Tale Of Lucy Nakahara

By IbongHindiMakahuni

3M 76.4K 5.4K

"Maitatama ba ang kasalanan pagtinago ang katotohanan?" Lucy is just a typical young adult, she's fierce, bol... More

Read First
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 40

36.5K 988 10
By IbongHindiMakahuni

  

LUCY

"Umiyak ka ba?" napahinto ako sa pag aayos ng gamit nang magsalita si Tiffany. Napatingin ako sa repleksyon ko sa nakasarang sliding window dito sa sala.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Nag imagine kasi ako kagabi tapos nasaktan ko sarili ko hanggang sa nag overthink na ako ng kung ano-ano at umiyak." palusot ko.

Tinawanan naman ako ni Annya.

"Sige Lucy bilhin nalang namin yang palusot mo." saad niya kaya ngumiti nalang ako. Naramdaman ko naman ang pag akbay ni Chaerin sa'kin.

"Anong inimagine mo? Si Eveyth at Marru na gumagawa ng milagro?" pang aasar niya, malakas ko siyang siniko sa tagiliran pero dahil magalaw siya ay tumama ang siko ko sa dede niya. Sunod-sunod na mura ang natanggap ko sa kanya habang hawak-hawak ang maliit niyang dede.

"Sakit niyan." nakangiwing komento ni Yurika nang makita niya si Chaerin na namimilipit sa sa'kin.

"Flat na nga siniko pa." dagdag pa niya.

"Hoy! Anong flat?! Malaman to! Palakihan tayo ng dede gusto mo?!"

Mabilis na kinuha ni Annya ang unan sa sofa at ibinato kay Chaerin.

"Bibig mo!" napairap nalang si Chaerin at hinimas-himas ang parting nasiko ko.

"Tangina mo ang sakit." saad niya pero tinawanan ko lang siya. Napatigil lang kami sa asaran nang makita namin ang mga lalaki na pababa sa hagdan.

I simply glance at Ivan and the fake Yurika.

"Handa na lahat?" tanong ni Mirko at isa-isa kaming tinapunan ng tingin.

Nagsitanguan kami.

"Good. We have a long day to go." saad niya at nauna ng lumabas sa bahay. Madilim pa sa labas dahil mag a-alas kwatro pa lang ng madaling araw.

Hindi na ako nakatulog ng maayos dahil paulit-ulit kong napapanaginipan ang dalawang batang nag uusap at ang mga sigaw ng mga tao. The screams are nightmares so I stayed wide awake kahit na antok na antok na ako.

This is plain torture, those dreams are plain torture. Am I going to deal with those memories with emotions? Masyadong traumatic at masakit. Guess I really suffered huh kasi hanggang afterlife dala ko ang sakit.

Napahinga ako ng malalim at narinig iyon ni Dara kaya napalingon siya sa'kin. I just flashed a smile at as I waited all of them to step out. I locked the front door matapos kong patayin ang mga ilaw while they all waited me at the gate.

Maglalakad na sana ako papunta sa gate nang di ko makapa sa bulsa ko ang phone ko. Mahina akong napamura nang maalalang nilagay ko ito sa coffee table sa sala. Sinulyapan ko ang buong tropa na nag aabang sa'kin sa labas.

"Sandali lang, may balikan lang ako sa loob." paalam ko at nagmadling bumalik sa loob ng bahay.

Agad kong binuksan ang ilaw ng sala para hanapin ang cellphone pero di ko ito nakita.

Pota saang dimensyon na naman napunta yun?

Nagmadali akong umakyat patungo sa kwarto. Binuksan ako ang ilaw pagkapasok na pagkapasok ko, nahalughog ko na buong sala pero hindi ko pa rin nahanap ang cellphone ko. Hinanap ko sa drawer, bathroom, kama, side table, cabinet halos baliktarin ko na ang kwarto ko kakahanap sa cellphone ko pero di ko pa rin ito makita.

Nakatayo akong pinagmasdan ang buong kwarto habang nagkakamot sa ulo.

"Saan ko ba nalagay yun?"

Lalabas na sana ako nang makaramdam ako ng presenya sa likuran ko. Akmang haharap na sana nang biglang may matigas na bagay na humampas sa ulo ko na nagpawala ng aking balanse at nagpabasak sa'kin sa sahig.

