UNCONDITIONALLY (Spiker Serie...

By mixup15

196K 6K 585

Season 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016 More

UNCONDITIONALLY (Spiker Series:Book 3)
1- possessive?
are you drunk?
Bully Love
Stage girlfriend
promises
Torn
just a day
mini concert
Japan or Philippines?
Sorry...
well spent
the waitress
Say you will
immaturities of being inlove
Torn in another situation
Hug is enough #camveza
dreams
nasabi ko na bang?
God's will
Gaano kita kamahal?
revelations
Cienne's Classmate
Aalis ka ulit?
Camille's THoughts
something new
Hayaan mo sila
"Asawa"
RESPETO
Observations
ERIC
after game
karibal
New HOPES
Fruitcake
Ashley
Kailangan
Dorm
Panaginip
Siya yon!
LET IT BE
5 years
Namutla
party
Makulit si Camille
KaRa famkulet
YURI for the win
selos pa kasi
Distance and Family
Sana
Twittah
Chics
Kim's HOME sweet HOME
Back to business...
One Sunday Morning
GOSH! BEHAVE!
Consequences and Surprises
friendly match
#Love #Family

Confessions

1.8K 80 10
By mixup15

MIKA's POV

This is the big day for Nathan! Excited akong kumuha ng pictures! Ha ha! Inumpisahan ko na nga kanina nang tulog pa ang teammates ko. ha ha! Sorry na! may final rehearsal pa kasi si Nathan kagabi at full support sila. Actually sila ang back up dances. Ha ha!

"Itigil mo nga yan baks..."

Naalimpungatan ang mahal ko oh.

"Wake up like this lang Moy oh."pang-aasar ko sa kanya.

Nagkumot ulit siya. "Bahala ka nga."

Inilapag ko sa gilid ang camera bago ko siya niyakap. At hinalik-halikan sa may tainga.

"Angkulet mika. Magpatulog ka."

Haha! Hindi ako titigil! Naiinis siyang humarap sa akin. Yung eyabags niya, yung labi niya at yung tangos ng ilong niya.

"Oh? Bumabawi lang ako sa pang-iignore mo sa akin ng ilang araw e. Nagtampo kaya ako kasi laging si Ayumi ang kasama mo. Tapos hindi ka nagtetext. Good morning. Good night lang minsan." Simangot ko sa kanya.

Hindi naman siya umimik. Pinaunan niya ako sa braso niya. "Tulog na muna ako. mamaya ka na mangulit."

Isiniksik ko ang ilong ko sa leeg niya. I was really murmuring I love you while she is brushing my hair with her fingers.

"I love you too. Kahit kumukulit ka na."

--

We are having late breakfast. Sa sobrang pagod yata ng mga to tinanghali na ng gising e. May bumusina. Then somebody is calling out my name. It's actually Nathan. Pinagbuksan ko na nga siya. and I was surprise to see his parents.

Nagmano ako sa kanila.

"Good morning hija. Sabi nitong kinakapatid mo ay tinutulungan niyo daw siya para sa contest mamaya?"

"Ah opo. Bakit po tito?"

"Ah wala naman. Gusto ko lang magpasalamat sa kanila."

Pinapasok ko na sila. Hi and hellos. Pinakilala ko isa-isa ang team. Natutuwa naman sila kasi daw may new friends si Nathan. And I was really wondering kung alam nila kung anong contest ang pinasok ng anak nila. Ha ha! Sa totoo lang!

Sa kalagitnaan ang pagkukwentuhan ay biglang pumasok si Gab! As usual makikibreakfast din to e.

"Good morning everyone!"

Natahimik kaming lahat. tapos siya, loading yata dahil nang makita niya ang parents ni Nathan ay namutla siya tapos namula na naman ang tainga. Ha ha. Pahiya e.

"We've meet again hijo..."sabi ni tita na tumayo pa at nag-extend ng kamay kay Gab. "IT is really nice to see you again."

Napakamot sa batok si Gab. "Good morning maam. Nice to see you din po."

"Naalala mo yung kinwento ko sayo mahal?"baling niya kay tito. "Yung lalaking humabol sa snatcher?"

