Tale Of Lucy Nakahara

By IbongHindiMakahuni

3M 76.4K 5.4K

"Maitatama ba ang kasalanan pagtinago ang katotohanan?" Lucy is just a typical young adult, she's fierce, bol... More

Read First
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 4

87.3K 1.9K 174
By IbongHindiMakahuni

LUCY

Nailayo ko ang mukha ko kay Marru dahil di ko na kinaya yung sobrang lapit niya sakin, lalo na nang magsalita siya. Nahiya ako baka bigla niyang maamoy hininga ko. Ibinaling ko nalang ang tingin sa harapan namin, at sobra akong napamangha sa lugar na nasa harapan namin. Tanaw ko ang isang malaking palasyo sa malayo at ang mga maliliit na kabahayanan. Nakatayo kami sa isang bangin at tanaw na tanaw ko ang buong lugar. Naptingin ako sa kalangitan kung saang tirik na tirik ang araw.

Ilang oras ba kaming naglakad? Tanghali na agad? Agad akong napakagat ng labi nang maramdaman ko ulit ang mga kinain ko na umaakyat sa lalamunan ko. Mabilis kong tinapik ang balikat ni Marru, sinyales na susuka ulit ako. Agad naman niya akong binaba at hindi pa siya nakadistansya sakin ay sumuka na ako.

I heard him inhaling sharply nang masukahan ko ang sandals niya. As much as I don't want to puke infront of this beautiful city I can't help it. Agad niya akong inalalayan pasampa sa likod niya nang matapos akong sumuka.

"Sorry." nahihiyang hingi ko ng tawad sakanya habang inaalis niya ang suka ko sa sandals at paa niya.

"Tara na." sabi niya, hindi ko mabasa ang tono ng boses niya kung naiinis na ba siya sakin o hindi. Pero pakiramdam ko gusto na niya akong ibalibag sa bangin. Huminga ako ng malalim at pumikit dahil ang sakit sa mata ng sikat ng araw. Muli kong ipinatong ang ulo ko sa balikat niya dahil sa matinding hilo.

"Immortal City?" hindi ko alam kung narinig niya ba ang tanong ko dahil sobrang hina ng boses ko.

"I'll explain it later." sagot niya, naramdaman ko ulit na muli siyang naglakad pero ramdam ko ang ingat sa paglalakad niya lalo na at mukha pababa kami. Inangat ko unti ang ulo ko mula sa pagkakasandal sa balikat niya para masilip ang dinanadaanan naming. Mula sa kalayuan ay nakita ko ang isang malaking tulay na maraming lumang lamp post na naka hilera sa magkabilaang parte, patungo si Marru sa tulay na iyon.

Pagdating namin sa misming syudad ay lalo akong namangha sa nakita ko. Maraming mga gusali ang nasa paligi, karamihan sa mga ito ay hanggang pangalawang palapag lang. Para akong nasa renaissance era dahil sa mga itsura ng gusali, pero noong nasa bangin kami kanina ay tanaw na tanaw ko ang mga modernong gusali na naglalakihan sa may kaluyan sa lugar na to.

Hindi na ako nakasandal sa balikat ni Marru dahil lahat ng atensyon ko ay nasa mga taong nasa paligid namin.

Bakas ang gulat at pagkamangha sa mukha ko nang makita ko silang naglalabas ng kung ano-anong element sa kamay nila. Ang iba ay nag papagalaw ng halaman, ang iba ay nag papalutang, ang iba naman ay lumulutang. May mga bandiritas din sa taas at may mga tumutogtug ng instrumento sa mga gilid ng daan. Ang saya nila tingnan.

Marahas kong iniling ang ulo ko. What the actual fuck is happening? Ang dami kong nakikitang hindi normal sa paningin. Resulta ba to ng kalasingan ko?

"Ngayon lang sila ganyan, may pyesta kasi." sabi ni Marru, tukoy niya sa mga nangyayari sa paligid. Napapitlag ako sa gulat nang may magbuga ng apoy sa harapan namin.