I groaned as I started to feel the stinging pain from the back of my head.

"Looking for this?"

Pinilit kong idilat ang mata ko at tingnan ang babaeng nagsalita. To my utter surprise, I saw Margarret beaming at me as she waved her right hand holding a phone — my phone, samantalang hawak ng kaliwang kamay niya ay ang bakal na baseball bat na naka display dito sa kwarto ko.

So she managed to survive after what I did to her? Lucky.

Sinubukan kong bumangon pero mas lalo akong nakakaramdam ng hilo at mas lalong sumasakit ang tinamaang parte ng ulo ko.

Rinig ko ang mga yapak niyang papalapit sa'kin. Wala na akong nagawa kundi ang tumihaya at idinilat ang mga mata para tingnan siya.

She looks perfectly fine like I didn't melt her face the last time we met.

Huminto siya sa harapan ko habang nakayukong nakatingin sa'kin.

"Payback time bitch."

The next thing happened was like a blur. She kicked me hardly in the face and... I lost it.



"I'm not going to live a life full of hatred." saad ko sa katabi ko habang nginunguya ang kinakin kong tinapay.

Nandito ulit kaming dalawang sa burol, simula nang maging mag kaibigan kami ay ito na ang mistulang tagpuan namin.

Palihim na nagkikita, tago sa mata ng lahat.

Dinama ko ang malamyos at marahang ihip ng hangin, pinakinggan ang ingay ng mga dahong sumasayaw at binabangga ang isa't isa, ang mga nagbibigay payapang huni ng mga ibon, ang sikat ng araw na hindi masakit sa balat, ang mga ulap na nagpapalit ng anyo, ang mga agilang malayang lumilipad sa kalangitan at higit sa lahat ay ang bughaw na bughaw na kalangitan. Ito ang paraiso ko, ang lugar kung saan pakiramdam ko ay ligtas ako sa lahat at malaya.

Muli akong kumagat sa hawak kong tinapay at maingat na nginuya ito, sumasakit na naman kasi ang bulok kung ngipin. Mamaya nga ipabunot ko to kila Ka Isko gamit ang lambo. Isang hila lang at tanggal na itong dalawang taong bulok kong ipin.

"Nais ko na lang na maging ibon." pabiro kong saad habang pinagmamasdan ang mga agilang malaya.

"They live a rough life also. Hindi sila lubusang malaya hindi tulad iyong inaakala." pagkasabing-pagkasabi niya ay may isang ibon ang biglang tinamaan ng palaso at bumulusok ito paibaba, pabagsak sa masukal na kagubatan, maya-maya ay may narinig kaming hiyawan mula sa parte ng gubat na pinagbagsakan ng ibon.

"See?" he pointed.

"There's no such thing as totally free, yung purong kalayaan. Lahat may limitasyon." he added at sumubo ng kanin mula sa hawak-hawak niyang baunan.

Napasimangot na lang ako.

"Doon ba sa mga pinupuntahan mong panahon may nakita ka bang taong lubusang malaya? Tuwing bumababa ka ba may nakikita ka bang mortal na malaya? Enchanters na malaya? Too much freedom comes with a consequence." sunod-sunod niyang tanong na mas lalong nagpahaba ng nguso ko.

"Walang lubusang malaya sa panahong to, sa mundong to." he added. Masakit mang tanggapin pero lahat ng sinabi niya ay totoo. Lahat hindi malaya, maliban nalang sa mga nasa itaas, sa mga namumuno.

"Meron ah."

Napalingon siya sa'kin pero ang mga mata ko ay nakatuon sa tanawing nasa harapan namin.

"Kayo." pabiro kong saad na sinundan ko ng tawa. Napabuntong hininga naman siya.

"Akala ko ba hindi ka mamumuhay na may galit sa puso?"

Napairap naman ako at nilingon siya.

"Nagbibiro lamang ako, ikaw naman." nakangiti kong saad, sandali siyang napatiti sa akin at kalaunan ay ngumiti.

"Your suffering will end Lucy. I promise you that. Nandito lang ako, naniniwala sayo at sa mga pangarap mo."

