Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

II : In memories of her

80.2K 3.9K 2.8K
By Serialsleeper



II

In memories of her

Third Person's POV


Tila ba wala sa sariling nakatitig si Harper sa harapan ng pintong patungo sa silid ni Dana. Hindi gumagalaw, at nakatulala lamang na animo'y napakaraming bumabagabag sa kanyang isipan.


Akmang hahawakan na sana niya ang doorknob pero bigla na lamang siyang napatigil at napapikit. Ilang sandali siyang muling nanatiling nakapako sa kinatatayuan hanggang sa mapabuntong-hininga na lamang siya at tuluyan na lamang binuksan ang pinto.


Muling napahinga ng malalim si Harper kasabay ng unti-unting paghakbang papasok sa silid ni Dana. Agad niyang nakita ang mga gamit ni Dana na nagkalat pa sa kanyang kama, kabilang na rito ang kulay pink nitong kumot na nakatiwangwang lamang sa isang tabi.


"It's not your fault.. I-it's not your fault." Mahina at paulit-ulit na sinasabi ni Harper sa kanyang sarili na tila ba isang monologong nagbibigay sa kanya ng tatag at lakas ng loob.


Nang akmang kukunin na ni Harper ang kumot ay naagaw ang kanyang pansin ng mga katagang nakapinta sa dingding—REASONS TO BE ALIVE, REASONS TO BE HAPPY—Sa ibabaw nito ay guhit ng mga ulap na punong-puno ng mga litrato, ang ilan sa mga ito ay kupas na dahil sa kalumaan at pina-laminate na lamang.


Napatakip si Harper sa kanyang bibig at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sariling maluha nang makita ang kanyang sarili sa isa sa mga litrato. Kuha ito noong bata pa sila ni Dama at minsang nagkasama sa isang girl scout camp, sa tabi naman nito ay ang litrato nila ni Dana na kuha isang taon na ang nakakaraan sa kanyang mismong kaarawan. Kapwa sila magkaakbay sa isa't-isa habang naka-arko ang mga braso upang magmukhang mga puso.


Umiling-iling si Harper at paulit-ulit na huminga ng malalim. Taranta siyang tumalikod at kumilos palayo rito ngunit dahil sa ginawa ay aksidente niyang natabig ang mesa sa tabi ng kama ni Dana. Nagkalat pa ang mga nakabuklat na libro at panulat ni Dana sa mesa palatandaang ito ang ginagawa niya bago makatulog kinagabihan. Sa di malamang dahilan, napatitig si Harper sa notebook na sinusulat ni Dana at laking panlulumo niya sa nabasa.



MONTHLY GOALS:

- Memorize and Master the Alibata.

- Research Paper about Mangifera indica.

- Must find Harper's parents for her upcoming birthday.

- Save up for concert tix with Harper.



"Wait what..." Sa gulat kinuha ni Harper ang notebook at binuklat ang laman nito. Lalo pa siyang naiyak nang makitang ilang buwan na palang sinusubukang hanapin ni Dana ang mga magulang niya't bigo ito sa bawat buwan. Unti-unti, nagsimulang dumulas mula sa notebook ang isang polaroid.


Gamit ang nanginginig na mga kamay, pinagmasdan niya ito at lalo pa siyang napahagulgol nang makitang litrato niya ito kasama ang pumanaw na mga magulang. Abot-tenga pa ang kanyang ngiti sa litratong ito habang sinasabitan siya ng medalya ng kanyang ina habang ang kanyang ama naman na dating alkalde ay tuwang-tuwa sa isang tabi.


Pinagmasdan ni Harper ang nasa likod ng litrato at binasa ang isinulat rito ni Dana: Must see Harper's happy face again for her b-day. Must find her Mommah at Poppah. Must accomplish this task to make-up for being such a moody bitch to her. Must must must!!! >_<


Humahagulgol man at hirap na hirap nang huminga kaiiyak, hindi napigilan ni Harper na mapangiti habang pinagmamasdan ang mga katagang sinulat ni Dana. Muli, bumaha ang napakaraming alaala sa kanyang isipan—ang kabutihan ni Dana sa kabila ng eskandalong kinasangkutan ng kanyang mga magulang, ang pagtatanggol ni Dana sa kanya sa napakaraming pagkakataon mula sa masasamang tingin at salitang binabato sa kanya ng mga mamamayan, at ang mga panahong tunay siyang naging masaya habang kakulitan at kasama si Dana.


