Fire and Ice (Revamping)

By forgottenglimmer

828K 18.1K 4.6K

Symphony of Frost and Flame. Fire and Ice. NOTICE: There will be no new chapters until Ber-months! Just reupl... More

NOTICE!
Prologue (July 01, 2013)
Chapter 01 - Be My Servant (July 02, 2013)
Chapter 02 - She's my girlfriend (July 14, 2013)
Chapter 03 - Stray cat (July 28, 2013)
Chapter 04 - Jellyfish under the Rain (August 18, 2013)
Chapter 05 - Love Jeep (September 01, 2013)
Chapter 07- Sexbomb (September 29, 2013)
Chapter 08 - The Prophecy (March 14, 2015)
Chapter 09 - Flowers and Proteins (March 15, 2015)
Chapter 10 - Future Mother of the Nation (March 18, 2015)
Chapter 11 - Plucking of Maidens (March 21, 2015)
Chapter 12 - His 19th Royal Nameday (March 29, 2015)

Chapter 06 - Taro Leaf Princess (September 15, 2013)

35.1K 1.1K 227
By forgottenglimmer

Chapter 06 - Taro Leaf Princess

"Anything that happens once does not necessarily happen again, everything that happens twice is likely to happen for the third time as well."

Hindi alam ni Dew Lia kung bakit bigla niyang naisip ang mga sinabi ni Soapy noong nakaraan.

Oo nga... Nagkita nga kami ulit. Hindi lang nagkita, nagagawan pa kami ng pwesto. At nagkandungan pa? OMAYGAD! As in omaygad, ngayon lang ako kumandong sa kung sino mang tao. Tapos lalaki pa! Eh si kuya nga hindi ako kinakandong eh! Tatay ko rin! Grabeh ituu!

Halos maghyperventilate na si Dew Lia.

"Ano yan? Para kang kinikiliti!" ani Ice kay Dew Lia na may kakatwang reaksyon dahil sa mga pumapasok sa isip. "Hwag ka ngang malikot!"

"Sorry na kasi! Ang hirap lang umupo."

"Wow. Hindi kasi mahirap maging upuan." Ice chuckled.

"Sorry na nga kasi! Ikaw naman ang humatak sa'kin 'diba? Hm, ganito na lang, hati na lang tayo, sa bayad." Sabi ni Dew para ibahin ang usapan. Hindi niya din alam kung gaano siya kabigat pero pinipilit niyang magpagaan. Ibinubuhos niya lahat ng pwersa sa tuhod at paa.

"Ganito na lang din. Can you please sit properly dahil baka tumalsik ka sa harap 'pag biglang magpreno." Malamig na sagot ni Ice.

Wala ng nagawa si Dew Lia.

Hay. Bagay lang sa kanya yung pangalan niya. Ang cold. Pinapahiya niya ako at pinapainis.Ano ba naman 'tong Prinsipe na 'to? Palagi ko na lang nakikita kung saan-saan? At nagji-dyip din pala siya? Tska ano ba naman yung suot niya?

"Pst." Sinitsitan ni Dew ang prinsipe.

"What?"

"Ano 'yang suot mo?"

Hindi sinagot ni Ice ang tanong at nagbayad.

"Makikiabot po."

Aangal pa sana si Dew Lia sa prinsipe nang makita niya ang kinuha nitong pera.

20 aurous!

Bente hahaha? Hahahahaha! May ganung kaliit din palang pera ang prinsipeng kagaya niya?! Hahahahaha!

Sa kakatawa ni Dew Lia sa isipan niya, naglilikot na siya sa kandungan ni Ice. Pinilit niya na lang na humawak sa hawakan sa itaas para hindi na muling mag-pabigat.

"Umupo ka ng maayos! Hwag ka na ngang humawak diyan."

Tinanggal ni Ice ang kamay niya sa hawakan sa itaas. Tuluyan na tuloy siyang napaupo sa kandungan nito.

Tska niya napansing may ilang babaeng nagnanakaw ng sulyap kay Ice. Hindi naman siya nagtaka doon dahil magandang lalaki naman ang prinsipe. Ang ipinagtataka niya ay kung paanong hindi nila namumukhaan ito. Hindi niya alam na sapat na palang disguise ang isang bullcap para dito.

"Tapos, para ka namang tuod ngayon."