"Magandang tanghali mahal na prinsepe!" bati niya habang nakangiti sa direksyon namin. Pasimple akong napalingon sa likuran ko pero kami lang ang nakatayo sa harapan ng lalaking nagbuga ng apoy samin kanina. Unti-unting naagaw namin ang atensyon ng mga taong nasa paligid, nakatingin sila samin lalo na sakin kaya agad kong tinago ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat ni Marru. Marru suddenly stilled and I heard him inhaled sharply.

"Magandang umaga." walang emosyon na bati ni Marru bago ko siya maramdamang naglakad.

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sakanya. "You're a prince?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nilingon naman niya ako. "Yes, you have a problem with that?"

Tumango ako na ikinahinto niya sa paglalakad. "You don't look like one." saad ko sakanya at humikab, kumurap-kurap ako dahil domu-doble na naman yung paligid ko.

"You look like a knight to me or a greek god." sabi ko bago bumalik sa pagkakasandal sa balikat niya, hindi ko na nakita ang reaksyon ni Marru dahil ipinikit ko na ang mata ko dahil sa sobrang hilo.

"You're so drunk Lucy." rinig kong sabi niya bago ako tuluyang lamunin ng antok.

"What happened to her?"

"Drunk and wasted." naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko. Napadaing ako dahil unti-unti kong naramdaman ang kirot sa sintido ko. Ah fuck this hangover.

"What did you do?" rinig kong tanong ng isang babae, hindi ko maidilat ang mata ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"I didn't do anything ok, naglasing siya sa loob ng gubat." lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa ingay na naririnig ko. Gumalaw ako sa pagkakahiga dahil hindi na ako kumportable sa pwesto ko.

"Get the hell out of here Allison, give her a break first. Hayaan mo muna matanggal ang hang over niya bago mo simulang daldalin." unti-unting humihina ang mga boses na naririnig ko hanggang sa nakarinig ako ng pagsara ng pinto.

Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko, sumalubong sakin ang malaking ceiling fan, inilibot ko ang tingin sa buong lugar. Nakahiga ako sa isang malaking kama, sa tabi ko ay ang isang malaking bintana na kitang kita ang labas, sa tapat ng kama ko ay isang mahabang couch at dalawang single couch na magkaharap at sa gitna nito ay ang isang glass na coffee table. Napatingin naman ako sa isang pintuan na nakabukas kunti. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad patungo sa pintuang yun, nang buksan ko ay tumambad sakin ang isang napakalawak na walk in closet.

Napatingin ako ulit sa kwarto at nakita ko ang isang pintuan sa tapat ng walk in closet, napatingin naman ako sa isa pang pintuan na napapagitnaan ng dalawang pinto. Saana ng exit? And where the fuck am I?

Bumalik nalang ako sa kama at umupo dahil kumikirot na naman ang sintido ko. Napatingin ako sa pintuan na nasa gitna nang bumukas ito at pumasok ang isang lalaki. Puno ng pag tataka ko siyang tiningnan na ikinatigil niya. Bigla siyang umirap at nagbuntong hininga.

"Its me Marru, ilang beses mo ba akong makakalimutan?" naiinis na tanong niya sakin bago ilapag ang isang tray na may pagkain sa side table. Napaiwas agad ako ng tingin sakanya nang sunod sunod kong maalala ang nangyari sa loob ng gubat hanggang sa lugar na to.

Wait the fuck am I again? Immo- what? Immortal City?

"Here." napapitlag ako nang may dumikit na malamig na bagay sa braso ko at doon ko lang na realize na I'm wearing a night gown. Napatingin naman ako sa glass bowl na inabot niya sakin na may lamang sopas.

"For your hangover." saad niya at umupo sa tabi ko, kinuha ko naman ito kasama ang inabot niyang kutsara.

"You're so fucking wasted yesterday." he said and started laughing like there's no tomorrow and I don't know why the fuck he's laughing. Sumubo ako ng sopas habang pinapanood lang siya at nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay tumigil na siya.

"Sinong nagbihis sakin?" tanong ko sakanya. He cleared his throats before answering me.

"Allison," "You're so wasted yesterday, sinukahan mo sarili mo kahapon." sabi niya habang umiiling. "Nag isang malaking bote ng gin ka pa ah." pang aasar niya pa sakin.

