Stalking The Mafia Boss (Publ...

By imsinaaa

23.5M 63.7K 5.1K

Walang ibang nagawa si Sam kundi ang gawin at sundin ang proyektong ibinigay sa kanila ng kanilang propesor... More

STALKING THE MAFIA BOSS
P r o l o g u e
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Published under PSICOM
A N N O U N C E M E N T

Kabanata 5

327K 7.5K 201
By imsinaaa

Sam Angeles

Isang linggo na lang bago ang deadline ng project at tatlong araw na ang lumipas. Sa loob nang tatlong araw na 'yon ay school at bahay lang ako. Hindi ko sinusundan si Smith dahil natatakot na ako. I'm sure na hindi 'yon ngiti kundi isang ngisi, an evil grin. Hindi ko alam kung nabuko na ba ako o nahalata niya na ako ang sumusunod sa kanya—ang stalker niya.

Walo lang kaming pumasok. I don't know what's happening pero paunti kami ng paunti, hindi lang ang section namin pati na din ang mga accounting students na nasa kabilang room lang. Ang akala ko kami lang ang binigyan ng ganitong klaseng project, hindi pala.

Tinago ko ang notebook namin ng matapos ang second subject namin. May last subject pa at wala na akong gana na pumasok dahil mas gugustuhin ko na lang na umuwi at magkulong sa dorm.
Naibaling ko ang atensyon ko sa mga  kaklase ko na nagkukumpulan sa may bukana ng pinto. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Hindi ko na gagawin ang proyektong ito. I quit! Wala naman tayong matututuhan sa project na pinapagawa nila sa atin." Aniya ng accounting student.

Tama siya. Gusto ko na din na umayaw.

"N-natatakot na ako…" Naibaling namin ang atensyon sa class president namin.

Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. She looks like a mess. Nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya at tila pagod na pagod siya. Bakas din sa mukha niya ang takot. Hindi lang naman siya ang natatakot…lahat kami.

"M-muntik na akong mahuli. I don't want to do this anymore! Gusto ko nang umalis sa paaralan na 'to!"

Nagpanic kaming lahat ng magwala siya. Paulit-ulit niyang sinasabi na natatakot na siya, na ayaw na niyang gawin ang proyektong ito. Muntik na siyang mahuli kaya nagkakaganito siya. Sino ba ang naatas sa kanya?

"Hindi basta-bastang t-tao ang pinapasundan sa atin! Kailangan nating magsumbong sa mga pulis!" Aniya bago hatakin ang sleeves ng uniform ko.

Yumuko ako para mapantayan siya. "Tell me what happend?"

Umiling siya. "H-hindi pwede! Papatayin niya ako!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Papatayin siya?

"Hindi ba artista ang nakatoka sa'yo? Paano ka maapatay nun?" Aniya ng isa naming kaklase.

Nanatili ang atensyon ko sa class president namin. I can see how scared she is. Nanginginig siyang tumayo. Hindi makapaniwala siyang tumingin sa amin.

Artista ang nakatoka sa kanya pero sinabi niya na hindi basta-bastang tao ang mga inatas sa amin—tama siya. Hindi basta-bastang tao ang mga inatas sa amin at hindi ko na kayang gawin ang proyektong 'to. I'm so sick of this useless project na wala namang kabuluhan. We're culinary students at hindi mga stalker.

She was about to run ng makita namin si ma'am na papalapit sa amin. Ito ang ipinagtataka ko, may apat na men-in-black na nakasunod sa kanya and I can see her trembling hands and how pale she is. Anong ganap?

"All of you…" Tinuro niya kaming lahat. "Sumunod kayo sa akin. D-don't ask any questions, just follow me." Nauutal nitong sabi.

Nagkatinginan kaming lahat. Binundol ako ng kaba. Should we follow her? Parang may nararadaman akong hindi maganda. Nginitian niya kami bago kami talikuran. Labag man sa loob ko ay sumunod ako kay ma'am.

Parang may itim na aura na pumapalibot sa hallway, nakakakilabot. Tinahak namin ang daan papunta sa…deans' office? Ano naman ang gagawin namin sa opisina ni dean? Nagising na ba siya sa kahibangan na ito? Binuksan ng isa sa mga men-in-black ang pintuan.

Nagtataka kaming pumasok sa loob. Bumangad sa amin ang mga propesor at si dean na nakaupo sa sofa kasama ang ibang prof. There's this unknown man sitting at the single couch. Kulay ginto ag buhok nito at sobrang puti din niya. Dayuhan ba siya atsaka sino siya?

Siniko ako ni Kris. "Da who?" She mouthed.