"Ewan ko sayo." Ayaw niya na sanang pansinin ang pangaasar nito. "Teka, sinuklian ka na ba?" Pagiiba ni Dew Lia ng usapan. "'Diba 19 lang yung pamasahe? Nasa'n ang 1 aurous?"

"Hayaan mo na." kibit balikat si Ice na parang wala lang dito ang isang piraso ng barya.

"Aba! Hindi dahil mayaman ka, babalewalain mo na ang isang aurous!"

"Eh 'di kunin mo."

Talagang kukunin ko!


"Manong!" sigaw ni Dew Lia. "Yung sukli po nung bente?"

"Bente?"

"Oho! Yung sukli pong isang aurous?!"

"Parang isang aurous lang, kung makasigaw. Kala mo isang zircon ang nawala." Sagot ng manong drayber na nagpaigting ng bagang ni Dew. Natatawa-tawa pa ang drayber na ang  feeling ni Dew Lia eh pinagtatawanan ang pagiging big deal ng isang aurous ni Ice.

"Aba-aba manong na kamukha ni Brutus!" tawanan ang ilang nakasakay sa dyip. "Kung 'yung iba nahihiya na para itanong ang sukling isang aurous, pwes ako hindi! Kahit pa isang argentate o kahit isang russet pa 'yan. Kukunin ko 'yan. Ang sukli ay sukli."

"Ayan na nga." Pinaabot ng manong ang sukli nilang piso, pero nagsalita na naman ito. "Sus. Dami-daming sinasabi."

"Aba manong!"

Gusto nang mapatayo ni Dew Lia at sumugod.

"KAYO ANG MARAMING SINASABI! SUBUKAN NIYO KAYA NA MAKATANGGAP NG 18 AUROUS LANG LANG NA PAMASAHE, HINDI BA MAGREREKLAMO DIN KAYO? O KAYA KULANG NG ISANG ARGENTATE? HINDI BA—"

"PARA PO!" Nagulat ang lahat ng pumara si Ice.

"Anong—"

"Halika na!" hinila ni Ice si Dew pababa ng dyip.

Tumabi sila sa shoulder ng highway ng magsimulang magtanong si Dew.

"Hoy. Bakit ka nag-para?"

"Nakikipag-away? Nang dahil sa isang piraso ng aurous? Seriously?"

"Aurous yun! Mahalaga yun! Dalawang argentate na 'rin yun. At Hindi mabubuto ang isang zircon kung kulang ng isang aurous. Kaya hindi basta-basta minamaliit ang "

"Ang sakit sa tenga ng boses mo." Nakakunot ito at tila seryosong naiirita sa boses ni Dew Lia.

'Tila gusto namang manapak ni Dew.

"Aurous mo na nga ang ipinaglalaban ko, ganyan ka pa. Ganyan talaga kayong mayayaman. Mga dugong bughaw. At 'tska bakit hindi na lang ako ang itinulak mo palabas ng dyip? Sumama ka pa talaga sa pagbaba. Wala pa sa sa ibinayad natin yung ini-andar nung sasakyan tas bumaba na agad tayo?"

"Don't take me for a fool, miss. Kung ikaw lang ang bababa, anong mangyayari sa'kin sa dyip?"

"Anong gagawin natin ngayon? Pinagagawan natin yung upuan na yun, tas bababa rin pala agad tayo? May masasakyan pa ba tayo? Eh nasa kalagitnaan tayo ng highway? Wala naming nagsasakay at nagbababa dito eh!"

"Just. Shut up. Ingay, grabe." Nagsimula ng maglakad si Ice. "I've never heard a maiden this loud."

"Wag mong sabihing maglalakad na lang tayo?!?!"

"Isa!" nagbilang si Ice bilang babala sa pagiging maingay niya.

"Sabi ko nga tatahimik na eh." Sumunod na lang si Dew.

Nang biglang umulan.

Hala. Umuulan na naman? At wala akong payong! Not again?

***

"What the hell."

Hindi makapaniwala si Juliya Alona sa nakikita. Kahit mula sa malayo, at kahit kakaiba ang suot, alam niya kung sino ang naglalakad sa gilid ng highway.

"Ate Lydia! Ate Lydia!" tinawag niya ang yaya.

"Yes, my lady."

"Si Ice yun 'diba? Hindi ako pwedeng magkamali! The hair! The built! The way he walks! 'Diba ate? Diba?" pinilit niya ang yaya na umayon.

