A/N:
Please VOTE AND COMMENT. 40 VOTES AT 30 COMMENTS = UPDATE. Iyong mga question ninyo mula sa Innocent Love <3 pa lang ay paki comment na po. Last 3 chapters na po tayo. Paki read din po ang I LOVE YOU, JUSTINE CHOI! Nasa external link po.
Huwag ninyo po sana akong pangungunahan, ok? I promise you a different ending, so please participate! Thank you po!
Salamat sa comments nina:
karlrichmell, Zeus_9, Athena_9, Paul_Samboa, jnickz, fiona110804, bandojo, cindie67, celinabadiang, QueltaDublas, Arahcute, NicoleAngelaBuan, enahsiol, oishiangela, at lalo na kina PreeeettyAngel and jessierenei28.
___________________________________
AFTER 4 MONTHS:
Last month pa siya nakauwi ng Pinas. Medyo lie-lo muna siya sa mga commitments. Malalaking project na lang ang napagkasunduan nila ni Mrs. Lao na tanggapin niya.
She thinks she had enough of fame. Pagod na siya na parating nasa taas. Tila isang makinang na bituin na madaming tumatangkilik.
Hindi siya makatulog nitong mga nakaraang araw. Nababalisa siya. Bukas na kasi ang usapan nilang pag-uusap nila ni Zeon. After that ay saka na siguro si Lance. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon na nasa puso niya.
At tulad ng mga nakaraang gabi, uminom siya ng sleeping pills na bigay ng Doctor niya. Kasi kung di siya iinom ay malamang na hindi pa rin siya makatulog hanggang bukas ng gabi.
Humiga na siya sa kama. Isa lang ang dasal niya, ang makatulog na siya ng mahimbing pagkatapos niyang kausapin ang dalawa bukas.
"Sana tama desisyon ko." Nasa dasal niya bago ipikit ang mga mata.
**
Pagdating niya sa same spot sa Tagaytay ay naandoon na kotse ni Zeon. At nang makapark siya ay nakita niyang nakaupo ito sa hood ng kotse at nakatanaw sa kawalan.
"Zeon, kumusta ka na? Matagal din tayong hindi nagkita ah?" Bungad niya kay Zeon pagkababa ng kotse. Naandito sila sa same spot kung saan sila noon nag-paalamanan ni Zeon. Parehas silang nakaupo sa kanya-kanyang kotse.
Lumingon sa kanya si Zeon. "I'm fine. My contract in Hollywood was already done. They were asking me to renew it, but I turned their offer down." Sagot nito. Naka cream itong pants at polo shirt na red and topsider shoes. Overall, ang GWAPO pa din!
Hindi mapigilan ni Zoe na mabighani sa kagwapuhan ni Zeon. Pero hindi naman siya pahuhuli sa suot niyang black tokong ang pink polo short plus sandals ng Res Toe Run, isang mahahaling bilihan na 4K ang pinakamurang pang-paa.
"Ehem! Ikaw, how's life keeping you this past months?" sabi ni Zeon. Saka lang nakabalik sa senses niya si Zoe. Nahihiya siya na kailangan pa siyang pukawin ni Zeon para lang matapos siya sa pagtitig dito.
"Ah.. Eh.. I'm fine. Bakit ayaw mo na bang mag-showbiz?" Tanong ni Zoe. Kasi sa tono ni Zeon ay parang ayaw na nga. Biruin mong palampasin ang isang opportunity?
"I had enough savings. I want a quiet and peaceful life with my future wife." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa kanya.
"Wife? Ikakasal ka na??" Nagulat na tanong ni Zoe. Umikot naman si Zoe sa pagkakaupo sa kotse niya paharap kay Zeon.
"It depends." Matipid na sabi ni Zeon. Inispread ang kamay sa likod at tumuon. Parang nakasandal sa sarili nitong kamay.
"Depends on what?" Hindi mapigilang tanong niya. Kinakabahan siya! Hindi pala talaga siya maaantay ni Zeon kasi meroon na pala itong iba.
"Depends on your decision." Nakangising sagot nito.
Gulong-gulo si Zoe. "Ako? Bakit desisyon ko?" Nakakunot ang noong tanong niya.
Bumaba ng kotse niya si Zeon at umupo sa tabi niya. "What's your decision? Are you done thinking who do you love most?"
BOOM!
Siya pala ang sinasabi nito? Napangiti siya ng bahagya ng malamang siya pala ang sinasabing magiging asawa nito. She was flattered! Pero nawala din ang ngiti ng maalala ang naging decision niya.
