Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

III : Rise of the body snatchers

83.8K 4.1K 6K
By Serialsleeper



III.

Rise of the body snatchers

Third Person's POV



"We'll split into teams; Team Distraction, Team Monitor, Team Snatcher at Wheels." Maotoridad na sambit ni Shem habang hinihinaan ang kanyang boses. Pasimple niyang nilibot ang paningin upang masiguradong walang ibang nakakarinig sa kanila sabay hawi ng pitong piraso ng French fries sa iba't-ibang direksyon bilang simbolo sa magiging Gawain ng bawat isa.


"So these French fries are us?" Tanong ni Mira sabay turo sa mga ito.


"Mismo." Tumango si Shem at nilukot ang kartong lalagyan ng friench fries at nilagay ito sa gitna ng mesa.


"At yan ay?" Kunot-noong sambit ni Church.


"Naubusan na ako ng props, si Dana nalang yan." Sabi pa ni Shem kaya naguguluhan man, nagsitanguan na lamang sila. "Minsan na akong nakapagdeliver ng tubig diyan sa ospital. May backdoor pero may security at CCTV camera. Sa labas naman may checkpoint sa daan. Kalahating oras nalang ang natitira kaya kailangan nating magmadali, wala tayong access sa mga chloroform at pampatulog kaya diskarte ang kailangan natin dito." Dagdag pa ni Shem.


****


Sabay-sabay silang lahat sa pagpasok sa ospital maliban lamang kay Shem na hindi nila kasama. Tensyonado at kinakabahan, pare-pareho silang nagkatinginan habang pasimpleng naglalakad sa pasilyo kung saan marami parin silang nakakasalubong na mga bisita at nars.


Sabay-sabay ang anim sa pagpasok ng elevator ngunit nang makarating sa kanilang destinasyong palapag, ni hindi sila nagkibuan. Pagbukas pa lamang ng elevator ay agad na lumabas sina Cielo at Axel nang hindi man lamang nililingon ang mga kasamahan. Pasimple lamang ang dalawa sa paglalakad habang nakayuko ang mga ulo upang maiwasang mahagip ang kanilang mukha ng mga CCTV.


Nang marating ang dulo ng isang pasilyo, agad na tumambad sa kanila ang isang malaking pinto na gawa sa metal. Nakaukit sa tuktok nito ang salitang Security Center.


Huminga ng malalim si Cielo at agad na napakatok sa pinto. Nagkatinginan silang dalawa ni Axel at pare-parehong tumango hanggang sa tuluyang bumukas ang pinto at tumambad sa harapan nila ang isang guwardyang pinupunasan pa ang kechup na nasa kanyang pisngi. Bahagyang napasilip si Axel sa loob ng silid at nakita niyang nag-iisa lamang ang guwardya sa loob ng silid na punong-puno ng mga monitor na konektado sa lahat ng CCTV sa ospital.


"Teka? Bawal ang mga bisita dito. Sino ba—" Bago pa man matapos ng pulis ang kanyang sinasabi ay agad nang nagsalita si Axel.


"Isang libo kung hindi ka magtatanong." Taas-noong sambit ni Axel bagay na labis ikinagulat ni Cielo.


Kahit ang guwardya ay labis na ikinagulat ang sinabi ni Axel "Anong akala niyo sakin?! Mukhang pe—"


"Mukha kang resonableng tao. Wala kaming binabalak na masama, ang gusto lang namin, patayin mo ng ilang minuto ang CCTV ng buong palapag kung nasaan ang morgue. Limang libo sa pananahimik mo." Tahasang sambit ni Axel na walang ano mang bahid ng kaba o pagdadalawang-isip dahilan para maiwan na lamang na nakaawang ang bibig ni Cielo.


Napatingin si Cielo sa guwardya at maging ito'y gulat na gulat din.


Napabuntong hininga si Axel nang ilang sandaling nanahimik ang guwardya, "Manong hindi kami masasamang tao at mas lalong hindi ka masamang tao kung tutulungan mo kami. 'Tong kikitain mo, pandagdag narin to sa pang araw-araw."