"Opo Lady Juliya. Opo, y-yata."

"Sabi na eh! Pero anong ginagawa niya sa highway? At umuulan? Naglalaro pa sa ulanan? Ghad! Is this real?"

Nasa gilid kasi ng malaking highway ang ngayong tinitirahan ni Juliya. Isang mala-palasyong bahay na nagsisilbing opisina ng lolo niya. Isang bahay na halos sumasakop din sa kahabaan ng highway.

"P-pero sino yung kasama niya?"

"Hindi ba po sinabi niyo na may girlfriend na ang mahal na prinsipe? Eh di yan po yu—" tinignan niya ng matalim si Ate Lydia.

"I know! What I mean is, kung sino ang babaeng yun? Sinong babae ang mapapaglakad ang crown prince sa ulanan sa gilid ng highway? Sino ba yang girlfriend niya na yan? Ni hindi ko man lang nakita ang mukha dahil para siyang dikya na yumakap kay Ice habang ipinapakilala sa akin." Pilit na inaaninag ni Juliya ang imahe ng babaeng kasama ni Ice.

"Kukuha po ba ako ng telescope para makita niyo?"

"WHAT?!" di alam ni Juliya kung matatawa siya o maiiyak "Ate Lydia, hindi stars ang titignan ko! Baka binoculars ang ibig mong sabihin?"

"Opo, 'yun na nga po."

"O siya! Madali ka habang hindi pa sila nakakalayo!"

Habang umaalis ang yaya niya eh kinuha naman niya ang smartphone at nagsimulang mag-dial ng numero habang tumitingin muli sa bintana. Doon niya nakumpirma ang lahat.

***

"Chief!" dali-daling nagreport si Voltaire kay Ricardo Luna, Chief Royal Guard dahil sa ibinalita nito sa lahat kani-kanina lang. Babantayan pa dapat niya si Dew Lia kanina pero ng marinig niya ang balita, nagmadali siyang pumunta ng palasyo.

"Ang Prinsipe Fire?" tanong agad nito sa kanya. Alam niya namang iyon agad ang itatanong nito kaya naman handa na siya sa sagot.

"Katulad ng bilin niyo Chief, palihim ko naman siyang pinabantayan kina Gino. Hindi ko muna sinabi ang balita dahil maaring umalma siya. Kilala naman ho natin ang Prinsipe Fire, mataas ang ihi, mas lalong aayawan ang bantay kung sasabihin. Kani-kanina ho eh kasama niya daw si Prinsipe Ice sa golf course ng country club." Mahabang ulat niya kay Chief Luna.

"Mabuti. Ang mahalaga ay hwag muna siyang uuwi ng palasyo."

"Kahit hindi niyo naman po sabihin, sa tingin ko ay wala naman talagang balak umuwi ng Rear Castle ang Prinsipe Fire."

"Mabuti ng nakakasigurado tayo Voltz."

Aw, Voltz...

Gustong mapangiwi ni Voltaire sa nickname sa kanya  ni Chief Luna. Voltz. Parang naramdaman niya nga ang kuryente gawa ng pagka-corny.

"Pero Chief, sa kwarto po ba talaga ni Prinsipe Fire nakuha ang bomba?" yun ang nagpagimbal sa kanya kanina. Nang malaman na may nagtanim ng bomba sa kwarto ng kaibigang prinsipe.

"Mabuti nga at regular ang pag-ronda ng mga k-9 units at naging alerto ang lahat. Na-detonate agad ang bomba ilang minuto bago ito sumabog. Walang nangyaring masama bukod sa mga nasirang gamit. "

"Pero sino ho ang maaring gumawa nun? Wala silang alam sa tradisyon ng palasyo kung ganun nga. Hindi nila alam na hindi naman tumitigil ang mga wala pa sa hustong edad na dugong-bughaw sa loob ng palasyo. Pwera na lang kung may pagdiriwang at okas—" si Voltaire na mismo ang nagpatigil sa sarili niya.

"Mismo. Kaarawan ng Prinsipe Ice. Kung wala lang silang pagtatalo, malamang ay nasa kwarto niya sa South Palace ang mahal na Prinsipe. Maging ang Princess Royale nga ay nandiyan eh."

"N-nandiyan ang prinsesa?!" hindi maiwasan ni Voltaire na maging excited. Pero pinigil niya rin ang ngiti dahil baka mapagalitan siya ng pinuno.

