Indubitable Love [HunHan FF]

By realheartss

8.1K 438 178

INDUBITABLE LOVE, where Sehun and Luhan's love for each other is a true and genuine one. A love that can neve... More

Indubitable Love
Prologue
[ I L ] Diary
[ I L ] Math
[ I L ] Rule
[ I L ] Soccer Event
[ I L ] Night Changes
[ I L ] Baby
[ I L ] Eksolusyon Park
[ I L ] Party 8.1
[ I L ] Party 8.2
[ I L ] Broken Promise
[ I L ] Passed Out
[ I L ] Explanations
[ I L ] Problem
[ I L ] Issue
[ I L ] Confirmation
[ I L ] Call
[ I L ] Excited
[ I L ] Baguio
[ I L ] Quarrel
[ I L ] SOOphisticated

[ I L ] Apology

177 12 0
By realheartss

***



Luhan's POV





Nagising na lang ako kinabukasan ng may nakakasilaw na tumatama sa mata ko. Litsi, ngayon pa nga lang ako halos makakatulog eh.




Flashback


"Para saan pa at naging magbestfriend tayo?" Nang bitawan ko ang mga salitang yun, pinipilit kong makatulog at mga isa o dalwang oras ay nakatulog nga ako. Pero akala ko dire-diretso na yon.





Bigla akong nagising sa hindi malamang dahilan. Parang hindi ako natulog dahil mulat na mulat pa ang mata ko. Tumingin ako sa orasan sa may bed side table at nakita kong 1:16 am pa lamang. Hindi pa ako nakakatulog ng maayos shete otso ou talaga.






Ilang paikot ikot pa ang ginawa ko sa kama habang nakatalukbong pa rin sa kumot. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog."Ugggh! Kainis naman" ilang ulit na ganyan ang sinasabi ko dahil naiinis na ako at hindi ko na ulit magawang makatulog.





Sa sobrang inis ko, initsa ko ang kumot ko at nahulog ito sa sahig. Pero narealize ko na isa nga lang pala ang kumot na gamit namin ni Sehun. Kukunin ko na sana ang kumot na nahulog ng hindi ko sinasadyang mapatingin sa mahimbing na natutulog na si Sehun. Kingina netong lalaking 'to tulog na tulog eh. Magigising pa kaya ito?






Lumapit ako ng konti sa kanya para makita siya ng maayos. Mga 4m ang pagitan ng mukha namin. Madilim din kase eh. Ahe ahe pano pa kaya pag si Professor Kim ang nandito edi hindi ko na nakita hihihi peace po!






Habang tinititigan ko ang mukha ni Sehun, hindi ko maiwasan na mapangiti. Mahabang pilikmata, matangos na ilong, mapulang labi at ang mahaba nyang...baba. Pfffft -- ANO BA ITO GALIT NGA KASE AKO ANO BA!





Hindi ko alam na ganito pala ka perfect ang hitsura ng bestfriend ko. Kaya hindi na ako nagtataka kung ang mga babae, binabae at lalaki ay maghabol sa kanya kasi pogi nga naman talaga sya. All in 1 package na 'tong si Sehun sa totoo lang.





Titig na titig ako sa kanya pero oy wag niyo lalagyan ng malisya 'to kase bestfriend lang ang tingin ko sa kanya. Diba Luhan oo wag kang tatanggi! Hay Luhan baliw ka na kinakausap mo na sarili mo.





"Hmmmm" Sa sobrang busy ko sa kakausap ko sa sarili ko, hindi ko napansin na nagiba na ng pwesto si Sehun. Likod na niya ngayon ang nakaharap sakin.




Litsi ka Luhan! Paano na lang pag nalaman niya na tinititigan mo ang feslaks niya? Hays.





Bumalik ulit ako sa pwesto ko at pinilit na matulog pero hindi ko talaga kaya.
Napagisipan kong tumayo muna dahil hindi pa din naman ako makatulog. Tumungo ako sa may balcony at pagkadating ko doon ay tiningnan ko ang magandang view dito. Parang ako lang, maganda chos. 