Nagkibit balikat ako. Anong ginagawa niya dito? Bisita ba siya ni dean? Bakit niya kami pinapunta kung may bisita pala siya.

Nanatili kaming nakatayo, nagtataka at nakakunot ang noo. So? Anong gagawin namin dito?

"S-students, this is Warren Whistler." Pagpapakilala ni dean sa lalaki.

Nginitian kami ni Mr. Whistler. I can sense something. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan.

"I see, you have a brave students." Nakangiti nitong sabi.

Napangiwi ako ng pasadahan niya kami ng tingin. Mukha naman siyang mabait pero parang may kakaiba kasi sa kanya. Tumayo siya atsaka lumapit sa amin. Napa-atras ang iba sa mga kasama ko. Napakapit pa nga sa akin si Kris.

"Huwag kayong matakot sa akin, mabait ako."

Hindi kami umimik. Ano ba kasing ginagawa namin dito? May next class pa kami at hindi kami pwedeng malate at bakit ba tingin ng tingin ang lalaking 'to? Kumunot ang noo ko ng ilahad niya ang kanyang kamay. Naibaling ko ang tingin ko sa likuran niya, sa nga prof at kay dean. Sinesenyasan nila ako na makipag kamay kay Mr. Whistler. Parang hindi sila mapakali at namumutla din sila. Nakangiti sila pero alam kong peke lang ang mga ngiting 'yon. Paanong hindi ko mahahalata? Nanginginig ang magkabilang dulo ng labi nila.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Mr. Whistler. Tumayo ako ng maayos. Nakangiti akong nakipagkamay sa kanya. "Nice to meet you, Mr. Whistler." I said.

Napangiwi ako ng humigit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. The heck?

"Same here."

I was waiting for him to let go of my hand. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Matibay ka." Rinig kong sabi niya bago bitawan ang kamay ko.

Palihim ko minasahe ang kamay ko. Anong ibig niyang sabihin? Matibay ako? Tatanungin ko sana siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero tinalikuran na niya ako.

Ang weird ah. Sinabihan kami ni dean na bumalik na sa classroom na kaagad din naming sinunod. Nag-uunahan na lumabas ang mga kaklase at schoolmate ko kaya napunta ako sa pinakadulo. Argh! Ako pa ang magsasarado ng pinto!

Naiiling kong hinawakan ang door knob. I was about to close the door ng makaramdam ako ng kaba. Wala sa oras kong inangat ang aking ulo—and there, I saw Mr. Whistler. Nakatingin siya sa akin at nakangiti pero unti-unti itong napalitan ng ngisi. Tumaas ang mga balahibo ko, I don't like the way he smirk.

Ibinaba ko ang tingin ko atsaka isinarado ang pinto. The hell was that? Ang ngising 'yon ay nakikita ko lamang sa mga horror movies, sa mga killer ng palabas.

Napayakap ako sa sarili ko. Kinikilabutan talaga ako.

"Sam! Halika na! Mahuhuli na tayo sa last subject natin!" Kinawayan ako ni Kris.

"Andyan na!"

Pagod na pagod ako ngayong araw. May surprise quiz pa kaya hindi lang katawan ko ang napagod pati na ang utak ko. Napagdesisyunan ko na iwan na lang muna sa locker ang mga gamit para mabawasan naman ang laman ng bag ko. Pina-una ko na din si Kris dahil may gagawin pa siya atsaka may part time job pa siya. Walang kaso sa akin kung umuwi ako nang mag-isa, sanay naman na ako.

Kaunti na lang ang mga nakakasalubong ko dahil kanina pa ang oras ng uwian. Palabas na sana ako ng gate nang makita ko ang adviser namin na tumatakbo papunta sa parking lot. She's crying at tila nagmamadali siya. Anong nangyari? Bakit umiiyak si ma'am?

Tahimik akong sumunod. Nagtago ako sa isa sa mga sasakyan ng huminto si ma'am. Infairness ang bongga ng sasakyan na pinagtataguan ko, isang kulay itim na range rover at tinted na tinted pa ang salamin. Hindi na ako yumuko dahil natatakpan naman ako ng sasakyan. Sinilip ko si ma'a—teka asan na siya?! Iginala ko ang tingin ko at ayon! Tumatakbo siya papunta kay…dean?

Pasakay na sana ito ng harangin ni ma'am. Hindi ko na sila masyadong makita dahil natatakpan sila ng iba pang sasakyan. Teka! Bakit parang ang daming sasakyan sa parking lot? Marami pa bang estudyante?

"Anong ginagawa mo dito?!"