"Gawin mong sampung libo. Iipit mo lang ang bayad sa ilalim ng lalagyan ng donut na nasa mesa at 'wag na wag kang magpapahalata." Pasimpleng sambit ng guardyang nakatayo lamang ng normal habang hawak parin ang kanyang baso ng kape. Pasimpleng napatingin ang guwardya sa direksyon ng CCTV Camera na nakatitig sa direksyon nila bagay na agad namang naintindihan nina Axel at Cielo.


"Grabe ka manong..." Mahinang sambit ni Cielo na hindi halos makapaniwala rito.


"Ayokong mawalan ng trabaho kaya suntukin mo ako, magpapanggap akong walang malay. Lapitan mo yung control panel at ibaba mo yung maliit na planka. Hindi tayo nagkita, hindi tayo nag-usap. Pero oras na wala ang labin-limang libo, magsasalita ako." Ma-otoridad na sambit nito kaya hindi na nag-atubili pa si Axel at agad niya itong sinuntok sa mukha dahilan para matumba ang guwardya sa sahig at matapon ang kanyang kape.


"What the...." Napasinghap si Cielo lalo na nang makitang nagtutulog-tulugan na ang guwardya sa sahig.


"Tawagan mo na sila." Sambit ni Axel at dali-daling nilapitan ang control panel.


****


Nang makatanggap ng senyales mula kay Cielo, pasimpleng napatayo sina Axel at Harper mula sa kinauupuan dahilan para maiwan rito sina Mira at Churchill na halatang labis ang kaba.


"Hide your faces." Utos ni Raze dahilan para magkatinginan sina Mira at Churchill. Naguguluhan man, napatakip na lamang si Churchill sa kanyang mukha samantalang si Mira naman ay napaharap sa dingding.


"Be subtle! 'Wag yung mukha kayong tanga!" Giit ni Harper dahilan para agad na mapatingin sa kanya ang nanlilisik na mga mata ng dalawa.


"Guys sige na, para kay Dana." Maotoridad na sambit ni Raze kaya naiinis man, napahiga na lamang si Mira sa mga nakalinyang upuan habang nakaharap sa dingding, samantalang si Churchill naman ay isinuot na lamang ang kanyang hoodie at nagtulog-tulugan rin gaya ni Mira.


"Okay na ba 'to?!" Sarkastikong tanong ng dalawa habang pikit-mata.


"Just hide your faces when the M.E passes by." Sambit na lamang ni Harper at kapwa na sila nagtungo ni Raze sa pintong patungo sa morgue.


Matapos kumatok ay agad silang pinagbuksan ng isang medical examiner na nakasuot na ng kanyang face mask at hawak na ang isang scalpel na may bahid ng dugo bagay na labis ikinatakot nina Raze at Harper.


"S-sinimulan mo na ba ang autopsy kay Diana Flavier?" Tila ba wala sa sariling sambit ni Harper kasabay ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.


Kunot-noong ibinaba ng doktor ang takip sa kanyang bibig, "Sa kanya na ang susunod. Bakit?" Naguguluhang sambit ng medical examiner at agad na napatingin kay Raze na nakikila niya bilang ang anak ng respetadong hepe ng kapulisan.


"M-may gustong ipahabilin si Papa sa'yo. May gusto rin siyang ipatangong tungkol sa resulta ibang bangkay na nandiyan." Aligagang sambit ni Raze dahilan para mas lalo pang maguluhan ang pulis.


"Sinong bangkay? Yun bang sa 404 case o domestic case?" Tanong pa ng medical examiner kaya naman lalo maging sina Harper at Raze ay naguluhan at nagsisimula naring mataranta lalo pa't hindi na nila alam anong isasagot.


"Just get your ass out of there and let's talk about the results sa parking lot! My boss wants the result pronto and below the table so if you have any respect on the chief of police, you would comply with no questions asked and bring the damn folders to the car!" Biglang pagwawala ni Harper dahilan para mapapitlag ang medical examiner dahil sa gulat.