"Close tayo? Kung mang asar ka ah." bara ko sakanya at inubos ang sopas na binigay niya sakin, sunod naman niyang inabot ang isang tablet at baso ng tubig na walang pag alinlangan kong tinanggap at ininum. Nabalot kami ng katahimakan habang pinapahupa ko ang sakit ng ulo ko.

"Where is Allison?" tanong ko sa katabi ko. "Downstairs, living room." sagot niya agad akong tumayo at pumunta sa pintuan pinasukan niya at lumabas ng kwarto. That motherfucker crazy bitch owed me an explanation. What's happening right now is fucking unusual.

"Oh Lucy good afternoon." nakangiting bati sakin ni Allison nang makita niya akong pababa sa grand staircase. She eyed me from head to toe pero hindi ko to pinansin at umupo sa isang single sofa na katapat niya.

"What the actual fuck is happening right now?" deretso kong tanong sakanya na ikinahinto niya sa pag inom ng kape, kape sa tanghaling tapat.

"Your head is not throbbing anymore? How are you? Dinala ka dito ni Marru na lasing na lasing, sinukahan mo pa siya. You okay now?" sunod sunod niyang tanong.

"I'll be fine if you start explaining why I'm here? Clearly, I shoudn't be here." sagot ko sakanya at humalukipkip. Sumandal ako sa upuan at ipinag ekis ang dalawang hita ko habang si Allison ay pinapanood lang ang bawat galaw ko.

"I'm waiting..." saad ko. "I almost died because of you, you know." dagdag ko.

"Why did you bought all the money with you?" tanong niya, pambabalewala niya sa mga sinabi ko.

"I just want to. Now explain, bakit ako nandito?" mula sa pherepiral view ko ay nakita ko si Marru na pababa.

"Alis muna ako." paalam niya kay Allison, pero sakin siya nakatingin kaya nilingon ko siya.

"What?" mataray kong tanong sakanya, I can't still forget na tinawanan niya ako kanina.

"Next time kung maglalasing ka, siguraduhin mong kaya mo." inirapan ko nalang siya. "Yeah yeah whatever." sabi ko at binugaw na siya paalis gamit ang kamay ko, napairap nalang siya at tuluyan ng lumabas ng bahay.

"Now explain, my situation right now is starting to freak me out." I believe in magic and the idea that there are people who's living on this planet and not classified as humans or animals... I called them the peculiars. But never I imagined that I'm going to face them and visit their place.

"I'll explain to you everything but please, I want you to listen to me carefully and no questions until I'm done explaning, okay?" kalmado niyang sabi sakin bago sumandal sa sandalan ng upuan niya, tango nalang ang naisagot ko sakanya. I'm readying myself to her explanation.

"He misses you, I'm sure of that." sabi niya na ikinalito ko.

"What?" tiningnan niya ang pintuang nilabasan ni Marru.

"Marru..." she trailed. Napakunot ang noo ko, I'm asking for an explanation not a puzzled statement.

"I don't know what you're talking about." ibinalik niya ang tingin sakin at sandaling natahimik habang nakatitig sakin, wala sa sariling napalingon ako sa nilabasan ni Marru.

I just met that guy, so ano tong pinagsasabi ni Allison? Huminga ako ng malalim bago muling hinarap si Allison na sumimsim ulit ng kape.

"Stop confusing me with your words and start explaining because I deserve an explanation, I deserve an acceptable reason." I said quoting my favorite lines from one of Toni Gonzaga's film, umasim naman ang mukha ni Allison.

"Lasing ka pa yata." mahinang bulong niya pero rinig ko naman. "Hinaan mo pa, baka di na kita marinig." sabi ko.

"Explain na! Naghihintay ako." Pag a-apura ko sakanya.

"Your parents died in a plane crash right?" bigla akong napatigil sa tanong niya. How did she know that?

"Yeah..." pinagmasdan ko ang bawat reaksyon ng mukha ni Allison at ang kilos niya. Pinaningkitan ko siya ng mata na ikinairap naman niya.

"What's your parent's name?"

"Why are you asking me odd questions?" hindi ko sinagot ang tanong niya. I look at here with full of distrust.

"Just answer my question and I told you no questions while I'm explaining."

"You're asking, not explaining." I pointed her out, napairap naman siya umayos ng upo. "Just answer me child." I looked at her in the eyes with full of confusion and answered her question.