Ito ang unang beses na narinig kong sumigaw si dean. Curious na talaga ako sa nangyayari? Bakit hinabol ni ma'am si dean—Don't tell me?! Tinakpan ko ang bibig ko. Syems! May relasyon ba sila?

"Kasalanan mo lahat ng ito! You have the rights to say no! Look what you've done! Nasa panganib na ang buhay ng mga estudyante ko!"

Muntik ng magdugtong ang kilay ko. Nasa panganib? Anong ibig sabihin ni ma'am?

"Alam mong wala tayong kakayahan na tumanggi! Makapangyarihan siya, he can destroy our lives at kaya din niyang patahimik tayo nang panghabang buhay!" Aniya ni dean.

Paghikbi ay iyak ang sunod kong narinig. Ano bang pinag-uusapan nila at ano ba ang dahilan kung bakit umiiyak si ma'am?

"M-magsumbong na tayo sa pulis! I can't bear losing another student. Isa na ang namatay ng dahil sa proyektong 'yon!"

Napako ako sa kinatatayuan ko. N-namatay nang dahil sa project? Ang project ba na pinapagawa sa amin ang tinutukoy ni ma'am?

"Ang alam ng mga natitira kong estudyante ay mas inuna pa ng kaklase nila ang proyekto kaysa sa pagpasok pero ang totoo ay nahuli na sila at isa sa kanila ang pinatay! Magsusumbong ako sa puli—"

"Hindi pwede! papatayin ka niya! We can't escape from him kaya ang kailangan na lang nating gawin ay sumunod sa pinapagawa niya…ni Whistler." Putol ni dean sa sinasabi ni ma'am.

Nalaglag ang panga ko sa aking narinig. W-whistler? Ang lalaking 'yon ang nagpapagawa ng proyektong 'to? Para saan?

"Pinagbantaan niya tayo na sa oras na magsumbong tayo sa mga pulis ay papasabugin niya ang paaralan. Hindi lang ikaw o ako ang mamamatay kapag nangyari 'yon. We can't risk our students life kaya manahimik ka at magtiis. One week, just bear with it."

Tama ako, May mali sa proyektong ito at sa lalaking 'yon…kay Whistler. Mukha siyang mabait pero ang totoo niyan ay isa siyang demonyo.

Ngayon ay mas dumoble pa ang takot na nararamdaman ko. Buhay ang nakataya sa proyektong ito at alam kong hindi na kami ligtas.

I was about to leave nang makarinig ako ng kaluskos. Hinanap ko kung saan 'yon nanggaling at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Nawalan ako ng lakas nang makita ko si Sy na nakatayo sa hindi kalayuan. Nagtatago din siya habang nakatingin kela dean.

Hindi niya ako pwedeng makita! Tahimik akong umatras pero tumama ako sa sasakyan dahil nga sa panginginig ng tuhod ko. Lumikha ito ng ingay na siyang naging dahilan para mapatingin siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. Lumabas siya sa pinagtataguan niya at alam kong lalapitan niya ako. Hindi! kailangan kong maka-alis dito. Wala sa sarili akong lumapit sa pinto ng sasakyan kung saan ako nagtatago. Nagulat na lamang ako ng malaman kong bukas ito. Mabuti na lang at naisarado ko ang pinto ng sasakyan bago pa siya makalapit. I can see how shocked she is.

Alam kong nagulat siya at nagtataka pero sa reaksyon niya ay para siyang nakakita ng halimaw. Bigla siyang tumango, nagmamadali pa nga siyang umalis. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko inalis ang tingin ko sa bintana dahil baka mamaya ay nagtatago lang siya o hindi kaya ay bigla na lang siyang sumulpot.

Tatakbo na lang ako pagkalabas ko. Tumingin ako sa kabilang bintana para sana tingin kung nay tao sa paligid pero ang nakita ko ay ang lalaking tatlong araw kong hindi sinundan. Nakapikit siya.

W-what the hell is he doing here?! Shit lang talaga! Sana tulog talaga siya! Kailangan kong bumaba bago pa siya magising. Wala na akong ibang nararamdaman ngayon kundi takot. Nanginginig kong binuksan ang pinto, sinigurado ko din na hindi ako makakagawa nang kahit na anong ingay.

Nilingon ko siya bago ko isarado ang pintuan ng sasakyan. Nakapikit pa din siy—Muntik na akong matumba nang dumilat ang nakapit niyang mata. Tumingin siya sa akin and that' s the que to close the door.

Oh shit! Nakita niya ulit ako!




Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.8K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
6.9M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
1.6M 62.6K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
468K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...