Spirit Of The Glass (Edited)

By jeric719

288K 7.6K 476

Highest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na sil... More

Characters
Part 1 - Holy Week / Outing
Part 2 - Barko
Part 3 - Isla
Part 4 - Spirit Of The Glass
Part 5 - Simula Na
Part 6 - Bangka
Part 8 - Hukay
Part 9 - Asan si Chester?
Part 10 - Micoy o Migs
Part 11 - Takbo Migs
Part 12 - Third Floor
Part 13 - Brownout
Part 14 - Ikalawang Bahay
Part 15 - Isang Araw Nalang
Part 16 - Ang Sundo
22 Survivors Left
Part 17 - Libing
Part 18 - Condo
Part 19 - Pasukan na
Part 20 - Canteen
Part 21 - Sinong Mamamatay?
Part 22 - Allyssa o Jaymar?
Part 23 - Ospital
Part 24 - Elevator
Part 25 - Ouija Board
15 Survivors Left
Part 26 - Ang Pagbabalik
Part 27 - Spirit Of The Glass
Part 28 - Tapos na ba?
Part 29 - Imbestigasyon
Part 30 - Ang Pumapatay
Part 31 - Kwarto
Part 32 - Tali
10 Survivors Left
Part 33 - Exorcism
Part 34 - "Allyssa?"
Part 35 - "Kim?"
Part 36 - Papatayin???
Part 37 - Takbo!
Part 38 - Si Dhey na ba?
Part 39 - Ang Plano
Part 40 - Sunog
Part 41 - Bangkay
Part 42 - Buhay pa si Kim!
Part 43 - "Buksan nyo yung pinto!"
Part 44 - Ang Katotohanan
Part 45 - Kylie's Story
Part 46 - Memorya
Part 47 - Kalabog
Part 48 - Sapi
Part 49 - Kylie's Death
Part 50 - Ang Paghihiganti
Part 51 - Pinto
Part 52 - Gubat
Part 53 - Ang Pagtatapos
Part 54 - Wakas
( Abangan )
Spirit Of The Glass 2
Game Of Life And Death

Part 7 - Lupa

7.1K 178 21
By jeric719

Kimnel's POV

Habang pinupulot ko ang napigtas kong bracelet ay nagulat ako ng sumigaw si Dennis na para bang may nakita ito sa may bandang likuran ko, kaya napatingin ako sa likod ko, pero wala naman akong nakita. At nagulat ako nang bigla nalang syang nahulog mula sa bangka. Dahil dito ay hinanap ko kaagad sya nung napalubog sya sa ilalim ng tubig, ilang saglit lang ay nakaahon din sya agad.

"Hayyyyy" paghinga ko ng maluwag ng makitang ayus lang sya

Pero pagahon nya ay parang may hinahanap sya na iba sa bangka, nagtataka ako dahil ako lang naman mag-isa sa bangka, ano kaya yung hinahanap nya. Hanggang sa nakita ko sya na bigla nalang ulit lumubog. Matagal tagal din ang paglubog nya. Di ko sya mahanap. Di ko magawang tumalon dahil sa totoo lang ay hindi talaga ako marunong lumangoy. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang antayin sya makaahon. Alam ko namang marunong lumangoy si Dennis kaya hindi sya malulunod, pero nagtataka ako dahil hanggang ngayon, di pa rin sya nakakaahon.

Hanggang sa ilang saglit ay lumutang na yung katawan nya, pero parang wala syang malay. Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko sya at iniakyat ko sya sa may bangka. Pagtingin ko sa kanya ay namumutla sya at para bang nakainom ng maraming tubig. Ginawa ko ang lahat at sinubukan kong gawin lahat ng makakaya ko para magising sya, pero hindi na talaga sya humihinga.

Pagkatapos ay naiyak nalang ako dahil di ko na alam ang gagawin ko. Iniisip ko kung bakit kinakailangan tong mangyari sa amin. Iyak ako ng iyak dahil sa mga nangyayari. Una si Carlo ang namatay pagkatapos ay si Dennis naman. Ang ginawa ko nalang ay nagsagwan ako ng nagsagwan pabalik sa isla. Kahit na humahagulgol parin ako sa kakaiyak ay pinilit kong magsagwan para makarating na agad sa isla nila Martela.

Kim's POV

Andito kami ngayon sa labas ng bahay. Sinubukan naming pigilan sina Kimnel pero ayaw nilang makinig. Ngayon iniisip namin kung ano kaya ang mangyayari sa kanila. Lalo na at wala pa silang nakain na kanin, dahil mag aala-una na ng sila ay sumakay sa bangka

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ko sa kanila

"Wala tayong gagawin" sagot ni Aljericho

"Wala tayong magagawa sa mga oras na to" sagot rin ni Jaymar

"Ang magagawa lang natin ay ang mag-antay" sabi ni Jaianne

Sa tingin ko ay medyo nakalayo na sila dahil mga ilang oras na rin ang nakalipas. Marami sa amin ang nandito ngayon sa labas nag-aantay pero ang iba naman ay pumasok na sa loob ng bahay. Nagaantay kami ng natanaw ko yung bangka. Nakita ko na ito ay pabalik na dito sa isla. Kaya naisip ko na sila Kimnel ito, kaya tumakbo ko papunta sa loob para tawagin ang iba pa naming mga kasama.

