Class 2 - 3 | Tagalog Story

Door hwangeunbb

5.2K 89 12

Started : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyay... Meer

Class 2 - 3
Bullied
Happiness
Tired
Dangerous
I'm The New Boss
I Can't Fight Anymore
Smart One
Top 1
Lost Memory
Dancer
Just Dance
Injured
Friendly
Friendly People
Conscience
Singer
Angelic Voice
Cracked Voice
Loud
Noisy Surroundings
I Can't Take It Anymore
Popular
Famous
Unfamous
Writer
Lies
Truth Hurts
Happy Day
Lonely
Sporty
I'm The Winner
Loser
The Class President
New Class President
Goodnight, Bestfriend
Just A Dream/Nightmare

Funny One

72 1 0
Door hwangeunbb

{Si Angel naman ngayon ang nawala. Sino naman kaya ang susunod?}

Jahz' POV.

Hindi. Hindi pwedeng mawala si Angel. Hindi. Ano na ba ang nangyayari? Hindi ko na kayang makita pang mawala ulit ang iba ko pang mga kaklase. Ano na ba ang pwede kong gawin para iligtas sila? Argh! Naiinis na ako sa sarili ko!

Pagtingin ko sa ibaba may sunog na notebook akong nakita malapit sa paahan ko. K-kay Angel ba 'to? Dahan-dahan kong kinuha yun pagkakuha ko humarap sa akin si Izza.

"Anong nakasulat jan?", S-sulat ni Angel 'to.

"Nakasulat dito yung... mga sinabi niya tungkol sa boyfriend niyang si Yibo Wang.", Siguro eto yung binigay ni Mr. Norman sa kanya.

"Tingin ko Jahz tapos na yung misyon natin kay Angel. Bumalik na tayo sa classroom para naman makapagpahinga na ulit tayong dalawa.", Napatingin ako kay Izza.

Siguro nga tama si Izza. Tapos na yung misyon namin kay Angel pero... tingin ko hindi pa dito nagtatapos ang lahat baka may susunod nanamang biktima si Mr. Norman.

"Jahz. Halikana.", Inakabayan ako ni Izza tapos sabay na kaming naglakad palabas ng photo studio.

Pagdating namin sa classroom. Napansin namin ang malakas na tawanan sa loob. Siguro nagkwekwento nanaman ng kalokohan si Mika. Hindi na talaga siya nagbago. Buti pa siya, walang problemang dinadala. Parati lang siyang masaya eh.

Naglakad ako papunta sa upuan ko na malapit sa kanila Mika. Pag-upo ko doon agad namang umupo sa tabi ko si Izza pero parang pinapakinggan niya yung kinukwentong kalokohan ni Mika kaya nakikita kong tumatawa siya. Siguro kailangan kong ding pakinggan si Mika.

Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko at sinimulan ko nang pakinggan si Mika.

"Alam niyo ba yung Norway? Diba? yun yung sinasabi ng tao pag ayaw nila ang isang bagay. Norway!", Napangiti ako sa sinabing joke ni Mika.

"No way yun Mika.", Sabi ni Izza.

"Ay sorry na agad.", Pagkatapos nagtawanan ulit silang lahat.

Mika's POV.

Hay~ ang sarap sa feeling pag may napapasaya kang tao. Yun lang naman yung gawain ko palagi. Ang pasayahin ang mga kaklase kong mukhang malungkot. Ayaw kong may malungkot akong nakikita sa paligid ko. Gusto parati silang nakangiti.

Kaya parati akong nag-iisip ng mga jokes na pwedeng sabihin sa kanila. Kahit ang corny ko na. Napapatawa ko pa din naman sila. Eto lang yung gusto ko sa buhay.

"Mika. Magsabi ka pa ng mga jokes mo.", Sabi sa akin ni Jahz.

"Ay sige sige para kay Class President. May kaklase tayong pangalan Kurt. Diba yung Kurt palaruan yun? Basketball Kurt!", Tae ang corny! Hahahah!

Nakita ko na natawa si Jahz sa sinabi kong joke. Minsan lang 'to tumawa sa mga jokes ko. Actually, paminsan-minsan lang 'to nakikinig sa akin. Napakabusy kasi niya palagid kasi nga siya ang Class President pero ngayon nagawa ko siyang pasayahin.

