HATBABE?! Season1

De hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... Mais

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Published by Life Is Beautiful (LIB)

END...

15.7K 449 265
De hunnydew

AY! AY!!! May nakalimutan ako!!!

Bago pala namin binisita si Hiro, napagkasunduan namin ni bespren Louie na sorpresahin si bespren Chan-Chan. Anong surprise namin? Matutulog kami sa kanila! Hehehe.

Hindi kasi nagpapatulog ‘yun sa kanila eh. Enko kung bakit. Sa totoo lang, di pa nga ako nakapasok sa kwarto non. Hanggang sala lang ako kahit pa gabihin kami sa panonood ng anime. Kaya pagkakataon na naming makita ang tinatago niya, muhahaha!

Maagang dumating si Louie sa bahay namin kaya naistorbo ‘yung pagkain ko. Naghahapunan kasi kami nung dumating siya tas sabi ba naman, aalis na raw kami! Buti nalang pinakain ulit kami ni Tita nung pinapasok na kami sa bahay nila, hehehehe.

“Bakit pala kayo napadalaw at nakapantulog pa?” tanong ni Tita sa’min habang pinapanood niya akong kumain nung luto niyang adobong manok. Naka-pajama na kasi kami nung sumugod kami kila bespren. Nanghiram pa nga sakin ng teddy burr si Louie para raw may props, hehehe.

Si Louie na ‘yung sumagot sa tanong. “Ahh, nag-promise po kasi si Chan-Chan ng slumber party bago kami magkahiwa-hiwalay sa college.”

Kaya pagkatapos kong kumain, pinapunta na kami ni Tita sa kwarto ni Chang. Humahagikgik pa kami nung sabay kaming kumatok sa pinto niya.

“Mom! Hindi pa nagda-dry ang—“ sabi nung nagbukas ng pinto. Tapos sinara ulit. Tapos binuksan ulit. Tapos sinara. Paulit-ulit.

Alam ko si Chan-Chan ‘yung nagsalita kasi kaboses niya. Gusto ko na nga rin sanang salakayin eh. Pero nagtaka ako dun sa itsura niya kasi, parang may puting kung ano ang nakalagay sa buong mukha. Akala ko nga multo ulit ‘yung nakita ko eh. Tinanong ko pa si Louie kung sino ‘yun eh, di rin naman niya alam.

“Charlie, kayo ba ‘yan ni Louie?” tanong niya sa pagitan ng napakaliit na siwang ng pinto tapos nakapatay pa ‘yung ilaw. “Anong ginagawa niyo dito. Gabi na ah.” ‘Yung tono niya, gusto na talaga niya kaming pauwiin.

Pagkatapos siyang bantaan ni Louie na magsusumbong at ng matagal na paghihintay namin sa labas ng kwarto niya, nakapasok na rin kami sa wakas!

Kaso, na-curious ako sa laman ng kulay pink niyang kwarto. May isang malaking parte kasi na nakatakip ng kurtina kaya nilapitan ko. “Bespren ano ‘to?” Tapos hinawi ko ‘yung kurtina.

Halos hindi makahinga si Louie sa kakatawa, pero ako, namangha talaga ako! Kasi… kasi… ANDAMI NIYANG STUFFED TOYS! Marami rin siyang Barbie tapos may bahay pa ni Barbie! Tapos, may maliit na lamesa na may maliit na upuan na may mga platito at tasa!!! Hindi ko alam kung bakit tinago niya sa’min ‘yon. Nakakatuwa kaya.

Pinaupo ko sa palibot nun ‘yung mga teddy burrs ni Chan-Chan tapos nagbahay-bahayan kami nina… Pen-Pen, Kleng-Kleng, Ton-Ton, Mik-Mik – ang wirdo ng pangalan ng mga manika niya. Parang pangalan lang niyang inuulit-ulit.

Sa totoo lang, medyo nainggit ako sa mga laruan niya. Pero onti lang naman. Naisip ko nga, bakit hindi ako binilhan ng bahay-bahayan o kaya lutu-lutuan nila Mama. Pero onga pala, baka masira lang nila Kuya. ‘Yung kaisa-isang Barbie ko nga dati, hindi ko pa nalalaro, lasog-lasog na dahil pinagbabaril namin eh, hehehe. Tsaka wala rin naman akong kalaro ng manika kung sakali.

