Suicide Love

By iamsograce

2.5K 24 13

They say she's satanic, cult, a wicked witch, they even say she's a badass bitch! She's Gothika Diorama. May... More

PROLOGUE
Chapter 2 -- When I Look At You
Chapter 3 -- Miserable At Best
Chapter 4 -- Her New Confidante
Chapter 5 -- Let Go And Let Live
Chapter 6 -- You Ruin Me
Chapter 7 -- Hardest Goodbye
Chapter 8 -- Convincing A Broken Heart
Chapter 9 -- The Jealous Guy
Chapter 10 -- Let Love Bleed Red
Chapter 11 -- How To Save A Life?
Chapter 12 -- I Must Be Dreaming
EPILOGUE

Chapter 1 -- The Curse

199 0 0
By iamsograce

Sunday evening
Diorama's Residence
GK's room

Pagkatapos magbihis ni GK, lumabas na siya ng kwarto niya pero hindi pa man siya nakaka baba ng kanilang hagdanan ay nilapita na siya ng kanyang nakababatang kapatid na si Carlisle.

"Ate, sa'n ka pupunta?" Hindi man lang sumagot itong si GK

"Gabing gabi na aalis kapa rin?" Hindi pa rin siya pinansin ng kanyang Ate, bagkus ay tinungo nito ang staircase at bumaba kaya sinundan niya ito.

"Let me just remind you, may pasok kana bukas sa bago mong School. Kaya sana huwag ka ng lumabas ngayong gabi."

Inis na hinarap siya ng kanyang Ate. “Oh, please don't act like you're my big sister. I know what I’m doing, bitch!" Sabay irap sa kanyang kapatid at halos pabulong na sinabi ang salitang bitch, pero sapat na 'yon para marinig ng kapatid tsaka na siya nag tuloy-tuloy na bumaba sa staircase nila.

Hindi nalang kumibo si Carlisle, ayaw na lang niyang salubungin ang init ng ulo ng kanyang Ate.

Carlise is an 18 year old, 4th  year Nursing student of Mount Valley University. Siya ang nagiisang kapatid ni GK. Kahit na laging nagagalit at masungit sa kanya ang kanyang Ate, hinahayaan na lang niya ito at lagi nalang niya itong iniintindi dahil alam niya marami itong mabibigat na pinagdaanan.

Nasa loob na ng bar si GK kasama ang mga sosyal niyang classmates sa dati niyang University. Kanina pa sila umiinom, ang iba sa kanila lasing na. Pero si GK, nanatiling matatag, pa'no ba naman kasi nasanay na siyang laging umiinom. Naging habit na niya ang pag inom. Kulang na lang at maging immune na ang katawan niya sa alak.

"Balitaan mo kami sa first day mo bukas sa new University mo." Sabi ng lalakeng kaklase ni Gk sa kanya. "I bet, wala kang magiging kaibigan do'n." At nagtawanan silang lahat.

"The hell I care? If they don't like me, fine! I don't like them too." Mataray niyang sabi, sabay inom ng alak.

"Bakit kasi inaway-away mo pa yung Dean natin? Ayan tuloy na kick out ka."

"I hate bitches, she's one of them. So, I gave her what she deserves.”

“Wala ka talagang inuurungan, Ms. Gothicka Diorama.” At naghiyawan silang lahat.

Sa kabilang table naman nando'n sina Jared at ang kaibigan niyang si Mart.

“Mart, maaga pa ang pasok natin bukas, baka nakakalimutan mo.”

“Siyempre hindi. Pwede ba pare? Relax ka lang diyan. Hinihintay ko pa yung date ko eh.”

“Ungas! Baka ininjan kana nun.” Kinabig niya yung beer, iinumin na niya sana ito nang hindi sinasadyang maitulak si GK ng mga kaibigan niya sa table nina Jared. Papunta kasi ang mga ito sa dance floor, pero dahil sa kalasingan nagkaka tulakan na sila.

Natumba itong si GK sa mga hita ni Jared.

“Okay ka lang ba miss?” Alalang tanong ni Jared.

“What the hell?” Inis naman na sabi ni GK. Bigla na siyang hinila ng kaibigan niya at pumunta na sila sa dance floor. Napatanaw nalang tuloy itong si Jared.

