Tale Of Lucy Nakahara

By IbongHindiMakahuni

3M 76.4K 5.4K

"Maitatama ba ang kasalanan pagtinago ang katotohanan?" Lucy is just a typical young adult, she's fierce, bol... More

Read First
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 15

48K 1.2K 46
By IbongHindiMakahuni


LUCY

Magkahawak kamay kami ni Marru habang naglalakad sa loob ng train station ng Dark Land. Alas kwatro kami umalis sa bahay kanina papunta sa airport, nandoon kasi ang isa sa mga portal ng Crygrovian na malapit lang sa bahay ko dahil ang iba ay nasa mga probinsya at mga tourist spot na.

The ironic part is kung anong kinatakot ng Haunted Forest na portal papuntang White Land ay siya namang ikinasimple ng sa Dark Land — nasa isang nakakandadong cubicle sa isang girl's comfort room.

There's always a mystery and stories behind those locked cubicles.

"Two tickets." sabi ni Marru sa teller sa ticket counter. Pinasadahan kami ng babaeng may maiksing itim na buhok at nakasuot ng unipormeng kulay pula.

"To where?" tanong niya matapos niya kaming tingnan mula ulo hanggang paa.

"Crygrovian." sagot ko sa tanong niya. Napatitig naman siya sakin kaya binigyan ko siya ng ngiti.

They can't sense us, we're wearing a thin chain necklace underneath our shirt, makakatulong ito para hindi matunugan ng mga Dark users na may nakapasok na taga White Land sa teritoryo nila at para na rin kung sakaling gagamit kami ng mahika ay walang makaramdam, though hindi ko na kailangan dahil sa dugong Walter ko. I can use dark magic and I can blend in my presence to these people but Marru insisted na isuot ko ang kwintas baka daw kasi yung dugong maharlika ng Dark Land ang maramdaman nila at baka ikapahamak namin— ko.

Matapos iproseso ang train ticket namin na nag di naman nag tagal ng sampung segundo ay umalis na kami.

Umupo kami ni Marru sa mga benches ng waiting area while waiting for the train.

"You hungry?" napalingon ako kay Marru sabay tango.

Ala-una na nung nakapasok kami sa portal ng Dark Land pero 5 pm na dito at hanggang ngayon hindi pa kami nag ta-tanghalian dahil masyado kaming abala sa pag hahanap ng portal. Ilang comfort room ng girls din at cubicle ang pinasok ko, para lang mahanap ang portal ng Dark Land. Noong nahanap namin ay di agad kami nakapasok, masyadong mahigpit ang portal nila at kailangan pa naming dumaan sa madaming ritwal para makapasok sa teritoryo ng Dark Land na hindi natutunugan ng Dark users.

Ilang oras din ginugol namin para maka trespass sa airport dahil hindi pwedeng pumasok ang mga walang flights and we can't use our magic and ability to teleport baka may makakita pa.

"Grab a snickers." natatawa niyang dugtong. Napairap naman ako.

Naririnig ko na ang pag rereklamo ng tiyan ko dahil sa gutom.

"Funny ka na niyan? Corny mo tanga." napipikon ko saad.

Magbiro ka lang sa lasing wag lang sa gutom. Narinig ko naman ang mahinang pag tawa ni Marru na mas lalo kong ikinainis.

"Can we just teleport papuntang Crygrovian or create a portal?" tanong ko.

"We can't babe. They have this rule that's the same ours, not to use ability to teleport from one place to another, for example, Crygrovian to their Downtown. Pag nag teleport kasi sila papunta sa malayong lugar, malaking enerhiya ang mawawala sakanila at pwedeng silang mapahamak, unless they're a royalty, has an ability of teleportation or you came from a powerful family because those type of person are exempted to the said rule. Mas kaya kasi nilang pumunta sa malalayong lugar gamit ang teleportation, since they're strong it's just a piece of cake for them."

Napatango ako. Ang mga transportasyon sa White Land ang una kong napansin noong namamasyal kami nila Annya dati. White users used cars, trains and other transportations para makapunta sa malalayong district ng White Land since a simple White user can't teleport to a long distance places, maliban saaming mga galing sa royal family at may training o ability sa teleportation.

"So para sa mga simpleng mamayan ng Dark Land kailangan nilang sumakay sa tren o sa kahit anong transportasyon para makapunta sa malalayong lugar and since we need to be discreet we have to commute like a normal Dark user." halos pabulong na ang sinabi niya sa dulo.