"Salamat." nakangiti kong saad habang nakatitig sa mata niya. His green eyes are beaming at me that made me happier. Those eyes rarely showed emotions at masaya akong nagkakaroon na ito ng emosyon ngayon, malayo sa unang pagkakakilala ko sa kanya.

They took away his childhood from him and put him in a pressure cooker. Naging aso siya sa sarili niyang pamilya, nawalan ng emosyon at boses, pero ngayon ay iba na at masaya ako sa pagbabago niya... kahit ako lang ang nakakasaksi. Pinagdadasal ko at hinihiling na sana darating ang araw na maipapakita niya sa ibang tao ang pagbabago niya, lalo na sa pamilya niya. Sana dumating ang araw na magkaroon na siya ng boses sa mundong ginagalawan niya.

Pareho kaming naghirap, ang pinagkaiba lang namin ay pabor pa rin sa kanya ang lahat.

"Gusto ko talaga yang mata mo." puri ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya, lalong lumawak ang ngiti niya na madalang lang na makita ng lahat.

"Salamat."

Their eye color are one of their family's asset. May kapareho silang kulay ng mata, isang angkan din na makapangyarihan. Both of the families have the same eye color but different shade and I find his family's eye color more fascinating than the other one.

Masyado akong tutok sa mga mata niya kaya di ko na namalayan ang paligid. Nagising nalang ako nang makaramdam ako ng init malapit sa'kin. Mula sa mukha niya ay nakita ko ang isang repleksyon ng liwanag mula sa hawak niya.

"Maligayang ika-labing anim na kaarawan Lucy." nakangiti niyang pagbati habang may hawak na malaiit na pande-crema na may isang maliit na nakasinding kandila na nakabaon sa gitna ng tinapay.

Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa hawak niya. Kaarawan ko ngayon? Anong araw na ba?

"Akala mo nakalimutan ko? Syempre hindi. Your birthday is the most important day of my life."

Hindi ako halos makapagsalita habang nakatingin sa kanya. Ang saya sa mukha niya ay nauwi sa pagtataka.

"Huwan mong sabihin na nakalimutan mo ang kaarawan mo?"

Nanlaki ang mga mata niya nang hindi ako makaimik. "Hindi nga?"

"Ang dami kasing nangyari nitong mga nakaraang araw, n-nawala na sa isip ko ang kaarawan ko. Saka wala ring nagpaalala, mukhang nakalimutan din ng pamilya ko." nakangiwi kong paliwanag.

Napabuntong-hininga naman siya. "Kung hindi pala kita binati ay hindi mo maalala, kaya pala hindi ka nagtampo sa akin na hindi kita binati ng hating gabi kasi hindi mo naman naalala kaarawan mo. Buti pa ako, naalala ko."

Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. "May nilibing na naman kasi kami..." mahina kong usal at kita ko ang pagkatigil niya.

"Narinig ko nga ang nangyari..."

Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Dinala ko lang talaga tong pande-crema sayo at para batiin ka sa kaarawan mo at gawin ang nakagawian natin, ihipan ang kandila at humili."

Tipid niya akong nginitian na para bang tinatansya ang mararamdaman ko ngayon.

"Malay mo baka sa pagkakataong ito ay magkatotoo na ang hiling mo."

Marahan akong tumango at ngumiti. "Makikikain ako sa inyo ah, ano handa mo?" pabiro niyang tanong. Ramdam kong sinusubukan niyang pagaanin ang sitawasyon ko.

"Wala ngang nakakaalala ng kaarawan ko sa amin eh, saka kung meron man wala parin kaming ihahanda. Anong ihahanda namin? Yung hangin na amoy ulam ng kapibahay? Saka kakalibing lang ng pinsan ko. Wala nga akong nakaing biskwit nung lamay niya, buisit." pilit kong biro sa sitwasyon ko ngayon.

"Hindi ko alam kung tatawa ba ako o malulungkot." saad niya sakin.

Tipid na lang akong ngumiti.

"Nakikiramay ako sa nangyari." malungkot niyang saad. "Nito ko lang din nalaman ang nangyari kay Kuya Dos."

Ngumiti ako sa kanya para itago ang namumuong luha sa mga mata ko.