Wild na wild kung magsayaw itong mga kaibigan ni GK. Nagbubuhusan pa sila ng alak at tubig sa ulo. Sa mga ganitong paraan lang nakakalimutan ni GK ang kanyang mga problema. Lalo na pag nasa ispirito siya ng alak.

Nang naging sweet ang music ay biglang nagsisi alisan ang mga tao sa dance floor na walang kapareha.

Now playing: My Heart by Paramore

I am finding out that may be I was wrong
That I've fallen down and I can't do this alone
Stay with me this is what I need please?

Sing us a song and we'll sing it back to you
We could sing our own but what would it be without you

I am nothing now and it's been so long
Since I've heard the sound, the sound of my only hope

This time I will be listening...

Pagkarinig ni Gk ng kantang 'yon, biglang bumalik sa kanya ang nakaraan. Biglang nag flash back sa kanya ang mga memories nila ng kanyang ex-boyfriend. Hindi niya namalayan tumutulo na pala ang mga luha niya.

“GK, are you okay?” Alalang tanong ng kaibigan niya. “GK?” Waring walang ibang naririnig si GK maliban sa kanta. Umiiyak lang siya, Nagtataka tuloy ang mga tao sa paligid niya.

“No, no, no!” Sigaw niya at nagtatakbo na siya palabas ng bar. Napaupo siya sa may stairs at do'n nag iiiyak na parang bata.

Three years ago galing si GK sa Prom Night nila sa School kasama ang kanyang boyfriend na si Santi. Habang tinatahak nila ang daan pauwi sa bahay ng mga Diorama bigla na lang binangga ng isang Truck ang sinasakyan nilang kotse. Naging dahilan 'yon ng pagkamatay ng boyfriend ni Gk at ma swerte siyang nakaligtas sa aksidente. Hanggang ngayon hindi pa rin makalimutan ni Gk ang mga pangyayaring 'yon, dahil nakita niya mismo kung pa'no mamatay si Santi, nakita niya kung pa'no maubusan ng dugo ang noo'y naghihingalong si Santi. Wala siyang magawa kung hindi umiyak.

Just months later ang Dad naman niya ang namatay because of a heart attack. Lahat ng 'yon hindi makayanan ni GK. Hindi niya makayanan ang sunod-sunod na dagok na dumating sa kanyang buhay. Na trauma siya. Kaya pina councel siya sa isang espesyalista. Nung una nag aattend pa si GK pero kalaunan ay nagsawa na siya kaya hindi na siya nag aattend ng councelling. Wala din naman daw kasing nangyayari sa kanya. Na de-depress parin siya.

Bigla nalang binasag ni Gk yung boteng nakita niya at kumuha siya ng basag na parte ng bote. She’s ready to cut her wrist, again.

“Die, GK. Die!” She’s about to cut her wrist nang may humawak sa kamay niya para pigilan siya sa balak niyang gawin.

“Huwag! Huwag mong gagawin kung ano man ang binabalak mo.”

“Let me go.” Inis na tumayo si GK at pilit niyang inaalis ang kamay nung lalake sa braso niya. Pero sadyang malakas talaga ang lalake.

“Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo binibitawan yang hawak mong basag na bote.”

“I don’t know who the hell are you, so don’t tell me what to do. Gagawin ko lahat ng gusto ko. Kaya pwede ba? Bitawan mo’ko.”

“Ano'ng gusto mo? Hayaan kita sa gusto mong gawin? Panooring maubusan ng dugo hanggang mamatay?”

“Pakialam mo ba kung mamatay ako? Sino kaba, huh?”

“Utang na loob, takot ako sa dugo eh, baka mauna pakong mahimatay sayo pag nakita ko yang dugo mo.” Nakuha pa niyang magpatawa.

“Eh sira pala ang ulo mo. Edi umalis ka dito nang hindi mo makita. Tanga kaba?”

“Konsensya ko pa pag may nangyaring masama sa'yo. Alam mo, hindi solusyon sa problema ang pagpapakamatay. Dadagdagan mo pa nun ang problema." Nababaliw naba ang babaeng ‘to? Ang sayang mabuhay tapos siya gustong mamatay? Hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa utak ng mga Suicidal na tao.