"Tracy Nadine Sandoval and Troy Nathan Sandoval" sagot ko sakanya without looking away. Does she know my parents? I know my parents are hiding something from me.... Hindi naman ito siguro diba? Come'on I don't want my life to be part of some kind of cliché fantasy.

"Yuri Cassandra Leanna Ashley Nakahara and Eriko Harrison Vanrey Vlademir Nakahara
ang totoong pangalan ng magulang mo Lucy Veronnica Clareyan Nakahara." tuloy tuloy niyang sabi kaya napaayos ako ng upo. Wait I failed to keep up from her words.

Ano daw? Ang dami kong pangalang narinig... alin dun and pangalan ng magulang ko sa sinasabi niya?

"What? Sorry, say it again... choices of names ba yung sinasabi mo?" napakunot naman ang noo niya sa tanong ko.

"No, those are they names." sabi niya but I'm still confused. "Say it again, but slower." sabi ko, napabuga naman siya ng hangin at napairap.

"Here we go again." mahinang niyang bulong.

Sorry I'm shock and confuse.

"Yuri Cassandra Leanna Ashley Walter Nakahara and Eriko Harrison Vanrey Vlademir

Nakahara are your parents' name and you are—

"What kind of fucking name is that?" putol ko sakanya, I lost counts on their names, napasigaw naman si Allison sa sobrang inis at napahilot sa bridge ng ilong niya habang nakapikit.

"Is this some sort of a prank? Because I know my parents at ang pangalan nila ay simple lang, hindi mala sentence—"

"You are Lucy Clareyan Veronnica Walter Nakahara," Allison blurted out that cut me off.

"A pureblood." dagdag niya. A what? Pureblood? Why may fake blood ba? Tiningnan ko si Allison na para siyang tinubuan ng limang ulo. Man, I think someone is pulling a prank on me.

"Ah jusko! Sa pangalan palang na i-stress na ako!" sigaw ni Allison na parang nababaliw na.

"Enlighten me please..." sabi ko sakanya kaya tumingin siya sakin, inilagay niya ang kamay niya sa magkabilaang arm rest ng upuan.

Bakit ang hahaba ng mga pangalan namin? May crisis ba sa pangalan noong ipinanganak kami? Puno ang ¼ sheet of paper sa pangalan palang namin.

"Bakit ganoon pangalan nila?"

"Aba malay ko! Mukha ba akong mga lolo at lola mo?" bara niya sa tanong ko.

Huminga ng malalim si Allison at pumikit ng mariin bago dumilat.

"This is hard for you to believe Lucy and I know your schocked right now but believe me, lahat ng nakikita mo at sasabihin ko ay totoo." seryoso niyang saad sakin habang hindi niya inaalis ang titig niya sa mata ko.

"Your parents are Immortals Lucy pati ikaw."

"They died in a plane crash so aano mo nasabing immortal sila kung namatay sila sa plane crash?" puno ng inis kong tanong, I feel like she's disrespecting my parents, patay na nga ginagawan pa ng kung ano anong kwento.

"Ok listen..." she trailed.

"Your parents were royalties from both lands, the White and Dark Land." muling napakunot ang noo ko sa sinabi niya napakamot ako sa ulo ko.

"Wait let me guess, White Land is the land of the good people and Dark land is the land of the bad guys," dahan dahan siyang tumango sa sinabi ko.

"Is this some kind of a racist thing?" tanong ko at muli na naman siyang napadaing sa inis.

"No!" sigaw niya. "Jusko Lucy pati ba naman pangalan ng dalawang lupain k-kwestyunin mo?" naasar niyang tanong sakin, itinaas ko ang dalawang kamay ko na parang sumusuko.

"Calm down dude, I'm just asking," "Ano naming meron sa dalawang land na yun?" sunod kong tanong.

"Those are the two lands of Immortal City, and we are in the White land, both of your parent's family; your grand parents were ruler of those lands. Nakahara in White land and Walter in Dark Land." Itinaas ko ang isang kamay ko para patigilin siya saglit.

"Let me guess, both land are some sort of enemies or rivals?" tumango siya. "Yes."

"So... anong kinalaman naming doon?"