Mula dito ay nakikita ko ang malawak na golf club. Gusto ko tuloy mag-golf pero hindi ako maalam hehe. Grabe pala talaga, sobrang laki ng lugar na 'to. Nakaramdam ako ng lamig dahil humangin kaya bumalik na din ako sa kwarto namin at dahan dahang humiga dahil baka magising ko pa 'tong katabi ko. 






Mga ilang oras ko ding tinitigan ang kisame. Nagbibilang ng tupa baka sakaling makatulog na ako pero wala pa din eh. Tiningnan ko ang orasan at 2:30 am na agad. Grabe! Mababawasan na ang beauty ko neto.





Hindi ko rin naman maitatanggi na kaya hindi ako makatulog ay dahil nagaway kami ni Sehun, pati bumabagabag sa isip ko si Sun Gayoung. Ganun ba siya kahalaga kaya ganun na lang ang naging reaksyon ni Sehun? 




Isinantabi ko muna lahat ng iniisip ko at pinikit ulit ang mata ko. Nagdasal na din ako na sana makatulog na nga ako.



End of Flashback




"Uhhhhh. Kain na tayo, nagpadeliver na ako dito pati after nating kumain aalis na tayo. Mga 8 dapat nakaalis na tayo dito." Sabi ni Sehun at tumalikod agad. Tumango na lang ako at pumunta sa mini coffee table na malapit sa kama namin, dun nakahanda ang mga pagkain. Umupo ako sa left side at siya naman sa right side. 





Nagsimula na kaming kumain at nakakapanibago lang kasi wala ni isa sa amin ang umiimik. Tanging tunog ng kutsara't tinidor lamang ang maririnig. Kainis ka Sehun!





Nakatuon lang ang buong atensyon ko sa pagkain. Hindi ko inaangat ang ulo ko para tingan si Sehun o kung sino man. Tingini ka Luhan para kang may gusto kay Sehun nyan eh.





Nang matapos na akong kumain ay tumayo na kaagad ako at pumunta sa banyo para maligo. Hindi na ako nagpaalam sa kanya. Hindi na rin naman nya kailangang malaman dahil bestfriend LANG naman ako eh.





Nagtagal din ako sa banyo ng mga kalahating oras. Iniisip ko pa din yung nangyari kagabi. Hindi ko matanggap.



Binuksan ko na ang pintuan ng matapos akong maligo. Nanlaki ang mata ko ng bumungad kaagad sakin ang mala-anghel na mukha ni Sehun. Na parang nangingiusap na imikan ko na siya. Pero nilagpasan ko lang siya at hinanda ko na ang gamit ko para sa paguwi namin.





Nakasuot lang ako ng black v-neck shirt sa taas, blue shorts sa baba at topsider.

Kinuha ko ang salamin sa bag ko at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin at nakita kong may eyebags ako huhu talagang mababawasan ang beauty ko - MANLY NGA KASE AKO ABA!





Binalik ko na sa bag ang salamin ko dahil bumukas ang pinto sa banyo at niluwa nito si Sehun na nakasuot ng blue v-neck shirt, black skinny jeans at snickers. Teka lang - parang nabaliktad lang kulay ng suot namen shete ka oh Sehun idol mo ba ako?!?! 





Nang matapos na syang magayos, umalis na kami sa room namin at nakitang si Manong ay nagiintay sa tapat.





Naglakad kami ng sabay na walang imikan. Sumakay kami sa elevator na walang imikan. Bumaba kami ng elevator na walang imikan. Pumunta kami ng Parking Lot na walang imikan at sumakay kami sa kotse na walang imikan.


--


Pagkababa ko ng kotse ay naabutan kong nagaantay si Mama sa may gate namin. Tinext ko siya nung nasa may mismong subdivision na kami.





Buong byahe kaming walang kibuan ni Sehun at talagang hindi ako sanay na ganon. Kahit na gusto ko syang imikan, ay napigilan ko. Mataas na kung mataas ang pride ko pero, hindi maaalis sakin na nasaktan ako. At wala pa akong naririnig na sorry mula sa kanya kaya lalong bumibigat ang pakiramdam ko.





