Bakit tayo Nagbreak ?
Marami tayong nagtatanong ng tanong na
"Bakit tayo Nagbreak?" After we end up in a relationship.
3 words 1 question, pero ang hirap sagutin.
Tinatanong mo ng paulit ulit sa kanya, dahil hindi mo masagot sa sarili mo kung bakit kayo naghiwalay.
Pero bakit nga ba ?
Bakit tayo Nagbreak?
Everything that happens has a reasons.
Walang Furniture na nababasag ng basta basta lang,
Baka may "Nakialam"...
Walang kanin na masusunog ng ganun ganun lang,
Baka "Napabayaan" ...
Wala namang naghihiwalay ng walang dahilan,
Baka may dahilan,
"itinatanggi mo lang"...
10 possible reasons kung bakit kayo Nag Break...
1. Third Party
Yes ! Number 1 talaga yan sa dahilan kung bakit sa tingin mo ay nagbreak kayo. May mga tao kasing ipinanganak na Anay at Higad.
Ang Anay ang lakas makasira niyan, at yung Higad makati as usual !
Hindi niyo namamalayan na dahil sa Anay , unti unti na kayong nasisira, at siyempre dahil Higad siya, o Higad ka sadyang makati , kaya ayun pinatulan naman siya! Di na nakuntento sa isa.
Sa Third Party nagsisimula lahat, kaya ka nawalan ng tiwala,
kaya ka naging Tamang hinala, kaya ka naging Over Protective. Later ko explain yung Tamang Hinala at Over Protective.
2. No Time
Wala kang oras? O siya ang walang oras sayo? O pareho kayong walang oras sa isat isa.
Time is the most important in a relationship. Dapat may oras kayo pareho sa isa't isa.
Baka naman dati halos magkasama kayo sa bawat segundo, ngayon ay isang beses na lang kayo magkita sa isang linggo. O baka naman hindi na kayo nagkikita ?
Busy siya , busy ka eh ano pang ganap niyong dalawa? Edi sana nag Single for life nalang kayo diba?
3. Less Communication
Kung dati every hour , every minute and every second may narerecieve kayong text or call sa isat isa,
"Good Morning babe" "kamusta babe?" "Kumain kana ba babe?" "Miss na kita babe" "I love you babe" "Good Night babe" "blah.blah.blah"
Ngayon ni Hi ! ni Hoy ! Wala na, tapos kung magreply isang letrang "K" nalang.
Bakit? kaya niyo bang mabuhay without any communication?
Diba hindi ? So paano magkakaroon ng buhay yung relationship niyo kung hindi kayo madalas mag usap?
4. Less Effort
Kung dati todo effort siya o todo effort Ka, Sweet kayo sa isat isa, yung tipong halos araw araw nililigawan ka niya, o nililigawan mo siya, ipinaparamdam mo na sobrang mahal mo siya at mahalaga siya, pinaparamdam niyo na hindi niyo kayang mabuhay ng wala ang isa't isa kaya lahat ng effort ginagawa niyo para mapasaya ang isat isa.
Kung dati every anniversary, monthsary , weeksary, may suprise ka, o siya hindi niyo nakakalimutan icelebrate ang pinakamahalang araw niyong dalawa.
Samantalang ngayon , kung hindi pa ipapaalala nung isa hindi mo maaalala na Anniversary, Monthsary, Weeksary niyo pala.
Yung nakukuntento nalang kayo na mag Boyfriend Girlfriend, yung "Mema" mematawag lang na girlfriend o boyfriend.
5. Different Priorities
Magkaiba kayo ng Priority, kung ikaw priority mo mag aral, makapagtapos, magtrabaho, tapos siya iba yung priority niya hindi kayo magkakasundong dalawa.
Eh kung siya petiks lang, relax lang, ikaw naman ayaw mo na nagaaksaya ng oras , bawat minuto para sayo mahalaga, isa yan sa magiging problema niyo sa relasyon niyong dalawa.
Dapat bukod sa magkaibang priority niyo, mabuhay pa rin sa inyo na dapat Priority niyo rin ang isa't isa.
Dahil kung priority mo siya at priority Ka niya, lahat isasantabi niyo para sa isa't isa dahil nagmamahalan kayong dalawa.
6. Different Attitude
Hindi kayo magkasundo dahil magkasalungat ugali niyo.
Serious-Jolly
Organized-Upset
Mischievous - Annoyed
Positive thinker - Negative thinker
Loner - Dependent
Magkaiba kayo sa lahat ng bagay, madalas na dahilan kung bakit kayo nag aaway,
kung ganyan kayong dalawa, dapat may isang ugali na mayroon kayo pareho yun ay PASENSYA.
Kahit madalas kayong hindi nagkakaintindihan, dapat marunong kayong magpasensya, kung meron kayong Hindi mapagkasunduan, dapat may isa sa inyo ang umintindi at magpasensya, isa sa inyo ang magpa kumbaba.
7. Tamang Hinala
TH o Tamang Hinala, sa mga babae, sorry babae rin ako pero hindi ako magmamalinis dito, Alam ko at alam nating lahat na we girls are TH , puro tayo hinala, kaya naman madalas pagsimulan ng away,.
