A Moment to Remember

By RachelleAnn_18

1.6K 26 2

Dahil sa isang accident mababago ang lahat ,may mga taong mawawala, masusugatan, at makakasira ng buhay ng... More

A Moment to Remember
Chapter 1: The Dream
Chapter 2
Chapter 3: National Book Store
Chapter 4: Still Jahz POV
Chapter 5: Bestfriends
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
SPECIAL POV
Author's Note

Chapter 13

36 0 0
By RachelleAnn_18

(A/N: Guys kung sino man ang nalilito dun sa characters ko, lilinawin ko lang po na DATI si 'Julia Baretto' yung isa sa mga character ko kaya lang pinalitan ko po ito ng 'Zharm' even though hindi ko po siya kilala siya po yung nilagay ko. Because fan rin po ako ni kasi ako ni Julia but hwag kayo mag-alala dahil solid KathNiel pa rin ako =)). And I hope you understand po)

Happy 200 reads po!! =))

Enjoy Reading!!

-------------------------------------------------------------

Chapter 13

Karlyn's POV

Kilala niyo naman na siguro ako noh? Well, kung hindi pa.. magpapakilala ako sa inyo. Ako nga pala si Karlyn Bernardo at may isa akong anak at siya si Ashley ngunit sa kasamaang palad namatay siya sa isang aksidente na hindi pa namin alam kung aksidente nga ba ang nangyari o may nagtangka sa buhay niya. Walang nakakaalam kung buhay pa siya o hindi. Pero malakas ang kutob kong buhay pa siya, Ito ang dahilan kung bakit ako uuwi sa Pilipinas para maghanap ng ebidensya na makakapagpatunay na buhay pa ang anak ko. Siguro lahat sila sumuko na pero ako hindi ako susuko kahit kailan. Haay. Okay tama na nga, mahaba-haba na ang kwento ko sa inyo baka matapos itong story ng di oras kapag tinuloy-tuloy ko ito hahaha XD

------------------------------------------------------

Andito na ako sa airport at nakikita ko na rin si Belle, haay.. Andito na muli ako sa Pilipinas. Tuwing naririnig ko o nakikita ang Pilipinas nalulungkot ako hindi dahil sa ayoko sa Pilipinas kundi dahil naaalala ko ang mga nangyari noon.

Belle: Lyn!! Hoy!! Kanina ka pa tulala ah. May problema ba?

Lyn: A-ah wala naman *smile* tara na?

Habang naghihintay kami ng taxi, nakukwento sakin ni Belle yung mga nangyari noon simula nung aksidente, nalaman ko din na dinaramdam pa rin ni Duztin ang pagkawala ni Ashley at malaki rin ang naging apekto nito sa kanya.

Lyn: Eh kamusta naman siya ngayon?

Belle: Yun, minsan tulala kapag may nakikita siyang bagay na nagpapakita sa mga alaala ni Ashley at minsan napapaginipan niya yung mga nangyari noon.

Ah.. Kawawa naman si Duztin. Every minute naaalala niya ang anak ko.

Belle: Andito na tayo.

Andito na pala kami hindi ko namalayan ah -__- pagtingin ko sa bahay nila, naalala ko na naman yung moments na masaya kaming lahat. Papasok na kami sa loob. Nagulat nalang ako ng..

Jahz: Tita Lyn?! Ikaw ba yan? Omg. You're back.

Niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik.

Tita Lyn: Yes my dear. Im back for you *giggle* I miss you.

Jahz: I miss you too tita! *smile*

Umupo na kami sa sala. May lumabas na isang lalaki na bagong gising lang ang itsura niya. Nagbeso siya kay Belle at Jahz. Lalakad na sana siya papunta sa kitchen nang mapansin niya ako.

Duztin: Good Evening po.

Ang cold ng pagkasabi niya. Parang hindi ko na siya kilala. Hindi naman siya dating ganyan eh, dati kapag bumabati siya may halong ngiti at saya pero ngayon parang naging baligtad, naging COLD ito. Dire-diretso lang siya sa kusina. Pero narealize niya siguro na ako 'to kaya bumalik siya at tinignan ako.

Duz: Tita Lyn?!

Halatang gulat siya. Halata sa mukha niya na marami siyang pinagdaanan na problema. Nakikita ko sa mukha niya na malungkot siya at maraming iniisip. Haay Duztin.. Kamusta ka naman sa lagay na yan?

Tita Lyn: Surprised? Yes. Ako ito iho *smile*

Duzt: Tita I miss you!

At niyakap niya ako syempre niyakap ko din siya pabalik. Haay. Namiss ko tong batang 'to. Kala ko magagalit siya sakin, pero hindi. Sabi nila nagbago na siya pero sinasabi kong kahit kailan hindi mawawala ang pagiging magalang niya at gentleman.

Tita Lyn: I miss you too iho.

Umupo siya sa kabilang upuan. Nakaupo siya sa kabila at katabi niya si Jahz. Si Belle naman nasa kusina, nagpeprepare ng pagkain namin. Sobrang tahimik, buti nalang nagsalita si Jahz.

Jahz: So, how are you tita?

Tita Lyn: I'm okay, my dear. *smile* Kayo kamusta na?

Duz: Okay lang naman po tita *smile*

Lyn: Ahh.. *smile*

At pagkatapos nun, nabalot na naman ng katahimikan ang loob ng bahay. Nakaramdam siguro ng gutom si Jahz kaya pumunta siya sa kusina. Ito na yung pagkakataon ko upang makausap si Duztin.

Duztin: Ah ti—

Tita Lyn: Duz—

Ha! Awkward! Sabay kaming nagsalita. Tumingin siya sakin at tumingin din ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya pero siya blank face pa rin.