Kinuha ko ang bag ko sa compartment ng kotse at humarap kay Sehun na kalalabas lang ng kotse at lumapit kay Mama. Nagpasalamat naman siya dito dahil pinayagan ako ni Mama na sumama sa kanya.





Nang matapos nyang kausapin si Mama ay humarap siya sakin. Ayaw ko man syang kausapin pero I don't wanna be rude in front of my mother and despite of everything he did to me. "Salamat" sabi ko sa kanya ng hindi siya tinitingan at bumaling ako kay Mama para humalik sabay nagmadaling makapasok sa bahay namin. 






Pagkapasok ko sa bahay namin ay naabutan ko ang kapatid ko na may hawak na tea cup at prenteng nakaupo sa sofa namin sa living room. Napabuga siya ng iniinom niya ng makita ako at sumigaw pa. Back to reality nanaman ako dito sa kapatid ko.





"HI SIS OMGGG!!!!!! YOU'RE-- AY?" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil umakyat na ako sa hagdan papunta sa kwarto ko.


Pagkasarado ko ng pinto ay pinatong ko ang bag ko sa may study table at napasalampak agad ako sa kama. Namiss ko ang pinakamamahal kong kama kahit saglit lang kami nagkahiwalay kaya ninamnam ko muna ang sandali kasama ang kama ko. 






Patulog na sana ako kaso biglang bumukas ng padabog ang pintuan. Balak na naman ata netong sirain ang pintuan ko. Kahit hindi ko tingan kung sino ang nagbukas, ay iisa lang naman ang gumagawa nun.  




"OYYY SIS BUMANGON KA DYAN BAKIT KA BA GANYAN? ANONG NANGYARE HA? MAGKWENTO KA SAKEN NOW NA!" Akala mo naman may sunog kung makasigaw 'tong kapatid ko. Ang sarap lagyan ng tape ang bibig niya.





"Bro, wala pa akong gana please wag ngayon?" Sabi ko habang hindi parin siya tinitingan at tinalikuran ko siya. Pero alam kong nakabusangot na ang mukha neto dahil sa tinawag ko sa kanya.





"ANO BA SIS! PAULIT ULIT NANAMAN TAYO EH. ATSAKA GANYAN MO NA BA AKO NAMISS? NA WALANG YAKAP SAKIN AT WALANG KISS MAN LANG? COME ON SIS I KNOW MAY PROBLEMA KA KAYA WE NEED TO TALK RIGHT HERE RIGHT NOW. Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko kaya wala na rin akong nagawa kundi umupo at humarap sa kapatid ko na ngayon ay sinusuri ang magiging reaksyon ko. I dont know what to feel but I'm in this verge of crying.





Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Bigla na lamang akong napahagulgol. Hindi ko malaman ang rason kung bakit ako umiiyak ngayon. Dahil ba sa nasaktan ako sa sinabi ni Sehun? Dahil ba sa hindi niya ako iniimikan? O dahil ba sa hindi pa siya nagso-sorry sakin at natiis nyang hindi talaga ako kausapin? Heto ako ngayon, umiiyak at nakayakap sa bisig ng kapatid ko.





Niyakap naman ako pabalik ni Baek at hinagod hagod niya ang aking likod habang nagsasabi na okay lang yan.

Medyo gumaan naman ang boobs ko sa pangyayaring ito. Totoo nga na kapag masama ang loob mo, iiyak mo lang lahat hanggang sa gumaan naman ang pakiramdam mo. Naramdaman kong may tumutulong malagkit na likido mula sa ilong ko. "YUUUCCKK SIS KADIRI KA ETO TISSUE TULO NA SIPON MO KADERDERNS KA" Binato niya sakin ang tissue roll na kinuha nya sa cabinet ko. Yung hitsura ni Baek ngayon diring-diri talaga sakin at akala mo naman hindi nagkakasipon 'tong gaga na ito eh. 





"Bestes ke! Negeemete pe eke senere me nemen eh." Sabi ko habang sumisinga sa tissue na binigay nya sakin. Pabiro ko namang pinahid sa kanya yon at nagtawanan kami parehas. "IKAW ANG BASTOS JUSQ MANDIRI KA HA. Pero seryoso, anong nangyari? Nagkagalit ba kayo ni Sehun?" Pang iintriga niya.






