STRANGE

By Elytron

1.1K 33 15

Sometimes, we don't realize that we're already loving someone so deeply. A certain situation can make us real... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven

Chapter Four

74 2 0
By Elytron

Today is the fourth day na hindi ko nakikita ang pagmumukha ni kuya Cedric. What happened to him? Bakit hindi na nagpapakita yun? Maski sa school, hindi mahagilap ang pagmumukha niya.

No, I'm not worrying! I'm just wondering why he suddenly disappeared.

Hindi ko naman siya matanong kay daddy kasi alam niyo naman yun. Baka asarin na naman akong nami-miss ko yung lalaki. Kadiri!

I'm still here on my bed, wallowing. Wala akong pasok ngayon and I'm not in the mood to go out and gallivant.

I reached out for my phone beside me and checked the time. Damn, it is already 9:46 in the morning. I woke up this late?

Descendants of the Sun is to be blamed for my consecutive late night sleeps. Kagabi ko lang natapos ang last episode.

That series is indeed a hit. Ganda eh. Crush ko na talaga si Song Joong Ki.

I took an unfiltered photo of me and I opened my Facebook app to upload it.

Wala pang limang minuto and it already gained a thousand likes. Yep, my followers and friends on this app are that active.

Since wala akong magawa, nagbasa ako ng mga comments just to laugh at them. Most of them are from my school, may mga taga-kabilang school din and other users that are totally unfamiliar.

Nang mapagod ang mata ko sa kakabasa, I closed the application and I lazily dropped my phone on my bed.

Pero hindi pa lumilipas ang isang minuto nang tumunog ito.

Muli ko itong dinampot and opened it. I received one message from an unknown sender.

Kumunot ang noo ko dahil sa text nito.

Gud mornng Cyrus :)

Just that. Jejemon pang mag-type ampota. Sino kaya 'tong ulupong na ito?

I decided to call the number. Nakatatlong ring muna bago ito namatay.

The fuck? The bitch just cancelled my call! I redialed but then again, they cancelled my call.

Dahil sa inis ay mabilis akong nag-type para barahin kung sino man itong tao na ito na sinisira ang umaga ko.

Hindi ko pa nasesend ang message ko nang may dumating na mensahe galing sa unknown man.

Sori sira kc spkr ng clpon ko. Dq masagot twag u. Cedric 2

I raised my right eyebrow nang mabasa ko ang pangalan ng sender. Si kuya Cedric pala. Where the hell did he get my cellphone number?

I deleted what I previously typed at pinalitan ito.

Good morning din kuya Cedric. Bakit di na kita nakikita sa school?

Sent.

Bkt. Miss u na ba me? :D

Napangiwi ako nang mabasa ko ang jejemon niyang text. Yucks! Ang kapal ng mukha nitong sabihin yun ah. Ang tibay ng loob.

Hindi ko nga rereplyan.

Makalipas ang dalawa hanggang tatlong minuto, nagtext siya ulit.

Juk lang un. D na u reply

Hindi ko parin siya nireplyan. But he keeps on sending me messages. The last message caught my attention.

Lmipat na me ng bordng haus mlapt sa skul. Ang ba8 tlga ni cr Julio :) kwen2 q sau bukas

Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko at namalayan ko nalang ang sarili kong nakangiti.

I put my phone onto my chest and closed my eyes. Thanks, Dad!

Mag-aalas onse na nang lumabas ako sa kwarto ko. Pero nakaligo na ako at nakagayak. Bigla kong naisipang mamasyal kasi. I don't know but my mood changed.

I asked kuya Rhanie to bring me to the mall.

Nang makarating kami doon ay pinabalik ko na siya sa bahay at sinabihan kong tatawagan ko nalang siya pag magpapasundo na ako.

Naisipan kong manuod muna ng sine. Sakto, X-Men Apocalypse ang palabas. I love watching Science Fiction movies.

Alas dos na nang lumabas ako sa sinehan. I still have three hours to gallivant.

Habang naglalakad ako, napadaan ako sa isang gadget shop. I don't know what came into my mind pero namalayan ko nalang na....

"Can I have one of that smartphone, please?" I ordered the staff as humbly as I could.

"Sir, we have two available colors; black and gold. Which one do you prefer, sir?" the staff asked in return.

Does gold fit him? I guess not.

"I'll have a black," I answered. Naglabas ang lalaki ng isa at pagkatapos ma-test kung may mga defect o wala ay binayaran ko na.