Nang nakapasok na ko sa loob ay nakita ko sila Luis na tinatakpan ng kumot ang bangkay ni Carlo. Matapos nila itong takpan ay sinabi ko sa kanila na papabalik na sila Kimnel.
Kaya lumabas na ulit kaming lahat. Pagkalabas namin ay nakita namin na parang si Kimnel lang ang nagsasagwan. Asan kaya si Dennis?

"Bakit isa lang syang nagsasagwan?" Tanong ni Luis

"Yun nga rin ang pinagtataka ko eh" sabi ni Paulo

Nang nakabalik na sila sa isla ay lumapit agad kami sa bangka. At nakita namin si Kimnel na parang kakagaling lang sa pagiyak. At nakita namin si Dennis na nakahiga sa bangka, sya ay basang basa at sa itsura nya ay mukha syang nalunod.

"Anong nangyari?" Tanong ng marami

"Nalunod sya" sabi ni Kimnel

"Pero bakit??? Paano?" Pagtataka ni Micoy

"Pati ako naguguluhan, nagulat nalang ako ng nakita ko syang nalaglag. Tsaka marunong naman sya lumangoy, at nagtaka ako ng bigla nalang syang lumubog na para bang may humihila sa kanya pababa." Paliwanag ni Kimnel

"Tapos bigla nalang lumutang yung katawan nya, at wala na syang buhay" dugtong nito na medyo hinihingal at kitang lumuluha sya

Nakakaawa lang sya dahil dalawang sobrang close sa kanya ang nawala na. Hindi namin sila sobrang close dahil silang tatlo lang talaga ang mga madalas magsama sama.

Marami sa amin ang nabigla sa pangyayari, at marami rin ang natatakot

"Pano na tayo nyan?" tanong ko sa kanila

"Hindi tayo makakahingi ng tulong" sabi ni Martela

"Pero kung di tayo makakahingi ng tulong, pano yung bangkay nila Carlo at Dennis?" Tanong ni Chen

"Ililibing ko nalang sila dito sa isla na to" sabi ni Kimnel

Napaisip muna si Martela bago tuluyang napapayag kasi wala silang magagawa sa mga bangkay ni Dennis at Carlo.

"Nasa 3rd floor yung mga panghukay na pwede nyong magamit" sabi ni Martela

Third Person's POV

Si Aljericho at si Boboy ang pumunta sa 3rd floor para kuhain ang mga panghukay. Habang sila ay pumunta sa 3rd floor, pinakalma muna nila Martela si Kimnel at binigyan ng pwedeng makain. Marami sa kanila ang walang gana kumain. Ang iba sa kanila ay di pa rin naglulunch kahit na malapit na mag gabi.

Pagdating sa 3rd floor nila Boboy at Aljericho ay mayroong 3 kwarto dito. Inisa isa nila ito at naghanap ng mga pwedeng magamit.

"Sa tingin mo tama ba tong gagawin natin?" Tanong ni Boboy

"Ang alin?" Tanong din ni Aljericho

"Yung ililibing dito sina Carlo at Dennis" paliwanag ni Boboy

"Wala naman tayong magagawa eh, mas mabuti pang ilibing nalang muna sila, tas pag nakahingi na tayo ng tulong, ipapahukay nalang ulit ang katawan nila" sabi ni Aljericho

Hanggang sa nakahanap na sila ng mga shovel. Dalawa lang ang nandun pero sapat na yun para makapaghukay sila. Bumaba na agad sila para sabihin na nakuha na nila.

"Eto na yung mga shovel" sabi ni Boboy

"Saan sila ililibing?" Tanong ni Renz

"Dun nalang sa may bandang gubat" sabi ni Martela

Pero nagpahinga muna sila bago sila maghukay, at sabay sabay muna silang nagdasal. Pagkatapos ng ilang saglit ay pumunta na sila sa may gubat, pero hindi sila masyadong lumayo, at sinimulan na nila agad ang paghuhukay ng lupa.