"Pero hindi naman parte ng pagiging discreet natin ang patayin natin ang sarili sa gutom diba?" tanong ko nang kumulo ulit ang tyan ko, naglalaway na ako sa sobrang gutom nilulunok ko nalang kasi baka tumulo. Ayoko ng makahanap ng ipang aasar sakin si Marru, tangina kasi ng isang to eh ang lakas mamikon, ang sarap patayin.... sa pagmamahal.

Label check, wala parin kaming malinaw na label. Minsan napapatanong narin ako sa sarili ko kung bakit ba ako nag se-settle sa ganitong klase ng relasyon, walang assurance walang label. Sinasabi ko sa sarili ko dati na don't settle for less if you can settle for the best when it comes to relationship, pero ngayon hindi ko na alam, we confessed our feeling to each other kagabi pero hindi parin malinaw kung anong meron kami. We kiss, momol pa nga minsan eh.

Friends with more than friends feeling and with benefits? Yun yata label namin.

Should I demand a label? Or is it even important? Our love to each other is already enough as an assurance right? Tangina hirap maging single since birth tapos napasok sa isang relasyon ng walang warning amp— or do we even have a relationship aside from being friends?

Oh fuck it.

Bahala na nga kung may label man o wala. Diba nga sabi, mas masarap ang walang label. Saka ko nalang siguro harapin ang consequences nito. I love Marru, hulog na hulog na ako. I am willing to risk my feelings and everything for him. I already fell to his bottomless chasm at hindi ko na alam kung paano makaahon at makakaalis pa, so maybe might as well enjoy the bliss of falling in love with him.

Napapitlag ako nang marinig ko ang tren na papalapit sa stasyon. Tumayo na kami ni Marru at hinintay huminto ang tren sa stasyon. Nanatiling magkahawak ang kamay namin habang papasok kami sa loob ng tren. The train is not like an ordinary one na may mahabang upuan sa gilid at rail bar sa gitna na may mga hawakan. The train has rooms at may maliit na pasilyo sa gilid para sa daanan ng mga pasaherong papasok at papalabas.

"Room 33." sabi ni Marru doon sa nag a-assist sa mga pasahero, his wearing a red uniform, ang uniporme niya ay parang sa mga bell boy.

"This way sir." sabi ng lalaki na may ngiti sa labi, he doesn't look harmless to me but who knows, di ko naman siya kilala.

Naglakad kami ni Marru sa pasilyo ng train papunta sa kwarto namin, may mga nakakasalubong din akong mga pasahero na papalabas sa tren, may mga pasahero ding nakasunod samin habang ina-assist ng mga staff dito sa tren.

Huminto kami sa isang sliding door na gawa sa bakal, meron itong maliit na glass window na natatakpan ng blinds.

"Enjoy your trip." nakangiting sabi ng lalaki saamin matapos maibigay ang susi kay Marru bago tuluyang umalis para mag assist ng ibang pasahero.

Pumasok na kami sa loob at sumalubong samin ang dalawang mahabang upuang magkatapat at sa gitna nito ay isang mahabang mesa na gawa sa mahogany. Maliit lang ang kwarto, pang-apatang tao lang. Umupo ako sa tabi ng glass window at inilapag ang dala kong backpack sa tabi ko. Hinawi ko ang kurtinang nag tatakip sa bintana para makita ko ang labas. Hindi pa umaandar ang tren dahil may mga pasahero paring papasakay at bumababa. This is the first station kaya masyadong crowded, and dulo naman nito ay ang Downtown — ang sentro ng Dark Land.

Dark Land and White Land has quite similarity. Parehong Downtown ang tawag sa sentro ng dalawang lupain. Ang White Land ay nahahati sa tatlong distrito ang District 1, 2 at 3, nasa District 2 ang Downtown habang nasa District 3 naman nakatayo ang palasyo at sa District 1 naman naninirahan karamihan ang mga simpleng mamamayan ng White Land, ang District 1 din ang malapit sa portal ng White Land papalabas ng Immortal City— ang Haunted Forest.

Ang Dark Land naman ay nahahati sa apat na lugar na tinatawag nilang tribe, ang Niviana, Crygrovian, Tierra at Downtown at ang stasyon ngayon ay nasa Niviana.