Gusto ko tuloy makipagpalit ng kwarto kay Chan-Chan… para maranasan ko rin ‘yung makapaglaro ng pambabaeng laruan. Tsaka para maturuan din siya nila Kuya ko kung paano umastang lalaki. Lampa pa rin kasi eh, hehehe. Joke lang ah. ‘Wag niyong sasabihin sa kanya ‘yon ah! Iiyak ‘yon! WAHAHAHA!

Ano ‘yung mga pinag-usapan namin? Marami. Pero ‘yung pinaka-highlight nung gabing ‘yon… ‘yung mga ULTIMATE REVELATION.

 

Ang tanong na sinagot namin: Sino ang kras mo ngayon?

Walang matinong maisagot ‘yung dalawa. ‘Di ko alam kung may tinatago sila at ayaw lang umamin. Tss.  Pero nung ako na ‘yung tinanong, wala rin akong masagot. Mehehehe.

“ANDAYAAAA!” Malakas na reklamo ni Chan-Chan.

Umangal din si Louie non. Tas sinabi niya pang baka gusto ko raw si Hiro. NYE! Galing talagang magpatawa ni bespren.

Sabi kasi ni Chan-Chan, kras mo raw ang isang tao kapag kinakabahan at nahihiya ka kung nakikita mo siya. ISA PANG NYE! Ako, mahihiya kay Hiro? Kulang na nga lang magpatayan kami kapag nagkikita eh. Tsaka ngayon pang alam ko nang magkapatid sila ni bespren? IMPOSIBLENG maging kras ko siya.

“Ayst. Totoo naman. Wala talaga akong kras ngayon,” pilit ko. Kahit naman kasi nagteteks pa rin kami ni Nile, wala naman nang epekto masyado sa’kin. Nakatulong nga siguro ‘yung pag-alis niya.

Si Pareng Brian naman, mas lalong wala akong balita don. Hinanap ko na siya dati sa Facebook pero di ko nakita. Baka nakalimutan na niya ako, ahuhu.

Tsaka, kailangan bang magkakras? Hindi naman diba? Pa’no kung wala talaga akong magustuhan?  

Iniba ko na lang ang usapan kasi kinukulit nila ako eh wala nga akong masagot. “Pero may sasabihin akong sikretong malupit. Huwag kayong tatawa ha?” Mabilis naman silang tumango at hinintay akong magsalita.

“Ano… UST lang ‘yung ipinasa kong entrance exam, hehehe,” pagtatapat ko sa kanila habang nagkakamot ng ulo.

Nung una, hindi pa sila makapaniwala sa narinig nila hanggang sa sinabi kong hindi rin ako pumasa sa FEU tsaka sa UE tsaka sa Adamson. Kasi nga diba gusto kong mag-aral sa UAAP school para makapaglaro pa rin ako ng softball? Ayun, ang hirap palang makapasok kapag Engineering ‘yung course.

“OH MY GOD! SERYOSO?” Bulalas nilang dalawa.

“Oo nga. Tapos, ang nalagay ko pang pangalan sa USTet… Charlie Pelaez. Kaya akala nila ibang tao ‘yun. Sabi nga ni Kuya Chad, hinalungkat pa nila ‘yung test paper tsaka ‘yung application form ko para lang malaman kung ako nga ‘yon,” kwento ko pa.

Akala ko tatawa sila eh. Pero parang nalungkot sila tas niyakap nila ako nang mahigpit, hehehe. Natats tuloy ako. Mahal talaga nila ako. Kaya lab na lab ko rin silang dalawa eh.

Tapos natulog na rin kami dahil bumabagsak na ang talukap ng mga mata namin. Madaling araw na kasi nun eh tas kelangan pa raw ng beauty rest ni Chan-Chan sabi ni Louie.

