MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
♥♥♥
♡♡♡

Postscript

2.7K 147 97
By saltypastry

In a tragedy covered in blood,
She felt weak and frail
To herself she felt bad,
For she can't do anything but wail

Times have passed,
She still can't forget
That bloodstained nightmare,
Left a lot of regrets

The others already departed,
But their memory will never fade
Because by her side they stayed,
And it will always remain the same

People said they're gone,
But for her they're still alive
Their life is not yet done,
That's an issue she can't abide

--

Buong akala ko ay madali lang ang maging personal assistant at maid ng Seventeen.

Ipagluluto mo lang sila.

Maghuhugas ka lang ng mga pinagkainan nila.

Maglalaba ka lang ng mga damit nila.

Ililigpit mo lang ang mga kalat nila.

Sasamahan mo lang sila sa lahat ng mga schedules nila.

Kung iisipin mo, simple lang diba ? Maaring nakakapagod pero kayang-kaya naman lalo na kung fangirl ka nila.

Kaso mali pala ako.

Ang pagiging personal assistant at maid ay hindi lang nagtatapos sa pagsisilbi sa kanila.

Makikita mo rin yung side na hindi nila pinapakita on-cam.

Malalaman mo yung kahinaan nila at yung mga bagay na lubos na nakakapagpasaya sa kanila.

Makakasama mo sila sa lahat ng pagkakataon.

Makikilala mo sila ng husto.

At higit sa lahat, mare-realize mo na tao lang din sila.

May pakiramdam din sila.

Napapagod din sila.

Nasasaktan din sila.

Nagmamahal din sila.

Sa pagiging PA nila, marami akong natutunan at napagtanto.

Sa SquadBalls ko natutunang ngumiti at maging masaya kahit na marami pa akong problemang kailangang harapin.

Sa SquadWard ko na-realize na meron pa akong natitirang dahilan para mabuhay. Kahit na malayo na sila ngayon sa piling ko, alam kong hindi padin nila ako nakakalimutan.

Kay Jun at Minghao ko nalaman na hindi hadlang sa pagkakaibigan ang pagkakaiba hindi lang sa ugali pati na din sa kinalakihang kultura. Madalas ko mang hindi maintindihan ang pinag-uusapan nila, alam kong sa puso ko ay naiintindihan ko sila.

Kay Woozi ko natutunan na hindi pwedeng puro kalokohan lang ang inaatupag ko. Dapat din akong mag-seryoso dahil sakin sila tumitingala lahat kahit na mas matanda sila sakin.

Kay Jeonghan ko naranasan kung ano ba talaga ang pakiramdam ng totoong pagseselos. At nalaman ko din na hindi pala tama yun.

Kay Dino ko naramdaman ang pagmamahal ng isang kapatid. Ewan ko ba pero para sakin, isa syang inosenteng bata na kailangan kong protektahan.

Kay Vernon, na-realize ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay yung unang taong nagustuhan mo ang makakasama at mamahalin mo hanggang sa huli. Pwedeng hindi talaga kayo para sa isa't-isa o pwede rin naman may dadating na mas higit sa kanya.

At syempre, kay Joshua ko natutunan kung paano magmahal ng totoo. Sa kanya ko din naranasan na masaktan at umiyak ng husto. Sa kanya ko din natutunan kung paano magpakatatag at huwag agad bumitaw.

Mula sa sobrang kasiyahan hanggang sa sobrang pagkalungkot, sa Seventeen ko na ata naranasan lahat.

Pero wala akong pinagsisisihan.

Hindi ako nagsisisi na pinasok ko ang trabahong iyon.

' Hmm .. nagda-drama ka na naman dyan Babs '

Napatingala ako at nakita ko si Joshua na natingin sakin.

Natawa nalang ako ng mahina. Hindi pa sya nasanay.

Nandito nga pala kami sa bubong ng dorm nila. Ewan ko ba. Hindi na yata namin maiiwan ang lugar na to.

Naupo sya sa tabi ko tapos pinatong nya yung ulo ko sa balikat nya.

' May ipapanood ako sayo, okay lang ba ? '- tanong nya sakin.

Napatingin ako sa kanya.

' Ano na namang kagaguhan yan ? '- balik tanong ko.

Pinitik nya ako sa noo.

' Utak mo madumi. Tsaka wag kang magmura masama yan '- sabi nya.

Ay sorry. Nalimutan kong banal nga pala tong lalaking to.

' Sige na, ano ba yung ipapanood mo ? '- tanong ko.

' Sure kang gusto mo ? Seventeen to '- sabi nya.

Natigilan ako sandali pero agad din naman akong tumango.