"P-pasensya na po, siya kasi ang secretary ni Papa kaya nasasalo niya ang lahat ng galit." Sabi na lamang ni Raze, "S-si papa, tama! Nasa labas po si Papa at hinihintay kayo." Dagdag pa ni Raze sabay tango-tango nang makaisip ng isa pang palusot.


"Teka? Nasa labas si Chief Razon? Tara na, nakakahiyang paghintayin yon!" Tarantang bulalas ng doktor at dali-daling bumalik sa loob ng morgue papunta sa kanyang maliit na opisina. Dali-dali niyang kinuha ang isang kahon na puno ng mga folder at nagtungo sa parking lot kasama ang dalawa. Nang akmang ila-lock na ng doktor ang pinto ay dali-dali siyang pinigilan ni Harper.


"Please po bilisan na natin! Wala sa mood ngayon si Chief Razon!" Giit ni Harper at sapilitan itong hinila palayo.


"Uto-uto much?" Mahinang sambit ni Mira nang tuluyang makaalis ang tatlo at silang dalawa na lamang ang matira sa pasilyo.


"Nagpapalakas yon kasi gustong magpolitiko." Giit ni Churchill at siya na mismo ang naunang pumasok sa morgue. Agad na tumambad sa kanilang dalawa ni Mira ang mahigit sa sampung mga mesang metal kung saan nakapatong ang iba't-ibang mga bangkay na natatakpan pa ng tela.


"Shit! Where's Dana?!" Bulalas na lamang ni Churchill sa sobrang dismaya.


"For a smart jejemon, you're pretty stupid! Malamang kailangan nating tingnan isa-isa! Bilis bago pa man sila makabalik!" Tarantang sambit ni Mira at siya na mismo ang naunang sumilip sa mukha ng mga bangkay.


Makaraan ang ilang sandali ay nahanap ni Churchill ang bangkay ng isang babaeng may hawig kay Dana. Upang makasigurado, dali-dali niyang tinanggal ang telang nakatakip rito at nang makita ang suot nitong pink pajama na may disensyo ng Mortal Kombat, laking tuwa niya dahil sigurado na siyang ito nga ang kaibigan.


"Nahanap ko na siya!" Bulalas ni Churchill at dali-daling sinubukang kargahin ang bangkay ni Dana.


"Churchill sandali—" Walang magawa si Mira kundi mapasigaw nang matumba si Churchill sa sahig at mabitawan ang bangkay ni Dana dahilan para bumagsak ito sa sahig habang una ang mukha. Nagsisigawaan man, pilit nilang hinihinaan ang kanilang mga boses.


"You idiot! Rigor Mortis kicked in! She's a lot heavier than before!" Tarantang sigaw ni Mira at dali-daling napatakbo patungo sa direksyon ng bangkay ni Dana.


"Tangina hindi ba natabingi ang ilong niya?! Hindi ba nawasak ang mukha niya?!" Tarantang sambit naman ni Churchill sa sobrang kaba.


"Her face is still in-tact!" Bulalas agad ni Mira nang makita ang mukha ni Dana dahilan para agad na makahinga ng maluwag si Churchill, "Church open the backdoor, Shem could be there by now!" Sabi na lamang ni Mira dahilan para dali-daling matayo si Church at nagtatakbo papunta sa pinto at binuksan ito. Agad na nakita ni Churchill ang isang stretcher mula sa labas kaya dali-dali niya itong kinuha at dinala patungo sa direksyon nina Mira.


Habang hawak ni Mira ang ibabang parte ng katawan ni Dana bilang suporta, hawak naman ni Churchill ang likod nito. Nagkatinginan silang dalawa at sabay-sabay na napabuntong-hininga, sa abot ng makakaaya, pilit nilang kinarga ang katawan ni Dana patungo sa stretcher.


Nang tuluyang mailagay ang bangkay nito sa stretcher, muli nila itong tinakpan ng kulay puting tela at dali-daling inilabas mula sa morgue.


