ANGEL'S POV
Nakatingin ako ng seryoso sa mata ni Yuji nung pagkauwi ko ng bahay niya. Galit ako sa ginawa niya at di ko alam kung bakit niya yun ginawa..
"Bakit ganyan ka?" seryosong sabi ko habang di pa din inaalis yung tingin ko sa kanya
"Ano--" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako. Naiinis ako sa boses niya, sa ugali niya at kung paano siya makitungo sa mga kaibigan niya
"Napakademonyo mo! Bakit ang sama sama mo?" galit na sabi ko sa kanya pero seryoso din siyang nakatingin sa akin
"Bakit sino ka ba para pagsabihan ako sa mga gusto kong gawin? Katulong lang naman kita diba?" seryosong sabi niya
Ngumiti ako ng mapait habang nakatingin sa kanya. Napakasama niya...
"Dont worry. Bukas magsisimula na ako sa trabaho ko, at kapag nakaipon na ako; babayaran kita at aalis na ako sa impyernong ito" sabi ko sa kanya at dumiretso sa kwarto ko
Pero kahit sa sobrang galit ko ngayon ay nao-overcome pa din ng kilig na nararamdaman kong pag amin ni Xaell ng nararamdaman niya.
Aaminin ko, gusto ko na siya simula pa lang at alam kong napaka-babaero niya pero bakit niya ako sinabihan ng 'i love you'? At bakit niya ako hinalikan?
---
Kinabukasan, pumasok na ako ng school. Hindi ako sumabay kay Yuji, nagjeep na lang ako papunta ng school.
Pagkadating ko ng school nakita ko si Xaell na madaming babae na nakapalibot sa kanya, pero hindi siya tulad ng dati. Nakatayo lang siya dun na parang may hinihintay. Kita ko din yung pasa sa pisngi niya at mga band aid, dahil siguro sa suntok ni Yuji
Dahil nahihiya naman akong guluhin siya kasama yung mga babae niya ay nagdirediretso na akong maglakad...
Pagkalagpas ko sa kinaroroonan ni Yuji ay may narinig akong malakas na sigaw..
"ANGEL!"
Lumingon ako at nakita ko si Xaell na masayang nakatingin sa akin. Dahan dahan siyang lumapit at ginulo yung buhok ko
"Good morning.." bati ko
"Nagbreakfast ka na ba? Baka di ka pinapakain ng halimaw?" masayang sabi niya
"Ah. Hehe, di pa nga pero okay lang.." nakangiting sabi ko
"Anong okay dun?" bigla niyang hinawakan ang kamay ko tapos hinatak ako "Ayokong malipasan ng gutom yung taong mahal ko"
Parang may kung ano sa puso ko na biglang natuwa, nakatingin lang ako sa likod niya habang hinahatak ako hanggang nakarating kami sa Cafeteria ng school.
Umupo kami sa table na nakareserved lang sa kanila pagtapos ay iniwan niya ako para bumili ng food. Lahat ng tao sa cafeteria nakatingin sa akin, parang sasaksakin nila ako sa mga tingin nila...
"Well, she's one of Xaells toy" rinig kong bulong nung isang babae
Laruan? Babaero si Xaell pero mahal ko siya. Ngumiti na lang ako at hindi pinansin yung mga sinasabi nila. Pakielam ba nila?
"Oh, Ayan.. Kain ka na" sabi ni Xaell pagkabalik niya sa pwesto namin. may dala siyang tray tapos nilapag sa harap ko yung food..
"UY! Salamat" masayang sabi ko kahit naiilang ako. Eh kasi naman ee, di ko alam yung gagawin ko simula nung sinabihan niya akong mahal niya ako
Sabay kaming kumain ni Xaell, matagal pa naman bago yung first class ko kaya okay lang. Nung natapos na kaming kumain ay nag usap muna kami ni Xaell
"U-uy.. Yung tungkol sa sinabi mo kahapon, yung ano.. Uh.. Kasi--" di niya ako pinatapos at nagsalita na siya
"Na mahal kita?"