I went out the mall and called kuya Rhanie to come and pick me up.

After twenty minutes ay may tumigil nang itim na kotse na harapan ko.

"Sir, bagong cellphone ulit?" tanong ni kuya Rhanie. Sinulyapan ko siya sa front mirror.

I exhaled. "It's not mine, kuya."

"Eh para kanino naman?"

"Someone," maikling sagot ko at hindi na siya nagtanong pa. Nagfocus nalang siya sa kanyang pagda-drive.

I really don't know why it's so easy for me to spend for him. I think it's because I found friendship in him.




















The next day, I went to school on time. But unlike any other days before, may nakangiting sumalubong sa'kin. Si Sarah.

"Hi Cyrus! Good morning," bati niya.

I smiled back at her. "Good morning din!" bati ko.

Sumabay na siya sa'kin sa paglakad.

"Alam mo, nung umalis kayo ni kuya Cedric sa canteen nun, nagtanong si CJ tungkol sa'yo," panimula ni Sarah. Nilingon ko siya. My heart's pumping rate became faster.

"Ano naman ang mga tinanong niya?"

"Ano, kung bakit bigla kitang naging kaibigan. I told him na hindi ka naman kasi masungit at madali kang makapalagayan ng loob."

"Ano pa?"

"Tapos tinanong din niya ang number mo. Hindi ko naman nabigay kasi wala naman sa'kin. Yung number mo nga?" hingi niya and offered her phone for me to save it.

Sinave ko naman dun ang number ko. Really? Hiningi ni CJ ang number ko?

Lihim akong napangiti.

"Yun lang?" tanong ko nung maibalik ko ang cellphone niya.

"Di ko na maalala yung mga iba. Basta, madami siyang tinanong tungkol sa'yo. Nakakainis nga eh, ni hindi man lang siya nagtanong tungkol sa'kin." Mukhang hindi napag-isipan ni Sarah kung ano ang huling sinabi niya kaya naman nagulat siya at agad niyang binawi.

"Wala akong ibang ibig sabihin dun ah," sabi niya and I chuckled. Mukhang lihim na magkaribal kami nito ah. Strangely, I didn't feel bad thinking na karibal ko nga siya kay CJ.

"It's okay, ano ka ba?" sabi ko.

"Hindi. Baka kasi anong isipin mo eh," she insisted.

"It's fine, really. Don't mind it."

Napangiwi siya. Nasa harapan na kami ng Criminology Building. Madadaanan kasi namin ito kapag nagpupunta kami sa building namin.

As usual, may mga ROTC nang nakalinya nang maayos. They are all wearing white t-shirt and have the same haircut.

"Si kuya Cedric nga pala, nakita mo na?" tanong ni Sarah habang mabagal kaming naglalakad dahil pinapanuod namin ang mga routines nila.

I shook my head. "Hindi pa eh," sagot ko. Saan na nga kaya yung lalaking yun? Wala na din siyang text simula kagabi.

"Uuyy, hinahanap niya," tudyo ni Sarah nang mapansin niyang kanina ko pa iginagala ang paningin ko.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Yuck. Will you stop saying that?" saway ko sa kanya.

"Bakit? Pogi din naman si kuya Cedric ah. Hindi nga lang siya kasingputi at kasingkinis ni CJ."

"Duh, he's not pogi at all!" I exclaimed.

"Ang sama mo. Pogi si kuya Cedric. Babad nga lang siya sa araw kaya mukha siyang haggard. Kulang lang yun ng mga sampung paligo," natatawang saad niya. Natatawang napailing nalang ako. Eh nilait din naman niya si kuya Cedric eh. Indirect nga lang.

Tumuloy kami sa paglalakad. Hindi pa kami nakakalayo nang marinig namin ang pagsigaw ng commander ng ROTC.

"Dismissed!"

Nasundan iyon ng halo-halong mga salita mula sa mga ROTC members na na-dismiss. Tuloy lang kami sa paglalakad at hindi pinansin ang mga yun.

"Cyrus!"

Napatigil kami sa paglalakad ni Sarah at nilingon ang pamilyar na boses. Hindi ko pa man nakikita ang lalaki, alam ko nang si kuya Cedric iyon.

Pero ang ikinaawang ng mga labi ko ay ang bago niyang look.

Tumatakbo siya palapit sa'min at nang tumigil siya sa aming harapan ay tiningala ko siya. Kung hindi ko pa nasasabing matangkad siya, well matangkad siya.