"Shit saan ba tayo dadaan?!" Naguguluhang sambit ni Mira lalo pa't napakadilim sa kanilang dinadaanan at animo'y karugtong ito ng underground parking lot ng ospital. Dali-daling inilabas ni Churchill ang kanyang cellphone at pinaandar ang flashlight nito upang maging gabay nila. Makaraan ang ilang sandali ay bigla na lamang huminto sa tapat nila ang isang van at dahil sa liwanag na mula sa cellphone ni Churchill, nakita nila ang isang kupas nang tarpaulin na nakadikit sa harapan ng sasakyan na nagpapakita ng nakangiting mukha ni Shem habang yakap-yakap ang isang bote ng tubig.


"Shem!" Kapwa bulalas agad nina Mira lalo na nang makitang lumabas mula rito si Shem na ngayo'y may suot nang helmet.


"Sa likod bilis!" Bulalas ni Shem at dali-daling tinulungan sina Mira sa pagtulak ng stretcher.


****


"What now?" Mahinang sambit ni Mira na tagaktak parin ang pawis at hingal na hingal parin kahit pa nasa loob na sila ng sasakyan ni Shem at nagsisiksikan sa front seat.


"Hintayin natin ang signal nila." Sabi ni Churchill na siyang naka-upo sa gitna nina Mira at Shem.


"Hindi pa tapos ang problema natin." Mahinang sambit ni Shem at unti-unting inihinto ang kanyang sasakyan.


"Wait why are we stopping?" Kinakabahang sambit ni Mira.


"Checkpoint... tangina may checkpoint nga." Tarantang sambit ni Churchill na napahawak na lamang sa kanyang mukha.


"Gago kumalma lang kayo, utang na loob ilabas niyo na ngayon ang pagiging sinungaling niyo." Sabi na lamang ni Shem. Kinakabahan man gaya ng dalawa, pinipilit ni Shem na kumalma at ngumiti gaya ng dati.


"Bata nakuha mo na ba yung package?" Tanong ng isa sa mga guwardya na agad lumapit sa direksyon ni Shem.


"Ah opo..." Nakangiting sambit ni Shem.


Ngumisi ang guwardya at nagtaas-baba ng kilay, "Pahingi naman diyan oh, pantanggal antok lang namin mamaya."


Dahil sa sinabi ng guwardya, agad na nagkatinginan ang tatlo at sabay-sabay na napalunok sa sobrang kaba. Walang magawa si Shem kundi bumaba na lamang mula sasakyan dahilan para sina Mira at Churchill na lamang ang matira sa loob.


"T-tulungan mo siya dun!" Bulong agad ni Churchill kay Mira.


"Ano?! Ikaw nalang!" Giit naman agad ni Mira.


"Mas magaling kang umarte kesa sakin! Mahahalata pag ako!" Giit naman ni Churchill at walang habas na pinagtutulak si Mira palabas ng sasakyan kaya wala itong magawa kundi lumabas na lamang.


*****


Pinipilit man ni Shem ang kanyang sarili na kumalma, hindi parin niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay habang binubuksan ang likurang bahagi ng van.


"Bata okay ka lang?" Tanong agad ng guwardya ng mapansin ang kakaibang kilos ni Shem.


"Ah oo, taeng-tae lang... hehe" Sabi na lamang ni Shem sabay tawa ng pilit.


Kasabay ng pagbukas ni Shem sa pinto ang pag-alingawngaw ng napakalakas na sigaw ni Mira na nalaglag pala mula sa loob ng sasakyan. Sumakit man ng katawan dahil sa pagbagsak, iika-ikang lumapit si Mira sa direksyon ng guwardyang kausap ni Shem.


"Hi Kuya Guardy!" Bati ni Mira sabay kaway rito.


"Guardy?" Natatawang sambit ng guwardya.


"I don't know your name eh..." Sabi ni Mira habang pilit na iniipit ang kanyang boses upang magmukhang mahinhin at humahagikgik. Bahagyang napasulyap si Mira sa direksyon ni Shem ngunit sinensyasan lamang siya nito na magpatuloy lang sa panlilihis lalo pa't nakabukas na ang likuran ng van.


"Bata ano na? Asan—" Napatili si Mira nang makitang napapatingin na sa direksyon ni Shem ang guwardya sa sobrang taranta agad niya itong nasampal ng pagkalakas-lakas.