Namula ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin. ANGEL! WAG KANG HIHIMATAYIN O^O
"Ah, totoo ba y--"
"Akala mo niloloko kita kasi alam mong babaero ako? Haha Lahat naman ganyan yung tingin sa akin ee. Di nila ako binibigyan ng chance.." sabi niya
Hindi na ako nagsalita, nakayuko na lang ako habang namumula dahil sa kilig WAHAHAHA! Ikaw ba naman ay magustuhan ng crush mo di ka kaya kikiligin? >/////<
"Angel, liligawan kita ha! At pangako sasagu---"
"Hey! Xaell.." may biglang grupo ng babae na lumapit sa kinaroroonan namin at lahat sila ay parang mga unggoy na nagsabitan kay Xaell
At si Xaell naman mukhang enjoy na enjoy! Owwww, seryoso pala siya? Haha *sarcastic laugh*
"So, Xaell.. Type mo na pala ngayon yung babaeng warfreaks?" tanong nung babaeng mukhang sinampal dahil sa sobrang pula ng mukha niya
"Uhmm Yes" nakangiting sabi ni Xaell
"Stop joking around Xaell. Alam naming hindi ka sumiseryoso sa babae.." sabi nung babae
"Yeah, hindi ako sumiseryoso ng babae.." bigla akong nakaramdam ng pain sa dibdib ko
Dahil alam kong sobrang awkward kung mananatili lang ako dito ay tumayo na lang ako at umalis. TSSS! HINDI SUMISERYOSO?! SIMULA NGAY---
May naramdaman akong mainit na kamay na humawak sa braso ako, lumingon ako at nakita ko si Xaell habang nakangiti ng malapad
"Hey! Bakit ka umalis?" seryosong tanong niya
Tadyakan ko kaya 'to sa lungs para makaintindi?!
"SABI MO SERYOSO KA?! TAPOS SASABIHIN MONG HIN---"
O///3///O
Napatigil ako sa pagsasalita ko ng bigla niya akong halikan sa labi, lumaki yung mata ko habang magkalapat yung labi namin..
"Bakit kasi di mo ako pinatapos?" tanong niya. Wala pa din akong response at nakatingin pa din ako sa kanya habang gulat na gulat yung expression
"Haha.. Hindi ako sumiseryoso ng babae dahil isa lang yung siseryosohin ko, at ikaw yun" sabi niya tapos niyakap ako ng mahigpit
Pero tulala pa din ako, hindi ko alam kung ano yung sasabihin at mararamdaman ko. Magagalit ba ako dahil hinalikan niya ako sa public o matutuwa dahil ako lang yung babaeng siseryosohin niya..
"Hey, Xaell. Angel! Ang ganda ng scene ha.." nakangising sabi ni Victoria. Bumitaw si Xaell sa pagkakayakap pero hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko
"Inggit ka? Magboyfriend ka na kasi" sabi niya pero seryoso pa din na nakatingin sa akin si Victoria
"Siya lang ba talaga ang babaeng sineryoso mo?" nakangising sabi ni Victoria. Ramdam ko yung pagluwag ng hawak sa akin ni Xaell. Tinignan ko yung mukha niya at mukhang takot na takot siya
"May trauma ka pa nga sa nangyari.." tumingin sa akin si Victoria at ngumiti "Magsisimula na yung klase mo, pumunta ka na sa room mo at hinihintay ka na din ni Yuji.."
Humiwalay ako sa pagkakahawak kay Xaell at nagpaalam. Agad akong dumiretso sa first class ko at nakita ko na si Yuji habang nakaupo, tinignan niya ako ng masama
Bigla siyang tumayo at hinampas yung upuan habang nakatayo sa harapan ko. Tumingin lahat ng kaklase ko sa lugar namin. Tumahimik yung buong paligid..
"BAKIT DI MO AKO GINAWAN NG ALMUSAL?!" sigaw niya
Napanganga ako dahil sa sinabi niya! Di ba siya marunong gumawa ng sarili niyang pagkain? WOAH!
"ALAM MO BA NA NAGUGUTOM AKO NGAYON?! HIN---"
"Maghintay ka lang po sir ha! Wait lang po.." nagtitimping kong sabi
Aad akong lumabas ng room at dumiretso sa canteen, bumili ako ng sandwich at gatas na nasa karton at pumunta ulit ng room..