Napatungo si Zoe. Hindi niya kayang sirain ang mood ni Zeon. Mukha pa namang excited ito at masaya na makita siya muli. Well, same goes for her. She's also happy seeing him again.
"I've patiently waited for this day. Common Zy, tell me. Is it Lance or me.. Or somebody else?" Titig na titig sa mga mata niya si Zeon. Itinaas nito ang baba niya para magkatama paningin nila.
Ibinuka niya ang bibig, pero isinara din agad. Hindi niya ata kayang basagin ang balita sa harap nito.
"Don't tell me you haven't decided yet? Is 4 months not long enough for you?" Seryosong tanong ni Zeon.
'It's now or never!' naisip ni Zoe.
Bumuntong hininga muna si Zoe para i-clear ang lalamunan niya. Feeling niya may nakabara kasi.
"You see, Zeon......" Hays! Hindi niya ata kaya.
"....Naging mabuti kang boyfriend sa akin. Nagpapasalamat ako sa pag-aaruga mo sa akin noon. Salamat din at talagang inintay mo ang araw na ito. Salamat at walang babae kang pinapasok sa buhay mo! Grateful ako! Salamat talaga!" Sabi ni Zoe na namamasa na ang mata.
Niyakap naman siya ng ubod ng saya na si Zeon. "Thank you, Zy! Thank you for choosing me. I know you really love me!" walang paglagyan talaga ito ng saya.
Dahan-dahang kumawala sa yakap si Zoe. Nakakunot ang noong nakatitig sa kanya si Zeon habang hawak niya ito sa magkabilang balikat. Halatang hindi maintindihan ng binata ang ginawa niya.
"Teka, hindi pa ako tapos eh." Sabi niya sa nawala na ang ngiting si Zeon.
"I'm sorry! Go on! I'm listening." Sabi ni Zeon na matamang nakikinig sa kanya.
"Pero I think I fell out of love. Kasi... Kasi... Sobrang bait at maasikaso sa akin ni Lance. Siya ang nasandalan ko ng may hindi mabuting nangyari sa akin. Kahit nasasaktan siya sa ating relasyon noon, never siyang nagsalita ng hindi maganda. Never siyang nagdemand ng oras sa akin." Lumunok muna si Zoe feeling niya nanunuyo lalamunan niya.
"Palagi siyang nakasuporta kahit palagi ko siyang nasasaktan. At isa pa, ng huli kaming mag-usap, nagmakaawa siya sa akin, na kahit dalawa kayo sa buhay ko, ayos lang sa kanya. Basta huwag lang akong lalayo sa kanya."
Pagkasabi noon ni Zoe ay iiling-iling si Zeon. Tumulo na ang luhang pinipigil kanina. Gay na kung gay pero naiiyak siya talaga! Wala siyang pakialam kahit masaktan. Hindi niya kayang pigilin ang sakit.
"I thought you will forever love me? That was what you told me when We were still together. You told me that you love you so much." Naiyak na sabi ni Zeon at yumakap muli sa kanya ng mahigpit.
"Akala ko din eh. Pero anong magagawa ko? Lumipas ang pagmamahal ko sayo na napunta naman kay Lance. I'm so sorry, Zeon! I love Lance more than anyone else, that is, next to my family." Sincere na sabi niya.
"Damn! This is all my Mother's fault! If she didn't asked you to break-up with me for that damn Hollywood opportunity, you wouldn't had a chance to find love with Lance." Napatayo si Zeon. Kumuha ng malaking bato at ibinato sa bangin. Humagulhol ito at nanghihinang napaluhod.
Nasasaktan naman si Zoe na makitang nagkakaganoon si Zeon dahil sa kanya. Nilapitan niya ito mula sa pagkakaluhod na umiiyak sa damuhan.
Niyakap niya ito paharap. Lumuhod din siya sa harap nito. "Huwag mong sisihin si Tita. I know she has nothing against me. Natural lang sa magulang ang maghangad ng mabuti para sa anak nila. Noong nalunod ka noon at hindi nakapag-salita, syempre ako ang sisihin niya. Dahil ako ang kasama mo noon." Pinahid ni Zoe ang luha niyang humihilam sa mga mata. Yumakap naman ng mas mahigpit si Zeon.
"At noong nag-aaway kayo ng kapatid mong si Kurt because of me, natural ang isipin niya ang kaligtasan ninyo. Anak niya kayo eh. Pero hindi ibig sabihin na hindi niya ako gusto para sa iyo." Tulo pa rin ng tulo ang mga luha niya.