Biglang natahimik si Gk kaya unti unit na siyang binatawan ng lalake.

“Miss?” Bigla nalang tumakbo si Gk papunta sa kanyang kotse. Gusto man siyang habulin ng lalake pero hindi na niya ito makita.

“Jared pare, ano bang ginagawa mo diyan? Tara na sa loob.” Yaya sa kanya ni Mart.

Monday morning
GK's room

Nakahilata pa siya sa kama with bloodstained on her wrist. May nakakalat ding bawas na bote ng Jack Daniels sa sahig, pati razor blade. Sa itsura ngayon ni Gk, halatang lasing na lasing siya kagabi. Ni hindi na nga niya nagawang alisin ang chuck taylor na sapatos niya pati ang makapal niyang eyeliner.

Pagpasok ng katulong, nabigla siya ng madatnan si Gk sa gano'ng itsura at may nanigas pa tong dugo sa kamay niya.

“Senorita Gk? Diyos ko po anong nangyari dito?” She’s starting to panic. “Senorita GK?”

Nang mapadaan do'n si Carlisle, narinig niya ang katulong na ginigising itong si GK kaya pumasok din siya sa loob ng kwarto.

“Yaya, bakit kaba sumisigawa diyan?” Nang makita niya ang kanyang Ate alam na niya ang dahilan ng pagsigaw at pag panic ng katulong.

“Ate Gk? She’s not supposed to do this again.” Pilit niyang ginigising ang inaakala nilang may masamang nangyari kay Gk. Unti unting nagmulat ang mga mata ni Gk. Nagising siya sa ingay na narinig niya.

“What the hell is your problem? Bakit ba ang ingay niyo?” She hold her head. “Ahh.. my head is aching.”

“Ate, ano na namanba ang problema mo, huh? Anong nangyari sa'yo kagabi?”

Pilit na inalala ni Gk kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanya kagabi.

Dahil sa inis dun sa lalakeng pumigil sa kanya, umuwi na lang siya sa kanila at kumuha ng Jack Daniles sa may bar nila sa loob ng bahay. Wala siyang ibang ginawa kung hindi umiyak sa kwarto niya. Kinuha niya ang razor blade at unti unti niyang sinugatan ang kanyang sarili. Mababaw lang naman ang sugat. Dahil sa kalasingan kaya hindi na ma diin ang pagkaka sugat niya. Pagkatapos nun hindi na niya alam pa ang mga nangyari.

“You’re not supposed to do that stupid thing again.”

“Who are you to tell me what to do and not to do?” Tumayo siya mula sa kama at inaalis ang kanyang sapatos.

“Gusto mo bang lagi kaming nag aalala sa'yo?”

Naglakad papuntang adjacent bathroom si GK pero bago tuluyang pumasok dun hinarap niya muli ang dalawa. “You two, leave my room.” Tumalikod na siya

“Dahil kay Kuya Santi na naman ba? Napatigil si Gk sa pagpasok sa adjacent bathroom. “Ate, it’s already 3 years ago. Get over him.” Hinarap siyang muli ni Gk.

“I said… leave my room, NOW!” Tinignan niya ng masama ang dalawa, her deadly glare. Parang alam na nina Carlisle ang tingin na 'yon ni Gk kaya lumabas na sila ng kwarto nito.

Habang nakatingin si GK sa repleksyon niya sa salamin sa loob ng banyo. Santi, please, help me get over you.

9:30 na ng bumaba si GK mula sa kanyang kwarto. Nakita niya sina Carlisle at ang kanyang Mommy na nasa sofa masayang nag ku-kwentuhan. Hindi na lang niya pinansin ang nga ito, bagkus ay nag tuloy tuloy lang siya. Palabas na sana siya ng bahay nang tinawag siya ng kanyang Mommy.

“GK.” Linapitan niya ito at pinagmasdan mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay nito. Itong si GK blangko lang ang ekspresyon, ni hindi siya nakangiti. “You’re getting worser everyday.”

“Oh! Like you care? This don’t concern you.” Paalis na sana siya pero may pahabol pang sinabi ang kanyang Mommy.

“It’s your first day on you’re new University, AGAIN, tapos ganyan ang suot mo? You’re giving them a wrong impression.”

