Battle 28
Nandito ako ngayon kina Raven... at siyempre, ano pa nga ba? Tinutulungan siya for his transformation. And he was doing well, kasi desidido talaga siya.
"Ayos ba 'to?" – Raven
Naka dark Blue long sleeve polo siya at nakajagger pants na black na tinernuhan niya ng black airmax na shoes. At, nakakainlab talaga ang kagwapuhan niya. Ang HOT niya! Bagay na bagay sa kanya yung outfit niya. Mas lalong umibabaw ang kaputian niya at ang kagwapuhan niya... Kung di lang ako ikukulong, ehh, sinunggaban ko na'to! Well, rated SPG!! XD. Haha.
"Hoy! I'm asking you!" – Raven
Naka-ayos din yung buhok niya na lalong nagpagwapo sa kanya. Ba't ang gwapo talaga niya?? Siguro kung nasa skul siya at ganyan yung outfit niya... siguradong dudumugin siya ng mga higad na babae at mga lintang baklita... Baka nga matalbugan niya si Toshiro pag nagkataon. Ang SWERTE ni Precious!! Huhuh. T____T
Boooggsssh!
"Araaaay naman! Kahit kailan napaka-sadista mo!" – ako
Oo, sadista siya... Sinasaktan niya ako physically gaya ngayon, binato niya ako ng unan... at emotionally, kasi sinasaktan niya ang puso ko... </3 Hohoho.
"Para ka na naman kasing timang ehh. I'm asking you, but you're not even listening. Ano ba o Sino bang iniisip mo ha?" – Raven
"Ikaw!" – ako
Ayyy...tanga!!
"Ano?" – Raven
"Aahh, ehh.. i-ikaw... I-iniisip ko kung bagay mo ba 'yan! Ahh. Oo yun nga!! Ito naman kasi, hindi makapaghintay." – ako..
Hooo! Ang galing ko talaga! Pero muntik na yun ahh!! Ingat ingat din kasi minsan Neggy.
"Okay, so what do you think?" – siya while smiling so widely. ^_____^
"Perfecto!" – ako sabay thumbs up.
Mas lalo siyang ngumiti sa sinabi ko. Makikita talaga sa mga mata niya na masayang masaya siya...
"Ang galing talaga ng fairygod mother ko!" – siya sabay gulo ng buhok ko...
Lagi na lang niyang ginugulo buhok ko... -,- at kinikileg ang lola niyo...
^//////^
"Ba't namumula ka?" – Raven
"A-anong namumula? Hindi ahh! M-mainit lang kasi...Hoo. Ang hina ng aircon mo nho!" – ako sabay paypay.
Syete! Nangangamatis pisngi ko... Siya kasi ehh!
"Anong mainit? Ang lakas na kaya nung aircon... Hmmm. Huwag mong sabihin na... May gusto ka na sa akin nho?" – siya while grinning.
Hannnuuraaw? Gusto ko siya?
"Duhh! Hindi nho!" – ako kasi Mahal kita!!
"Wehh?" – siya
"Of course! I-ikaw ahh! Yumayabang ka na..." – ako
"Hahaha. Joke lang naman. Ito naman sineryoso mo naman. Hahaha." – siya
"Baliw ka talaga!!" – ako sabay hagis nung unan na hinagis niya sa akin...
Gumanti rin siya...
Binato niya rin ako...
At nagbatuhan kami ng unan...
Tawa kami nang tawa... Nung napagod kaming magbatuhan ng unan. Napaupo kami sa may sahig katabi nung kama niya.
"Hahaha!" – tawa pa rin namin...
"Alam mo ngayon lang ulit ako tumawa nang ganito. Hahaha." – Raven
Napatingin ako sa kanya...
"Bakit naman?" – ako
Parang tumalon yung puso ko kasi parang ako yung nagpatawa sa kanya nang ganun... Nyeeeehhh!
"Hindi ko rin alam ehh! Hahaha. Hindi naman kasi nakakatawa yung mga librong laging kasama ko at hindi rin sila kasing baliw at kasing slow mo." – biro niya.
"Psssh! Baliw huh? Feeling ka naman. Sa ganda kong 'to? Baliw? Na-uhh! Hindi ah.." – ako
Oh, sige Neggy. Magbuhat ka lang ng sarili mong bangko kahit naman hindi totoo.
"Haha. Hindi ka lang pala baliw at slow... feelingera ka pa! haha." – siya
"Ayyy! Ang sama mo ahh! Sa dami nang tinulong ko sa'yo, ginaganyan mo pa ako. Wala kang utang na loob ahh!" – ako
"Hahaha. Ito naman, sineryoso mo naman! Oo na, maganda ka na!..." – siya
Yieeeehhh! Maganda raw ako! Hehehe.. Ang ganda ko talaga.
^_____^
"Hahaha. Talaga!" – ako
"Haha. Naniwala naman!" – Raven
"Aba! Ang sama mo talaga..." – ako sabay kurot sa pisngi niya.
"Araaayyy naman!" – siya
Buti nga sa'yo. Binelatan ko pa siya. :P
"Pero, seriously... Thank you for being here." – Raven
"Thank you for your help and thank you for being a friend." – siya ulit.
A friend... Yes, I'm just a friend...
"You know what... Ang swerte ng taong mamahalin mo kasi napakabuti mong tao." – siya ulit...
Kung ganun, eh di swerte ka kasi mahal kita... pero ako yung hindi swerte kasi may mahal ka nang iba... >.<
"Hehe. Siguro." – ako with my fake laugh.
"Negyy..." – siya
"Ohh?" - ako
"Nagmahal ka na ba?" – Raven
Tumingin ako sa kanya. Nagulat ako sa tanong niya... Nagmahal na ba ako?
Hayyy. Bago ako sumagot, tumingin ako sa may bintana ng kwarto niya.
"Oo." – malungkot kong sabi.
"Naging kayo?" – tanong niya
"Ha-ha. Yun nga ehh, h-hindi." – ako. Kasi hindi ako ang mahal mo!! -,-
"Bakit? I mean, what happened?" – siya.
"Aaaahh.. kasi, one-sided love l-lang nama y-yun ehh." – ako
Napatahimik siya sa sinabi ko.
"Minahal ko siya, pero may mahal siyang iba kaya n-no choice ako kundi mahalin na lamang siya nang palihim." – ako
Parang ang awkward kasi sinasabi ko ang mga salitang 'yun sa taong tinutukoy ko which is SIYA!!
"Ba't hindi ka umamin?" – Raven
"H-hindi na 'yun kailangan. W-wala naman siyang magagawa kung umamin ako ehh. Hindi naman mapapalitan yung katotohanang ako lang ang nagmamahal sa kanya. Di ba?" – ako
Talaga naman ehh, hindi mababago ang katotohanang kaibigan mo lang ako at ang bespren ko ang mahal mo... T___T
"Pero, atleast nasabi mo sa kanya. Not for the purpose of getting the love back, pero para lang mailabas mo yung saloobin mo sa kanya... hindi naman kasi ibig sabihin ng pag-amin ang paghingi ng kapalit sa pagmamahal na meron ka. You're just brave enough to show and to tell him that you love him, but you're not hoping him to love you back. Para lang 'yan pagsagot sa exam, sasagutin mo pa rin kahit hindi ka nakareview. Hindi ka man makapasa, at least may nagawa ka." – siya na nakatingin sa may bintana.
"Hmm. Eh, ikaw paano kung may umamin sa'yo na matagal ka na niyang mahal? Anong gagawin mo?" – ako
"Depende sa taong aamin." – siya
"Paano kung ako?" – ako
Napatingin siya sa akin... Seryoso yung mukha niya.
"Haha. Baliw ka talaga. Kung anu-ano sinasabi mo." – siya habang ginulo na naman yung buhok ko.
Assaaaaarrr! Grinab ko na nga yung pagkakataong yun para makapagtanong at nilunok ko yung hiya ko pero, hindi niya sineryoso? Bwisettt talaga! Errrgg!
"Pero, kung sino man 'yun... ang tanga niya kasi, nasa harapan ka na nga niya, tumingin pa rin siya sa iba!!" – siya
Oo, TANGA ka nga kasi sa iba ka pa tumingin!!
________________________________