"But she asked you to dumped me for my career." Naiyak pa ding sabi ni Zeon.
"Nakiusap siya. Hindi lang naman siya, actually sila. Hindi naman nila alam na magbabago ang feelings ko di ba?" Hinawakan ni Zoe ang magkabilang pisngi ni Zeon. Idinikit ang kanilang mga noo. Tiyak siyang ito na ang huling sandali na makakayakap niya at makakasama ng ganito si Zeon. Ninanamnam niya ang last chance na ito.
"Zy, I'm begging you... Don't leave me. Don't erase me from your life." Pakiusap ng nanginginig habang lumuluhang si Zeon.
"Zeon, mahal kita bilang best friend simula bata pa tayo. I can't help it. My heart beats only for Lance now." Pilit na pagpapaunawa niya kay Zeon.
Tumayo na si Zeon. Mapait ang ngiting tumitig sa kanya. "So I guess, I'll see you around as friends, right?"
Tumayo na din siya. Hinalikan ng mariin at matagal si Zeon sa labi. Nagrespond naman ang binata. Ipinaramdam kung gaano siya kasabik kay Zoe.
"I pray that you'll find the right one for you." Dahan-dahang kumalas si Zoe sa yakap. Humakbang na papuntang kotse niya.
"I guess, this is goodbye." Laglag ang balikat na sabi ni Zeon.
"If you need a FRIEND, just call me." May diing sabi niya sa salitang friend. Sumakay na sa kotse at umalis.
Tanaw pa niya sa side mirror habang palayo na andar niya, na napasubsob sa kotse si Zeon at halatang umiiyak.
"You can get through this, Zeon!" Pagkausap niya sa hangin. Pagkatapos ng lahat, hindi naman niya inaasahang mag-iiba ang lahat.
**
Pagkatapos noon ay wala na siyang balita kay Zeon. Ipinagdadasal niya na lang na sana ligtas ito. Na sana matagpuan na nito ang babaeng mamahalin ito hanggang sa huli.
"Zoe, bilisan mo naman." Tawag sa kanya ni Lance. Naandito sila sa bagong bili niyang condo. Isang condo na tulad din ng nasa New York. Parehas lang halos ang ayos at dekorasyon. As usual, nasa sala pa din ang malaking portrait ni Kurt na iginuhit niya noon.
Naandito si Lance kasi mamimili sila ng gamit ba ilalagay sa magiging bahay nila ni Lance after ng kasal sa makalawa. After niya kasing sabihin kay Lance kung gaano niya ito kamahal, nagpropose agad ito ng marriage. Tatanggi pa ba siya? Syempre, pumayag siya!
"Halika na nga." Yaya niya kay Lance ng matapos magbihis.
"Ang tagal namang mag-ayos eh!" Reklamo kunyari ng nakangiting si Lance.
"Huwag na lang kaya?" Pananakot niya.
Agad naman siyang niyakap ni Lance sa bewang at nagsmack sa labi niya. "Hindi na mabiro. Inantay nga kita ng 4 months ng walang kasiguraduhan eh. Tapos ngayon pa bang nagbibihis ka lang ako maiinip?" Sabi ni Lance sabay pout.
Kinurot niya naman ang magkabilang pisngi ni Lance. "Ang sweet mo talaga! Nagbibiro lang ako. Syempre wala ng atrasan ito." Nakangiting sabi ni Zoe.
"Wahh!! Battered fiancee na ako." Daing nito na pulang-pula ang pisngi.
"Sorry! Masakit pa ba?" Lambing niya habang yakap din si Lance.
"Oo. Kiss mo ko para mawala." At inihaba pa ang nguso para sa pagkiss ng dalaga.
"Addict ka!" Natatawang sabi ni Zoe. Kinukurot naman ngayon ang tagiliran ni Lance.
"Aray... Aray! Kung hindi lang kita mahal eh." At kiniss siya sa lips ng binata. Gentle and sweet kiss.
Napangiti naman si Zoe matapos ikiss ni Lance. Alam niya na itong lalaking ito ang makapagpapasaya sa kanya habang buhay. Ang lalaking minahal siya ng labis kaya ipinaglaban siya sa lahat.
_____________________________________
A/N:
Kakaibang ending up next. Iyong hindi pa follower, magfollow na kayo para mab kasiasa ninyo ang ending kasi ipa-private ko ito.
I repeat, VOTE AND COMMENT. 40 VOTES AT 30 COMMENTS = UPDATE. Thank you!