Naka above the knee black dress si Gk na may printed skull na tinernuhan niya ng maroon na Doc Martens na sapatos. Makapal na black eyeliner, magulong buhok, black nail polish, habang ngumunguya siya ng gum. “This is what you called fashion, Mom and besides hindi kapa ba sanay? Tsaka wala ka naming pakialam sa'kin diba?” Bago pa makasagot ang Mommy niya ay tinalikuran na niya ito at naglakad na.

“Bastos ka talaga kahit kailan.”

“Uhm .. Ate, hindi kaba mag be-breakfast?”

“Sa labas na lang, baka lalong tumubo ang sungay ko pag nagtagal pa'ko dito.” Tsaka na siya lumabas ng bahay. Ayaw na niyang marinig ang mga sasabihin pa ng kanyang Ina. Dahil sa totoo lang nasasaktan din siya hindi lang niya pinapahalata. Simula ng mamatay ang Dad niya naging ganito na lagi ang eksena sa pagitan nila ng kanyang Ina.

Sakay na si Gk ng kayang tapdown na kotse. Ang lakas ng soundtrip niya. Yung tipong feeling mo sampung speaker ang nasa loob ng sasakyan niya. Lahat naman ng pinapatugtog niya puro sigawan, yung tipong hindi mo maiintindihan ang lyrics, sigawan lang ang maririnig mo. Scream, that’s what they call it. Astig daw eh.

Gothica Diorama or Gk as what her friends call her. Kaka 20 pa lang niya last year. Walang engrandeng party ang naganap kahit na may kaya pa sila sa buhay. Hindi yun ang trip niya eh. Nag inuman lang sila ng mga friends niya kuno, pati ang mga members ng sinalihan niyang club which is “Suicide love”. Nag bar hopping lang sila, club, party. Tapos nag trip sila ng mga dumadaang tao sa daan. Kung ano-anong mga kalokohan ang ginawa nila noon. Masaya si Gk sa mga ganong trip pero pag uwi niya sa bahay kapag nag iisa na lang siya dun niya mararamdaman ang lahat ng sakit. Kahit 3 years na ang lumipas hindi pa rin siya makapag move on. Hindi naman talaga siya ganito dati. Nag bago lang ang imahe niya mula nung mamatay ang boyfriend niya pati ang Dad niya.

10:00 am
University of MaryXavier

“Girl, look what I have.” Tinaas ni Veronica ang bago niyang biling bag. “A new purse from Hermes.”

“No way! How’d you get that?” Nanlaki pa ang mga mata niya sa inggit.

“I flew to New York on weekends just to have this.” Pagmamalaki niyang sabi sa BFF niyang si Lian. Halata ang pagka inggit sa mukha ng kaibigan niya.

“Ang daya mo, why you didn’t tell me?” pagmamaktol na tanong niya.

“Lian girl, you know my philosophy in life, “I always comes first.” Sabay ngiti. Nagpa kendeng kendeng pa siya kung maglakad.

Sila sina Lian at Veronica ang dalawa sa mga mayayaman na estudyante ng MaryXavier. Magaganda sila at maganda ang katawan kaso nga lang pagdating sa ugali talo na. Their personality doesn’t suit their beauty.

“Hi, two Princesses of MaryXavier.” Bati sa kanila ni Mart, kasama niya si Jared. Inakbayan pa niya ang dalawang babae. Then hinarap siya ni Veronica.

“Correction, QUEENS not PRINCESSES.” Inalis niya ang kamay ni Mart sa balikat niya.

“Oh, well my bad, pasensya.”

Linapitan ni Veronica si Jared at hinawakan niya pa ang braso nito habang naglalakad. “Uhm… Jared, pupunta kami sa opening ng bagong bar mamaya, baka gusto mong sumama?” Lambing niya dito. Inalis naman ni Jared ang kamay ni Veronica sa pagkaka hawak sa kanya.

“Uhm.. ah.. tatapusin ko pa yung project natin mamaya eh, hindi ako pwede. Next time na lang.” Naglakad na siya palayo kina Veronica. “Mart, sumunod kana lang sa room.”

“Bye, girls, see you later.” Sinundan na niya ang papalayong si Jared.

