I Will Wait (Beaddie)

By japster02

12K 435 70

pano kung hindi tanggap ng mga tao ang relationship niyo? Lalo na sa mga magulang mo? Will you fight for the... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 5

855 33 4
By japster02

Maddie's POV


"Ganun kita ka Mahal, Bey" ang huling salita na sinabi ko kay Bea. Pero, sya hindi parin nagsasalita.

Hindi ko na rin napigilan yung mga luha kung kanina ko pang pinipigilan. Nakita kung ganun rin si Bea. Naging emosyonal yung pag'uusap namin. Hindi ko naman kasi iniexpect na ibabalik niya yung samin. Yung dati. 

"Babe" napatingin kami, well kahit hindi ako tumingin alam ko naman kung sino ang tumatawag. Tawag palang niya alam ko na. 

Nakita kung napapahid si Bea sa mga mata niya. Syempre para hindi mahalata ng girlfriend niya 

Aaminin ko nagseselos ako. Nasasaktan ako lalo ng humalik si Bea kay Jho. Napaiwas lang ako ng tingin. 

"Maddie Babe!" Biglang may sumigaw. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti itong papalapit samin. 

Napangiti nalang ako. Siya na ata yung supergirl ko eh. Kasi parati siyang nandyan everytime i need someone. 

Sana siya nalang minahal ko. 

Sana siya nalang una kung nakilala bago si Bea. 

What if i will give her a chance?

Siguro, matutunan ko naman siyang mahalin. Well, i like her pero hindi lang gaya yung pagka gusto ko kay Bea. 

"Namiss kita" sabi niya sabay yakap sakin. 

Hindi na ako pumalag pa kaya yinakap ko siya pabalik. 

Ito yung kailangan ko ngayon. Gusto kung humagulhol sa pag iyak sa pagkayap niya kasi sobrang nasasaktan ako ngayon. Masakit makita silang magkasama. Well, nung una parang wala lang. Pero, habang magkakasama kami with Deanna and Kianna tapos kasama din sila, i dunno pro unti unti ako nakakaramdam ng selos.

Alam ko sa sarili ko na nakamove on na ako. Na okay lang ang lahat. Na hindi ako masasaktan pag nalaman kong may iba na si Bea. 

Akala ko lang pala yun. 

Buti nalang talaga andito yung taong yumakap sakin ngayon, kasi pag wala siya hindi ko na talaga alam anung gagawin ko. 

"Wala pang dalawang oras na magkasama tayo tapos namimiss mo ako agad?" we broke our hug. 

"Eh sa namiss kita eh" then she hug me back. Napangiti nalang ako sa ginagawa niya. Nawala yung lungkot at sakit na nararamdaman ko sa mga oras na'to. 

"Oh Sorry, hindi ko agad kayo napansin. Hi Lovers!" Tumigin siya kina Jho and Bea. 

"Hello din, Mika" pagbati rin ni Jho. 

"Babe, since may 30 mins break ka pa tara kain tayo" sabi ni Mika. Tiningnan ko siya, teka wala ba siyang pasok ngayon? 

"Wala akong pasok kasi absent si prof. Alam ko yung iniisip mo eh" bigla namn siyang tumawa. 

Natawa nalang ako. Kilalang kilala na talaga ako nito. 

"Maaga papasok yung prof namin baka ma laye siya" biglang nagsalita si Bea. 

Napatingin kami sa kanya. Pati narin si Jho na tila parang nagulat. Yung tono kasi ng boses ni Bea iba eh. 


 Is she jealous?  Hmmm Its payback time. 


"Babe. Siguro, pag uwi nalang natin tayo kakain busog parin kasi ako eh" sasabayan ko yung Babe Babe ni Mika. 

"Okay hatid nalang kita, Babe" offer niya. Papalakad na sana kami ng biglang nagsalita si Jho. 

"Hmm Maddie" tumingin ako sa kanya. 

"Bakit Jho?" Tanong rito.