"Oh siya." sambit ko habang pilit na ngumiti, "Hihiling na ako." sinulyapan ko muna siya bago pumikit.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Sana marinig na ang mga kahilingan ko, sa daming kandilang inihipan ko tuwing kaarawan ay ni isa sa mga iyon ay walang natupad. Hinihiling ko na matupad na lahat ng hiling ko, ng pamilya ko, ng mga ninuno ko, ang hiling na makalaya na sa tanikalang ito at kung hindi pa ito matupad... hindi ko na iisa sa usok ng kandila ang aming kahilingan. Gagawin ko na lahat makalaya lang kami, ipinapangako ko iyan.



"Lucy-baby, ano ang hiniling mo?"

I gazed at mom and smiled at her. Her smiling face was contagious that made me smile more.

"Nothing mom, just a simple wish na alam ko pong matutupad!" masayang sambit kay mom na nakaupo sa tabi ko and beside her was dad who's smiling widely at us while holding a camera.

Nasa isang sala kami na punung-puno ng maga-garbong palamuti, maraming tao at maraming bata. Lahat masaya at kumakanta ng happy birthday song, binabati ako sa ika anim na kaarawan ko.

"Masaya ang Lucy namin?" tanong ni dad sa akin.

Tumango ako. Sobra, sobrang saya ko. Walang pagsisidlan ang kasiyahan ko simula pa kaninang hating-gabi.

"Opo sobra po. Thank you for the surprise mom and dad! You're the best!" sigaw ko at niyakap silang dalawa, tumawa naman sila sa ginawa ko at ganoon din ang mga bisita na karamihan ay mga kapitbahay namin.

"Napakagiliw naman ng anak niyo Ericko, mana kay Cassandra makulit."

Tumawa naman si dad sabay tango.

"Nako, mana rin sa nanay ang katarayan." mabilis na umangal si mom sa sinabi ni dad.

Ilang bata ang lumapit sa amin na may dalang mga laruan.

"Lucy come on let's play!" sigaw nila. Tumingin ako kila mommy, nanghihingi ng permisong payagan na sumama sa mga bata. Ngumiti naman sila.

"Wag lumayo ha? Diyan lang kayo sa bakuran mag laro." paalala ni dad. Magiliw akong tumango at tumalon pababa sa kinauupuan ko bago tumakbo sa bakuran kasama ang mga kalaro ko.

"Happy sixth birthday Lucy!"

Masaya kong nginitian ang mga kaibigan ko. This is the best day of my life!

"Salamat."

"What's your hiling?" tanong ng batang babae na nakadikit sa isang batang lalaki na ngayon ay nakabusangot na na tila pikon na pikon sa pagdikit ng babaeng kaibigan sa kanya.

Tumawa ako nang makita ko ang mukha niya, ayaw na ayaw niya talaga sa kaibigan naming ito, makulit kasi at maliksi at higit sa lahat may crush sa kanya. Iniiwasan niya ito palagi at ngayon lang siya hindi nakatakas.

"Bakit mo tinatanong ang wish niya? Alam mo bang hindi matutupad ang wish pag sinabi?" bara niya sa kaibigan ko.

"Baka hindi matupad ang wish niya pag sinabi." saad pa ng isang batang babae na kasama namin mag laro. Ang kulay abo niyang buhok na naka pigtails ay puno ng iritasyon niyang nilulugay ngayon. She always hates how her mom dresses her up.

"Natupad na." masaya kong sabi sa kanila dahilan para mapalingon silang lahat. Isang malawak na ngiti ang isinagot ko sa mga tingin nila na punong-puno ng pagtataka.

"Unti-unti ng natutupad." 

Continue Reading

You'll Also Like

195K 7K 21
Si Brynna Whitethistle ay isang makapangyarihang Mage. May kakayahan siyang manipulahin ang tubig at lupa, dalawa sa apat na elemento. Ang isang Ma...
550K 20.4K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...
230K 5.1K 20
Nimphane Astrid Triton,isang normal na babae na naninirahan sa mundong ibabaw.Ngunit sa isang insidente ay bigla siyang ililipat sa isang tagong paar...
46.7K 1.7K 58
Highest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang...