Tale Of Lucy Nakahara

By IbongHindiMakahuni

3M 76.4K 5.4K

"Maitatama ba ang kasalanan pagtinago ang katotohanan?" Lucy is just a typical young adult, she's fierce, bol... More

Read First
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 18

46.6K 1.1K 46
By IbongHindiMakahuni


LUCY

"The game is simple, tagu-taguan lang but there's a twist. Lahat ng manlalaro ay magtatago sa loob ng Kyinoa forest, ang mahanap ng itinalaga naming seeker ay agad na tanggal sa laro but here's the catch, seekers have to bring the found player here at pag nadala kayo dito ibig sabihin ay doon lang kayo matatanggal sa laro. So to for you win, kailagan niyong labanan ang seeker na makakahanap sainyo because as long as hindi kayo nadadala sa bulwagang ito you're still part of the game." paliwanag ng lalaki na nasa entablado.

"The game has no rule, all of you can kill, even you can kill your co-players dahil pag mas kunti ang kalaban mas madaling manalo at matapos ang laro. Ang kung sino mang matitira sa loob gubat na buhay ay siyang mananalo at isa lang ang dapat manalo. We will give you 20 minutes to hide and once you heard the sound of the horn, the game will start." after he said those words he smiled wickedly.

Tama si Lance, Dark Land's game are bloody, they gave us a free ticket to kill. Nilingon ko si Marru na seryosong nakatingin sa harapan.

"How can we find it?" bulong ko kay Marru. He turned his gaze to me.

"Sinabi sakin ni Lance na nasa pinakamalaking puno ito ng gubat." bulong niya.

"We have to play the game and at the same time find the gem." tumango siya sa konkulsyong na buo sa isip ko.

We have to hide and at the same time seek for the gem. Tumingin ako sa mga upuan na nakapwesto sa harapan para hanapin si Margarret but she's gone already.

"To all the participants of the game I wish you a good luck, it's either you die in the game or lose, you choose."



I screamed out of frustrations habang tumatakbo sa loob ng gubat hawak-hahak ang hem ng mahabang kong gown, I am now running in heels, I can't run in barefoot mahihirapan lang ako dahil loob ng gubat ang tinatakbo ko. Now I'm regretting why I choose to wear this gown, I should have listen to Marru and wear the simple long gown we saw earlier at the boutique.

Tatlong oras na nag nakalipas at kanina pa nagsisimula ang laro. Hindi ko na alam kung pa ang natitira samin, I've already encountered 5 seekers at lahat sila tinakasan ko, as much as possible ayokong madungisan ang kamay ko. Ayokong mag aksaya ng lakas.

The moment we entered the forest lahat kami nag kanda-hiwahiwalay, napunta kami sa iba't ibang parte ng gubat and then 20 minutes later like what the old man said pumailanlang ang tunog ng horn at nagsimula ng ang laro.

Marru and I already expected the game organizers to forcedly scattered all of us inside the forest. Ang plano naming dalawa ay magkita kami sa gitna ng gubat kung saan ang malaking puno while trying to hide from the seekers at sa ibang manlalaro na mga handing magdungis ng kamay manalo lang sa larong to.

Ilang co-players na rin ang naka encounter ko at lahat sila handing magbawas ng kalaban at tulad sa ginawa ko sa limang seeker ay tinakasan ko lang din sila. After a short fight pag nakahanap ako ng pagkakataon ay tatakas na ako.

I always lose control when I'm in a middle of a fight at ayokong mangyari yun ngayon, my situation right now has no room for recklesses actions and mistake, isang maling galaw lang pwede akong mapahamak lalo na at napigtas pa kanina yung kwintas ko na mag po-protekta sa mahika at presenya ko bilang isang White user.

I just kept running while freezing to death. It's freezing cold out here, malakas ang pagbagsak ng snow ngayon. Hindi ko rin suot ang fur jacket na panangga ko sa lamig, dapat talaga nakinig ako kay Marru. It's fucking cold!

Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ko ang babaeng nakatayo sa harapan ko. She's looking at me deadly while holding a katana full of blood on her right hand. Sira-sira na rin at puno na ng dugo ang kulang krema niyang long gown.

"At last." nakangisi niyang sabi. Mukhang kanina pa ako hina-hunting ng babaeng to ah.

Tumayo ako ng tuwid at ngumiti sakanya.

"Margarret!" masaya kong bati. Her face was so grim and mukhang handa na akong patayin.

Bakit ba ng laki ng galit sakin ng babaeng to?

"I've been waiting this moment to happen." nakangisi niyang sabi habang dahan-dahang naglalakad palapit sakin. Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko.

"Laki ng galit mo sakin no? Wala pa nga akong ginagawa sayo galit na galit ka na agad." Nang aasar kong sabi.

"I just simply fucking hate you." mariin niyang sabi, nakita ko ang pag higpit ng hawak niya sa katana niya.

Huminga ako ng malalim. Paano ko to lalabanan ngayong wala na yung kwintas ko? I'll be in great danger if I use may dark magic, masyado itong malakas at tiyak mararamdaman ito ng mga Dark user na nandito at ganoon din ang White magic ko.

Huminto si Margarret ilang metro ang layo sakin.

"I'm really surprised to see you here. Nasaan yung mga buntot mong kaibigan? Hindi na rin sila pumasok noong nawala ka."

She eyed me from head to toe with full of hatred and disgust.

"Alam kong may kakaiba sayo but I never expected na you're one of us."

"Sinabi mo na yan kanina." bored kong sabi sakanya.

Itinukod niya ang hawak niyang katana sa lupa at ginamit itong pang suporta sa katawan niya.

"Ulila ka na diba?"

Nginisihan niya ako nang makita niyang natigilan.

"Isa ba sila sa casualty ng war decades ago?" she asked pertaining to my parents.

I smiled trying to hide my anger building inside me. Wag lang siyang magkamaling idamay at insultuhin ang magulang ko.

"O baka naman isa ang mga magulang mo sa tumakas noong digmaan?"

I stilled. Alam niya ba?

"You know... maraming Dark users ang tumakas noong digmaan. Mga duwag at walang utang na loob. Those people are considered as traitors, mga trydor ng Dark Land. Habang nagkakagulo dito ay tumatakas naman sila, ganoon siguro ginawa ng magulang mo."

"Walang pinagkaiba sa dating Prinsesa Cassandra, inuna ang landi kesa ang responsibilidad."

Napantig ang tainga ko sa sinabi niya, may punto siya pero wala siyang karapatan insultuhin ang magulang ko. She laughed in a mocking manner.

"Though pabor samin ang ginawa niyang pagtakas kasama ang prinsipe ng White Land. Mabuti naring tumakas siya para walang harang sa plano ng mga lolo at lola ko."

Plano? Anong plano?

"What the fuck are you talking about?"

Margarret smiled at me.

"The Hudson and Ramos teamed up to kill all the Walters, they killed the late King and Queen during the war including the Late King and Queen of White Land."

I hide my surprised. What the fuck?

"Dapat nga magpasalamat din saamin ang mga Hasherine eh kasi kahit wala sa plano ay napatay din ng grandparents ko ang dati nilang hari at reyna. The deities was in our favor, wala ng Nakahara at Walter sa buong Immortal World, Hudson at Ramos na ang namuno sa buong Dark Land and soon pati na rin sa White Land."

"You killed the Walter and Nakahara?" marriin kong tanong. The audacity of these people.

She dramatically rolled her eyes.

"My grandparents kill them not me duh. The Nakahara are just the casualties of their plan but it's a blessing in disguise, we can now conquer the White Land under the ruling of Hasherines and not the Nakaharas and sadly hindi mo na masasa-saksihan iyon."

Napakuyom ako. Ang buong akala ko namatay sila lolo sa digmaan, who would have thought na pinatay pala sila?

"How sure are you na wala ng natirang Walter at Nakahara?" nagtatagis na ang baga ko sa sobrang galit. I didn't have a chance to meet my grandparents because they took it, they killed them.