"A war happened between the both familes and to the whole Immortals decades ago, and your parents use that to escape Immortal City. They escaped during the war leaving everything and everyone behind."

"Forbidden love ba sila?" tumango ulit si Allison sa tanong ko.

"People in Dark land posseses dark magic and we call those people Dark users, while in White land we the White users posses magic opposites to Dark users."

Dark and White user... why does it sounds like drug user to my ear?

"Color based na ba ang classification ng good and bad?" tanong ko sakanya na ikinakamot niya sa batok, marahas ang pagkakakamot niya na para bang doon binubuhos ang stress niya.

"Ang White land ay may ruler, the King and Queen." sabi niya not answering my question.

"The Hasherine's are current ruler right now. King Isaac II and Queen Tasha." Hasherine... I remembered the person greeted us yesterday and called Marru with prince on his name.

So he's a royalty huh.

"Anong konek nun sakin?"

"The Nakahara should supposedly rule the White Land as they are most powerful bloodline in the whole Immortal City same to Walters who are the powerful bloodline that posseses dark magic but they all died in the war, so the second family in White land and the third family in Dark land takes place and they rule their perspective lands. The Hasherine of White Land and the Hudson of Dark Land."

Dahan-dahan akong sumandal sa upuan habang prinoproseso ang sinasabi ni Allison sakin.

"What did you call me earlier?" dahan-dahan kong tanong sakanya. "Lucy Veronnica Clareyan Walter Nakahara?" dugtong ko. Tinitigan lang ako ni Allison at dahan dahang tumango.

"You're the last Nakahara and Walter Lucy, the purebloods of both lands." Wait what? Last?

This is so insane. Hindi ko na alam kung anong tamang magiging reaksyon ko. But I'm trying to calm down. Walter and Nakahara, both purebloods that posseses different kind of magic.

"Pureblood lang hindi air bender?" tanong ko at tuluyan ng nabaliw si Allison. Pinanood ko lang siyang magwala sa inis. Katahimikan ang bumalot sa paligid namin bago siya kumalma at magsalita ulit.

"Your mom is a Walter and your dad is a Nakahara." napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"So I'm a half-half..." I concluded.

"Yes, but still a pureblood."

"Your parent's love story in one the chaotic love story that I'v ever witnessed." saad pa ni Allison na parang may inaalala. Forbidden love is always chaotic, its like both of you against the world. Heart and Echo lang ang peg.

"Their love caused a war between your familes and both lands. Your mother tried to convert herself to be one of us pero nalaman ito ng lolo mo and all hell breaks loose. Things became more chaotic to the point that both families declared war and your parents use that escape Immortal City. They escape during the war, they left everything and everyone behind for the sake of their love to each other."

This is so different from what my dad said. Ang sabi niya sakin kasali sila ni mom sa isang text clan, nag send si dad ng gm nag reply si mom then boom naging sila na. When I first hear that I thought it was so romantic but as I grew up I realized to it's a fucking lame love story. And now malalaman ko na "them against the world" pala love story nila.

"Both of your grandparents died in the war, so the second family takes place and rule the White land and those are the Hasherines King Isaac II and Queen Tasha and as for the Dark Land the third family take over, the Hudsons."

"Bakit ikatlong pamilya sa Dark Land?" tanong ko, ngumiti naman saakin si Allison.

"Because the only daughter of the second powerful family of Dark Land is currently ruling our land." nakangiting niyang sabi. Napaayos ako ng upo.

"Queen Tasha was once a dark user she was the Princess Arrabela Tasha from second strongest family of Dark Land."

"Why she's ruling White land if she's a dark user?"

"Lucy, again she was a dark user." saad niya at pinag diinan ang salitang 'was'.

"She converted herself to be one of White user? You can do that?"

Tumango si Allison

"Forbidden love din ba sila?" sunod kong tanong.

"Yes, but less chaotic. Both of their families understand their situation, they accept them and let Tasha convert herself to be a White user. Unlike to your parent, your grandparents were so against to their relashionship maybe because they are the first purebloods. They did everything to stop your mom and dad. Your mom's father became more furious when he discovered that your mom plans to convert herself to become a White user." saad ni Allison.