Natagalan pa ako bago sagutin ang tanong niya. "Oo" tipid kong sagot. "Bakit naman?" Seryosong sinabi ni Baek kaya naman kinuwento ko na sa kanya kung anong nangyari. Simula dun sa tawag hanggang sa sagutan namin bago kami matulog. Nabigla din naman si Baek kasi hindi nya inaasahan na lalabas yon mula sa bibig ni Sehun.





"Seryoso ka bang si Sehun ang nagsabi non Sis?"




"Gaga ka ba? Eh kami nga lang dalawa ang nandun sa room eh." Napairap na lang ako sa minsanang kabobohan ng kapatid ko. Sarap kurutin sa singit.






"Ay! Oo nga pala hehehe. Back to the topic - Sa tingin mo ba sino nga kaya ang Sun Gayoung na yun? Pero feeling ko mas maganda pa ako dun sure ako don hihi." Tinaas-baba niya pa ang kilay niya kaya napabuntong hininga ako sa kabaliwan ng kapatid ko.





"Hay nako tumigil ka nga. Pero kasi alam mo, ang sakit nung sinabi niya yun sakin. Parang hindi maabsorb ng utak ko eh. Sabihan ka ba namang hindi porket bestfriend ay dapat alam mo na lahat. What's the purpose of this so called 'Bestfriend' kung hindi nya sasabihin sakin diba?" Sabi ko at naikuyom ang kamay ko.




Napatingin si Baek sa kamay ko at hinawakan niya ito para mapakalma ako. "May mga bagay nga naman kase talaga na hindi pwedeng sabihin kahit bestfriend ka pa. May mga bagay na sinasarili na lamang. At porket hindi niya sinabi sayo ay ibig sabihin, hindi ka na niya bestfriend - No! Minsan kasi kailangang mapag-isa ng taong yon para pagisipan ang lahat with himself alone. Kaya sana intindihin mo din si Sehun ha? Alam ko namang hindi nun sinasadya na masabihan ka ng ganun. Simula bata palang tayo, kayo na lagi ang magkasama at magkasundo sa lahat ng bagay diba? Kaya wag kang magisip ng kung ano-ano diyan. Ikaw pa din naman ang One and Only bestfriend ni Oh Sehun." Aniya at kinindatan ako. Ewww.




"Salamat ah? Napagaan mo ang loob ko kahit papano pero please lang, wag mo na akong kikindatan ha? Nakakasuka kasi lam mo yon?"





"Ewan ko ba sayo Sis ang arte mo talaga! Hmmpp!" Galit galitan kuno nitong Baekla na ito. "Pero tandaan mo, nandito ako palagi para sayo. Kung gusto mo i-hapkido ko yung babaeng yon, tawagan mo lang ako ah? Ayokong nasasaktan ang nagiisa kong kapatid okay?" Hinawakan niya ang balikat ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.




Napakaswerte ko sa kapatid kong 'to. Sa kabila ng mga kalokohan, kaartehan, kabaeklaan at katarayan ay nandyan pa din siya sakin kahit na ano man ang mangyari. Kahit na ako ang mas matanda samin ay pinoprotektahan niya din ako. "Osya sige, may Eyeliner Siesta pa ako Sis ha? Hasta Lavista" Nagflying kiss pa siya habang naglalakad paalis ng kwarto ko jusq hindi ko kinaya.


---


8:31 pm


Ang bilis ng oras at gabi na kaya naman nakabihis na ako ngayon ng pantulog. Nakahiga ako sa kama ko at nakatitig sa kisame. Hindi ko feel matulog ngayon at hindi ko alam ang gagawin ko. Itext ko kaya siya? Pero ayoko, dapat siya ang mauna. Ughh sige na nga. Kinuha ko ang phone ko at magta-type na sana ng biglang may kumatok.



Tok tok~



Napatingin ako sa pintuan at sumigaw ng 'pasok' kaya bumukas ito. Nakita ko si Mama na nakapantulog na din."Luhan anak, may bisita ka sa baba." Sabi ni Mama sa may hamba ng pintuan.