"Hindi muna namin ipinaalam sa kanya ang balita, nasa pangagalaga siya ng mga Apprentice Maids."

"Ah, mabuti... mabuti naman kung ganun."

"Sa ngayon ay pinagaaralan namin ang videong ito." Pinindot ni Chief Luna ang play button tumambad sa kaniya ang kuha ng CCTV camera na sumasakop sa hallway kung  saan naroroon ang nakahandang kwarto ni Fire Jasper.

"Mabuti at mayroon niyan!"

"Pagmasdan mo muna."

Maya-maya pa ay nakitang may isang babaeng palinga-linga habang mabilis na naglakad papunta sa mismong kwarto ni Fire Jasper. Ang nakapagtataka, tila may susi ito at mabilis na nakapasok sa loob. Inulit ni Chief Luna ang Video at pinindot ang Pause button sa segundong papasok pa lang ang babae.

"Ang damit na yun!" sigaw ni Voltaire.

"Tama."

"Mula sa tahanan ng mga concubine!" alam niya yun. Marami rin naman siyang naipasang pagsusulit tungkol sa palasyo kaya alam niyang damit ng isang concubine ang suot ng babae. "Isang concubine ang gustong pumatay kay Prinsipe Fire?"

"Hindi natin 'yan masasabi. Isa lang siyang mababang uri ng concubine. At walang matalinong nilalang ang magpaplano ng pagpatay at siya mismo ang pupunta para gawin ang krimen. Lalo't alam niyang may mga camera sa lugar. Isa pa, hindi humahawak ng susi ang mga mabababang uri ng concubine. Wala din silang kakayahang umalis sa kanilang tahanan hangga't walang utos mula sa kahit na sinong dugong-bughaw o matataas na opisyal na manghihingi ng serbisyo.

Napailing si Volltaire. Alam niya ang malungkot na buhay sa likod ng mga concubine sa bansa. Sa kabila ng malaking kinikita ng mga ito at marangyang buhay ng kanilang pamilya, walang kalayaan ang mga concubine. Lalo na ang mabababang uri. Nagtataka nga siya kung bakit maraming babae ang nangangarap  na maging ganito. Kailangan pa ng napakaraming karanasan para umangat ang lebel ng mga ito. Ang kasalukuyang pinakamataas na concubine ay ang pinakaprestihiyoso at minsang sinasabing parte na ng unang pamilya  at masasabi ng isang dugong bughaw.

"Ibig niyo po bang sabihin, ay nautusan lamang ang babaeng yan?"

"Maari. Alam nating may mga tala ang bawat paglabas ng mga concubine sa kanilang tahanan. At maari siyang makilala. Marami ang saksi na maraming beses na daw ang babaeng  yan na nakatanggap ng sulat mula sa kung sino man. Sabi ng kasamahan ay naging aligaga ang concubine na ito nitong mga nakaraang araw at palaging takot at umiiyak."

"Kilala niyo na kung sino ang concubine?! Bakit hindi niyo dalhin sa himpilan? Paaminin kung sino ang nasa likod ng paglalagay ng bomba!"

"Yan, ang problema. Nagpakamatay ang concubine ilang oras matapos niyang mailagay ang bomba."

"PO?!"

**

"Dito ka, dito!" pilit na pinapasilong ni Dew si Prince Ice sa dahon ng gabi na nakita niya sa tabi-tabi.

"Get off!" umiwas naman ito.

"Bahala ka. Mababasa ka."

"Dahon? Anong kalokohan yan?" naglakad ng muli si Ice Jason. Di pinapansin ang pagpatak ng ulan.

"Aba! Don't underestimate this! Never ever ever underestimate the power of the dahon ng gabi! Aba sa probinsya yan ang ginagamit namin na payong!"

"HAHAHAHAHA!" tawang-tawa si Prince Ice. Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Dew. Hindi niya kasi alam kung bakit ang sarap ng paghagalpak ng tawa nito. Maya-maya ay sapo-sapo nan g prinsipe ang tyan at sumandal sa poste. Parang hindi aware na basing-basa nang ulan buong katawan nito.

"ANONG NAKAKATAWA?!"

"Hahaha! Anong salita yun? Tapos yung mukha mo pa!" ginaya ni Ice ang pagsasalita ni Dew. "Never ever ever underestimate the power of the dahon ng gabi! Silly! Tagalugin mo na lang kung hindi mo alam ang ingles ng gabi! Hahaha!"