Pinagtulungan muna nilang makahukay ng isa. Medyo natagalan sila sa paghuhukay ng lupa dahil dalawa lang ang gamit nilang panghukay. Nang natapos na nila ang isa ay inilagay na nila ang bangkay ni Carlo, tinakpan nila ito ng kumot bago ibalik ang mga nahukay na lupa. Pagkatapos ay nagsimula na silang maghukay ulit ng isa pa. Nasa kalagitnaan na sila ng paghuhukay ng biglang umulan ng malakas, kumukulog at kumilidlat. At tsaka medyo madilim na rin dahil gabi na

"Bukas nalang natin ituloy to" sabi ni Lanz

"Oo nga, masyadong delikado" pag-sang ayon ni Boboy kay Lanz

"Hindi pwede, kinakailangan kong tapusin to" pagpupumilit ni Kimnel

"Baka kung ano pa mangyari satin dito" sabi ni Martela

"Sige pumasok na kayo, ayus lang ako dito, tatapusin ko na muna to." Pagmamatigas ni Kimnel

Sobrang lakas na ng bagyo. Pati ang pag-ihip ng hangin ay sobrang lakas na rin. Dahil sa takot na may mangyaring masama ay nagsipasukan na sila, hinatak nila si Kimnel kahit na ayaw nitong pumasok. Nang nagawa na nilang pumasok sa bahay kasama si Kimnel ay nagsipagkainan na sila ng Dinner

"Kailangan mong kumain, kailangan mo magkaron ng lakas" sabi ni Angela

"Pero kailangan kong mailibing si Dennis" sabi ni Kimnel

"Ipagpabukas nalang natin Kimnel, masyadong delikado, tutulungan ka parin naman namin" sabi ni Lanz

"O sige" sagot ni Kimnel

Kimnel's POV

Kahit na ayoko pang pumasok ay pinilit nila ako. Ngayon ay kumakain na kami. Pumayag ako sa sinabi nila na ipagpabukas nalang. Pero ang hindi nila alam ay itutuloy ko na ito mamaya. Kung kinakailangan kong magkunwari, ay magkukunwari ako para maipagpatuloy ko yung paglibing kay Dennis. Nagantay ako ng ilang oras hanggang sa nagsipagakyatan na sila. Ako ay umakyat na rin sa kwarto para isipin nila na hindi na ako lalabas. Nang nasa taas na lahat ay sinubukan ko nang tumakas. Nakita ko si GD na tulog na at parang ganun rin si Allein

"San ka pupunta?" Tanong ni Allein

Gising pa pala si Allein, nakita nya ko na papalabas ng kwarto.

"Ahm, iinom lang ako ng tubig." Pagsisinungaling ko sa kanya

"O sige sasamahan kita para masiguradong yun nga lang ang gagawin mo" sabi ni Allein

Kaya wala akong nagawa. Sinamahan nya ko sa baba hanggang sa makakuha ako ng baso, pagkatapos ay nung nakatalikod sya, pinukpok ko sa ulo nya yung babasaging baso, dahil dito ay bumagsak sya at nawalan ng malay. Kaya naman ay nakatakbo na ko papalabas.

"Sorry allein" sambit ko

Paglabas ko ay madilim, buti nalang ay may flashlight yung cellphone ko kaya ito ang ginamit ko, tsaka kahit madilim na, ay maaaninag mo parin naman ang paligid mo. Nang nakarating na ko sa gubat ay nagtaka ako dahil medyo lumalim na yung nahukay at parang wala itong patak ng tubig. Nagtataka ako dahil hindi ito nabasa ng ulan.

Hanggang sa nagulat ako dahil may nailawan ako na babaeng nakatayo sa may puno. Maya maya ay bigla itong nawala, kaya lalo akong kinilabutan.

"May engkanto ba dito? O namamalikmata lang ako" Tanong ko sa isip ko

Hindi ko na sya hinanap pa dahil natatakot na ko, pero nagulat ako dahil nasa harapan ko na sya bigla, dahil dito ay napaatras ako at sa di ko inaasahan eh nalaglag ako sa nahukay na. Hanggang sa nakita ko yung babae na nakatingin sa akin. Natakot na ako dahil yung mga lupa na nahukay ay bumabalik dito sa hinukay.

Matatabunan na ko ng lupa pag di ako nakaalis, alam kong ikamamatay ko ito pag natabunan ako. Sumisigaw narin ako para makahingi ng tulong, dahil kahit anong gawin ko ay di ako makaalis.

"Tulooooong!!!"

Para akong inililibing ng buhay. Papataas na sa leeg ko yung lupa at hindi na ko makakilos. Hanggang sa wala na kong nagawa at tuluyan na kong natabunan ng lupa.

-------------------------------------

Dead : 3

Carlo, Dennis, Kimnel

Alive : 26

Bianca , Kim, Martela, Luis, Allyssa, Eric, Renz, Dhey, Edmar, Lanz, Boboy, GD, Angela, Chen, Aljericho, Paulo, Keith, Allein, Jaymar, Jaianne, Chester, Ginelle, Bryan, Mark, Migs, Micoy

Continue Reading

You'll Also Like

9.9K 185 9
[SHAPE SHIFTERS #2] Limea decided to runaway home. She felt left out and unwanted. She wanted to just disappear from her father's sight. In the end...
30.6K 1.1K 9
Lahat nga ba ng nang-iwan, naging masaya? |Short Story|
6.8M 214K 93
Book 1 of Second Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2019. #4 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. These seven guys...
368K 10.5K 102
(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess. This is the continuation of 3rd Generation pero storya na ng pinakabunsong anak nina Shimi and Daz...