Lunch break na. Karamihan sa mga kaklase ko nagsipaglabasan na para bumili sa canteen. Hindi ako bibili. May baon ako eh. Tahimik yung paligid habang kumakain ako. Nakita ko na nakabalik na sina Jahz at Izza. Mukha namang nakakain na sila nang maayos.

Pagtingin ko sa gilid ko doon umupo sila Izza at Jahz. Siguro tinamad na sila maglakad papunta sa upuan nila.

"Guys! Baka gusto niyo pang kumain. Pwede ko kayong bigyan.", Sabay silang tumingin sa akin.

"Hmm. Mukhang masarap yung ulam mo ah.", Sabi ni Izza.

"Tumigil ka nga jan Izza. Kakakain lang natin. Salamat na lang Mika. Tapos na kasi kaming kumain eh. Salamat ulit.", Nginitian ako ni Jahz.

Ok. Sayang masarap pa naman yung ulam ko pero tama si Jahz kakatapos pa lang nila kumain kaya tingin ko hindi na sila nagugutom pa. Hay~ makakain na nga lang dito. Nagulat ako nung may kumuha sa pagkain ko. Isa sa mga kaklase kong lalaki yung kumuha.

"Wow! Corned beef ang ulam mo. Mika wala ka bang joke dito? Tingnan mo yung corned beef mo lumilipad.", Biglang tinapon ng lalaki yung ulam ko.

"Hoy! Tumigil ka nga jan!", Sabay kaming napatingin kay Jahz pagkatapos dali-daling tumakbo palabas yung kaklase kong lalaki.

Tsk natakot kay Class President.

"Paano ba yan Mika baka gutom ka pa.", Sabi nung isa sa mga kaklase kong babae tapos nagtawanan sila kasama yung mga kaibigan niya.

"Mika. Wag mo silang pakinggan. Halika linisin na lang natin tong kalat.", Sabi sa akin ni Jahz.

"Jahz. Pati yang si Mika walisin mo na din ha. Hahahah!", Pahabol pa ng babae.

"Jahz. Hindi na ako makapagpigil. Gusto ko nang patulan yung mga babaeng yan.", Narinig kong sinabi ni Izza.

"Wag. Hayaan mo lang sila. Mga walang magawa yan sa buhay kaya nagpapapansin. Halikana Mika linisin na natin 'to.", Nginitian ako ni Jahz. Bat ba ang bait-bait mo?

Pero yung mga iba nating kaklase parang pinagtri'tripan lang ako. Kapag nakikinig naman sila sa mga kinukwento kong mga jokes natatawa sila pero bat ngayon ako naman yung pinagtritripan nila para pagtawanan. Mga plastic talaga ang iba sa mga kaklase ko dito.

N-naiiyak ako. Hindi nila ako pwedeng makitang umiyak. Kailangan kong lumabas muna dito.

Jahz' POV.

Seryoso kong nililinis yung natapong pagkain ni Mika pati si Izza tinulungan na din ako. Sabay kaming nabigla nung dali-daling lumabas ng classroom si Mika. Saan yun pupunta?

"Hala baka nasaktan siya dahil sa mga pinanggagawa ng mga kaklase natin sa kanya", Pabulong na sinabi ni Izza sa akin.

"Baka nga.", Kawawa naman si Mika.

Siya na nga tong nagpapasaya sa mga kaklase niya. Siya pa yung binubully ngayon. Hay naku~

Mika's POV.

Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Kailangan ngumiti ako. Hindi ako pwedeng sumimangot. Seryoso akong naglalakad sa corridor ng school nang may bigla akong nabangga. I'm sorry hindi kita nakita.

Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko na si Mr. Norman yung nabangga ko. My goodness, teacher yung nabangga ko.

"Sir I'm sorry po. H-hindi ko po kasi kayo nakita. Sorry po talaga.", Nginitian ako ni Mr. Norman.

"Mukhang wala ka sa sarili mo habang naglalakad ka ah. Halika gusto kitang kausapin sa loob ng counseling room.", Bigla akong inakbayan ni Mr. Norman.