Pero wait lang boys, hindi naman kami magiging TH o Tamang Hinala, KUNG WALA KAYONG GINAWA !!! Like what I said dun sa no.1 reasons THIRD PARTY jan nagsisimula lahat.
Kaya tayo naging Tamang Hinala
Kaya tayo naging Over Protective.
8. Over Protective
Over Protective , meron two sides ang pagiging Over Protective,
The Positive Side and Negative Side.
The Positive Side:
Over protective Ka dahil takot kang mawala siya Sayo,
Takot kang maagaw siya ng iba,
Dahil mahal na mahal no siya.
The Negative Side:
Dahil over protective Ka,
Takot kang mawala siya at maagaw siya ng iba, lahat gagawin mo huwag lang mawala Sayo ang atensyon niya.
Yung tipong bawal siyang mawala sa paningin mo,
Yung bawal siyang magdamit ng sleeveless or short,
Yung nagagalit Ka kapag lumalabas siya kasama mga kaibigan niya,
Kailangan lahat ng text at tawag na narereceive niya ipinapaalam Sayo.
Yung parang buong buhay niya idinidikta mo nalang sa kanya.
Never ever do that negative side,
Why?? Dahil nakakasakal.
Habang hinihigpitan mo ang hawak sa kanya, mas lalo siyang kakawala dahil nasasaktan siya.
Being Protective is sweet cause it shows how much you loved that person.
But don't be OVER of it.
Be PROTECTIVE Not OVER PROTECTIVE ...
9. May Iba na /May Bago na
Parang same lang naman yan sa Third Party.
Well, yan ang iniisip niyo. Pero Hindi , Magkaiba ang Third Party sa May Iba na/May Bago na.
Dahil sa Third party ,
out of 100% , may 10% chance pa na maayos niyo yung relationship niyo,
kasi pwede namang nilandi lang siya nung isa at sadyang marupok siya kaya saglit na napunta ang atensyon niya dun sa isa pero Ikaw naman talaga ang Mahal niya.
Na kung Hindi naman dumating at sumingit sa relasyon niyo yung isa eh hindi naman kayo masisira.
While yung May Iba na/May Bago na means
HINDI KA NA NIYA MAHAL ! Basic diba?
Oo, simple lang,
kasi kung mahal ka niya , bakit siya naghanap ng iba?
Bakit may Bago na?
BAGO NA , means pinalitan Ka na niya!
May Bago na siyang Mahal, at Hindi na Ikaw yun .
Kumbaga sa laruan,
kapag sawa na sa luma bibili na ng Bago,
At dahil luma na , wala ng Kwenta sa kanya, dahil May Bago na, diba?
Pero Hindi naman tayo Laruan para palitan ng bago pagtapos nang pagsawaan.
Huwag mong paglaruan ang damdamin ng isang tao, dahil Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang mapaglaruan,
At kung isa ka man sa minsan nang napaglaruan,
PLEASE LANG , ITIGIL MO NA YAN., WAG MO NANG IPAGLABAN DAHIL MASASAKTAN KA LANG.
10. Mahal niyo ang Isa't isa
oh? Naguluhan ba kayo sa no.10 reason ko? Well, let me explain...
One of the possible reason kung bakit kayo naghiwalay ay dahil
MAHAL NIYO ANG ISA'T ISA.
pero bakit kami maghihiwalay kung mahal pala namin ang isa't isa???
Simple lang ,
Naghiwalay kayo dahil
Gusto niyo lang magpahinga,
Gusto niyong kumalma yung sitwasyon niyo,
Ayaw niyong mas tumindi ang galit niyo sa isa't isa kaya pinili niyong Magpahinga.
Dahil Mahal niyo ang isa't isa.
Gusto niyong huminga ,
dahil pakiramdam niyo nasasakal na kayo,
Gusto niyong magpahinga,
Dahil napapagod na kayong ipa-intindi at umintindi sa magulo niyong sitwasyon.
Pero kung napagod Ka at Nagpahinga,
It doesn't mean na sumuko Ka na o sumuko na kayong dalawa.
Tandaan niyo magkaiba ang
"SUMUKO" sa "NAGPAHINGA"
dahil ang Sumuko, bumitaw na, ayaw na, huminto na.
Pero ang Nagpahinga, Huminga Ka lang , kumalma, at nagisip isip kung paano maayos ang relasyon niyo.
Dahil Hindi Ka pa humihinto, Hindi Ka pa sumusuko ,
Handa pang Sumugal ulit,
Handa ka pang Lumaban ulit,
Dahil MAHAL MO.
Dahil Mahal niyo ang isa't isa.
Cause'
Break up is not the End of a Relationship,
It is a test if you could continue to love that person until another chance comes again.
Yan ang Top 10 possible reasons kung bakit kayo Naghiwalay .
Kung Bakit Tayo Nag Break ?
Well, Hindi ako manghuhula, Hindi rin ako judgemental para masabi na yang Top 10 reasons na yan mismo ang dahilan ng paghihiwalay niyo.
I just want you to Test yourself, and Check Some Reasons above na sa tingin mo dahilan kung bakit kayo nagbreak.
Check as many reasons as you think :)