Tita Lyn: Sige mauna ka na Duz *smile*

Duz: Ah, mauna ka na tita.

Ah sige! No choice. Ang serious talaga niya eh.

Tita Lyn: Kamusta ka na Duz?

Nagulat naman siya sa tanong ko. Nakakagulat ba yung tanong ko? -__-

Duz: Ah.. Ayos lang naman po tita *pilit na smile*

Alam kong pilit lang ang ngiti niya. Alam kong hindi siya completely happy and okay.

Lyn: Balita ko bumaba daw ang grades mo ngayong year.

Hindi siya sumagot. Alam kong marami siyang problema. Isa na dito yung pagkawala ni Ash sa buhay niya, sa buhay namin. Siguro its time na para sabihin na sa kanya na wala siyang kasalan sa mga nangyari noon.

Lyn: Duz, its not your fault..

Tumingin siya sakin at halatang gulat siya sa sinabi ko..

Lyn: I know na iniisip mo pa rin yung mga nangyari noon. Sinisisi mo ang sarili mo dahil hindi mo nailigtas si Ashley sa sunog. Duz, hindi mo kasalanan ang mga nangyari noon. Hindi natin alam kung anong mangayayari noon. I know na naaapektuhan ang mga grades mo dahil naiisip mong ikaw ang may kasalan. At alam kong naging malungkot ang buhay mo simula ng mamatay si Ash. Duz, sobrang nagpadala sa lungkot mo. Sobra kang naapektuhan sa pagkamatay niya, pero kung andito siya ngayon magagalit siya dahil napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. Duztin, may dahilan kung bakit nangyari ito. May dahilan lahat ng bagay.

Tumingin siya sakin. Nakikita ko sa mukha niya na nalulungkot siya. Alam kong sobra siyang nasasaktan. Gusto kong bumalik ang dating siya, yung dating masiyahin, masigla at makulit pero parang impossibleng mangyari yun dahil ang makakapagbalik lang ng dating saya ni Duz ay si Ashley. Si Ashley na wala na, na patay na. Pero I have this feeling na buhay pa siya, na dapat hindi kami mawalan ng pag-asa. Kaya hanggang ngayon umaasa pa rin akong balang araw babalik siya sa amin.

Lyn: Duz, can I ask you a favor?

Duz: Ano po yun?

Lyn: Pwede bang bumalik ang dating Duztin na nakilala ko? Pwede bang ngumiti ka na ulit?

------------------------------------------------------

Duztin's POV

And with that bigla akong nagising sa mga sinabi ni tita Lyn. Tama nga si tita, siguro nga may dahilan lahat ng bagay. Siguro nga sobra akong nagpadala sa lungkot ko, kaya pati buhay ko naaapektuhan na at dahil din doon unti-unti akong nagbago, ang dating masayang ako naging malungkot, palaging tulala, maraming iniisip at maraming problema. Siguro nga its time na para maging masaya ulit. Wala namang mangyayari kung palagi nalang akong malungkot. Wala ng magagawa yun dahil hindi na siya bababalik. But siguro iniisip niyo na sumuko na ako pero nagkakamali kayo kahit kailan hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa, hindi ako susuko. Gusto ko lang maging masaya ulit, gusto kong ibalik yung dating Duztin.

Lyn: Duz, alam kong mahirap para sayo na kalimutan na lang si Ash pero sana naman naisip mo na andito pa kami, hanggat nalulungkot ka, nalulungkot din kami. Kaya please lang Duz, ngumiti ka na ulit. Bumalik ka na sa dati.

Ngumiti naman ako. At dun nagulat si Tita nung nginitian ko siya. Simula ngayon babalik na ang dating Duztin. Niyakap nalang ako ni tita Lyn. And I heard her whisper..

Lyn: Thank you, thank you Duz.

Kahit hindi ko nakikita si tita, alam kong nakangiti siya. Kumalas ako sa yakap.

Duztin: Tita ako dapat ang mag-thank you, kung hindi dahil sa inyo siguro hindi na talaga ako magba-bago ulit, siguro hindi na ako ngi-ngiti ulit, siguro hindi na babalik ang dating Duztin *smile*

Ngumiti naman sa akin si tita Lyn. Kapag nakikita kong ngumingiti si tita, parang nakikita ko rin si Ashley dahil parehong-pareho sila ng ngiti. Dumating na din sina mama at Jahz. Kinain na namin yung niluto ni mommy. Pagkatapos nun pumasok na ako sa kwarto ko. Pumunta ako dun sa rooftop ng bahay namin. Nakikita ko ang mga nagnining-ning na stars. Pinapanood ko lang yung mga stars na nagnining-ning. Naalala ko si Daddy. Kamusta ka na kaya jan daddy? Masaya ka na siguro jan. Habang pinapanood ko lang yung mga stars bigalng may dumaan na wishing star. Hindi na ako nagdalawang isip pa na mag-wish. Pumikit ako at nagwish.

I wish na sana bumalik na sa dati ang lahat. Sana maging okay na lahat. At sana buhay ka pa Ashley dahil umaasa pa rin kaming buhay ka, hindi kami susuko hanggat walang nagpapatunay na patay ka na. And I wish na kung nasan ka man ngayon sana masaya ka at sana maisip mong may buhay ka pang naiwan dito at maisip mong marami pa kami dito na hinihintay kang bumalik. Sana magkita na ulit tayo. We miss you. I miss you

".... I love you Ashley"

-------------------------------------------------------

Sorry po kung late update ako. Babawi nalang po ako sa susunod.

See you next chapter =))

VOTE. COMMENT and be a FAN ^__^

Bye readers!! =))

Continue Reading