Ang mga tao dito ay tulad lang din sa White Land, they look normal and harmless opposite to what kind of magic and ability they possess, maybe yun lang ang pinagkaiba ng Dark at White user— their magic and ability, they contrast each other.

"Ladies and Gentlemen this is your train operator Captain Santio Espiego and we are now heading to Crygrovian tribe. The ride will take 17 hours, we will arrive tomorrow with the estimated time of 10 am. We are hoping for your cooperation, we forbid everyone to use any kind of magic and ability that could harm anyone and cause a chaos to this trip. Again we forbid everyone to use any kind of magic and ability that could harm and cause a chaos. Violators will receive a punishment from the council. This is your train operator Captain Santio Espiego and we are now heading to Crygrovian Tribe, may the deities guide us. Good day."

Unti-unti kong naramdaman ang pag abante ng tren.

"17 hours." sabi ko at sumandal, nasa harapan ko si Marru ngayon na may kinakalkal sa bag niya.

Sumilay sa labi niya ang isang nakakalokong ngisi habang patuloy siya sa ginagawa niya.

"Marami tayong pwedeng gawin sa 17 hours." he faced me and wiggle his eyebrow while smirking.

Malakas ko naman siyang sinipa sa ilalim ng mesa nang makuha ko ang pinaparating niya. Tanginang to, nilamon na ng kaberdihan.

"Ulol Marru ulul, gutom ako wag kang ano." pagalit kong sabi sakanya na ikinatawa niya ng malakas.

"I'm not saying anything!" natatawang sabi niya. "Ikaw kung ano anong puma-pasok na ideya diyan sa utak mo. Share mo naman baka sang ayunan ko" dagdag niya pa.

Inirapan ko nalang siya sa sobrang inis.

"Oh ito." inilapag niya ang dalawang ceramic bowl na kulay puti sa harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Gagawin ko diyan? Ngat-ngatin ko?" pabalang kong tanong, napaismid naman siya at napairap.

Hindi niya ako sinagot at naglabas lang ng dalawang takip at tinakpan ang dalawang babasaging mangkok.

"Anong gusto mong ulam?" tanong niya na ikinataka ko.

"Kahit ano." maiksi kong sagot, napakunot ang noo ko nang shinake niya ang mangkok habang may nakatakip gamit ang dalawa niyang kamay. Maya-maya ay inilapag niya ang mangkok sa harapan ko, kinuha naman niya yung isa pang mangkok na may takip din at shinake.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sakanya na punong puno ng pagtataka, pero hindi niya ako sinagot at inilapag lang ang mangkok sa mesa. Naglabas siya ng dalawang kutsara at tinidor galing sa isang pahabang pouch.

"Tara kain!" masayang sabi niya at inabot sakin ang kutsara at tinidor, naguguluhan man ay tinanggap ko ito.

Inilapit niya sa tapat ko ang isa sa mangkok at nilapit naman niya sakanya ang isa pang mangkok. Tinanggal niya ng takip ng mangkok niya at sumabog sa buong silid ang mabango at masarap na amoy ng menudo, pagkasilip ko ay may kanin at menudo na sa mangkok niya, umuusok pa ito sa init.

"Eat now babe." sabi niya habang hinahalo niya ang pagkain. Hindi ko na pinansin ang tinawag niya sakin at dali-daling tinanggal ang takip sa malaking ceramic bowl na nasa harapan ko.

Sumabog sa mukha ko ang usok mula sa mainit na kanin at ang masarap na amoy ng menudo.

"Magic." Manghang saad ko at sinimulang pag haluin ang kanin at ulam.

"Dala-dala mo to?" tanong ko sakanya habang hinahalo ang ulam sa kanin.

"Yup." sabi niya at sinubo ang kutsarang may kanin at ulam.

"I brought that magic bowl with me kasi kaya niyang maglabas ng kahit na anong pagkain na gusto mong kainin by just shaking it, and knowing you alam kong mag re-request ka ng kung ano-anong pagkain sakin kaya dinala ko na iwas gastos, patay gutom ka eh."

Sinipa ko siya sa paa dahil sa huli niyang sinabi pero tumawa lang siya. Biglang naman siyang nabulunan at napaubo. Tinitigan ko lang siya na nilalabas ang water bottle niya sa bag habang hindi magka mayaw sa pag ubo.