Nakadama ako ng kaba nung inakbayan niya ako. Ano naman yung pag-uusapan namin sa loob ng counseling room? Bat doon pa sa loob? Pwede naman dito na kmi sa labas mag-usap. Masyadong masekreto tong si Mr. Norman.

Jahz' POV.

Kasama ko si Izza. Pagkatapos naming maglinis lumabas kami sa classroom para pumunta sa restroom. Maghuhugas kami ng kamay. Habang naglalakad kaming dalawa. Sabay kaming napahinto nung makita naming dalawa na magkasama sina Mika at Mr. Norman.

"Hindi ko alam na close na pala sila Mika at Mr. Norman.", Sabi sa akin ni Izza.

"Siguro papunta sila ng counseling room.", Napatingin sa akin si Izza.

"So ang ibig sabihin...", Tumingin ako kay Izza.

"Siya yung susunod na biktima ni Mr. Norman.", Agad kaming naglakad para sundan sina Mika at Mr. Norman nang pasekreto.

Tumigil lang kami sa kakasunod nung huminto na sila sa paglalakad. Sabi na nga pupunta silang dalawa sa counseling room. Ano nanaman ang io'offer ni Mr. Norman kay Mika? Hindi maganda 'to. Kailangan naming gumawa ng paraan ni Izza.

Mika's POV.

Pagdating namin sa counseling room agad na binuksan ni Mr. Norman yung pinto tapos ako yung pinauna niyang pumasok sa loob. Pagpasok ko pumasok na din siya sa loob ng counseling room. Pagkatapos nakangiti siyang humarap sa akin.

"You may take your seat, Mika.", Dahan-dahan akong umupo sa upuang nakaharap sa kanya.

Tapos dahan-dahan siyang puwesto sa harap ko. Tinititigan nanaman niya ako habang nakangiti siya. Parati ba talaga siyang ngumingiti?

"Sir. Ano na po ang pag-uusapan nating dalawa dito?", Tumingin ulit siya sa akin.

"Wala ka bang bagong jokes ngayon? Gusto kong matawa ngayon eh. Masyado akong madaming ginagawa ngayon kaya kailangan ko ng isang taong magpapasaya sa akin.", Tsk wala ako sa mood ngayon para magsabi ng jokes.

"S-sorry po Sir. Wala po akong baong mga jokes ngayon. Pasensya na po ulit.", Dahan-dahang umupo si Mr. Norman sa upuang nasa harap ko.

"Mukhang may dinadamdam ka ngayon dahil ba yan sa pagiging plastic ng iba mong kaklase sayo?", P-paano niya nalaman yun?

"P-paano niyo po nalaman yun?", Nakakapagtaka naman.

"Mika. Lahat alam ko. Lahat lahat...", Nakakatakot naman si Mr. Norman.

"Pwede kitang matulungan sa problema mo ngayon.", H-huh?

"P-paano niyo naman po ako matutulungan?", Dahan-dahang lumapit sa akin si Mr. Norman.

Paglapit niya sa akin bigla niyang kinuha yung kanang kamay ko tapos may binigay siyang isang candy sa akin. A-ano naman yung matutulong sa akin nito?

"Seryoso po ba kayo dito?", Nginitian niya ako.

"Kainin mo... malalaman mo yung sagot sa tanong mo sa akin.", O-ok.

Dahan-dahan kong binuksan yung candy. Pagkatapos unti-unti kong kinain. Hmm... ang sarap ng candy na 'to ha. Napahinto ako sa pagnguya nung nagsalita si Mr. Norman.

"Sige na, Mika. Pwede ka nang lumabas.", O-ok.

Pagkatapos sabihin ni Mr. Norman yun lumabas na agad ako sa counseling room. Totoo ba yung sinabi ni Mr. Norman sa akin? Ano naman yung maitutulong ng isang candy sa problema ko? Nakakapagtaka naman 'to.

Ang hirap paniwalaan. Ano ba yan?!

{Matutulungan ba talaga ni Mr. Norman si Mika? ABANGAN.}

-End of Chapter 28-

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
137K 2.5K 6
Friend Zone short stories. Pag kaybigan kaybigan lang para walang masaktan I Hope na maka pulot kayo ng aral dito sa story na to.
18.2K 674 93
Story tungkol sa isang beki at isang astig na girl
6.9M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...