I felt sorry for them. I can't imagine what mom felt when his parents hindered her happiness to be with dad and same goes to dad. I can hear them saying sana all to the King and Queen.

"But sadly, the King and Queen's parents also died in the war."

"Did mom succeded?" tanong ko kay Allison, pertaining to the conversion thing kay mom at mukhang naintindihan naman niya ito.

"Your mom failed to complete the whole process of convertion kasi nalaman ng lolo mo ang tungkol dito."

"So I still posses her dark magic." marahang sabi ko na ikinatango niya.

"But even that she fails, 1/8 of her ability now falls to ability category of White user." napakunot naman ang noo ko.

"So hindi na siya pureblood?" nagtataka kong tanong na ikinailing ni Allison.

"Nope, a pureblood is a pureblood. The idea of conversion is just to turn your magic evil to good one and vice versa." dahan-dahan naman akong napatango at muling sumandal sa upuan at pinagmasdan ang kisame.

"Only few of us know the real identity of the Queen." basag ni Allison sa katahimikan.

"If mom and dad escaped... diba dapat may maghahanap samin?" As far as I can remember since wala akong masyadong matandaan sa childhood days ko ay naalala ko normal lang kaming namumuhay, hindi palipat-lipat ng bahay at para wala naman kaming tinataguan.

"Everyone tried to find them but your parents cast a spell para maitago sila sa mga taong gustong humila sa mundong tinatakasan nila." umayos ako ng upo at hinarap si Allison.

"How did you know all of this?"

"I'm their friend Lucy, I've witnessed everything." saad niya at ngumiti, the way she said those words is something. Humalukipkip ako at sumandal sa upuan bago tinitigan sa mata si Allison.

"Sabi mo may mom and dad casted a spell kaya hindi sila nahanap ng mga naghahanap sakanila. Then how did you find me? You knew where we are?"

"Isa ako sa mga exempted ng spell Lucy, I know where your parents are from the start,"

"There's an exemption to the spell?"

"Yes at yun ang mga taong pinagkakatiwaalan ng mga magulang mo."

Huminga ko ng malalim

"I've been waiting for this moment to happen after your parents died." dagdag niya.

"You're waiting this moment?" tumango siya sa tanong ko at ngumiti.

"Yes, matagal ko ng hinihintay ang panahon na ibalik ka ulit sa tunay mong mundo." makahulugan niyang saad. Hindi agad ako sumagot at tinitigan siya. Sumilay sa labi ko ang isang ngiti.

"You think this is the right time?" I asked her without breaking my smile na ginantihan niya din.

"Yes Lucy, the time is just so perfect."

Marahan akong tumango sa sinabi niya at tinitigan siya sa mata.

"How sure are you that I'm the last one?" seryoso kong tanong sakanya na ikinatigil niya. Pinagmasdan ko ang kilos at ekspresyon ng mukha ni Allison, matagal bago siya magsalita ulit.

"If there is somene aside from you, then they are just half pureblood unlike you. You're different Lucy." makahulugan niyang sagot. I tilt my head without breaking the eye contact.

"If my parents are immortals, how come that they died in plane crash? It's a lame death for an immortal, lalo na at gaya ng sabi mo kanina makapangyarihan sila." ngumiti naman si Allison.

"We have this theory that someone killed them," saad niya na ikinatigil ko. "But we don't have an idea kung sino." dagdag niya.

Someone killed them? Mariin akong pumikit at maya-maya ay dumilat para salubungin ulit ang kulay dilaw na mata ni Allison.

"So we are not immortals kung may kasukdulan din naman ang buhay natin." napairap naman si Allison sa sinabi ko.

"Immortals to immortals Lucy plus there are weapons that can kill us. We live longer than humans, we don't die, mamamatay lang tayo pag pinatay tayo ng kapwa natin, but we can live forever kung walang magtatangka sa buhay natin." sabi niya, kinagat ko ang pisngi ko sa loob ng bibig ko.

"We can stop our aging depende satin." dagdag pa niya.

Nanatili lang ang mga mata ko kay Allison. I'm skeptical to believe Allison's words. Everyone can lie even her.