"When karma chokes you." natatawa kong saad, he threw his glares at me habang umiinom ng tubig pero hindi ko siya pinansin at bumalik na sa pag kain.




"Hindi ba sasakit yang ngipin mo diyan sa tsokolate?" may bakas na pag-aalala sa boses ni Marru habang tinatanong niya ako.

Mag a-alas dose na ng madling araw at heto kaming dalawa ni Marru dilat na dilat parin, mga walang balak matulog. Nasa harapan namin ang napakaraming chichirya, chocolate bars at dalawang bote ng soft drinks na binili ni Marru kanina nung may dumaang naka cart na nag bebenta ng pagkain.

Binalatan ko naman ang chocolate bar na hawak ko at kinagatan ito.

"Nope." sagot ko at muling kumagat sa chocolate bar at nginuya ito. Puno ng pagkadisgusto ang muka ni Marru habang nakatingin sakin.

"What?" takang tanong ko sakanya, kumuha naman siya ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang gilid at ibaba ng labi ko.

"Dungis mo kumain." komento niya habang pinupunasan ang mantsang tsokolate sa balat ko. Nginitian ko naman siya na ikinatawa niya ng mahina. I bet there's a chocolate on my teeth.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinisil.

"Aray naman!" reklamo ko habang sinusubukang tanggalin ang dalawa niyang kamay na nakapisil sa magkabilang pisngi ko.

"Ang cute-cute naman ng bebe ko." nangigil niyang sabi habang pisil-pisil ang pisngi ko at ini-stretch pa ang mukha ko.

"Marru masakit!" sigaw ko sakanya kaya tinanggal niya na ang kamay niya, marahan ko namang hinimas ang pisngi ko na namamanhid dahil sakanya.

"Ang harot mo alam mo yun?" napipikon kong sabi. Tumawa siya habang puno ng amusement na nakatingin sakin..

"Sayo lang naman." sabi niya sabay kindat.

Napairap nalang ako. Umayos siya ng upo, tinanggal niya sa kamay ko ang hawak kong chocolate bar at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"You like daisies right?" nakangiti niyang tanong habang marahang hinahaplos ang palad ko.

"Yeah, why?" tanong ko habang nginunguya ang tsokolateng nasa bibig ko.

Inilabas niya ang isang pahabang pencil case pouch sa bag niya. Binuksan niya ito gamit ang kaliwang kamay niya habang ang kanyang kanang kamay naman ay nakahawak parin sa kamay ko. Inilabas niya ang isang kulay itim na ballpen. Tinanggal niya ang takip ng ballpen at nagsimulang mag drawing sa kanang pulsuhan ko.

"What are you doing?" tanong ko habang pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Naramdaman ko ang malamig na metal na panulat ng ballpen na lumapat sa pulsuhan ko.

Ngiti lang ang isinagot sakin ni Marru at pinagpatuloy ang ginagawa niya. I saw him drawing a small flower on my right pulse, nilabas niya ang isa pang ballpen at kinulayan ng puti ang petals ng bulaklak then he colored the flower disk yellow, kinuha niya ulit ang itim na ballpen at kinapalan ang outline ng bulaklak.

He drew a daisy flower, it's just a simple drawing but beautiful.

Pinagmasdan ko lang ang bawat kilos niya, sa pag bawat lapat ng panulat sa balat ko ay sinasamahan niya ng pag iingat. Hindi nakakatakas sa paningin ko ang maliliit niyang ngiti sa tuwing humihinto siya para pag masdan ang gawa niya, like he's so proud of his art.

"It's permanent." sabi niya habang habang nakangiting hinahaplos ang drawing niya gamit ang hinlalaki ng kanan niyang kamay nang matapos siya.

"Permanent?" takang tanong ko. He lifted his head and meet my gaze.

"Yeah, like a real tattoo. Hindi na to mabubura." marahang sabi niya, napababa naman ang tingin ko sa dinrawing niyang daisy sa pulsuhan ko, hinaplos ko ito. I can feel a small bump on my skin sa may parte ng drawing niya na para bang tinatuan talaga.

"Daisy tattoo means love, patience, purity and loyalty," Marru said in a soft voice.

"You like it babe?"

"I know how much you love minimalist stuffs so I made it simple and minimalist for you." dagdag pa niya.