' Nagpunta ako dun sa ospital kahapon at tinanong ko sila kung may mga nakuha ba silang gamit sa Seventeen nung sinugod kami dun. May binigay silang plastic bag sakin na naglalaman ng mga cellphone, wallet at kung ano-ano pa na nakuha sa mga bulsa namin .. '- sabi ni Joshua.

' Nasira yung phone ko pero buti nalang at hindi nasira yung memory card .. '- sabi nya tapos nag-scroll sya sa videos dun sa bago nyang cellphone bago nya inabot sakin.

Kinuha ko naman yun at sinimulang manood.

Nag-umpisa yung video na si Joshua ang bungad. Inayos yung buhok nya tapos ngumiti sya.

Ang gwapo nya talaga kahit kailan.

Inayos nya yung camera kung saan kita kaming lahat except kay Seungcheol at Dino na nasa front seat.

Nahiya tuloy ako bigla nang makita ko yung sarili ko habang natutulog.

Nakaramdam na naman tuloy ako ng pagsisisi.

' Oy seatbelt nyo '- sabi ni Joshua sa kanilang lahat.

' Wag na hyung. Hassle pa eh '- sabi ni Jun habang kumakain ng chichirya.

' Oo nga. May tiwala naman ako sa driving skills ni hyung '- sabi ni Seungkwan habang chill lang na nakaupo.

' Sige nga, spell driving skills '- sabi ni Wonwoo.

Sandaling napaisip si Seungkwan pero makalipas ang ilang segundo ay inirapan nya nalang si Wonwoo.

Napangiti nalang ako. Nami-miss ko na yung kamalditahan nya.

' Ah basta ako magsi-seatbelt. Mas mabuti na yung safe '- sabi ni Vernon tapos nagsuot sya ng seatbelt.

Makes sense.

Kitang-kita mo na agad sa video na to kung sino yung mga makakaligtas dahil naka-seatbelt sila.

Kung pinaalalahan ko lang sana silang lahat na mag-seatbelt bago ako natulog edi mas malaki yung tyansa na makaligtas kaming lahat.

Ang dami kong hindi nagawa.

' Hyung dahan-dahan sa pag-drive uy '- sabi ni Jeonghan kay Seungcheol.

' Oo nga hyung. Hindi ba parang masyado na tayong mabilis ? '- tanong ni Minghao.

' Eh pag mabagal takbo natin pagtatawanan tayo ng mga tao '- sabi ni Seungcheol mula sa unahan.

' Hyung mas okay nang mabagal at tawanan kesa naman mabilis at iyakan '- sabi ni Dino na nasa unahan din.

' Ang talino mo talaga maknae. Sige na nga babagalan ko na '- sabi ni Seungcheol tapos kapansin-pansin na medyo bumagal na nga yung takbo ng sasakyan.

' Ayan. Pag ako talaga namatay ng maaga dadalawin kita hyung '- sabi ni Mingyu sabay paypay sa sarili.

' Hyung teka .. '- sabi ni Woozi kaya napatingin sa kanya lahat.

' Hyung i-preno mo bilis '- sabi nya.

' H-Ha ? Bakit ? '

' Hyung basta i-preno mo nalang ! '

' E-Eto na sandaliㅡ '

' Hyung ! '

Nalaglag yung phone kaya wala nang nahagip sa camera pero rinig na rinig ko yung malakas na busina at parang mga nabasag na salamin.

' T-Tama na '- natatakot na sabi ko bago ko inabot kay Joshua yung cellphone nya.

Niyakap ako ni Joshua.

' Shh. Okay na Soonbyul. Tapos na. Kalimutan na natin yun '- sabi ni Joshua.

Napatango nalang ako kahit na alam ko sa sarili ko na imposibleng malimutan ko ang pangyayaring yon.

Humiwalay si Joshua sakin tapos hinawakan nya ako sa pisngi kaya napatingin ako sa mga mata nya.

Wala paring pinagbago.

It's still the same brown eyes na minahal ko.

And it will always stay that way.

Nilapit nya yung mukha nya sakin kaya pinikit ko yung mga mata ko anticipating for the next moment.

Kaso napadilat ako nang magsalita sya.

' Nagugutom ako '

Napasapo nalang ako sa noo ko. Kahit kailan talaga tong tahong na to.

' Kukuha lang ako ng pagkain sa baba '- sabi nya tapos iniwan na nya akong mag-isa sa bubong.

Napabuntong hininga ako. Kiss na naging bato pa.

Napakamot ako ng ulo tapos napatingin ako sa pwesto ni Joshua at nakita kong naiwan nya yung wallet at cellphone nya.