"Give me reasons to believe you. It's easy to lie Allison. Convince me." serysong sabi ko na ikinatigal niya sa pag simsim ng kape. Ibinaba niya ang tasa sa mesa na nakapagitan samin at may kinuha sa bulsa niya at inilapag ito sa harapan ko.

"Is that enough?" tanong niya. Kinuha ko ang nilapag niya sa mesa, it's a picture of a group of teens. I saw mom, dad and Allison together with the other people who looks like in the same age like them. Inilapag ko ang larawan sa mesa at kinuha naman ito ni Allison at ibinalik sa bulsa niya.

"Mas makukumbinsi ka lalo habang tumatagal ka dito." sabi niya, napahilot naman ako sa sentido ko. I know that my parents are hiding something from me pero hindi ko inaasahan na ganito kalala ang tinatago nila sakin.

"You need to keep your identity when your outside the White land." nabaling naman ang atensyon ko kay Allison ulit dahil sa sinabi niya.

"But here? It's fine, pwede mong ipagsigawan na isa kang Nakahara, we are all safe here because of the barrier that your grandfather created."

"Barrier?" tumango si Allison sa tanong ko.

"Yes, the barrier that is protecting us from people in the Dark Land." napatango nalang ako sa sinabi niya, I'm still trying to process everything.

"You are a Nakahara now Lucy not a Sandoval." paalala niya, napatango nalang ako habang nakatingin sa kisame while wishing that my faith will not end up to some kind of cliché fantasy story.

"You are our last chance Lucy." napatingin naman agad ako kay Allison na pinagmamasdan ako.

Last chance to what?

"Our last chance to win against Dark user and to bring peace to the whole Immortal City." marahan pero may bakas na seryosong saad ni Allison bago tumayo at pumunta sa kusina dala dala ang tasa ng kape niya.

Hindi na ako nakaimik, she's talking the reason why I'm here, she's talking about my responsibility. Kakahiling ko lang na ayokong mauwi ang buhay ko sa isang cliché fantasy story eh.



Nasa tapat kami nang isang bahay, ang sabi ni Allison ay dito raw ako mananatili. Pinagmasdan ko ang bahay, magarbo at may modernong disenyo ito at may tatlong palapag. Sumunod lang ako kay Allison nang binuksan niya ang gate at pumasok, tumambad sakin ang isang pathway papunta sa doble door.

"They are waiting for you yesterday for your welcome party but you came her wasted and drunk." sabi niya sakin bago binuksan ang pintuan. Sino ang tinutukoy niya?

Tumambad sakin ang madilim na loob ng bahay at pagkaapak na pagkaapak ko sa loob at bigla nalang may sumabog sa na confetti sa mukha ko. What the fuck.

"Welcome to your new house and new life Lucy Clareyan Veronnica Walter Nakahara!" napapikit ako nang biglang lumiwanag ang paligid, dahan-dahan kong idinilat ang mata ko para unti-unting makapag adjust ang mata ko sa liwanag.

And there a I saw a group of people holding a tarpaulin na na naka format na parang sa tarpaulin tuwing may lamay. Halos mamula ako sa kahihiyan nang makita ko ang mukha ko sa bilog na frame ang isang candid shot ko na nagsusuka at base sa suot ko mukhang kahapon lang nangyari yun.

What the actual fuck. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga naghahawak ng tarpaulin and I saw some familiar faces na hindi ko inaasahang makikita ko dito, I'm surprised and speechless.

"Grabe sakit sa tainga ng sigaw niyo ah." rinig kong reklamo ni Allison.

"Saan ka nakakakita ng surprise welcome na bumubulong?" pabalang na sagot ng isang lalake na may kahabaan ang buhok na kulay brown.

"Whatever kiddos." napapitlag nalang ako ng tapikin ako ni Allison sa balikat.

"Mauna na ako, sila na bahala sayo." sabi niya sabay turo sa grupo na nasa harapan ko bago tuluyang umalis. Napatingin ako sa mga taong pamilyar sakin.

"What the actual fuck is happening here?" napangiwi naman ang iba sa naging tanong ko, pero ang dalawang bruha na kinakausap ko ay nakangiti parin.

"Duh isn't it obvious? We are also like you! I'm pretty sure that Allison explains everything to you." sabi ni Annya na ikinatango din ni Tiffany na nasa tabi niya.