I really don't know where the hell did he get those facts about me na hindi ko naman nababanggit sakanya. He seems he knew everything about me.

"How did you know about that?" tanong ko. Ngumiti siya.

"I just know." he said gently, dumukwang siya at binigyan ako ng banayad na halik sa noo.

Tinitigan ko siya sa mata na ngayon ay nakatitig narin sakin, his eyes are full of contentment. He once beamed a smile at me, inilapit niya sa labi niya ang pulsuhan kong may tattoo at marahan itong hinalikan.

"I promise to you that I'll always be here, loyal and patience. My love for you is pure Lucy, whatever happens it will never change, it will always be you."

Napangiti na ako ng tuluyan dahil sa kilig. This man is mine.

Tumayo si Marru at isa-isang tinaggal ang mga pagkain sa mesa, tumayo na rin ako para tulungan siya. Pinagtulungan naming ibaba ang mesa para lumebel sa dalawang magkatapat na pahabang upuan para may mahigaan na kami. The table is portable, pwede itong i-extend at idugtong sa dalawang upuan para maging kama. Kinuha ko ang dalawang makakapal na comforter sa maliit na cabinet na nakapwesto sa ilalim ng upuan ko, inilabas din ni Marru ang dalawang unan na nasa cabinet din sa ilalim ng upuan niya.

Inilatag naming ito sa mesa na ngayon ay karugtong na ang inuupuan namin ni Marru kanina. Nauna akong humiga katabi ang bintana at sumunod naman si Marru sa tabi ko. Umaayos ako sa pagkakahiga at inunan ang braso niya. Dahil nakahawi ang kurtina sa gilid ay kitang-kita namin ang mga puno na nilalagpasan ng tren at ang mga bituin at buwan na nagliliwanag sa madilim na kalangitan. Para kaming sinusundan ng bilog na buwan. Nakatagilid si Marru paharap sakin habang unan-unan ko ang isang braso niya habang ang isang braso naman niya ay nakapaikot sa bewang ko.

"I started to love the night sky and blue sky because of you." he whispered while looking at the milkyway sky outside the window.

I lifted my head to face him. His face is too close so I grab the chance to study his face. He's still looking outside the window watching the tress passes by and the stars and moon following us while gleaming in the night sky.

Wala sa sariling pinalandas ko ang daliri ko sa makapal niyang kilay kaya mabilis kong naagaw ang atensyon niya.

"Since when did you decided to cut your right brows?" bulong ko habang pinapalandas ang daliri ko sa dalawang hiwa ng kanang kilay niya.

"Bagay ba?" tanong niya.

"Kanina ko pa to napansin, wala naman to kagabi." sabi ko na hindi parin inaalis ang tingin sa makapal niyang kilay. The eyebrow cut suits him, lalo siyang pumugi at lumakas ang appeal niya.

Hinawakan ni Marru ang kamay ko na marahang hinahaplos ang kilay niya at dinala ito sa labi niya para halikan.

"I just cut it last night noong tulog ka, you know... remembrance." napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Marru at napatingin sakanya. Remembrance? Remembrance for what?

"Para pag sa tuwing humaharap ako sa salamin at makita ko ang dalawang hiwa sa kilay ko, ma-aalala ko ang araw na umamin ka sakin."

Lalong kumunot ang noo ko. Anong ka cornyhan ni Hasherine to?

"Huh?" napatawa naman si Marru sa reaksyon ko at mabilis akong hinalikan sa labi.

"It will be my constant reminder of you Lucy." sagot niya at niyakap ako ng mahigpit.

I smelled his scent nang tumama ang mukha ko sa dibdib niya gawa ng pagkakayakap niya sakin.

"I love you, I will always love you. Ikaw pa rin hanggang sa dulo."

I smiled when he said those sweet words to me.

"Mahal din kita, aking buwan, ikaw hanggang dulo."

Continue Reading

You'll Also Like

92K 3.3K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
577K 20.3K 83
12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have...
71.1K 2.1K 32
A 17 year old girl, Abiona Heartfilia, run away from home and traveled to Philippines to join MP3 Academy - a prestigious musical school made of tal...
230K 5.1K 20
Nimphane Astrid Triton,isang normal na babae na naninirahan sa mundong ibabaw.Ngunit sa isang insidente ay bigla siyang ililipat sa isang tagong paar...