"B-bakit?" Gulat na napatingin ang guwardya kay Mira habang hawak ang kanyang pisngi.


Labis ang panginginig ni Mira sa sobrang kaba. Hindi na niya alam anong gagawin. Hanggang sa napasigaw na lamang siya.


"Look parang sinagasaan ng pison ang dibdib ko! Kasing flat ng sa lalake!" Sa sobrang kaba, dali-daling iniangat ni Mira ang kanyang kulay berdeng t-shirt at ibinalandra sa guwardya ang kanyang dibdib na natatakpan parin ng kanyang kulay itim na bra.


"Heto na!" Sigaw ni Shem kaya naman dali-daling ibinaba ni Mira ang kanyang t-shirt at dali-daling nagtatakbo pabalik sa loob ng sasakyan habang sumisigaw dahil sa sobrang kahihiyan.


"'Wag mo nang pansinin yon. Baliw yon." Sabi ni Shem sa guwardyang gulat na gulat parin dahil sa ginawa ni Mira. Dali-daling inabot ni Shem ang mga lata ng softdrinks at nagtatakbo narin papasok ng sasakyan.


Sa pagpasok pa lamang, agad na naabutan ni Shem si Mira na pinagsasampal na si Churchill. Imbes na awatin ang dalawa, dali-dali na lamang na pinaandar ni Shem ang sasakyan.


****


Nakahinto lamang ang van ni Shem sa gilid ng tulay. Dahil magha-hatinggabi na, wala na halos mga sasakyan sa napakalapad na daan kaya naman walang takot ang mga ito na manatili rito.


"My life is over. Oh my God, what have I done?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Mira habang tinatakapan ang kanyang mukha sa sobrang hiya.


"'Wag kang mag-alala, mas marami ka pang nagawang mas malaswa—" Bago pa man matapos ni Churchill ang kanyang sinasabi, muli na naman siyang pinaghahampas ni Mira dahilan para muli silang magsigawan.


"Teka andiyan na sila!" Bulalas ni Shem nang mapasulyap sa kanyang rearview mirror at makita ang sasakyan ni Raze na paparating. Dali-daling lumabas ni Shem mula sa sasakyan at pati narin sina Churchill at Mira na nagtatalo parin.


"Did you get Dana?!" Agad na umalingawngaw ang sigaw ni Cielo na tarantang tumatakbo palabas ng sasakyan.


"Mission accomplished!" Anunsyo ni Shem sabay taas ng kanyang mga kamay dahilan para mapabuntong-hininga ang apat na kararating lang.


"Teka ba't may suot kang helmet?" Tanong naman ni Axel nang mapansin ito.


"Trauma." Tipid na sagot ni Shem.


"Where's her body?" Tanong naman ni Harper dahilan para mapangisi si Shem sa kanilang lahat sabay lapit sa likurang bahagi ng van.


Taas-noo at animo'y punong-puno ng pagmamayabang si Shem nang binuksan ito at tumambad sa kanilang lahat ang isang napakalaking Ice Box Cooler na kulay asul. Nang ibinalik ni Shem ang tingin sa apat, nagtaka siya dahil nakangiwi na ang mga ito.


"Y-you put her in a fucking Cooler?" Walang emosyong sambit ni Cielo habang nakangiwi.


"Henyo ko diba?" Taas-noong sambit ni Shem habang humahalakhak. Pinalapit niya ang apat at binuksan ang malaking Cooler dahilan para tumambad sa harapan nilang lahat ang bangkay ni Dana na umuusok pa dahil sa sobrang lamig na dulot ng mga bloke ng yelong pinapatungan nito. Sa gilid naman ng bangkay Dana ay iilang piraso ng malalamig na lata ng softdrinks.


Muling napatingin si Shem sa apat at unti-unti siyang napalunok sa kaba nang makitang napakasama na ng tingin nina Harper, Raze at Cielo sa kanya.



END OF CHAPTER 3!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
KAHIMANAWARI By talesofdemi

Mystery / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...