"Alam niyo?" gulat kong tanong.

"Yup! Matagal na but we don't have the rights to spill the tea." sabi ni Tiffany at nilapitan ako para yakapin. "We so missed you so much Lucy!" sigaw niya at nakiyakap naman si Aanya samin, lumapit na rin ang iba samin kaya kumalas ako sa yakap ng dalawa.

"Hi remember me?" tanong ng isang babae sakin na pamilyar din. Damn I'm right, there's something in her the first time I saw her and now I know why. Kilala na niya ako bago pa kami magkita.

"Yurika." tawag ko sa pangalan niya na siyang ikinangiti naman niya.

"I told you right, mag kikita pa tayo. I'm so glad that you can still remember me." masaya niyang sabi. Isa isa naming nagpakilala sakin ang iba.

"Mirko Sanchez by the way."

Sunod naman na nagpakilala ang isa pang lalake, yung nangbara kay Allison.

"Cyrus Fernandez."

"Ivan Fuentabella." pag papakilala pa ng isa pang lalaki. "By the way, may hang over ka pa ba?" tanong niya na ikinatigil ko, muli akong napatingin sa tarpaulin na hawak ni Mirko na kung saan naka print ang mukha ko habang nagsusuka.

"We were there." pag komperma ni Yurika sa hula ko, narinig ko ang mahinang tawa nila.

"What the fuck Lucy? Bakit ka naglasing? Bruha ka sinukahan mo si Marru."

Sabay-sabay silang napatingin sa lalaking kakapasok lang sa bahay kaya napatingin ako sa may pintuan, Marru Hasherine, he's a prince. Should I start calling him Your Royal Highness?

"Oy Marru, late ka na naman." sabi ni Ivan at inakbayan ito, ngumiti naman si Marru at tiningnan ako.

"I don't want to miss the welcome party of this wasted alcoholic girl standing infront of me." napanganga naman ako sa tinawag niya sakin. Ok fuck courtesy, give respect to the one who deserves respect.

"Tangina mo ah." kalmado kong saad sakanya, bigla naming tumahimik ang paligid.

"Diba ako dapat ako ang magalit sayo kasi ilang beses mo kong sinukahan?" bakas ang galit sa boses niya, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Edi magalit ka." sabi ko, hindi ko alam pero kumukulo dugo ko sakanya tuwing nakikita ko siya. Nagsukatan kami ng titig sa isa't isa hanggang sa may sumigaw.

"Oy may spaghetti! Tara kain na!" naputol ang titigan namin ni Marru nang sumigaw si Mirko at isa-isa na silang nagsipuntahan sa mahabang mesa kung saan nakahilera ang mga pagkain. Pupuntahan ko na sana sila nang may humawak sa braso ko.

"A simple thank you will be much appreciated." puno ng sarcasm niya saad. Hinarap ko siya, yeah I should say thank you. Huminga ako ng malalim bago tinuon ang buong atensyon ko sakanya.

"Thank you." puno ng sinsiredad kong saad at ngumiti, pero hindi siya ngumiti pabalik. Ilang segundo niya akong tinitigan na agad kong ikinailang.

"Why are you so good at pretending?" serysoso niyang tanong sakin na ikinalito ko. Ano daw? Bigla siyang ngumisi na ikinainis ko.

"Your always like this, cunning little pretencious evil witch." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya dahil sa gulat, Margarret once told me that exact same statement before. What the fuck.

"I don't know what you're talking about." puno ng diin kong sambit sakanya, muling sumilay ang ngiti niyang peke at dahan dahang lumapit sakin.

"You really don't remember me do you? O baka nga talaga tuluyan mo na akong kinalimutan... para takasan ang kasalanan mo."

Continue Reading

You'll Also Like

141K 3K 66
Amanda Perez, was born blind who grew up with the presence of her loving mother and an elder brother that loves her so much. Until one night, an acci...
994K 32.1K 66
In a place ruled and maintained by people with magic I grow up asking, why I am not one of them? Even my existence is a big question Of where I came...
3M 84.4K 52
Discover a school where you can see magics..
741 186 43
In the realm of "we should be," I find myself rewriting our destiny alone. How did it come to this? What unfolds as I forge my own path, guided by a...