Naka-army cut na yung buhok niya na aminin ko man o hindi ay bumagay dito kahit papano.

Again, pawis na pawis siya at halos mabasa na rin ang harapan ng t-shirt niya.

"Good morning!" he greeted with his usual high energy. Nakangiti siya kahit hinihingal.

"Good morning din."

Ngumiti din ako.

"Eh ako kuya, hindi mo babatiin?" sabat ni Sarah sa tabi ko at nilingon ito ni kuya Cedric.

"Good morning din sa'yo, Sarah."

"Same!" nakangiti ding sabi ni Sarah. Whoah, pabebe!

"Tapos na kayo?" tanong ko kay kuya Cedric, pertaining to his class.

"Oo. Mamaya ulit," sagot niya. "Saan ba ang punta niyo?"

"Sa classroom namin." Si Sarah ang sumagot.

"Ah, ganun ba? Sige. Text mo ako pag bakante niyo ah?" baling sa'kin ni Ced. Ugh, I'm tired of calling him kuya.

Tumango ako.

"Oh, buti pa si kuya Cedric, nasa kanya na yung number mo. Naunahan pa niya si CJ," sabat ulit ni Sarah. Pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Wag mong pansinin ang sinasabi ng loka-loka na yan. Sige kuya, I'll just text you later. Mauna na muna kami kasi magsisimula na ang klase namin," paalam ko at hinila ko na si Sarah bago pa man ito makapagsalita ulit.

"I told you," sabi ni Sarah nang makalayo na kami.

"You told me what?"

"Pogi siya," sabi niya and I open-closed my mouth. Di ko alam ang sasabihin ko. Well, may malaking pagbabago sa itsura ni Ced dahil sa new hairstyle niya. But that doesn't make him pogi.

"Whatever." That was all I had to say. Ayokong makipag-argumento.

Nang makapasok kami sa classroom ay nakita kong nandun na si CJ na abala sa kanyang laptop.

"Yan ang pogi," bulong ko kay Sarah habang inginunguso si CJ. Good thing hindi siya lumilingon.

"Whatever," she replied and I chuckled.

Dalawang magkasunod ang klase namin before our vacant time. Nang matapos ang mga klase namin ay tinext ko si Ced.

D2 na me sa kan10

Napaikot na naman ang mga bola ng mga mata ko dahil sa texting style niya. Parang yung paraan ng pagtetext noon.

Okay. Papunta na kami dyan.

Sent.

Ding!

Ksama u c sarah?

Dahil sa text niyang iyon ay napataas ang kilay ko kasabay ng pagngisi ko. Mukhang tinamaan si Ced kay Sarah ah.

Pinabasa ko kay Sarah ang text ni Ced saka ko siya inasar na gusto siya nito.

"Eh ano naman kung may gusto siya sa'kin? Nagseselos ka?" balik pang-aasar niya sa'kin and I pouted.

Che!

Nauna na akong naglakad papuntang canteen habang nakasunod naman si Sarah.

Nandun na nga si Ced at mukhang nakapagpalit na ito ng damit. Hindi na rin ito pawisan.

"Hi ulet, kuya Cedric!" bati ni Sarah sa kanya.

"Hi, Sarah!"

I ignored them at pinalapit ang isang crew para umorder na. Nagugutom na ako. Hindi ko na sila pinansin. Bahala silang dalawa sa buhay nila.

"Nagseselos yan."

Mahina pero rinig na rinig kong bulong ni Sarah kay Ced.

"Hey! What are you talking about?" sita ko sa kanya.

"What? Wala naman akong sinasabi ah!" tanggi ni Sarah.

"Anong wala? Narinig ko yung binulong mo. Kung anu-anong mga sinasabi mo. Baka mamaya, maniwala si kuya Ced."

Nakatingin lang si Ced sa aming dalawa.

"Kuya, don't listen to her. Wag kang makinig sa mga sinasabi niyan. Naka-drugs yan," natatawang sabi ko. Natawa naman siya.

"Oo nga pala, may sasabihin ako sa'yo mamaya," sabi ko.

"Ano ba yun? Ah oo nga pala. Di ba sinabi kong nakalipat na ako ng burding haws? Gusto mong pumunta tayo dun mamaya? Malapit lang naman dito yun eh," pagpapaalala niya sa kanyang tinext kahapon.

"Sige. Dun ko nalang din sasabihin sa'yo yung sasabihin ko."

"Kunwari wala ako dito," pagpaparinig ni Sarah. I looked at her and stuck my tongue out.

"Alright. I understand na gusto mo siyang solohin kaya okay lang kahit di niyo ako isama," dugtong pa niya at umaktong parang nagtatampo.

"Blablabla. Sa ibang lakad ka nalang sasama. Confidential kasi yung sasabihin ko kay kuya Cedric."

"Okay," sabi ni Sarah at nagkibit-balikat. She focused on her food.

Nang matapos kami ay nagpaalam na kami dito ni Ced at sabay nang naglakad palabas ng campus.

Mas nauuna siya konti dahil di ko alam kung saan ang boarding house niya.

We walked for more than five minutes bago kami tumigil sa harap ng hindi kalakihan pero disenteng tingnan na bahay. It was bigger than his previous boarding house.

Iginiya niya ako papasok sa loob ng bahay. May naabotan kaming mga naka-ROTC uniform sa may sala. Tatlo sila.

"Mga kasama ko dito. Sina Ben, Edgar at Allan," pagpapakilala ni Ced sa mga ito at ang tatlo naman ay agad umayos ng upo. Paniguradong kilala ako ng mga ito.

"Hello, sir!" halos sabay-sabay na bati ng tatlo.

"Sir?" nagtatakang tanong ni Ced and I faked a laugh.

"Ha ha. Ewan ko sa mga ito kung bakit ako tinatawag ng sir." Pasimple kong pinandilatan ang tatlo. "Call me Cyrus."

"Ah," tanging nasabi lang ni Ced bago niya ako sinabihang pumasok sa kanyang kwarto. Tig-iisa pala sila ng kwarto at apat lang silang naninirahan dito.

Nang makapasok ay pinaupo niya muna ako.

Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang laylayan ng damit niya at aktong huhubarin.

"Hep, hep, hep. Hep! Anong gagawin mo?" tanong ko habang nanlalaki ang mga mata at nakaturo ang isang daliri ko sa kanya. Tumigil siya at tumingin sa'kin.

"Ah eh, magpapalit muna ako. Ang init eh," sabi niya kaya agad akong tumalikod. Kung siya lang si CJ, kahit maghubad pa siya sa harapan ko, okay lang. But I'm not interested in his body.

"Next time, magsabi ka kung maghuhubad ka ah?" sabi ko habang nakatalikod.

"Oo, pasensiya na," saad niya at nang hindi na siya nagsalita ay inassume kong naghuhubad na siya't nagpapalit ng damit. Hindi ako humarap hangga't di niya sinasabing tapos na siya.

"Pwede ka nang humarap," sabi niya makalipas ang ilang saglit. Nang humarap ako ay nakasuot na siya ng lumang jersey shorts at itim na sando, exposing his underarms and his biceps.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" tanong niya habang umuupo sa katabing upuan na katabi ng kinauupoan ko.

Naamoy ko ang amoy niyang lalaking-lalaki. Hindi naman yun mabaho dahil kombinasyon iyon ng pawis niya at ginamit na deodorant. Dahil hindi ako sanay sa ganung amoy ay hindi ko napigilang mapatakip sa ilong.

Mukhang nahiya naman ito dahil sa inakto ko at inamoy nito ang magkabilang kili-kili nito.

"May putok ba ako?" tanong niya.

Mabilis akong umiling. "Hindi. Wala. Hindi ka naman mabaho eh. Hindi lang kasi ako sanay sa panglalaking amoy. Sorry," pagpapaliwanag ko.

"Ah, ganun ba? Gusto mong maligo muna ako?" tanong niya.

"No, silly! Hindi na kailangan."

"Eh baka kasi hindi ka komportable."

"Okay lang ako. Don't mind me."

"Sigurado kang ayos lang?"

"Yep."

"Oh sige, ano nga ulit yung sasabihin mo?"

Ah, that! Umayos ako ng upo at humarap sa kanya nang diretso habang binubuksan ko ang backpack ko upang ilabas ang cellphone na binili ko kahapon.

But before handing it to him, hiningi ko muna yung dati niyang cellphone.

"Bakit?" tanong niya.

"Basta, akin na yung cellphone mo."

Hindi naman siya nag-atubiling iabot sa'kin ang cellphone niya. Muntik na akong matawa nang makitang isa itong old Nokia model na may keypad at monotone pa yata ang ringtones. Yung pwede kang maglaro ng Space Impact.

I handed the box to him. As usual, tiningnan niya lang muna ito saka tinanong kung ano ito.

"Buksan mo," sabi ko. Inabot niya ito at binuksan. Nang makita ang itim na cellphone ay nakakunot ang noong tumingin siya sa akin.

"Ano 'to?" tanong niya and I pouted.

"Hindi ba obvious? Cellphone," I stated.

"Oo nga, pero para saan ito?" Hay, ang slow talaga nito. Mukha bang para iyon sa mga lalaki sa labas?

"Sa'yo," sabi ko nalang kahit naiinis.

"Bakit?" tanong niya ulit.

"Di ba sabi mo, hindi gumagana yung speaker nitong cellphone mo? Ayan, binilhan kita ng bago para kapag sakaling tatawag ako, lalo na kung may emergency, ay masagot mo," paliwanag ko. Pinasadahan niya ng tingin ang cellphone na nasa kamay niya at hindi siya makapagsalita.

"Don't worry, hindi na yan libre. Utang mo yan sa'kin. Babayaran mo nalang by being my bodyguard at school. Okay ba?" tanong ko. Ugh, lame! Hindi naman talaga yun yung iniisip ko eh. Pero bahala na.

"Papayag naman ako kahit hindi ganito kamahal ang ibibigay mo eh. Ang dami mo na talagang naibibigay sa'kin kahit hindi pa tayo lubusang magkakilala. Mamaya, baka bigla mo akong singilin eh wala akong pambayad sa'yo," saad niya. Napangiti ako dun. At least hindi siya parang yung mga lalaking iba na oportunista. This man isn't one.

"Edi ikaw nalang ang kabayaran," I joked pero seryoso ang mukha ko. Pero natawa ako nang mapalunok siya.

"Joke lang yun! Kaya nga dapat kapag tinawagan kita, siguradohin mong sasagot ka," nakangiting sabi ko.

Napangiti na din siya. "Yes, boss!" sabi niya. "Gusto mong magkape?" alok pa niya.

Tumango nalang ako. "Yes, please."

"Sige. Teka lang at magtitimpla ako sa kusina," paalam niya't lumabas na ng kwarto niya. Nang mawala siya ay pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan ng kwarto niya. Hindi naman ganun kaliit, though naliliitan parin ako dahil nasanay ako sa malawak na kwarto ko.

Ang mga gamit ay maayos na nakasalansan sa kanilang mga lugar. Hindi din makalat which suprised me. Usually, makalat ang kwarto ng isang lalaki. Yung dalawang kuya ko nga, parang laging binabagyo ang loob ng kwarto eh.

Makalipas ang ilang minuto ay muling pumasok si Ced na may hawak na dalawang tasa ng kape. Iniabot niya sa akin ang isa saka naupo sa harapan ko.

"Kumusta naman kayo ng crush mo?" tanong niya and I paused. Tumingin ako sa kanya. Seryoso siyang humihigop ng kape niya.

"Ewan ko. Di naman kami," sagot ko saka ako humigop sa kape ko. Mmm, it's creamy. Sarap ng timpla ng ulupong na 'to ah.

"Gusto mo ba talaga yun?" tanong niya ulit. Ba't ganyan ang mga tanong niya?

Tumango ako. "Oo. Mula pa noong first year kami."

Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siya sa paghigop ng kape niya.

"How about you? Kumusta naman ang mga magulang mo sa probinsya? Nakakausap mo ba sila?" sunod-sunod na tanong ko.

"Nakaka-tiks lang. Wala kasi akong pangtawag eh," sabi niya. Pity.

"Ganun ba?"

Tumango siya.

"Oo nga pala. Kilala mo ba si Sir Julio Sanderson? Yung may-ari ng paaralan natin?" tanong niya na ikinasamid ko. Agad naman akong nakabawi.

"A-ah, yes. Kilala ko siya. Why?"

"Sinabi ko na ba sa'yong siya mismo ang naghatid sa'kin dito sa bago kong burding haws?" kwento niya. Wala naman akong maapuhap na sasabihin. Really? Ginawa iyon ni daddy?

"Ang bait nun. Minsan nga, iniisip kong mag-ama kayo eh," sabi niya.

"Ha? Bakit naman?" Bigla akong kinabahan.

"Kasi pareho kayong mabait. Tsaka may pagkakahawig kayo konti."

I finished my coffee at ipinatong ang tasa sa ibabaw ng lamesa.

Continue Reading

You'll Also Like

31.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.9M 95.5K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...