Nananghalian muna kami dun bago kami bumalik ni Louie sa bahay namin kasi nandun ‘yung mga gamit niya. Nagulat nga ako kasi talagang sinundo pa kami ni Mase eh diba, limang bahay lang ang pagitan ng bahay namin kila Chan-Chan? Ayon. Nabadtrip nga ako kasi may tumawag kay bespren eh. Sa kanya niyo nalang tanungin kung sino. Naiinis lang ako lalo, hmp!

Pero pag-uwi ko sa bahay, parang may pinagmimitingan lahat ng tao sa sala.

“ANMERON? ANMERON?” tanong ko agad pagkaalis ni bespren at nakipagsiksikan ako sa kanila.

‘Yun pala, may nagpadala ng sokoleyts sa’kin. Eksaytment talaga ako kasi dun lang ako nakakita ng ganung pangalan—Valor daw. Pinalibutan pa talaga nila ako nung tinignan ko ‘yung card.

 

Buenas dias, Charlotte. :D Saludos desde España. Congratulations on your graduation. –Pareng Brian

 

Sobrang natuwa ako kahit hindi ko naintindihan ‘yung nakasulat sa card. Naaalala pa pala ako ni Pare. Pero kinabahan ako kasi nga diba galit sila kuya sa kanya kasi iniisip nilang may gusto siya sa’kin. Hanggang ngayon naman hindi naman ako naniniwala don eh.

“Kuya—“ nag-aalalang bulong ko sa pangalawa namin.

Tinapik-tapik ni Kuya Chino ‘yung ulo ko. “’Yaan mo, di na lang namin sasabihin kay ‘Ya Marcus. Basta ubusin mo agad ‘yan. ‘Wag mong kalimutang mag-toothbrush ha.”

Siguro dahil abala kami sa pagtikim nung padala ni Pareng Brian, di na namin napansin ‘yung kumakatok sa gate namin kaya sila Mama na ang nagkusang tignan kung sino ‘yun.

“O! Charlotte! Meron pang isa!” Anunsiyo ni Papa tapos nakita namin siyang may dalang bulaklak na nauna pang binusisi nila Kuya.

“Dalaga na ang bunso namin! ‘Lika nga dito!” Utos sa’kin ni Mama tapos pinupog niya ako ng halik. “Sabihan mo ‘yang mga nagpadala na dito ka sa bahay ligawan ha.”

Kung nagbubulung-bulungan na sila Kuya dahil dun sa padala ni Pare, tumahimik na sila nung inabot nila sa’kin ‘yun makulay na mga bulaklak na nakapaso pa. Akala ko nga peke rin tulad nung binigay ko kay Hiro pero totoo pala.

Charlie, ‘grats sa pagtatapos mo! Dadalaw ako sa inyo sa sembreak namin. :) –Nile

 

Napatingin ulit ako sa mga kapatid ko pero nagkamot lang sila ng ulo.

Bakit ganun? Naguluhan ako bigla.

Eh kasi…parehas ‘yung naramdaman ko sa binigay nilang dalawa. Kinabahan ako tapos natuwa tsaka nahiya kasi nag-abala pa silang padalhan ako ng kung anu-ano para lang i-congrats ako. Ays naman sa’kin ‘yung simpleng teks lang.

May ibig sabihin ba ‘yung ginawa nila?

Tingin niyo?

===

 

A/N: …OF SEASON 1

SANDALI LANG! Wag niyo akong pangunahan! Wag kayong maghuromentado jan! May Season 2 po ito! Kala niyo bibitinin ko rin kayo noh? Hahahaha. Hindi po. KAYA KALMA LANG GUYS!!!

‘Yung picture ng mga natanggap ni Tarlie.. nanjan sa gilid. Tapos, sobrang natawa ako sa video compilation ni Amber na lagi siyang napagkakamalang lalaki kaya nilagay ko na rin sa gilid hahaha XD

Enwey..Kailangan ko pong tapusin ‘yung phase na magkakasama silang tatlo dahil kailangan namang harapin ni Charlie mag-isa ang kanyang college life ^_^v Kailangan niyang malaman na hindi forever, sasaklolohan siya ng dalawang besprens niya. Hehehe.

AND SPEAKING OF COLLEGE LIFE….