*****


"Talaga ginawa niyo yon?" Nakangiting sambit ni Axel habang pinagmamasdan ang lumuluhang mukha ni Cielo sa kanyang tabi. Kapwa nakahiga sa kama at nakaharap sa isa't-isa, nakapatong ang ulo ng dalaga sa kanyang balikat habang kinukulong niya ito sa kanyang yakap.


"Pag si Dana ang nagyaya, hindi na ako nakakatanggi." Natatawa man, patuloy ang pagluha ni Cielo habang nakatitig sa mga mata ni Axel, "Matampuhin yong lokang 'yun eh. Gustong-gusto niya sa tuwing nagagawa namin ang gusto niya. She would have this little smile on her face all day."


"Spoiled pala siya gaya ng kapatid ko." Biro ni Axel sabay punas ng luha ni Cielo at hawi sa buhok nitong humaharang sa pisngi nito.


"That girl really loves the attention. When we were kids, she'd cry when she gets ignored and gives me the silent treatment in highschool sa tuwing nagtatampo siya. I found her really annoying but she was one of those people I really can't live without... Dana wasn't perfect but she was the kindest person I knew..." Kwento pa ni Cielo sa binata.


"You really love her..." Sambit ni Axel sabay muling haplos sa pisngi ni Cielo upang mapunasan ang luha nito.


"But she loved me more..." Muli, hindi na nakapagsalita si Cielo kaiiyak, "She took my place in Astaroth's hell..."


"M-maybe she's not in hell... Maybe she's okay." Sabi na lamang ni Axel.


"You don't have to feed lies to my heart." Giit ni Cielo at umiiyak man, nagawa niyang ngumiti. Malayo sa Cielo na walang kaemo-emosyon at mistulang bato.


Napabuntong-hininga na lamang si Axel at muling hinigit si Cielo papalapit sa kanya. Unti-unting napapikit si Cielo hanggang sa kapwa maglapat muli ang kanilang mga labi. Nang maglayo, niyakap ni Axel ang dalaga ang yumakap naman ito pabalik sa kanya.


Kapwa nakasuot ng mga kulay puting t-shirt, ngayo'y wala nang kahit na anong bakas ng karahasan ang mga kanilang mga kasuotan, malayo sa sitwasyon nila nang unang magkita.


"Sleep... You need to rest. You've been crying all day..." Mahinang sambit ni Axel at muling hinalikan ang noo ni Cielo.


Makaraan ang ilang sandali mula sa pagkakaidlip, bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na katok dahilan para magising ang magkayakap paring sina Cielo at Axel.


"Kung si Raze yan, magseselos ako." Pikit-matang sambit Axel habang mahigpit parin ang yakap kay Cielo.


"Di bagay sayo." Mahinang sambit ni Cielo at sa pagkakataong ito'y wala na ulit kaemo-emosyon ang kanyang boses.


"Cielo! Cielo I know you're there!"


Bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw mula sa labas dahilan para mapabangon ang dalawa mula sa kama. Agad na tumayo si Axel upang sumilip sa bintana, ngunit si Cielo ay bigla na lamang nagtungo patungo sa pinto na para bang nakikilala agad kung kaninong boses ito.


"Teka ba't andito si Harper?" Kunot-noong sambit ni Axel at agad na napalingon sa direksyon ni Cielo.


"She's going to die." Tahasang sambit ni Cielo at nagtatakbo palabas dahilan para agad ring mapatakbo si Axel.


"Cielo sandali! 'Wag mo munang paiiralin ang galit mo!" Giit ni Axel habang sinusundan si Cielo na mabibigat ang hakbang pababa sa hagdan habang nakakuyom ang mga kamao.


"Hindi 'to galit Axel! Hindi na'to galit! I'm going to kill her!" Walang emosyong bulalas ni Cielo.


Nang mabuksan ni Cielo ang pinto ng kanyang lumang bahay ay agad na napahawak si Axel sa kanyang braso upang mapigilan siya sa agad na pagsugod kay Harper na nakatayo sa harapan ng pinto, aligaga at animo'y nagmamadali.


"I haven't prepared my weapons for torture yet but sapat naman siguro sa'yo ang muriatic acid diba?!" Nanlilisik ang mga mata, punong-puno ng galit si Cielo.


Napabuntong-hininga si Harper at agad na napasapo sa kanyang noo "Look I didn't come here to figh—"


"You're here to die! And you're not gonna leave this place alive or even attached body parts!" Sa galit, muntikan nang sugurin ni Cielo si Harper kung hindi lamang dahil kay Axel na napakahigpit parin ng hawak sa kanyang braso.


