Malabo pa sa Sabaw ng Pusit

By DonRaymundo

866 40 7

More

Malabo pa sa Sabaw ng Pusit
Trapik
Pinoy Vs. Tate
Loosing my Religion
Atleast Pilipino
It's no Fun in the Philippines
Artista na yan!
Return of the Comeback
Para sa kaibigan
Sino ang tama, sino ang mali.
SAMPALAN FEST!
Diskriminasyon
Tatlong mukha ng Pinas
Ang Katapusan

Piggy bank

49 2 0
By DonRaymundo

Ano nga ba ang kailangan ng isang nanghihinang bansa?

Ito ang tanong na nabuo sa aking isipan nang may dalawang kalalakihan ang pumasok sa aming classroom. Iniimbita nila kami na sumali sa 'Anti-Pork Barrel' rally nila. Depende daw sa amin kung pupunta kami o hindi, volunteer daw.

Ipinaliwanag nila sa amin kung ano ang pork barrel, ito daw isang cylindrical container na hugis baboy, pero joke lang iyon. Ito daw yung pagbigay ng salapi sa iba't ibang kongresista at senador upang gamitin sa kani-kanilang mga proyekto. Maganda ang programa na ito, lalo na sa mga lugar na walang maayos na daan tulad ng mga kalsada at mga tulay. Ngunit dahil sa laki ng budget para sa mga proyekto na ito, nasisilaw ang mga pulitiko sa pera at dinederetso na lamang nila sa kanilang mga bulsa. Kaya nakakatakot yung mga pulitiko na naka six pockets.

Mabalik tayo dun sa dalawang nag-iimbita sa amin para sumali sa rally laban sa pork barrel. Dapat daw maging aware kami sa aming bansa. Tama naman ang sinabi niya, walang mali doon, dahil bilang Pilipino dapat lang na alam natin ang nangyayare sa bansa natin. Ang kaso nga lang ay mayroon kaming klase ng araw na iyon at wala kaming oras para sumali sa kanilang rally. Kaya naman tumayo ang isa sa member student council at sinabing hindi niya daw kami pinapahintulutang sumali sa rally dahil nga sa may klase kami. At hindi ko na nagustuhan ang sunod na mga sinabi ng dalawang kalalakihan sa amin. Parang mas lalo pa nila kaming hinimok na sumali at kalimutan ang klase o ang aming edukasyon. Oo nga, ano ba naman ang isang araw na absent, pero sana naman isipin nila kung ano nga ba talaga ang mas kinakailangan ng bansang ito. Simple lang ang sagot, hindi ang pakikisali sa rally o sa kahit ano pa mang-prostesta laban sa gobyerno. Mag-aral ka, tapos.

Kaya gusto kong batukan yung isa kong kaklase na sinita pa ang kaklase kong miyembro ng student council na nagsalita kanina laban sa rally na magaganap sa luneta. Parang ipinamukha pa niya sa member ng student council na mali ang ginawa niya at dapt itikom niya ang bunganga niya. Ginagawa lang ng student council ang kanyang trabaho na himukin ang mga estudyanteng mag-aral, hindi ang pag-sali sa mga rally. Ito nalang ang iisipin mo, hindi nagbabayad ang magulang mo sa iyong eskwelahan para sumali sa rally, kundi mag-aral. Kaya naman, kung talagang may paki ka sa bansang ito, nararapat lang na alamin mo kung ano nga ba talaga ang kailangan ng ating bansa. Pulpol na nga ang karamihan sa mga pulitiko, dapat ay hindi tayo sumunod sa mga pulpol na kagaya nila.

Continue Reading

You'll Also Like

701K 3.9K 30
Completed Paano natagpuan ni Olivia ang sarili sa ibang kama,gayong may naghihintay siyang asawa sa kanilang bahay?
Her Savior By M

Non-Fiction

1M 39.9K 65
ProfessorxStudent Story!!!
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
87.8K 2.1K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...