Kailangan ko ring mag-research tungkol sa UST. Gusto ko kasing ma-achieve ng Season 2 ang na-achieve ng FAD… yung kahit hindi pa nakakarating sa UP ‘yung mga readers, parang andami nang nalalaman tungkol sa culture at itsura ng campus na ‘yon. Hindi po kasi ako nag-aral sa UST kaya kung papansinin niyo, wala kayong masyadong nabasang building/activity ng UST dito sa Season 1, hahaha.

AT HINDI PO MADALI ANG MAG-RESEARCH. Kaya Season 2 would take time to be posted ^_^ di ko pa alam kung idudugtong ko dito o bagong post… pinag-iisipan ko pa. Kaya habang naghihintay tayong lahat.. mag-vote kayo sa last chapter ng Miss Astig para wala nang kawala si Diwata at gumawa rin ng Book 2!!! BAHAHAHAHA

Ipagdasal na rin natin si Power Ninja Green (Diwata) at si Power Ninja Pink (Lolo Kozart) na maipasa nila ang mga exams nila para makapiling natin ulit sila Louie at Chan-Chan.. HOPEFULLY. :D

 Isama na rin sa dasal si Power Ninja Red (Maui) para bumalik agad galing sa kanyang pagpapahinga dahil mamimiss natin si VanJan/LyndonVan. Sempre, wag na ring kalimutan si Power Ninja Black (Erin) para mairaos niya si Hayley na tadtad na ng hate comments XD hahahaha

Kung pwede pa pong isingit… pakibanggit na rin si Power Ninja Blue (ako yon)… para mabawasan ang mga tigyawat ko.. lalo na’t baka mapapalitan/madadagdagan ako ng tasks.. hehehe. Sana kayanin ko pang isabay sa Watty.. lelelels

Lalabas pa ba sila Louie at Chan-Chan sa Season 2 ng HAT-BABE? Si Chan-Chan siguro, possible pa… si Louie… since nasa Canada yon.. baka mababanggit nalang. Malay natin. Depende kung magkaka-book 2 ang Miss Astig. Kaya nga vote lang nang vote! Pero huwag nating daanin sa dahas.. hahaha.

Anong meron sa Season 2? Hmmm… susubukang sagutin ni Charlie ang mga tanong na ito:

1) Magma-mature pa ba siya?

2) Magdadalaga pa ba siya?

3) Magkakalablayp ba siya? If ever, sino?

So, anong gagawin niyo habang naghihintay ng Season 2? At kung tapos nang magvote sa MA (paulit ulit lang??) Magbasa pa!! hahaha.. Sa mga hindi nakakaalam ng iba pang POV na karugtong ng Confused Trio.. ililista ko na para madali:

 -Miss Astig by cursingfaeri: POV ni Louie

-A Man’s Life: POV ni Chan by aKo_Narcisso (sa ngayon, maikli pa lang 'to kasi nga nagrereview si Lolo Kozart hehe)

-From a Distance: POV ni Mason (siguraduhin munang nabasa ang Miss Astig bago basahin ito)

-Not Your Ordinary Rich Kid by cursingfaeri: POV ni Hiro 

-My Happy Ending by wyngardium_leviosa: POV ni Van (yung friend ni Jan-Jan at pinsan ni Henry. Siya ‘yung nagbirthday nung Chinese New Year na hiningan ni Charlie ng tatlong box ng tikoy)

-Hayley’s Haven: POV ni Hayley by LaceyErin (basahin muna ang POV ni Mason bago basahin ito)

Please click the external link for Season 2 ^_^v

  

-Ate Hunny

Continue lendo

Você também vai gostar

5.6K 300 23
Growing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and...
2.7K 366 47
Wattys 2022 and 2023 Shortlisted "'Wag muna," mahina niyang pakiusap habang nakatulala sa harapan. Nakatitig lamang siya sa kawalan. "'Wag muna, plea...
6.8K 301 7
"Hindi ka ba makatulog? Gusto mong patulugin kita? Habangbuhay..." ________________________________ All Rights Reseved Lena0209 July2015
The Coldest Heart De Zamiel

Ficção Adolescente

973K 23.5K 56
"Even the coldest heart has a beat." Laarni Saldivar's life was simple and she is contended for what she is having now. But her life will change when...