"No casualties should be left behind, so my parents killed the late Princess Cassandra and Prince Ericko 8 years ago. They made sure na walang natira sa pamilya ni Prinsesa Cassandra. The Hudson and Ramos are now ruling the Dark Land at hindi kami makakapayag na mawala sa trono pag bumalik ang prinsesa. My grandparents did everything to get us this far at hindi namin hahayaan masira ang hirap nila dahil sa pagbalik ng isang Walter, and we don't want a Nakahara to rule the White Land, masyados silang malakas para masakop ng Dark Land. So my parents killed Princess Cassandra together with her booming family." bakas sa mukha niya ang tuwa.

A single tear rolled down on my cheeks at napansin yun ni Margarret. Tumawa siya.

"Why are you crying Sandoval? Nalungkot ka ba sa nangyari sa mga Walter at Nakahara? Nakatadhana na sakanila yun, kailangan naming tapusin ang pamumuno nila para kami naman. Gusto mo bang sumunod sakanila?" she mocked.

Her grandparents killed my grandparents. Her parents killed my parents. My thoughts are now clouded with anger. Tinitigan ko si Margarret. An eye for an eye.

She stood straight while looking at me with pity.

"You look so affected, why is that?"

"Your parents are unbelievably cruel." marrin kong saad. She looked taken aback from what I've said.

"You don't deserve the throne, inagaw niyo lang yan. The audacity of you to introduce yourself as the princess of Dark Land when you and your family just stole the throne to the Walters?"

Unti-unting namuo ang galit sa mga mata niya.

"You were threatened. Natakot kayo kasi wala pa kayo sa kuko ng lakas ng mga Walter at dahil alam niyo malabong mapunta sainyo ang trono you decided to kill them. You manage to kill the Walters and the Nakaharas, must be a great achievement huh?"

"Oh wait! Did your parents and grandparents kill them with bare hands? O gumawa sila ng paraan para magpatayan ang dating reyna at hari ng Dark at White Land?"

I smirked when she just remained silent looking at me with pure anger. Dahan-dahan akong lumapit sakanya.

"Did your parents killed the late prince and princess of Dark and White Land with their bare hands? Or nag utos lang ang pamilya mo para patayin sila? Baka naman nanghingi pa sila ng tulong?" I asked in a mocking manner.

The Hudson and Ramos should feel my suffering when they took my parents life. They should feel my parent's grief when they killed my grandparents. An eye for an eye a tooth for a tooth.

"How dare you to disrespect us!" galit na sigaw niya. I loudly laugh without humor. The audacity of this bitch to ask for respect when they just killed my family?

"I only give respect to those who deserve my respect, hindi ako rumerespeto sa mga magnanakaw."

Galit siyang sumugod sakin habang hawak ang katana niya. I summoned a sword and quickly dodge it with hers. I immediately kicked her stomach with full force kaya napaatras siya and she managed to balance herself.

"You don't have the rights to kill them." I said full of anger.

Margarret scoffs. I pinned her to the nearest tree without holding her, nagulat siya sa ginawa ko. She looked at me surprised.

"An eye for an eye."

She started gasping for an air. Tinanggal ko ang pwersang nagpapadikit sa kanya sa puno kaya bumagsak siya sa lupa. Nakaluhod siya at hawak hawak niya at ang leeg niya habang umuubo. Rinig na rinig ko ang maingay niyang pagsinghap na para bang sinusubukang huminga.

"You messed up with the wrong family."

Napaangat ang ulo niya para tingnan ako, bakas sa mukha niya ang paghihirap. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sakanya while looking down at her in a mocking manner.

"Hindi pa nga kita nahahawakan nag aagaw buhay ka na agad. You're the Dark Land's princess right, prove it" huminto ako sa tapat niya at ngumiti.

I dramatically gasp when I realized what I've said.

"Oh sorry! Ninakaw niyo nga lang pala ang trono sa mga Walter." Nang aasar na sambi ko.

"W-what the fuck are you doing?" she asked between her gasp, nakatingla na siya sakin ngayon.

Confusion was written all over her face. I squat in front of her. Marahan kong sinuklay ang mahaba at straight niyang itim na buhok.

"Your grandparents killed the late kings and queens. Your parents killed the late Princess Cassandra and Prince Ericko so now their daughter will kill you as arevenged. An eye for an eye..."

Marahas kong hinawakan ang pisngi niya. She whimpered.

"A tooth for a tooth."