Tumayo na din si tito. She shook hands with Gab. Tuloy ang kwentuhan sabay ng breakfast. Missing in action si Ara dahil nagjajogging sila ni Kim. Ayaw niya akong kasama dahil kukulitin ko lang daw siya e. ha ha! Siyempre! Babawi nga kasi ako e.

"Guys alis na ako."sabi ni Gab. "Sunod ako kena Ara. Jogging din."

"Sa oras na to?"said Majoy."Magjajogging ka pa talaga?"

Poker face na tumango si Gab. "Maiba lang."

Nagpaalam siya sa mga magulang ni Nathan.

"Hijo, siya ba yung captain ng soccer team na kinukwento mo?"

Nathan nodded. "He is a good guy."

"hindi lang halata tito."singit ko naman.

"I know. I know."sabi ni tita. "I can actually feel that he is a good person. Yung kasama lang niya noon ang hindi ko gusto. That guy is so arrogant."

"Ma..."said Nathan."Let's not talk about this please."

--

Kim's pov

Madaya si Ara. Ang text niya ay kaming dalawa lang ang magjojogging pero heto. Kasama pala si Cienne.

"Okay lang kayo? May problema ba?" inosente ba talaga tong si Ara? Parang may alam na e.

Tumango ako. "tama na ang pahinga siguro to. Jogging ulit."

"Sa gym na muna ako."sabi ni Ara. "Leg work out. Mauna na kayong umuwi. Matagalan pa ako e."

Awkward moment! Anong sasabihin ko? Kukumustahin ko ba siya? Ano na Kim? Ano na?

"Jogging na tayo ulit."Tumayo na ako. Sinimulan ko na ulit magjogging. Nakalayo na ako. Akala ko nakasunod lang siya. Nang nilingon ko siya ay nakaupo pa din pala. "Pagod ka na? hindi pa nga nakakabenteng ikot e!"

Yung ngit niya nang-aasar. Tumayo na siya. Nang makalapit siya sa akin ay nakangiti na siya. "Tiningnan ko lang kung lilingon ka. Siguro namiss mo din ako. Pero mas nararamdaman mo yung galit kaya tinitiis mo ako."

"Ewan ko sayo. Bahala ka nga."

Tumalikod na ulit ako. Wala nang pansinan to. Bahala siya.

"Hindi ako titigil!"Sigaw niya. "Hangga't hindi mo ulit ako mamahalin! Hangga't hindi mo ako binabalikan!"

Tumigil ako. Nakapameywang na hinarap ko siya. "Mahihirapan tayong pareho kung ganito. May gusto akong ipriority and for now wala sa isip ko yan."

"Pero hindi pa din ako titigil. Hihintayin kong maging tayo ulit."

"Bahala ka. Mainipin ka baka hindi mo rin magagawa yang sinasabi mo."

Uuwi na lang ako. Nakakainis lang to. Sa susunod mag-isa ko na lang ang magjojogging!

"Kim!"

Hindi ko siya pinapakinggan. Malapit na ako sa gate.

"Kim ano ba! Hintayin mo nga ako!"

Kunwari wala pa rin akong naririnig. Nakapag-ipon ba to ng energy sa America at parang anghyper hyper niya ngayon?

"Isa! Kapag hindi mo ako hinintay magpapasagasa ako dito!"

Nilingon ko siya."Baliw ka ba? Hindi ako heartthrob para magpasagasa ka kung hindi ka pinapansin. Para kang ewan."

"Strike two! Concern ka pa din sa akin kasi nilingon mo ako." nagpeace pa siya.

"Excuse me? Itigil mo nga yan. It is not helping."

"Yes it is!"

Binilisan niya ang lakad. Hinigit niya agad ang braso ko.

"Umuwi na tayo sa bahay mo. Ipagluluto kita ng masarap ng breakfast."

"Sa dorm na lang. Siguradong may pagkain dun."

"Ayaw mo lang ng luto ko e."

"Hindi na to tulad ng dati. Yun lang yon."

--

Ara's pov

Nang tapos ko nay un mga leg exercises na tinuro ni Ayumi, pumunta ako sa roof top ng Learning Resource Center.

Angganda ng view talaga dito. Tanaw ang buong campus.

Buti na lang talaga mabilis ang paggaling ko. Buti na lang! Naupo muna ako sa gilid. Yung hindi nasisinagan ng araw. Sumandal sa pader at pumikit. Maiidlip lang nang kaunti. Kaunti lang talaga.

BZzt....Bzzt...Bzzt...

Naalimpungatan ako sa alarm ng phone ko. Isang oras na pala akong nakatulog. Kaya pala nakahiga na ako. haha! Makabalik na nga sa dorm.

Shocks! Yung lalaki! Yung lalaki! Magpapakamatay yata! Nakataas pa ang dalawang kamay niya. anong gagawin ko? Kapag sisigaw ako baka biglang mahulog kasalanan ko pa.

Paano pag tumalon nga siya? Alangan panoorin ko lang?

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nang makatiyempo na ako ay hinila ko siya sa tshirt niya!

Aray naman! Natumba kasi kami tapos yung likod ko talaga sumakit!

"Damn!" rinig kong sabi niya.

Wala akong paki! Basta hindi ako nakasaksi ng pagmamakatay!

"Ara?"

"Nathan?"

Sabay naming sabi.

"Anong ginagawa mo? bakit ka nagpapakatay? Anong problema mo?!"alog ko pa sa kanya.

Umayos siya ng upo na sapu-sapo ang kaliwang braso niya. "Sinong nagsabing magpapakamatay ako? Saka anong ginagawa mo dito?"

"E bakit ka nandun?" turo ko sa tinungtungan niya kanina.

"Nagrerelax lang ako. Bakit ka nga pala nandito?"

"Nagrerelax din kaso nakatulog ako."

Uuwi na talaga ako. Sa dorm din daw siya pupunta dahil naiwan niya dun ang phone niya. Mamayang gabi na pala yung contest!

"Uy good luck pala. Galingan mo mamaya."

"Thanks. Good luck nga sa akin."

Man of few words naman tong si Nathan. Ah pinagselosan ko pala to! Kaunti! Pero sabi ni Ayumi baka sinasadya lang ni Mika yung mga pictures na magkasama sila kaya hayun. Hindi ko na pinansin.

Kakalabas lang namin ng gate ng biglang may humarang sa amin. Si ano. Ano ng pangalan nito? Yung kaibigan ni Carol! Nakikita ko kasi din siya sa mga pinopost na pictures ni Carol e.

"Diba friend ka ni Carol?"

Eee? Hindi niya yata ako narinig. Galit ba siya?

"Tara na Vic." Hinigit Ako ni Nathan sa kanang kamay.

Pero itong kaibigan ni Carol biglang sinuntok si Nathan! Nakasigaw ako sa gulat! Shocks! Natumba si Nathan! Hindi pa siya nakontento pinagsusuntok niya pa ito.

Sinubukan kong awatin yung lalaki pero naitulak niya ako.

"Pinagsabihan na kita! Layuan mo siya!" sigaw nung lalaki.

Naman! Yung guard wala din nagawa dahil tinulak lang siya nung lalaki. Wala man lang tutulong? Anong klaseng mga estudyante to? Manonood lang ba sila?

"Nathan!"

"Nate!"

"Nathan!"

Sa wakas! Kapareho sila ng uniform ni Nathan. Nasuntok pa nila yung lalaki pero nakatakbo naman ito. Yung ibang kasama nila hinabol siya. Nilapitan ko na si Nathan. Pumutok ang labi niya.

Hinihingal yung mga lalaki nang bumalik.

"Hindi na namin nahabol. Dalhin ka namin sa clinic."

Inalalayan nila si Nathan hanggang sa clinic. Paano na yung contest mamaya?

--

Sa Clinic.

Classmates pala ni Nathan ang mga to. Mukhang hindi gagawa ng matino e. ha ha! Sorry.

"Bro, kaibigan yata ni Carol Cerveza ng volleyball team yun e. Paano na?"

"Wala akong pakialam bro. Makakatikim sa akin ang gagong yon."

Nandito na sina Mika. Kasama si Gab.

"What happened?"tanong ni Mika."Hindi ka man lang gumanti? Ano ba yan!"

Ngumiti lang si Nathan. "I promised mom,hindi ako makikipag-away."

"Miks,"sabi nung isang kaklase ni Nathan."Ngayon pa lang magsosorry na kami kung ano nag pwede naming gawin sa kaibigan mong yon."

"Sino bang gumawa nit okay Nathan?" tanong ulit ni Mika. "Langya. May contest pa mamaya. HIndi na maganda tong kinakapatid ko."

Nagawa pa talagang magbiro?

"Baliw." Hirap na sabi ni Nathan."Okay na to mamaya."

"Si ano. Yung kaibigan din ni Carol."sagot ko. Nasa dulo na ng dila ko ang pangalan niya e.

"Gago yon." Galit na sabi ni Gabby. "Miks, kung hindi ako nakabalik in time sa contest ikaw na muna mag-escort kay NJ ha?"

Palabas na si Gab.

"Saan ka pupunta?!" sigaw ni Nathan.

"Kakausapin ko lang tong gagong yon. Said na said na ang pasensya ko."

"Sasama kami."sabi ng mga kaklase ni Nathan.

"Dito na lang kayo. Tumatrabaho akong mag-isa."

--

MIKA's pov

Inuwi muna namin sa dorm si Nathan. Tulog sa room namin. Her mom is also here. She's worried sick kahit sinabi ko nang okay na si Nathan.

"Ah tita, okay na po si Nathan. Kaso baka hindi na siya makasali sa contest mamayang gabi. Sa bugbog kasing natamo niya siguradong mananakit ang katawan niya."

Bumukas yung gate tapos parang boses nina Rence at Gab ang narinig ko.

"E Bakit ka nakikipagunahan sa akin?! Diba sabi ko naman ako ang magsosolve ng kaso?!"

"Angbagal mo kasi! Inuuna mo pang lumandi! Tingnan mo may napahamak tuloy!"

Lumabas na ako. "Can you two stop arguing? Rinig na kayo ng mga kapitbahay."

Napaatras si Gabby nang makita ang mama ni Nathan.

"Good afternoon po Mrs. Oligario."Sabi niya.

"Maam,"sabat ni Rence."Nasa presinto na po si Melton. Kung gusto niyo pong magsampa ng kaso punta na lang po kayo doon."

Gabby bended 90 degrees and ask apologies. "Sorry po. Kasalanan ko po itong lahat."

Siniko ko si Rence. I am very confuse here! Anong kasalanan ang tinutukoy nito?

"Hindi mo naman kasalanan kong pogi ka hijo. Kaya huwag kang humingi ng tawad."

Napakamot sa batok si Gabby. "Thank you po. Puntahan ko lang po si Nathan."

"Sige. At ako ay aalis na din muna."bumaling sa akin si tita."Magkita-kita na lang tayo mamayang gabi Mika. I hope to meet your kids also."

"Sige po tita. Maybe pasyal kami sa inyo bago kami umuwi sa Bulacan."

"That would be great. So paano Gabby? Ikaw na muna ang bahala sa anak ko ha?"

"Yes tita."

God! Am I missing something here? Nang makaalis na si Tita ay agad kong hinila sa labas ng bahay si REnce.

"Explain everything in 10 minutes."

Natawa si Rence."Young lady! Why are you so slow? Gabby is gay. Melton is his ex. Hanggang diyan lang ang pwede kong sabihin okay?"

"No. tell me everything you know. Lahat."

"HIndi ako tsismosa. Tanungin mo si Gabby. Tutal siya naman ang pogi sa araw na to. ha ha! Puntahan ko lang sina Ara. Baka hindi na niyang magreferee kay Kim at Cienne e."

Dahil hindi ako mapalagay pipilitin kong magconfess si Gabby. Buti na lang talaga wala dito ang mga teammates namin at si Ara naman ay nasa bahay ni Kim.

"We really need to talk Gab."

"Hintayin na lang natin sina Carol. Para hindi na ako uulit ng paliwanag."

--

Isa itong seryosong pag-uusap.

"Anong gusto niyong malaman?" yung Gab na kaharap ko ngayon ay malayong malayo sa Gab na halos pektusan ko na sa kakulitan.

"Lahat." sagot ni Carol. "Isummary mo kung masyadong mahaba."