"I'm here for Dana, you need to listen to me." Giit ni Harper na hindi mapakali at animo'y nagmamadali pero sa kabila nito ay hindi ito nagtataas ng boses.


"You killed Dana! No one should listen to you! No one should forgive you!" Buong lakas na sigaw ni Cielo habang umiiyak dahilan para kahit si Harper ay muli ring maiyak.


"B-but there's still a way to get her back!" Humahagulgol na sambit ni Harper na animo'y nagmamakaawang pakinggan siya ni Cielo.


Hindi na napigilan pa ni Axel na pumagitna sa dalawa, "Harper kung pakulo mo na naman 'to—"


"It's not! We have to hurry or else they're going to perform autopsy on her! She's scheduled to be autopsied at 9:30 pm and it's already 8!" Natatarantang sambit ni Harper dahilan para agad na mapatingin sina Cielo at Axel sa isa't-isa.


Nag-aalangan man, desperado si Cielo na mabalik ulit ang kaibigan.


****


Sa gitna ng pamamayani ng nakakailang na katahimikan, pare-parehong nakatingin sa direksyon ng nakatulalang si Harper ang mga mata nina Mira, Raze at Churchill na punong-puno ng galit. Samantala, si Shem naman ay nasa isang tabi lamang, tahimik at tila ba napakalalim ng iniisip. Nasa iisang mesa lamang sila sa isang fastfood chain ngunit ni isa sa kanila ay hindi kumakain o umoorder man lamang.


"And we're seriously going to trust this bitch?" Basag ni Mira sa katahimikan habang nakataas ang kilay.


"For Dana, we have to do this for Dana, we can't do this without your help." Tila ba wala sa sariling pakiusap ni Cielo sa mga kaibigang kasabay rin niyang lumaki at nagka-isip. Isa-isa niyang pinagmasdan sina Shem, Churchill, Mira at Raze na tila baa no mang oras ay sisiklab na sa galit lalo pa't nasa tapat lamang nila si Harper nakaupo.


"Paano tayo makakasiguradong mabubuhay nga niya si Dana? Na iyon lang talaga ang intensyon niya?" Matabang na sambit ni Raze na taas-noo habang matamang pinagmamasdan si Harper. Sa mga tingin pa lamang nito, animo'y pinagbabantaan niya ang kababata.


Saglit na napalingon si Cielo kay Axel na nasa kanyang tabi. Hinawakan ng binata ang kanyang mga kamay na tila ba sinasabing tama ang kanyang ginagawa, na tama ang kanyang desisyong sundin ang kanyang damdamin at sumugal para sa kapakanan ni Dana.


"You hate me, we've already established that! Now let's all focus on getting Dana's body out of that morgue or else Dana will look like the spoiled teenage girl version of Frankenstein! If we won't hurry up, they will cut her open and embalm her! Dana's only been dead this morning, she's only been dead for hours and if we hurry up, Dana's body could still be saved!" Giit na lamang ni Harper habang isa-isang tinitingnan ang mga kasamahang animo'y hindi alintana ang galit na ipinapakita nito.


"Teka sandali! Si Wacky! Tiyak gugustuhin rin niyang tumulong—"


"Churchill that boy is—" Hindi na natapos pa ni Harper ang kanyang sinasabi nang bigla na lamang sinipa ni Cielo ang kanyang paa mula sa ilalim ng mesa. Bago pa man muling makapagsalita, agad pinanlisikan ni Cielo ng tingin si Harper upang 'wag nitong ituloy ang sinasabi.


"Mamaya na natin problemahin si Wacky! Ang importante malabas natin ang bangkay ni Dana." Giit na lamang ni Axel.


"T-teka kailangan nating planuhin 'to. Hindi biro 'tong gagawin natin." Giit ni Raze sabay sulyap sa kanyang relo.


"Heto ang plano." Laking gulat nilang lahat nang bigla na lamang magsalita si Shem na kanina pa hindi nagsasalita at nakatulala lamang. Isa-isa silang tiningnan ni Shem na taas noo, seryosong-seryoso at gustong mapakinggan ng lahat.


"Seryoso ka? May plano ka na?" Kunot-noong sambit ni Churchill na animo'y hindi makapaniwala.


"Mukha bang nagbibiro ang mukhang 'to?" Walang kaemo-emosyong sambit ni Shem sabay turo kanyang walang kabuhay-buhay na mukha at mga matang magang-maga.



END OF CHAPTER 2!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

4K 120 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
4.1M 123K 44
This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. ...
KAHIMANAWARI By talesofdemi

Mystery / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...