Her screamed filled the whole forest as I start to melt her both cheeks with my acid.

"You should have just kept your family's secret to yourself. Sariling bibig mo tuloy ang papatay sayo ngayon." dagdag ko pa habang pinapanood siyang umiiyak dahil sa sakit.

Kulang pa yan, kulang pa yan sa dinanas kong sakit.

Pabalang kong binitawan ko ang pisngi niya nang maramdaman at makita ko na ang laman nito. Tumayo ako at sinipa siya ng malakas kaya napatihaya siya sa lupa.

She's groaning in pain as her tears starts to roll down on her skinless cheeks. I can't even recognize her face as it was slowly melting off her skin and her flesh. I coldly looked at her without feeling remorse. I can feel the air heating up kahit na patuloy ang pag bagsak ng mga nyebe.

I can't think properly, hindi na alintana sakin kung maramdaman nila ang itim na mahika ko. All I just want to do is kill this girl laying in the ground in front of me as a revenge to her family. I want to kill her using the power of Nakahara and Walter.

Umihip ang malakas na hangin at sinasayaw nito ang mga dahon at maninipis na sanga ng mga naglalakihang puno dito sa gubat.

"Do you know the main element of the Nakaharas?" I asked her with a smile on my face. I slowly summoned an ice spike.

"Ice." sagot ko sa sarili kong tanong at mabilis na itinarak sa dibdib niya ang mahabang matalim na yelo. She gasped in pain. Unti-unting may tumulong dugo sa labi niya.

"Do you know the main magic of the Walters?" I asked with a smirk.

Dahan-dahan ang labas ng dark orb sa kanang kamay ko. Margarret's eyes went wide when she saw what I summoned. She looked at me dumbfounded when she realized something. I smiled at her. Taste the death caused by your words Princess.

"No.." she whispered.

"You left a casualty Margarret." I'm still smirking at her as she looked at the dark orb with an eyes wide open.

"Do you know who am I?" bumaling ulit ang mga mata niyang nanlalaki dahil sa nangyayari ngayon.

"I am Lucy Veronnica Clareyan from the house of Walter and Nakahara, daughter of two purebloods." bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay may diin, naramdaman ko ang unti-unting paglakas ng ihip ng hangin.

Dahan-dahan kong inilapat ang itim na mahika sa tiyan niya and again she screamed in pain and I just watch her with a bright smile plastered on my face. I laughed as I listen to Margarret's scream.

Siguro tama lahat ng mga taong nakalaban ko, I am different when I'm provoke and out of control. My emotions will be the death of me... but to hell I care?

"Lucy!"

Napatigil ako sa pag tawa nang may humila sakin patayo at palayo kay Margarret na nag aagaw buhay, she's coughing blood and whimpering in pain.

"Lucy wake up!"

Para akong nagising sa realidad nang makita si Marru na nakahawak sa magkabilaang braso ko. Nag-aalala ang mga mata niyang nakatingin sakin. Napatingin ako kay Margarret na ngayon ay wala ng malay pero patuloy ang pag agos ng dugo galing sa tiyan at dibdib niya. Her melted face is so disgusting to look at.

Who did that? Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa dalawang kamay ko. Did I? What the fuck.

"We need to get out of here now, alam na nila ang tungkol sayo." sabi ni Marru at nagmamadali ako hinila ako palayo kay Margerret.

Hawak niya ang kamay ko habang tumatakbo kami sa loob ng gubat. Gulat na gulat parin ako sa nangyari. Fuck. I just did that to Margarret. Shit.

She provoked me and I lost control.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagsabog at mga yapak na humahabol samin. Naramdaman nila, naramdaman nila ang kapangyarihan ng Walter at Nakahara. Mukhang lahat ng pinintas ko kay Margarret ay kapintasan ko din. I'm so fucking stupid and reckless.

But atleast I got my revenge....

"Masyado ng huli ang lahat para burahin ang presenya ng kapangyarihan mo, ramdaman sa loob at labas ng gubat ang lakas nito. What the fuck Lucy? Nag iisip ka ba?!" bakas sa tono ng boses ni Marru ang pag kainis. I can't blame him, mukhang ako ang mamatay dahil sa hindi ko pag kontrol sa emosyon ko at hindi si Margarret.

Napahinto kami sa pag takbo ni Marru nang sumabog ang dalawang malaking puno sa harapan namin. Napalingon ako sa likuran at nakita ko ang maraming mga Dark user na tumatakbo papalapit samin. Muli akong hinila ni Marru patakbo.

Mabilis kaming tumakbo dalawa papalabas sa gubat, hindi kami makapag teleport papalabas dahil under ng spell ang gubat na kung saan hindi pwedeng makagamit ng teleportation palabas ang mga taong nasa loob.

Ilang beses akong nadapa kakatakbo dahil sa suot kong heels. Mabilis ko itong hinubad at muling tumakbo ng nakayapak. Mahigpit ang pagkakahawak ni Marru sa kamay ko.

Nakita na namin ang labas ng gubat kaya mas binilisan namin ang pagtakbo pero napahinto kami nang humarang ang grupo ng mga Dark users at ang iba sakanila ay mga manlalaro ang iba naman ay seeker pero karamihan ay mga Dark users na hindi kasama sa laro.

"Ang lakas ng loob niyo ah." nakangising sabi ng isang Dark user.

Sabay- sabay silang umatake samin kaya napabitiw kami ni Marru sa isa't isa para harapin sila.

Sunod-sunod akong naglabas ng Dark orb at isa-isang ibinato sa mga Dark users pati narin sa limang manlalaro na kinakalaban ni Marru— it's the easiest way to defeat them. Napalingon ako sa likuran namin at nakita ko ang maraming Dark users na tumatakbo papalapit sa amin, halos karamihan ay mga kawal.

I released a dark huge orb and throw it towards them, it creates an explosion. Muli akong gumawa ng dark orb at hinagis hinagis ulit sa direksyon nila.

The huge dark orb created a loud explosion, tumilapon kaming dalawa ni Marru sa lakas ng pagsabog. Naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa matigas na puno at ang pagbagsak ko sa lupa. Napapikit ako ng mariin nang makaramdam ako ng panghihina at pagkahilo. I can feel the air starts to feel hot at ang malakas na simoy ng hangin. Rinig na rinig sa buong gubat ang mga tunog ng mga dahon ng puno na hinahampas ng hangin.

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko, mula sa may di kalayuan ay kitang kita ako ang mga katawan ng Dark user na nakahiga sa lupa at ang mga natumbang puno ng gubat, ang ilan sa mga ito ay tinutupok na ng apoy na kumakalat na sa loob ng gubat.

Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko maikilos ang katawan ko dahil sa sobrang panghihina.

"Shit." mariin ulit akong pumikit.

Naramdaman ko ang pag-angat ko sa lupa nang may bumuhat sakin, nang idilat ko ulit ang mata ko ay nakita ko ang mukha ni Marru na may mga galos. Tumakbo siya habang buhat-buhat niya ako palabas ng gubat.

"Anong nangyari?!" dahan-dahan kong nilingon ang pinang galinang ng boses at nakita ko si Lance na nagmamadaling binuksan ang backseat door ng isang kotse. Agad naman akong inihiga ni Marru sa backseat at nang maisara ang pintuan ay nagmamadali silang dalawa ni Lance na pumasok sa kotse at agad itong pinaharurot paalis sa lugar.

"Someone provoked her, the Dark Land's Princess proved her." sagot ni Marru sa tanong ni Lance kanina.

"Told you she's a bitch," rinig kong sabi ni Lance. "Damn. Sinunog niya ang kalahati ni Kyinoa dahil lang sa prinovoke siya?"

Sandali akong sinulyapan ni Lance mula sa rear mirror.

"She's turning to a different person when she's provoked Lance." mariing sagot ni Marru.

Mabibigat ang pag hingang pinapakawalan ko dahil unti-unting kinakain ng panghihina ang lakas ko. Pinikit ko na ang mata ko nang makaramdam ako ng pagkahilo.

Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras ang lumipas basta ko nalang naramdaman na huminto na ang kotse. Someon opened the backseat door matapso kong marinig ang pag bukas sara ng passenger at driver seat. Naramdaman kong may bumuhat sakin palabas ng kotse. I can feel the warm of his palms on my bare-arms. I can't manage to open my eyes dahil para akong mabubulag sa sobrang hilo na nararamdaman ko.

"Just rest Lucy. Na drained lahat ng lakas mo dahil sa ginawa mo kanina." marahang sabi sakin ni Marru habang naglalakad siya papunta sa isang direksyon at buhat-buhat ako.

"Sorry." nanghihina kong sabi, naramdaman ko naman ang pag buntong hininga niya.

"Naintindihan kita, just don't do this again ok? Baka tuluyan ka ng mapahamak pag naulit pa to." marahan akong tumango sa sinabi niya habang nanatili paring nakapikit ang mata ko. Nanlalamig na rin ako dahil sa klase ng gown na suot.

Huminto si Marru sa paglalakad, ibinaba niya ako at isinandal sa isang puno. Sinubukan kong dumilat at nakita ko si Marru na nakaupo sa harapan ko habang hinuhubad ang coat ng 3 piece suit niya at isinuot niya ito sakin.

Napangiti ako. Deja-vu.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko matapos niya maisuot ang coat sakin.

"Rest babe." huminga ako ng malalim bago yumuko at pumikit ulit.

"Where is she?" rinig kong tanong ni Marru habang nakaalalay na sakin mula sa pag kakasandal ko sa isang puno.

"On the way na kasama si Alexander." sagot ni Lance.

"Can you call them? Sabihin mo anytime soon masusundan na tayo ng mga Dark users. Hindi tayo pwedeng magtagal dito dahil delikado na si Lucy! Alam na ng hari at reyna ang tungkol sakanya and they will do everything to get rid of her or used her against White Land!" may halong galit na sigaw ni Marru.

Nanatili lang akong nakayuko at nakapikit, tanging mga kaluskos at kilos lang nila nag naririnig ko. Maya-maya ay may narinig akong tunog ng makina ng kotse at sunod-sunod na yapak na papalapit samin.

"What the fuck?" rinig kong sabi ng isang boses ng lalake na pamilyar sakin. Alexander?

"Open the goddamn portal now Allison bago pa tayo maabutan dito." pagmamadali ni Marru.

Allison?

Idinilat ko ang mata ko at dahan-dahang inangat ang aking ulo, nilaban ko ang hilong nararamdaman para lang makita kung sino ang mga bagong dating. Nakita ko si Alexander na kinakausap si Lance sa may kalayuan at parang may pinagtatalunan sila. Napalingon namn ako sa gawi ng isang babae na tila may binubuksang portal.

"Allison?" nanghihina kong sambit, napalingon sakin ang babae at tama ang hinala ko si Allsion nga.

Anong ginagawa niya dito? Saglit niya lang akong binalingan ng tingin at bumalik sa ginagawa niya.

"Lucy listen to me." sabi ni Marru at marahang hinawakan ang magkabilaang pisngi ko. Nanghihina ko siyang tinitigan. He's worriedly looking at me.

"Don't trust anyone but only yourself, follow what your heart and instinct says. Palagi lang akong nasa tabi mo kahit hindi mo ako kasama ok? Remember that babe." marahan niya akong hinalikan sa noo.

Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Mariin akong napapikit nang makaramdam ulit ako nang pagkahilo. Lalong bumibigat ang paghinga ko.

"Rest babe, you need it." naramdaman ko ang marahang pagyakap sakin ni Marru.

"Handa na ang portal, Marru kailangan na nating umalis." rinig kong sabi ni Allison. Pinakikinggan ko lang ang bawat ingay ng mga galaw nila.

"Kami na ang bahala dito." rinig kong sabi ni Lance. Naramdaman kong may bumuhat sakin and I'm too weak to open my eyes para makita kung anong nagyayari sa paligid ko.

Unti-unti na akong nilalamon ng kadiliman.

"I love you Lucy."

Ang tatlong katagang sinabi ni Marru na sinundan ng sunod-sunod na malalakas na pagsabog ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

577K 20.3K 83
12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have...
161K 4.3K 57
A gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pa...
649K 19.2K 70
They are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen, but she wasn't special. Different? Yes...
46.7K 1.7K 58
Highest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang...