Under His Spell

By thatpaintedmind

11.1M 360K 114K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 1 Tyler Craig Smith's story "Don't trust what you see. Even... More

Warning!
Teaser
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
PLEASE READ
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
...
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
...
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L.1
Kabanata L.2
Wakas
Mensahe ng Manunulat
Special Chapter
1 Million Special
2/22/22

Kabanata III

207K 7K 2.8K
By thatpaintedmind

"Dyan na lang," turo ko sa isang kanto.

Hinatid niya ako at wala akong karapatang tumanggi, follow his orders ika nga niya. Naisip ko na mabuti na lang din na sundin ko siya dahil wala namang mawawala sa akin. Sa katunayan ay ako pa ang nakikinabang sa mga utos niya. Katulad na lamang nitong paghatid niya sa akin.

Hininto niya na ang sasakyan pero kasabay no'n ang pagkunot ng noo niya.

"You don't live here," napatigil ako sa sinabi niya.

How did... How did he knew that?

He seems to know a lot about me. Kanina ko pa iyon napapansin. Hindi ko naman kasi tinuro ang daan papunta rito sa bahay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang daan, hindi ko rin alam kung bakit niya alam na hindi ang tinitirhan ko ang kantong itinuro ko sa kanya. Hindi ko alam. Pero siya, mukhang ang dami niyang alam.

"Uhm, papasok pa kasi ako sa eskinitang iyan para marating ang bahay. Hindi naman kasya ang sasakyan mo dyan kaya dito na lang ako." Itinuro ko ang masikip na eskinita sa gilid. Purong katotoohanan naman ang sinabi ko at walang halong kasinungalingan.

"S-Sige, alis na ako. Mag-iingat ka."

Lumabas na agad ako ng kotse bago pa siya makapagsalita. Ngumiti ako at kumaway sa kanya kahit hindi ko siya makita sa loob dahil tinted ang sasakyan niya. Hindi ko na hinintay umalis ang kotse niya at nagmamadali na agad akong naglakad patungo sa eskinita.

Nakaka-ilang hakbang na ako nang tumigil ako at lumingon. Namilog ang mata ko nang makitang naroon pa rin ang sasakyan niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko na nakababa ang isang bintana ng sasakyan niya at mula roon ay nakikita ko ang kanyang pares na asul na mga mata na tila lumiliwanag sa dilim. Tumalikod agad ako at mas binilisan ang lakad.

Hilig ba talaga ng lalakeng iyong manitig? Kalahati yata sa oras na nakasama ko siya ay nakatitig lang siya sa akin. Pero kakaiba ang mga titig niyang iyon. Parang may laman na hindi ko maipaliwanag. Tumatagos iyon sa kaibuturan ko na parang may pilit na inaabot.

Nang makarating ako nang bahay ay maingat akong umakyat dahil tulog na ang lahat ng tao rito sa ganitong oras. Malapit na ring mag-alas'kwatro at sigurado akong magmumukha na naman akong zombie bukas.

Mabilis muna akong naligo dahil pakiramdam ko ay kumapit sa akin lahat ng usok sa bar, isama pa ang aircon sa kotse at condo unit ni... Tyler.

Iwinaksi ko kaagad siya sa utak ko. Hindi maganda ang epekto niya sa akin, at ayokong mas palalimin pa iyon. Walang magandang maidudulot sa akin ang mga taong katulad niya. Mayaman, malamig, at misteryoso.

Pinilit kong makatulog. Paikot-ikot ako dahil hindi mawala sa pakiramdam ko na may nagmamasid sa akin. Ito na yata ang gabi na hirap na hirap akong makatulog.

"Ma, please? Gusto ko talagang makapag-aral sa eskwelahang 'yon!"

Habang pababa ako ng hagdan ay iyon ang nabungaran ko. Ang pinsan kong mukhang may hinihiling na naman kay auntie.

"Masyadong mahal ang eskwelahang iyon anak. Naku! Hindi kakayanin ng budget namin ng tatay mo kapag sa Smith University ka mag-aaral."

Nanigas ako sa narinig ko. Smith University.

"Ma, sige na! Pangako mag-aaral ako ng mabuti kapag doon mo ako ie-enroll!" Pilit pa ni Jamaica, iyong pinsan kong spoiled brat.

Gusto niya lahat ng gusto niya ay makuha niya, wala siyang pakialam kung halos gumapang na ang mga magulang niya makuha lang ang gusto niya. Hindi ko naman masabing masama siyang anak dahil may kasalanan din sina auntie at pinalaki siyang ganyan.

"Ano ba ang dahilan mo at gustong-gusto mong mag-aral doon?"

Nagpatuloy na ako sa pagbaba ng hagdan. Mukhang hindi naman nila napapansin ang presensya ko dahil busy sila sa pag-uusap.

"Eh kasi ma..." Tumigil saglit si Jamaica sa pagsasalita at nakita ko ang pamumula ng mukha niya. "Nandoon po kasi iyong ultimate crush ko."

Kumunot ang noo ni auntie. Mag're-react pa lang siya nang agad muling nagsalita si Jamaica.

"Sinasabi ko sayo mama, jackpot ang lalakeng iyon! Siguradong kapag na-inlove siya sa akin ay magiging mayaman tayo! Akalain mong kahit na beinte anyos pa lang siya ay multi-billionaire na!"

Nagulat si auntie, pati ako ay hindi maiwasang magulat. May gano'n bang sa murang edad ay gano'n na kayaman? Parang napaka-imposible naman.

"Talaga anak? Aba maganda palang i-enroll kita dyan! Bihagin mo ang puso niya nang maging donya tayo!"

Hindi naman maipagkakailang maganda si Jamaica. Pero mas maganda sana kung maganda rin ang ugali niya.

"Ano bang pangalan ng lalakeng iyan?" Napailing na lang ako. Mukhang napaikot na ni Jamaica si auntie.

"Tyler Craig Smith,"

Kung kanina ay nanigas lang ako, ngayon ay naestatwa na ako sa kinatatayuan ko.

H-Hindi pwede...

"Nakikinig ka ba ng may usapan ng may usapan, Zafina?"

Napatalon ako nang sumulpot sa likod ko si uncle. Napatingin tuloy sa gawi ko si Jamaica at si auntie.

"Anong ginagawa mo dyan, Zafina?! Aba't magtrabaho ka na!" Agad akong nataranta sa pagsigaw sa akin ni auntie.

"O-Opo!" Tumalikod na agad ako para bumaba kung nasaan ang kainan nina auntie. Nakita ko pa ang pagngisi sa akin ni Jamaica, nakita niya na naman kasing sinisigawan ako ng magulang niya at gustong-gusto niya iyon.

Kinuha ko ang maliit kong notebook at ballpen bago ako nagtungo sa isang lalakeng natatakpan ng menu ang mukha.

"Magandang buhay, sir. Ano pong order nila?" Pinagaan ko ang boses ko dahil wala namang customer na gustong makarinig ng mabigat na boses. Iyon ang dahilan kung bakit kilala ako ng mga regular customers dito. Nahahawaan ko kasi sila lagi ng good vibes ko.

"So you work here,"

Nahuli ko ang hininga ko nang marinig ko ang boses na iyon. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya pero nakatakip pa rin sa mukha niya ang menu. At nang unti-unti niyang nilapag ang menu sa mesa ay nakinita kong tama ang hinala ko. Bahagyang naka-angat ang isang gilid ng labi niya na parang nasisiyahan siya sa gulat na nakikita niya sa mukha ko.

"T-Tyler, anong ginagawa mo dito?"

"To eat,"

Of course, to eat. Anong aasahan ko? Na pumunta siya rito para sa akin? Dream on, Zafina. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkadismaya.

"Right. Anong order niyo, sir?"

Itinutok ko na lang muli ang paningin ko sa kwadernong hawak ko. Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin pero nakikita ko siya mula sa gilid ng mata ko. Magulo ang buhok niya na parang kamay niya lang ang ginamit niyang pangsuklay doon, naka-simpleng puting shirt at ripped jeans lang din siya pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhang taglay niya. Para pa rin siyang modelo kahit na ganoon lang ang ayos niya, kahit yata basahan lang ang suotin niya ay magmumukha pa rin siyang modelo.

Nakita kong gumalaw siya para kunin muli ang menu bago niya binanggit ang order niya. "I'll have one... Ni-la-gang ba-ka,"

Halatang-halata ang pagkahirap niya nang banggitin niya ang order niya. Bahagya pang nakatagilid ang ulo niya at nakakunot ang noo habang binabasa ang pagkain sa menu. Hindi ko napigilang mapahagikgik dahil para siyang batang hindi marunong magbasa. Napatingin siya sa akin dahil sa mahinang pagtawa ko kaya agad ko iyong pinigilan pero hindi ko maalis ang ngiting nakaguhit sa labi ko.

Pagkatapos kong isulat ang order niya ay tumingin na ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Imbis na maalis ang ngiti ko ay mas lumapad pa iyon dahil halata sa itsura niya na nagtataka siya kung bakit ako tumawa kanina.

"You look more beautiful when smiling," nabigla ako sa sinabi niya.

Dahil doon ay naalis ang ngiti ko. Namula rin ang buong mukha ko. May mga nagsasabi naman sa aking maganda ako pero hindi ko inaasahang pati siya ay sasabihin iyon.

"Uhm, ano pong drinks niyo, sir?" Pagiiba ko ng topic. Mukhang napansin niya iyon dahil napangisi siya. Pero kahit na ganoon ay sinagot niya pa rin ang tanong ko.

"A glass of water will be fine for me."

"Iyon lang po ba lahat?"

"Yes,"

Kung ang ibang customer ay nagagawa ko pang ngitian bago ako umalis, iba ngayon, hindi ko magawang ngumiti dahil nag-eecho pa rin sa utak ko ang ginawa niyang pagpuri sa akin kaya umalis na lang ako ng walang ano-ano.

Nagtungo ako sa kusina at dinikit ko ang pahina ng order ni Tyler sa mga hilera rin ng mga order ng customers. Lalabas na sana ako para kumuha pa ng mga orders nang biglang may humablot ng buhok ko mula sa likod.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo para makipaglandian habang nandito ka sa teritoryo namin!"

Dinaanan agad ng kaba ang dibdib ko. Sasaktan na naman ako ni Jamaica.

"At kay Tyler Craig Smith pa talaga, huh? Para ano? Para maging mayaman ka?! Ang lakas naman talaga ng loob mo!"

Napakapit na lang ako sa kamay niyang nakasabunot sa buhok ko. Hindi na ako sasabat pa dahil mas nagagalit siya pag ganoon. Ang mga kusinera naman ay naaawang nakatingin lang sa amin. Wala silang magawa dahil kapag nakialam sila ay matatanggal sila sa trabaho.

"Binabalaan kita, Zafina, huwag mong lalapitan ang lalakeng iyon. Alam mo ang kaya kong gawin."

Pabalya niya akong binitawan kaya napasubsob ako sa sahig. Bago siya maglakad paalis ay sinipa niya pa ako sa tagiliran kaya napaigik ako.

"Jusko, Zafina!"

Dinaluhan agad ako ng mga kusinera pagkaalis ni Jamaica. Tinulungan nila akong tumayo habang ang iba ay inaayos pa ang nagulo kong buhok.

"Sumusobra na talaga ang batang iyon!" Nanggagalaiting sigaw ng pinakamatanda rito. Nginitian ko na lang siya para ipakitang ayos lang ako.

"Hayaan niyo na siya, nay. Hindi na kayo nasanay sa kanya. Tsaka ayos lang naman po ako." Tumawa pa ako para pagaanin ang tensyon dito sa kusina.

"Sigurado ka bang ayos ka lang anak?"

Ngumiti ako, kahit hindi ko man sila kadugo ay pakiramdam ko sila pa ang mas tunay kong pamilya kaysa kina auntie.

"Opo naman! Sige nay, ise-serve ko lang ito." Kinuha ko ang tray na may lamang pagkain.

Mukang nakumbinsi ko naman silang ayos lang ako kaya nagbalik na sila sa kani-kanilang gawain. Ako naman ay lumabas na para i'serve ang hawak kong tray.

Pinigilan kong mapatingin kay Tyler habang nagse-serve ako kahit na ramdam ko na nakadikit sa akin ang titig niya. Pinilit kong magtrabaho ng maayos at makitungo ng maayos.

Nang maiserve ko na lahat ng niluto ay tumayo na lang ako sa isang gilid at naghintay ng mga pagkaing niluluto pa, kasama na roon ang order ni Tyler. Hanggang sa namataan ko si Jamaica na lumabas ng kusina na may bitbit na tray. Sinundan ko siya ng tingin habang papunta siya kay Tyler.

Nakangiti niyang sinerve ang order nito. Nakita ko pa ang pagbuka ng labi niya na nangangahulugang kinakausap niya si Tyler pero hindi inalis ni Tyler ang titig niya sa akin. Nang mapansin iyon ng pinsan ko ay sinundan niya ang tingin ni Tyler. Bago pa bumagsak ang tingin sa akin ni Jamaica ay agad akong tumalikod at pumunta na lang sa kusina.

Hindi pwedeng malaman ni Jamaica na magkakilala kami ni Tyler, o kahit anong nagpapakita na may koneksyon kami ng lalake. Noong huli na nagkagusto sa akin ang crush niya ay halos sumuko ako sa pagpapahirap niya. Tumindi ang pananakit niya sa akin, mayroon ding oras na sinisiraan niya ako, at ang pinakamatindi ay nagising na lang ako na hindi ko na mabuksan ang pinto ng kwarto ko, kinulong niya ako roon ng dalawang araw.

Nangangamba ako na ulitin niya iyon. Pero anong gagawin ko? Ang unang utos sa akin ni Tyler ay manatili ako sa tabi niya. Paano ko gagawin iyon nang hindi kami nakikita ni Jamaica? Lalo na at papasok din siya sa papasukan kong eskwelahan?

Dala-dala ko ang problemang iyon habang nagtra-trabaho ako sa bar. Maayos na ang pananamit ko, hapit at maigsi pa rin naman pero hindi na katulad kagabi na kailangan ko pang ilabas ang cleavage ko. Hindi na rin ganoon kataas ang tip na natatanggap ko pero ayos lang naman iyon sa akin, sagot naman na ni Tyler ang gastos ko sa eskwelahan.

Nakaramdam ako ng panghihinayang nang hindi ko siya masilayan ni isang segundo sa bar. Marahas akong umiling at binatukan ang sarili. Hindi pwedeng tumatak sa utak ko ang lalakeng iyon.

Mabilis akong nakauwi dahil wala ng trapiko sa ganitong oras. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng maluwag na puting sando at maiksing shorts. Paanong hindi magiging maiksi kung simula pa lang trese anyos ako ay shorts ka na ito. Mabuti na lang at hindi lumalaki ng gaano ang bewang ko kaya nagkakasya pa ang mga dati kong damit sa akin.

Naglatag na ako ng kumot sa sahig. Wala naman akong kama dahil bodega lang na nilinis ko ang nagsisilbi na kwarto kong 'to. Sinusuklayan ko ang basang buhok ko habang naglalakad patungo sa nilatag ko nang may mamataan akong bulto sa labas ng bintana.

Kumunot ang noo ko at nilapag ang hawak kong suklay bago ako nagtungo sa maliit na bintana. Sumilip ako roon at sa tulong ng ilaw sa poste sa may gilid ay naaninagan ko ang mukha niya.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ko na naman siya. Nakatingala siya sa akin mula sa baba. Parang kanina pa niya pinapanuod ang bawat galaw ko.

"Tyler..." Nabigkas ng bibig ko.

Mukhang nabasa niya ang pagbuka ng bibig ko. Ngumisi siya at kitang-kita ang kislap ng mga mata niya na parang nakikipaglaro, larong hindi ko magugustuhan.

Napakapit ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang nakakulong doon.

Sa kabila ng dilim ng paligid ay nakita ko pa rin ang pagbuka ng bibig niya. Sinubukan kong basahin iyon pero nagsisi lang ako sa huli. Dahil gumulo lang ang utak ko sa dalawang katagang binigkas niya.

'You're Mine,'



Continue Reading

You'll Also Like

30.7K 54 1
Synopsis Bata pa lamang ako ay sanay na 'ko sa ganito. Sanay na ako sa malalakas niyang pag-ungol sa tuwing may dinadala siya ritong costumer. Bata p...
2.1K 137 21
(ONGOING) Sabrina Kye Corbin is impressed by the idea that all men must put in the effort to discover the feeling of love. Despite the fact that she...
6.7M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...