"Okay. I am Bisexual. Si Melton, ex ko. Nagpaplano na kaming ipaalam sa mga magulang namin ang lahat pero namatay na sina papa at nabankrupt nama nang negosyo nila. At ikaw lang ang naisip na solusyon ng mga magulang ni Melton para maisalba ang kanilang negosyo."

"tang ina Carol. Solusyon ka na sa mga problema ngayon ah! Ha ha!" kantyaw ko sa kanya. "Teleserye ang peg. Ha ha!" bumaling ako ulit kay Gabby. "Ipagpatuloy mo ang kwento Gabriel. Enlighten me please. Like super enlighten me."

Namumula ang kanyang mga tainga kaya hindi ko maiwanang tumawa.

"Ha ha! God! I remember na! Kapag namumula ang tainga mo either nahihiya ka or kinikilig ka. Ha ha! God! Gabby!"

"Miks, pagsalitain mo naman si Gabby. Angbibo mo e." saway sa akin ni Camille.

"Sorry sorry."hingi ko agad ng tawad. "Game na."

"Tinanggap ko yung misyon na ilayo si Melton kay Carol. Hindi ko yung pinipersonal. Hindi ko akalain na makikita ko ulit si Nathan. E minsan na ring nagcross ang landas namin noon sa isang restaurant nang may nang-snatch ng bag ng mama niya. Basta. Yun na. Pagdugtong-dugtungin mo na lang."

"Kwento mo na yung nakakakilig na part..." panira ako ng momen diba? Haha

Sinipa ni Camille ang paa ko. Ha ha! Hindi na nga. Behave na ako.

"Pero wala akong balak ituloy to."Malungkot na sabi ni Gabby. "Alam mo naman ang buhay namin nina Rence. Lahat nang mahahalaga sa amin nasa panganib. "

"OA mo. as if type ka naman ng kinakapatid ko no. Hashtag mafeeling."

"Wala kang alam kung bakit siya nagtransfer dito."sabi ni Carol. "Yung kinakapatid mo gustong pumasok sa soccer team. WAla kang ka-ide-idea kung bakit?"

Umiling ako pero parang may nabuong theory sa isip ko. "Shit. Seryoso? Hindi nga? Tang ina Gabby angpogi mo bro."

"Let's keep this a secret na muna."Camille suggested."This will make things more complicated. Isip na lang tayo ng pwedeng rason."

"At ikaw Gabby, kapag napakahamak pa ulit si Nathan ako mismo ang bubugbog sayo."Banta ko sa kanya. "Ngayon pa lang pumili ka na Britghtside o ang kinakapatid ko."

"Buti na lang talaga wala nang asungot. " Carol stamp on the table. "Buti na lang talaga. Isa na lang ang poproblemahin mo Gabby. Sina Kim at Cienne mukhang wala na yung forever nila e."

"Siguro hindi ko na sila papakialamanan. Mahirap ipilit ang isang bagay e. Parang okay na kasi si Kim na walang karelasyon."

"Ipagpray na lang natin ang happiness nung dalawa. Hindi man sa isa't-isa atleast mapatawad na ni Kim ang kapatid ko."

My rings. Tuamtawag ang girlfriend ko.

>>>Hello...

(Miks! Nag-aaway na sina Cienne at Kim! Nagsisigawan na naman e. Anong gagawin ko dito?)

>>>Ano bang pinag-aawayan?

(Ewan ko. basta tinapon na lang ni Kim yung phone ni Cienne.)

>>>What? Ha ha! Normal lang yan Ara. Ganyan talaga sila. Iwas-iwasan mo na lang kapag may tinapon ulit. Haha See you later mahal ko!

"okay guys. Sinong makikipagpustahan? Hindi matatapos ang taong ito magkakabalikan ang KimCienne?"

Napa-confuse look silang tatlo.

"Si Ara yung tumawag. Tinapon daw ni Kim ang phone ni Cienne. Ha ha! Looks like Cienne's gonna have a taste of her own medicine."

---

AN: Good night! ISANG HULING CHAPTER NA LANG!

Continue Reading

You'll Also Like

199K 4.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
61K 1.6K 45
What is love? A simple word having a lot of meaning. Love is a tragedy. Love is complicated. Love is everything. Love can make your life changed at a...
22.8K 156 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
9.2K 393 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...