Nakita kong nakangising nakatingin si Yuji sa akin, ngumiti din ako sa kanya biglang nag iba yung itsura niya..
Nung nasa harapan na niya ako ay nilapag ko sa harapan niya yung sandwich at gatas. Bubuksan na niya yung gatas ng hawakan ko ito at binuksan..
"BABY.. Baka di mo kayang buksan ako na lang gagawa. Baka mamaya di mo kayang bumili ng lunch ha, tawagin mo lang ako tapos kapag di mo kaya yung isang bagay tawagin mo lang ako. Nakakagulat nga ee, umaasta ka ng leader pero sarili mong almusal di mo kayang gawin.." nang iinis na sabi ko
Nagtawanan yung mga kaklase ko at nakita ko yung inis na mukha ni Yuji. Ngumisi lang ako at masayang umupo sa upuan ko...
"May oras ka din.." rinig kong sabi niya
**
Nung natapos na yung klase namin buong araw ay nakita kong hinihintay ako ni Xaell sa labas ng school.
"Uy! Angel. Hatid na kitang umuwi.." sabi niya
"Ah.. Ano kasi may trabaho pa ako.." sabi ko. Diba yung part time job ko sa karinderya ni manang?
"Bakit ka pa magtatrabaho? Diba may trabaho ka na kay Xaell?"
"Tsss! Ayokong manatili dun habang buhay noh! Mag iipon ako tapos aalis na ako dun!" inis na sabi ko
Sa tuwing naaalala ko si Yuji, di ko maintindihan yung inis na nararamdaman ko sa kanya.
"Edi sa akin ka na lang tumira" nakangiting sai ni Xaell
"Ayoko maging pabigat noh! At madali lang yung trabaho ko, maglilinis lang ako ng mga lamesa haha" sabi ko
At dahil ayaw na din makipagtalo ni Xaell ay sinamahan niya na lang ako sa pinagtatrabahuan ko. Umalis din siya dahil may kailangan pa daw siyang gawin...
Ako naman ay nagsimulang maglinis nung mga inaalisan ng customer, ako din yung nagwiwelcome ng mga customer! Oh diba? Kariderya lang to pero nung dumating ako naging 5 star karendirya
"Good Eve---YUJI?!" babatiin ko sana yung isang customer na nakahoodie ng bigla niyang alisin yung hoodie niya. AT NAGULAT AKO NA SI YUJI YUN :O
PAANO NIYA NALAMANG NANDITO AKO?! WOAH
"Baki---"
"Bigyan mo ako ng makakain.." sabi niya tapos umupo sa isang table na avaiilable
"Anong gust---"
"Yung pwedeng makain"
"Ok--"
"Bilisan mo" WAH! Bakit ayaw akong pagsalitain ng demonyong ito?
Agad akong pumunta dun kay manang at sinabi kung ano na lang yung nakita kong pagkain. Ako na din yung nagdala kay Yuji..
"Oh ito n--"
"Shut up" sabi niya lang at nagsimulang kumain
Nakatitig lang ako sa kanya, galit ba tong taong to sa akin? dahil ba sa ginawa ko kanina? Tssss...
Nung natapos na siyang kumain ay bigla niyang tinapon sa table yung sabaw na natira sa ulam niya at yung rice na natira.
"Ow. DI ko sinasadya, magaling naman yata dito yung tagalinis niyo ee.." nang iinis na sabi niya
Nakatingin lang ako sa kanya ng masama, anong problema nitong taong to? Tsss..
"UMALIS KA NA NGA!!" inis na sigaw ko kaya lahat ng tao sa loob ng kariderya napatingin sa part namin
"Hija! Ano yan?! Bakit mo pinapaalis yung customer natin?!" sigaw ni Manang
Nginisian ako ni yuji pero dahil mapride ako ay di ako magpapatalo, nginisian ko din siya.
"Hindi po manang, pinapaalis ko yung ipis. Mabaho kasi baka wala pong pumunta sa karenderya niyo, diba po?! kaya dapat ang mga ipis pinapatay!" sabi ko
Nakita ko yung shocked na mukha ni Yuji...
"May araw ka din..." bulong niya
***************************