Bisita? At this hour? Sino naman kaya yon? "Sige po, bababa na po ako" Sabi ko habang sinusuot ang tsinelas ko at lumabas ng kwarto.




Habang naglalakad patungo sa living room, ay nagtataka ako kung sino naman kaya ang matinong tao na pupunta dito samin ng ganitong oras at bakit naman kaya siya pumunta?




Nasagot lahat ng tanong ko ng pagkababa ko ng hagdan at nakita ko yung tao na yon na nakaupo sa sofa namin. Natigilan ako dahil hindi ko inaasahan ang pagbisita nya sakin dito. Ano naman ba ang pakay nito?





Nang nakita niya ako na hindi nagalaw sa pwesto ko ay nilapitan niya kaagad ako at niyakap. Hindi maabsorb ng utak ko yung mga pangyayari. Lahat ata nagiging slow motion sa paningin ko.


"Luhan" sabi niya habang nakayakap pa din sakin.




"Sehun.." Hindi ko siya nayakap pabalik dahil nabigla pa din talaga ako sa pangyayari. Totoo ba 'to? Yinayakap ako ngayon ni Sehun, ang bestfriend ko. 




"Luhan..."





"Sehun..."





"Puro kayo Sehun-Luhan so ano yan lang ba ang alam nyong sabihin? Aabutin na kayo diyan ng umaga hindi pa rin kayo nagkakaayos. MYGHAD! NAKAKASTRESS KAYO" Lumitaw si Baek dahilan ng pagkagulat namin kaya naman napabitaw sakin si Sehun. Pinanlakihan ko ng mata ang kapatid ko. "Hehehe oo sabi ko nga so shut up na lang ako" Pumunta ng kusina si Baek at sinabing ituloy na daw namin ang nasira naming moment dahil sa kanya.





Pagkaharap ko kay Sehun ay niyakap niya ulit ako. Aba galawang Oh Sehun 'to ah. "Luhan, Im sorry" Tama ba yung narinig ko? Sorry? Patagal ng patagal ay humihigpit ang pagkakayakap niya sakin kaya naman napakapit ako sakanya at tinapik tapik ko siya. "Hindi ako makahinga" Agad naman syang bumitaw at humingi ulit sakin ng tawad. 








Kring kring~




Papatawarin ko na sana si Sehun pero natigil ang paguusap namin dahil nagring ang telepono. Sino naman kaya ang tatawag samin? Dali-daling tumakbo si Baek para sagutin ang tawag. "Halo huz diz kabayong buntis?" Puro talaga kalokohan ang kapatid ko at hindi pa nahiya kase malay ba namin mamaya taga-company pala yung tumatawag tapos ganun ang sagot niya.  





Nakanganga na ngayon si Baek sa hindi ko malamang dahilan kung bakit. Nilapitan ko siya at hinampas ng mahina ang braso niya. "Huy anyare sayo?" Nabitawan niya ang telepono at bigla na lang bumagsak. Agad ko naman siyang sinalo at dinaluhan din ako ni Mama na kakadating lang at ni Sehun na nabigla sa nangyari. 





"Jusmiyo Baekhyuna gumising ka anak!" Taranta na si Mama at hindi malaman kung anong gagawin pero sinabi ko na tulungan niya ko at ihihiga muna namin si Baek sa sofa. Pinakiusapan ko naman si Sehun na kausapin niya kung sino ba yung tumatawag. 





Nang maihiga na namin si Baek ay napaupo kami ni Mama dahil sa pagod. Ang bigat ng kapatid ko taena ilang hotdog ba ang kinakain nito araw-araw?





Napansin kong binaba na ni Sehun yung telepono at lumapit siya samin. "Sino daw pala yun?" Tanong ko habang pinupunasan ang pawis ko.






"Si Kuya Chanyeol"




  ***

HINDI PO NAMIN KINAYA YUNG MGA SOUND EFFECTS PRAMIS TOK TOK AT KRING KRING PA HAHAHAHA :(((


Thank you for reading!

-realheartss&Selusian-

Continue Reading

You'll Also Like

205K 6.3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
1.1M 27.5K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
5.2K 135 65
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!
3.4K 238 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.