Hindi ko na sana planong pakialaman yun kaso may parang nagtutulak sakin na buksan yun.

Hay. Sige na nga.

Patingin lang Joshua ha ? Wag kang magagalit.

Dahan-dahan kong kinuha yung wallet nya at binuklat yun. Napangiti nalang ako nang makita kong picture naming dalawa yung nakalagay dun.

Picture yun nung birthday ko. Nakaakbay sya sakin habang nakangiti tapos nakasimangot naman ako.

Sabi ko sa kanya i-delete nya to sa phone nya dati eh. Ang pangit ko kasi. Pero tingnan nyo naman at nilagay pa nya dito sa wallet nya.

Gustong-gusto nya talagang inaasar ako.

Pero kahit na araw-araw pa nya akong asarin, ayos lang sakin.

Basta nandito lang sya.

Napansin kong may isa pang picture sa likod nun kaya kinuha ko.

Napangiti ako nang maalala ko kung saan kinuha ang litrato na to.

Sa Lotte world to noong first real monthsary namin kasama sila Minhee at Seungmin. May hawak kaming ice cream ni Minhee tapos silang dalawa naman ni Seungmin ay nilagyan kami ng sungay.

Ang cute lang namin tingnan. Para kaming pamilya.

Binalik ko na ulit yung picture dun sa lagayan tapos naghalungkat pa ako sa wallet nya.

Wala syang bills dito. Puro credit cards lang. Alam nya kasing hindi ko sya titigilan sa pagpapabili ng lollipops hangga't may pera pa sya sa wallet nya.

Kaso isang credit card doon yung kumuha ng atensyon ko. May nakabalot kasi sa kanya na papel.

Kinuha ko yung papel na yun at binasa yung nakasulat.

Para sa future namin ni babs ! Matakaw yun kaya dapat talagang pag-ipunan ng husto !

Pin: 021798

Ewan ko pero nakaramdam ako ng sobrang kasiyahan.

Biruin nyo, pinag-iipunan na nya agad yung future namin kahit na walang kasiguraduhan na kami padin hanggang sa panahong yun.

Tapos birthday ko pa talaga yung PIN nung card na yun.

Binalik ko na agad yun sa wallet ni Joshua habang pinupunasan yung luha ko. Umiiyak na naman pala ako.

Yung cellphone naman nya ang kinuha ko. Bumungad sakin ang picture ko habang tulog bilang lockscreen nya.

Natawa nalang ako ng mahina. Kinukuhanan nya pala ako ng litrato kapag tulog ako.

Hindi ko alam yung password nun kasi hindi ko naman pinapakialaman ang cellphone nya. Nirerespeto ko kasi ang privacy nya.

Pero kung birthday nya ang password ng cellphone ko, siguro naman birthday ko ang password nung kanya ?

Ni-type ko na yung birthday ko at laking tuwa ko nalang nang bumukas yun.

Bumungad naman sakin ang picture naming dalawa bilang lockscreen.

Picture namin to isang beses sa bubong nung dorm nila. Nakaunan ako sa balikat nya at parehas kaming nakangiti.

Nasawa na din ako kasi puro pictures naming dalawa yung nandun kaya tinigilan ko na yung pag-scroll sa gallery.

Syempre joke lang. Ang cute kaya naming dalawa.

Papatayin ko na sana yung phone ni Joshua kaso parang may kung anong nagsasabi sakin na tingnan yung mga notes nya.

Hay. Sabi ko rerespetuhin ko ang privacy nya eh.

Titingnan ko ba ?

Okay sige. Wag lang sanang magalit si Joshua.

Binuksan ko yun at may bumungad sakin na napakaraming notes. Masipag pala syang mag-type.

Yung pang-una muna ang pinindot ko at binasa yun.

001

Pangalawang araw na ngayon ng bagong PA namin na si Soonbyul. She's pretty, that's a thing I can't deny. Ang cute nya din lalo kapag naiinis at nagagalit. Should I make her mad more often ?

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nabasa ko.

Binasa ko pa isa-isa ang mga notes nya doon at hindi ko talaga alam kung anong dapat kong maging reaksyon.

Masyado akong maraming nalaman.

002

Guess what ? Nakita kong nakasulat sa kamay ni Soonbyul ang pangalan ni Vernon. So she likes him, huh ? May bago na naman akong pang-asar sa kanya. But why am I feeling this little pang of jealousy inside ?

003

Okay so today, Soonbyul pulled Vernon into her apartment. I wonder what they did.

004

It feels weird. Tawagin nyo na akong possessive pero naiinis ako kapag masyadong malapit si Milk sa ibang members lalo na kay Vernon.