Si Jared Cervantes ay isa sa mga ma su-swerteng naka tanggap ng scholarship mula sa MaryXavier. Kung walang scholarship hindi siya makakapag College. Matalino naman kasi itong si Jared. Higit sa lahat gwapo, kaya maraming nagkaka gusto sa kanya sa University, isa na nga dun si Veronica. Kahit anong pagpapa cute ang gawin niya ay wa epek parin ito sa binata.

Hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend, wala daw nga kasi siyang type at hindi pa niya talaga nakikita ang babaeng magpapa tibok sa kanyang puso.

Pagpasok pa lang sa gate ng University ng kotse ni Gk ay pinag titinginan na siya. Lalo na ng naglakad na siya sa loob ng campus. Halos matunaw na siya sa tingin ng mga estudyante. Una dahil new face siya, pangalawa, dahil sa way ng pag porma niya ay talagang katawag tawag pansin na. Taas noo lang siyang naglalakad, wala siyang pakialam kung maraming mata ang nakatingin sa kanya. Sanay na din naman kasi siya sa mga ganong tingin sa kanya ng mga tao. She’s been living this kind of life for almost 3 years now, she’s used to it.

“Too many bitches and assholes damn!

Kasama sa mga maraming matang nakatitig sa kanya ay ang mga mata nina Veronica at ni Lian. Tumigil pa sila sa paglalakad para lang pagmasdan ang paparating na si GK.

“Hell! Who is she?”

“I don’t have any idea. New face, maybe transferee.” Sagot naman ng nakapameywang na si Lian

“Hell no!” Ani Veronica.

“Hell yes.”

At nang tuluyang makalapit sa kanila ang paparating na si GK..

“Hey, nice outfit, sa'ng burol ang punta mo?” Nagtawanan pa sila ni Lian.

“Oh no! Another bitch & slut!”

“Oh my God, nadagdagan na naman ang mga emotera dito sa University.” Hindi man lang siya pinansin ni GK nang nakita niya yung voodoo doll nito na nakasabit sa bag niya. “Hey, you have a voodoo doll, are you a witch?”

Nang bigla silang nilingon at tinignan ng masama ni Gk, nabigla pa sila. “Do you want me to curse you?” Sabay ngiti ng matalim.

“Oh! I'm scared.” Nagtawanan pa ulit ang dalawang Queens kuno ng University. Kaya linapitan sila ni GK at tinignan ng diretso sa mata then kinuha ni Gk yung voodoo doll niya at nilapit sa mga mukha nina Veronica.

“Isis Astarte Diana hecate Demeter kali inana. Boom!” Pabigla niyang sinabi yung boom kasabay ng pag angat ng kamay niya sa mga mukha nina Veronica, napaatras tuloy yung dalawa.

“That was a curse. So, if I were you, you better be careful.” Naglakad na siya palayo pero muli siyang humarap sa mga namumutlang sina Veronica. “Mag ingat kayo, baka bukas pag gising niyo tubuan na ng kulugo yang mga mukha niyo. Bye!” Tumawa pa siya then umalis na.

Na pa-praning na si Veronica, kinakabahan siya sa mga maaaring mangyari. Pano kung totoo yun? “Is she serious?” Kabadong tanong niya.

“Veronica, relax. At naniwala ka naman sa baliw na 'yon?”

“That girl!” Dinuro niya pa ang direksyon kung san nagtungo si GK. “She’s freaking insane. Oh, now I hate her.” Inis na sabi niya at nanggigigil pa siya.

Sa totoo lang hindi naman marunong mag cast ng curse/spell si GK. Yung mga binitiwan niyang salita ay lyrics yun sa kanta ng Inkkubus Sukkubus entitled Wytches. Bad trip na nga ang araw niya, ma babad trip pa siya pagdating sa University. Hindi na sana niya papatulan sina Veronica, kaya lang nainis na siya kaya tinakot na lang niya ang mga ito, which is effective naman kahit papano.

Nasa loob na ng classroom sina Jared. Nakatulala lang siya. Ewan ba niya pero biglang sumagi sa isip niya ang mga nangyari sa kanya sa bar. Nung nakita niya si GK. “Kumusta na kaya ang babaeng 'yon? Naglaslas parin kaya siya?”