"Woah-woah! So yun yung nakakatawa para sa'yo?!" iwinasiwas ni Dew ang dahon sa direksyon ng patuloy pa ring tumatawang si Ice. Para namang may magiging diperensya ito dahil basa naman na talaga si Ice.

"HAHAHAHAHAHA!"

"Peste!" binasa niya pa ito ng naipong tubig sa ibabaw ng dahon ng gabi.

Bigla namang nag-ring ang telepono ni Ice na nagpatigil sa kanya sa paglalakad. Inipit niya muna si Dew sa mga braso niya.

"Aray! Aray! Di mo naman sinabi, wrestling pala ang gusto mo!"

"Wait lang,  Ms. Dahon ng gabi, mukhang kilala ko kung sino ang tumatawag."

"Ha?"

"Juliya?" napatigil sa pagpalag si Dew ng mabanggigt ni Ice Jason ang pangalan ni Juliya.

Juliya? Juliya na naman?

"Ha? Bakit? Yep, we're here outside your fortress, ma'lady." Nakangiting sabi ni Ice habang mahigpit na iniipit pa rin si Dew Lia.

"Aray, bitiwan mo na ako, hindi na kita babasain." Bulong ni Dew habang kumakawala sa pagkakaipit ni Ice. Pero lalo lang humigpit ang ang pagkakayakap sa kanya.

"Yes, she's here with me. Look." Sabi ni Ice na parang pinapakita pa siya sa kung saan man na hindi niya nakikita.

Nasa paligid ba si Juliya? Imposible. Wala namang bahay sa paligid eh. Wala ring sasakyan? Anong pinagsasasabi nitong si Prinsipe Ice? Imposible naming, diyan siya nakatira sa...

"Nababasa na yung phone mo!" napalis lahat ng iniisip niya ng makita na unti-unti na rin palang nababasa ang smartphone ni Ice sa ulan. Kinuha niyang muli ang dahon ng gabi at pinayungan ang telepono.

"Sige Juls, pinapababa na ni sa'kin ang phone, medyo selosa kasi yung prinsesa ko. Prinsesa ng dahon ng gabi."

Itinago na ulit ni Ice ang smartphone sa bulsa.

"Anong pinagsasabi mong princesa mo? Prinsesa ng dahon ng gabi?!" sigaw ni Dew.

Binigyan na naman siya ni Ice ng rotten smile.

Aalma pa sana siya ng may tumigil na dyip sa harapan nila.

"Isa! Isa pa!" sigaw ng drayber.

"Isa? Isa lang ang bakante? Isa lang, na naman?"

"Wag kang maarte." Hinila siya ni Ice sa loob. Katulad ng kanina. Para na naman siyang  batang kinandong ni Ice.

**

"Eto na po Lady Juliya! Eto na po ang telescope."

"Ate Lydia." Meh face na si Juliya Alona na nakasalampak sa Princess Canopy Bed. "Binoculars nga sabi eh, hindi telescope."

"Oo nga po pala." iniabot nito ang binoculars

"At hindi ko na rin 'to kailangan. Wala na sila. Sumakay na ng jeepney."

"Pasensya na po Lady Juliya kung natagalan."

"Ipahanda mo na lang ang kotse. Pupuntahan natin si Fire Jasper."

"Po ulit?"

"Bakit?"

"Wala po my lady. Magpatila po muna kayo ng ulan."

**

"EHEM!"

"AY DAHON NG GABI!" halos mapasigaw si Dew Lia nang may tumikhim.

Pagtingin niya, si Ice lang pala. Nakatulog pala siya sa kandungan nito. Sumakit na naman kasi yung ulo niya at pangangatawan dahil kagagaling niya lang sa sakit at kanina ay naulanan na naman siya. Wala naman siyang choicekundi kumandong na lang ulit kay Ice dahil isa na lang ulit ang bakante sa dyip na swerteng  pumara sa harap nila.

"Baka gusto mong..." paunang salita ni Ice Jason habang pinapa-digest sa kanya ang mga pangyayari.

Napansin ni Dew na nakatingin sa kanya ang ilang pasahero ng jeep. Ilang pasahero. Dahil kaunti na lang silang pasahero ang natitira sa jeep.

At nakakandong pa rin pala siya, at nakayakap pa kay Ice.