005

Galit sakin si Soonbyul. Niyaya kasi sya ni Vernon na samahan sya sa kung saan pero sinabi kong may pupuntahan kami. Look, I only did that because whenever I see the two of them together, I get mad for no reason.

006

Soonbyul being clumsy as she is, nakabasag sya kanina sa shooting ng Mansae. I don't even know what she's thinking at balak pa ata nyang pulutin isa-isa yung mga bubog. Agad ko naman syang pinigilan. Napatingin ako sa mga mata nya and I noticed that they're black. As far as I can remember, black is the rarest eye color. I must say that she's rare indeed.

007

I woke up late. Napansin ko din na wala yung Hip Hop Unit habang kumakain kami. Tinanong ko yung iba kung nasaan sila and it turns out na kasama pala nila si Soonbyul sa Namsan. I just hope na hindi masyadong dumikit si Soonbyul kay Vernon. But knowing her, that's impossible. Tss.

008

Thanks to Soonbyul, napagaan nya yung loob ko ngayon. Magaling pala syang mag-gitara ? Ang ganda din ng boses nya. She's so fascinating and I can feel myself falling for her slowly.

009

Nakatulog pala ako sa lap nya. Not that I am complaining. Tapos nagkayayaan yung iba na manood daw ng horror movie. May phobia nga pala si Soonbyul sa dugo. Tsk. Ang duwag nya talaga. But at least I've got to hold her hand till the movie ends.

010

Tokwa't Baboy ang ship name namin ? Hmm. Cute.

011

After a few days ng pangungulit sakin nila Seungkwan, napapayag na nila ako ngayon sa gusto nila. Pagselosin daw namin ni Soonbyul si Vernon. I can't even fathom why they suddenly made me do this. Pero chance na siguro to para mapalapit lalo kay Soonbyul so I can tease her more often.

012

Unang araw ngayon ng pagpapanggap namin ni Soonbyul pero parang hindi ko masyadong na-pull off yung tamang acting kasi puyat ako. Dun kasi ako nakatulog sa apartment nya pero nagising ako agad and I spent the next two hours watching her sleep. Hindi ko napigilan yung sarili kong titigan sya. She's really pretty.

013

Nagsinungaling ako sa kanya. Sinabi kong si Jeonghan at Seungcheol hyung ang nagsabi sakin na bilhan sya ng napkin, ice cream at chocolates but the truth is, ako mismo ang nagkusa. Seeing her lying on her bed in pain makes me feel weak.

014

Walang tao sa apartment ni Soonbyul nang pumunta ako dun. Sabi naman ni Dino, nakita nya daw silang dalawa ni Vernon na sumakay ng taxi. Tss. Saan naman kaya sila magpunta ?

015

Sinabi ni Soonbyul sakin na hinalikan daw sya ni Vernon sa noo. I know I should at least feel happy for her kasi for once ay nagkaroon sila ng interaction pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako naiinis. She even called me Vernon by mistake. Nagseselos ba ako ?

016

Aksidente kong nabuksan yung pinto ng CR habang nasa loob si Soonbyul. Hindi ko naman sinasadya eh. Pero I must say na hindi sya mataba. Ilang beses ko na yang sinasabi sa sarili ko but I really can't resist calling her babs.

' Babs ! '

Nagulat ako kaya agad-agad kong binalik yung cellphone nya sa pwesto nun kanina. Para akong kriminal na nahuli sa aktong nagnanakaw dahil sa reaction ko.

Naupo si Joshua sa tabi ko habang buhat-buhat si Cereal.

' Wala na pala tayong pagkain '- malumanay na sabi nya.

Napangiti nalang ako dahil sa sinabi nya pero hindi padin ako makapaniwala sa lahat ng nabasa ko.

Siguro kung hindi agad sya dumating, madami pa akong nalaman pero sapat na yung mga nabasa ko para patunayan na mahal nya talaga ako.

' Mag-grocery tayo mamaya ha tapos kain na din tayo sa labㅡ teka, umiiyak ka na naman ba ?! '- sabi nya tapos hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

' Bat umiiyak ka na naman ? May problema ba ? May masakit ba sayo ? Soonbyul sabihin mo kung anongㅡ '

Natigil sya sa pagsasalita kasi hinalikan ko sa labi bago ko sya niyakap ng mahigpit.

' Joshua, maraming salamat sa lahat. Mula sa pagmamahal sakin hanggang sa pananatili sa tabi ko kahit anong mangyari, salamat talaga '- sabi ko.

Ngumiti lang sya at ginulo yung buhok ko.

' Napakaiyakin talaga ng Babs ko '- sabi nya.

Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko.

First time nya akong tawaging ganun ! Kadalasan kasi Babs lang diba ?

Pwedeng kiligin ?!

' Um, ang irrelevant nitong tanong na to pero crush mo padin ba si Vernon hanggang ngayon ? '- tanong nya.

Napaisip ako. Hindi naman ganung kadali na malimutan yung pagka-crush mo sa isang tao diba ?

Tsaka si Vernon naman talaga ang dahilan kung bat pinasok ko yung trabahong to so ..

' Oo ? '- unsure na sagot ko.

' Talaga ? '- tanong ni Joshua sabay lapit sakin.

Mygahd bakit biglang naging husky yung boses nya ?! '

' S-Siguro ? E-Ewan ko .. '- medyo kinakabahan na sabi ko.

' Sure ka ? '- tanong na naman nya.

This time ang lapit na talaga ng mukha nya sa mukha ko.

Hindi ako sumagot. Feeling ko kasi isang maling galaw ko lang mahahalikan na ako ni Joshua.

' Pano kung gawin ko to ? '- sabi ni Joshua tapos bigla nya akong hinalikan ng matagal sa labi.

Nanlaki yung mata ko.

Hayop na Tokwa to ! Nakakadalawa na sya !

' .. crush mo padin ba sya ? '- bulong sakin ni Joshua.

Napa-irap nalang ako.

' Tss. Oo na. Hindi na. Ikaw lang talaga '- sabi ko.

Ngumisi si Joshua nang marinig ang sagot ko.

' Ang gwapo ko talaga '- sabi nya.

Tinulak ko sya palayo.

' Lumayo ka nga ! Isusumbong kita kay Vernㅡ'- naputol yung sasabihin ko kasi hinalikan na naman ako ni Joshua.

Aba gago pangatlo na !

' Kapag binanggit mo ulit yung pangalan nya, hahalikan ulit kita '- seryosong sabi ni Joshua.

Inhale. Exhale.

' VERNON VERNON VERNON VERNON VERNON ! '- sabi ko sabay takbo palayo habang tumatawa.

Di pa man ako nakakalayo, bigla nalang akong hinila ni Joshua at niyakap.

' Mag-uumpisa tayo ng panibago nating kwento. Walang mamamatay, walang aalis at walang maiiwan. Lahat masaya lang '- bulong sa akin ni Joshua.

Napangiti ako dahil sa sinabi nya.

' Pero syempre, mag-grocery muna tayo dahil masamang ginugutom ang mga gwapo '- sabi nya tapos nauna nang maglakad papunta sa may hagdan.

Napailing nalang ako habang natatawa.

Marami man akong problema sa isip ko na hindi pa nasasagot, ayos lang yun.

Naniniwala naman akong balang araw ay magkakaroon din ng solusyon sa lahat ng yon.

Sa ngayon, may tokwa muna akong dapat pagsilbihan.

Bipolar at masungit man yung tahong na yun, ayos lang sa akin dahil sya naman ang tinitibok ng puso ko.

Wow ang cheesy ko na naman.

' Milk ! Ano forever ka nalang nakatayo dyan ? '- sigaw ni Joshua hindi kalayuan.

Natawa ako ng mahina.

' Eto na po boss ! '- sabi ko tapos tumakbo na ako palapit kay Joshua.

--

Third Person's POV

Masayang naglakad si Joshua at Milk papuntang grocery store di kalayuan sa dorm.

Hindi nila napansin ang isang babaeng nakasunod sa kanilang dalawa habang nagmamasid sa kanila.

Napangiti nalang sya sa sarili nya habang pinagmamasdan si Joshua na pilit umaakbay pero paulit-ulit rin namang inaalis ni Milk.

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng lahat ng nangyari ay sila padin ang magkasama.

Marami man syang pagsubok na binigay sa dalawang to ay nakaya padin nila.

' Tapos na ako sa kanila .. '- nakangiting bulong nya.

' .. kaninong storya naman kaya ang guguluhin ko ? '- tanong ni Yna sa sarili nya bago sya naglakad palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

441 97 11
Date Started: 01/10/24 Date Ended: 01/14/24 [PART 1]
10.5K 441 45
"paalala ko ba sayo yung nangyari sa levanter nights?" ↺katherine han is a transfer student who accidentally kissed clé university's trouble maker d...
440 125 61
Aine De Leon is a self-proclaimed prodigy. Aside from being an academic achiever, she is also aware of the talents that she has; her singing ability...
14.8K 906 71
"It's just a game, and you're my toy. Nothing more, nothing less." - She just wants to have a simple life, but everything turns upside down when the...