“Dalawa lang ang ending niyan, una maaaring pinaglalamayan na siya ngayon.” Binilang niya pa sa daliri niya yung una. “Pangalawa, maaaring nakapag survive siya at nasa hospital siya ngayon.”

“At pangatlo, umuwi na siya at hindi na niya tinuloy ang kanyang balak. Kung yung una at pangalawa kasi, sayang naman yung babae. Maganda pa naman.” Inalala niya ang mukha ni GK. “Bakit kaya may mga taong gano'ng magi sip?”

“Dahil siguro expose sila sa ganong genre, Emo, goth, hardcore, etc, etc. O kaya kulang sila sa pansin, o kaya naman nasaktan sila ng sobra kaya na depress sila-- Depression. Hindi makayanan ng utak nila kaya ang ending nag su-suicide sila. Pwede rin naming mental ang bagsak nila.”

“Huwag naman sana. Sayang, dapat pala sinundan ko yung babae para kung tinuloy man niya yung balak niya eh mapigilan ko siya.”

“Sabihin na nating napigilan mo nga siya kagabi, pa'no naman bukas? Sa susunod na araw? At sa mga susunod pa na araw kaoag inatake siya ng kanyang depression? Hello? As if naman taga bantay ka niya.”

Napaisip tuloy si Jared. Tama nga naman si Mart sa mga sinabi niya.

Nang pumasok sa loob ang isa nilang kaklase na si Miggy. Tinignan nila ito hanggang sa maka upo ito sa upuan niya.

“Parang yung isang 'yon,” Si Miggy ang tinutukoy ni Mart. “Pag nagkita sila nung babaeng sinasabi mo, sigurado ako magkaka sundo sila. Pareho sila, mukhang suicidal.”

Halos half an hour ng nag di-discuss ang Professor nina Jared. Tahimik ang buong klase, akala mo naman lahat nakikinig. Yung iba naka tulala lang, yung iba pa lihim na pumipindot ng kanilang cell phone, yung iba nag nanakaw ng tulog.  Nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang kaninang pinag uusapan nilang si Gk. Lahat ng estudyante napatingin sa kanya including the Professor.

“Is this Literature class?”

“Yes it is.” Sagot ng Professor.

Nabigla naman sina Jared ng makita si Gk. Pati sina Veronica.

“Pare, siya yung babae kagabi.”

“Yung kinu-kwento mo?” Tumango si Jared.

“That witch girl?” Inis na sabi ni Veronica.

“Looks like she’s our new classmate.” Ani Lian. Umiling tuloy si Veronica.

Walang pakialam si GK kung nag bubulung bulungan man ang mga estudyante, alam niyang siya ang pinag uusapan ng mga ito. Busy siyang ngumunguya ng kanyang bubble gum.

“You are 30 minutes late.” Sabi ng prof kay Gk.

“I find it hard to find this room. So, you are Mrs. Tordero?” Pumasok na siya ng tuluyan sa loob.

“It’s Tordera.”

“My bad."

“Class, meet Miss Gothica Diorama, she’s a transferee from Mount Valley.” Hindi man lang bumati si Gk sa mga estudyante. “Welcome aboard, now find your seat and listen to the discussion. Oh, by the way, nice outfit.” Binalingan siya ng tingin ni Gk.

“Nice outfit nga, parang sa burol lang. “ Sabat ni Veronica. Nagatawanan tuloy ang mga estudyante. Then tinignan siya ni GK.

“Don’t worry, on your burial day eto ang susuotin ko.” Lalong lumakas ang tawa sa sinabi ni GK. Napatiim bagang naman si Veronica sa mga narinig.

“Veronica” tawag sa kanya ni Mart. Sa harapan niya kasi ito nakaupo, nang lingunin siya nito, “Nakahanap ka ng katapat mo, no?” Asar niya dito.

“Hell no!” Sabay irap kay Mart.

Naghahanap ng mauupuan niya si Gk. Nang mapatingin siya kung saan nakaupo si Jared. Ewan ba niya pero biglang napako ang tingin niya dito. Pakiramdam niya bumilis ang tibok ng puso niya, eh nangyayari lang naman ito kapag kinakabahan siya o kaya kinakapusan ng hininga. Natauhan lang siya nang may tumawag sa pangalan niya.

“Gk.” Tawag sa kanya ni Miggy sa bandang likuran ito nakaupo.