"YAY ANO BA YAN!" nahihiya siyang naupo sa tabi ni Ice. "Bakit hindi mo naman ako ginising? Eh halos wala na nga tayong ka-sakay dito sa dyip!?"

"Malay  ko ba kung ayaw mo magpagising? Sarap ng yakap mo eh."

"Bakit ko naman di gugustuhing magpagising?!"

"Nag-iinit nga yung katawan mo eh!!"

"Ha?" kinapa ni Dew ang sariling noo. "May sakit ako."

"Sakit daw."

"Oo nga kasi."

Ilang saglit pa, bumaba na si Dew Lia sa jeep ng makita ang kanto malapit sa kanila. Nakonsensya siya ng kaunti dahil hindi man lang siya nagpaalam matapos mag-Para.

"Sus. Bahala siya."

Pagdating ng bahay, naabutan ni Dew Lia si Jasper sa sala.

"ANO NA NAMAN YAN?!?!" sigaw na naman ang salubong sa kanya. "BASANG-BASA KA NA NAMAN?!"

"Galit? Kailangan palaging nakasigaw?"

"Ikaw kailangang palaging nakasigaw?"

"Hindi ako, nagpaulan! Naulanan ako. At Jasper, bakit ka ba concern?"

"Concern. Oo! Concern ako sa pera ko! Baka mamaya mahimatay ka na naman diyan, ang mahal-mahal ng ospital!"

"Wow! Sino ba kasi nagsabi sa'yong i-ospital ako?"

"TAMA NA! MALIGO KA NA DUN! JELLYFISH KA TALAGA! WALA KANG UTAK!"

Natatawa-tawa at naiinis si Dew na sinunod na lang si Jasper.

~

Kasalukuyang masayang nagbababad na si Dew Lia sa bath tub ng pumasok si Voltaire ng bahay.

"JAS! JAS! JASPER!" sigaw ito ng sigaw.

"Bakit?"

"Si ano... si... si..." Voltaire pants.

"Ano?! Kumalma ka nga. What happened?"

"Si Lady Juliya!"

"Ha? Bakit? What happened to her?"

"Wala naman. Pero nasa labas siya! Nakita ko yung sasakyan niya papunta dito."

"Huh??! Sigurado ka? Saan ka ba galing?"

"Basta! Bakit hindi ka nagpapanic? Nasaan ba si Miss V?"

"HA?!" doon lang na-gets ni Jasper ang kinikilos ni Voltaire. Utos pala niya na itago si Dew Lia kay Juliya noon. "Nasa CR siya! Paano?" Lumapit siya sa pintuan. "Jellyfish?"

Inikot ni Jasper ang door knob.

"Naka-lock. Siyempre."

"Wag ka mag-alala, may susi ako ng C.R.! I got this Jasper!"

"HA?!! Teka! Anong gagawin mo?"

Dali-daling pumasok sa CR si Voltaire. Walang pakielam sa madadatnan.

Sisigaw sana si Fire para sabihing naliligo si Dew Lia, pero sabay na pumasok na rin si Juliya sa front door.

"Hi Fire!"

~

Gulat na gulat si Dew Lia sa lahat ng pangyayari at wala na lang siyang magawa kundi sumigaw dahil sa pagpasok ni Voltaire.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhnnngggmm—" tinakpan naman ni Voltaire ang bibig ni Dew Lia. "Shhhh! Quiet ka lang." Nandiyan yung babae ni Fire sa labas."

Mabuti na lang at nakalubog ang katawan nito sa bath tub kaya walang masyadong naging problema.

~

Sa labas, narinig ni Juliya ang pagsigaw na yun. Napatingin ito sa pinto ng banyo.

"W-who's that?!" napataas ang kilay nito. Napakunot na lang din si Fire. Gustong mag-facepalm.

"WHO'S THERE?!" lumapit si Juliya Alona sa pintuan ng CR at kumatok "WHO'S IN THERE?!?!"

"SI VOLTAIRE LANG 'TO!"

"Bakit parang may narinig akong babae?" probe ni Juliya.

"May lumipad kasing ipis at Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh! Sumigaw ako ng ganun! Aaaaaaaaaaaahhhh!" pinilit ni Voltaire na tumili sa abot ng kanyang makakaya. "Aaaaaaaaaaaahhh! Ganun d'ba?"

"Bobo..." napabulong at napa-facepalm na lang si Fire. 

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
1.4M 48.6K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...