mabuti ang mga nangyari bago pa mawala ang wallet ko.

Owssnowsss I remembered something! Wow english.

"Libre mo naman ako! Ikaw din ang may kasalanan kukng bakit hindi ko masyadong nakain yung pagkain ko kaninang break eh! Hello nakikinig ka ba?"

"Oo , lahat sayo na"

"Libre mo naman ako! Ikaw din ang may kasalanan kukng bakit hindi ko masyadong nakain yung pagkain ko kaninang break eh! Hello nakikinig ka ba?"

"Oo , lahat sayo na"

"Libre mo naman ako! Ikaw din ang may kasalanan kukng bakit hindi ko masyadong nakain yung pagkain ko kaninang break eh! Hello nakikinig ka ba?"

"Oo , lahat sayo na"

"Libre mo naman ako! Ikaw din ang may kasalanan kukng bakit hindi ko masyadong nakain yung pagkain ko kaninang break eh! Hello nakikinig ka ba?"

"Oo , lahat sayo na"

YOU MIKA!! Akala niya sa kanya na lahat ng pera ko! Si Neon ang tinutukoy ko doon eh! Arghh lagot ka saakin Mika! Wala akong pamasahe pauwi! Lumingon-lingon ako dito sa loob ng gym. Wala akong kakilala maliban sa kanya.

Maliban kay Neon.

Siya kaya?/

No, no, no! Ang kapal naman ng mukha mo Shakira kung mang-uutang ka sakanya! E wala na akong ibang kilala dito eh.

Okay hinga muna ng malalim.

Inhale

Exhale

Inhale

Exhale

"Uhmm Neon?" umpisa ko. Shocks kinakabahan ako.

Wala siyang ekspresyon, nakatingin lang siya saakin. 

"Alam ko pag sinabi ko to iisipin mo na ang kapal ng mukha ko pero..."

BAD SIDE : Wag!! Kapal ng mukha mo!

GOOD SIDE : Cge babayaran mo naman eh.

Hindi ba baligtad??

"PAUTANG NAMAN!!" nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Sino ba naman ako para pautangin niya? Hindi niya nga ako kilala eh tapos pagkakatiwalaan kaagad?? Yumuko nalang ako, cguro lalakarin ko nalang ang 5 kilometro huhuhuhu.

"O cge huwag nalang ..."

"May utang ka pa nga saakin ehn"

Huh??? 

"Kailan?? Hindi pa ako nang-uutang sayo eh!" May utang daw ako?? ngayon  ko palang nga siya kinausap sa tanang buhay ko eh.

"Nasayo na ang puso ko pero hindi mo naman binibigay yung sayo, so may utang ka" O.O

Buffering...

Loading...

"Ha?? pera ang inuutang ko tapos gusto mong pambayad ang puso ko?? Wow ah GUSTO MO NA BA AKONG MAMATAY??? Daig mo pa ang 56 ah" sigaw ko sakanya. Ibang klase siya ah. Nagwalk out ako, balak kong maglakad nalang talaga. huh kawawa naman ako.

"No Shakira! I mean ..." napalingon ako sakanya. Namumula siya na parang konti nalang kahawig na niya ang kamatis.

"I mean nakuha mo na ang puso ko, ibigay mo naman ang sayo"

Yun naman pala eh.

O.O F-for R-real??

"Diretsuhin mo na!!"sigaw ko pero gets ko na hihi.

"M-mahal kita Shakira" sigaw niya, dinig ng lahat ng tao sa covered court.

"Haha Ang pula mo!! Oo na mahal din kita Neon!!"

"Pwede bang tayo na?" tanong niya.

"Pwede"

"Talaga??" 

"Pero sa isang kundisyon"

"Ano yun???"

"Bago maging tayo pwedeng PA-UTANG MUNA?"

*END*

 Copyright 2013 by Nicolodeion

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

 A/N : Sorry kung lame :p. Feel free to vote and comment. Ayus lang kahit bad. :))

Continue Reading