“Miggy?” Tinuro ni Miggy na may bakante sa tabi niya kaya dun na lang siya umupo.

Pili lang ang mga kaibigan ni Gk, isa na nga dito si Miggy. Nakilala niya ito dahil pareho sila ng club na sinalihan “Suicide Love”. They got along with each other, agad silang nagkasundo kaya naging close sila. Pareho din ni Gk, nasaktan na din ng sobra noon si Miggy kaya nagkasundo agad sila. Suicide Love club is about all the pain, sorrow, sadness and emotions ng mga members. Marami silang members and every Friday o kaya Saturday ay nagkakaroon sila ng get together. Sa club na 'yon nakakalimutan mo ang mga problema mo, lagi kasing may inuman o kaya jamming.

Lunch break na, paglabas ng room ni Gk ay hinarang siya ng mag BFF na sina Veronica at Lian.

“Tabi, dadaan ako.” Mataray na sabi ni Gk pero hindi pa rin siya pinapadaan nitong sina Veronica at masama ang tingin ng mga ‘to sa kanya.

“Miss Gothica Witchika, be careful with your actions. You don’t know if who Iam in this University.”

Is this bitch threatening me? Jeez! Im not even scared.

“I'm the Queen on this University and no one can steal my crown, naiintindihan mo? MY CROWN. Not even you.”

“I won’t and never will steal your crown, Miss whoever you are.”

“Its Veronica.”

“I'm not interested.” Sabay hampas sa kamay ni Veronica atsaka na sila naglakad palayo ni Miggy.

Napamaang pa rin si Veronica sa mga nangyari. Hindi siya makapaniwala na ang isang transferee ay magagawa ito sa kanya.

Kinwento ni GK kay Miggy ang dahilan kung bakit siya biglang lumipat ng University. Sa totoo lang marami kasing kalokohan si Gk. Ang dami na niyang warning, lagi pa siyang na a-I.R (Incident report) pati sa Guidance office may record na siya. Ilang ulit na din siyang pina tawag ng Dean pero hindi pa rin siya nag babago.

Minsang nag e-exam sila sa kung saan ang Dean ang prof nila, imbes na sumagot nag drawing na lang si Gk sa exam paper niya. Ginuhit niya ang kanilang Dean, may sungay pa man din ito at kung ano-ano pang bad words ang nakasulat, bitch, slut, whore, old maid, witch, evil dean. Nahuli siya ng Dean kaya ang ending kick out siya. Kung tutuusin maliit na bagay lang, kaso marami na siyang atraso kaya kinick out na lang siya.

“Bakit hindi mo sinabing dito ka pala lilipat?”

“Wala naman talaga akong balak lumipat o mag-aral ulit, pinilit lang ako ng kapatid ko at ni Mommy.” Oh I hate her!

“Tungkol nga pala kina Vero-----“ Hindi pa man natatapos ang sabihin niya eh nagsalita na agad itong si GK.

“Don’t worry, Miggy, I know what to do to those two frogs. They can’t even compete with me.” Subukan lang nila, then I will be the best bitch they’ll ever know!

“Nakahanap sila ng katapat sa'yo.” Tumingin siya sa wrist watch niya. “Pa'no, I need to go. I have a rehearsal with my band.”

“Oh, you have a band?”

“Yep. Bumuo kami ng mga barkada ko. Actually almost 3 weeks pa lang kami. Kaya kailangan namin ng more rehearsal. So, pa'no? See you around.” Nginitian lang siya ni GK then umalis na siya.

------

AN: I made this story 12 or 13 yearas ago, when I was still in High School (Oo, bata pa'ko nun. Kaya mejo pabebe ang ibang mga lines ko.) I just made some changes. Kaya ang setting ay 2000's, uso pa nun ang mga EMO.

Note: Depression is a serious case. If you know someone who's battling with depression, please, don't mock him/her.

-----

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 1.6K 28
In the midst of filming in the Philippines, Korean actor Lee Jong Hee and Filipino actress Marianne de Guzman find themselves thrust into an unexpect...
1.3K 117 7
PSYCHESTRAIN is an institution that helps authorities alleviate criminals around the country. Irwan Cipriano, a Psychestrain Agent, who was compelled...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...