Matagal bago siya nagsalita.

"Ah wala. Ingat kayo" ngumiti siya. Ang weird niya. 

"Sige una na kami. Bye Jho" sabi ko. Tumingin lang ako kay Bea. Pagkatapos nun ay umalis na kami ni Mika. 


Jho's POV


Umalis na sila Maddie. Tumingin ako sa katabi ko. Nakatingin parin siya kila Maddie hanggat malawa ito sa paningin niya. 

Kahit kailan hindi talaga siya marunong magtago ng selos. Yes. Una palang pagkikita namin ni Maddie nung kumain kami sa canteen, nararamdaman ko na na siya yung ex ni Bea. At tama nga ako kasi nakita ko sa lumang wallet ni Bea na picture niya. 

Alam kung napapansin niya na tatahimik lang ako pag kasama namin siya. Minsan tumitingin ako sa kanya. Hindi ko maiwasan magselos o mainggit. Sobrang ganda naman talaga niya sa personal. 

Ako nga girlfriend ni Bea pro siya naman ang laman ng isip at puso nito. 

Hinihintay ko lang na aamin sakin ni Bea about dun sa ex niya which is parang kaibigan ko na ngayon. Hindi ako galit. Nararamdaman ko naman na mahal ako ni Bea pero pag andyan na si Maddie parang iba na. Manhid na kung manhid. Wala eh, mahal ko kasi. 

"So, tara?" Sabi niya. Napangiti nalang ako. 

"Anung tara hindi tayo magkaklase, Babe!" hinampas ko siya then i smiled to her

Way of me to hide the pain. 

"Alam ko. Ihahatid kita sa room mo" ay sabi ko nga. Haha. 


"Selos ka lang eh" mahina kung sabi. 

"Anu sabi mo?" tanong niya. Umiling ako. 

Hanggat hindi ka makipaghiwalay sakin, hindi kita iiwan Bey. Kahit sobrang sakit na. 


Bea's POV


 Humagulhol akong umiiyak dito sa condo. Wala akong pake kung andyan sila Kianna and Deanna. Hindi ko na kasi kaya eh. Habang iniisip ko yung mga sinabi ni Maddie. Hindi ko mapagilang umiyak. 


  "Kung tinanong mo ako na makipag tanan, ay gagawin ko bey."

"Ganun kita ka Mahal, Bey! "

"Ganun kita ka Mahal, Bey!"

"Ganun kita ka Mahal, Bey!" 


Paulit-ulit pumapasok sa isip ko. Nasaktan ko ng sobra si Maddie. 

Bakit pa kasi ako naduwag eh. 

Bakit inuuna ko pang inisip kung ano sasabihan niya pag nakipaghiwalay na siya sakin. Yun pala, handa niya akong ipaglaban sa Mama niya. 

Inuuna ako ng takot. 

Duwag ako. Sobrang duwag ako. 

Kami pa sana hanggang ngayon, kung naging matapang lang ako. 

Hindi sana ako magseselos ng ganito kay Mika. Na sana ako yung yumayakap at tumatawag sa kanya ng Babe. 

"Anung nangyari sayo Bey at nagkakaganyan ka!" nag'alalang tanong ni Deanna sakin.

"Ang pangit mo palang umiyak Bea!" Natatawang sabi ni Kianna. 

Kita na nga niyang nasasaktan ako may ganyan pa siyang biro. 

"So, ano mahal mo pa?" Sobraa Kian, hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa kanya. 

Napatingin si Deanna ky Kianna, tila nagtataka siya sa sinabi nito. 

"Bakit naghiwalay kayo ni Jho?"Umiling ako. 

"Dean, si Mads yung ex ni Bea" Nakita ko ang pagbigla niya. 

Napa upo si Deanna sa narinig niya. 

"Whaat?! I know you're joking Kian" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Yes Dean ex ko si Maddie" ako na sumagot sa tanong niya. 

"Why you didnt tell me? You know i confessed my feelings to her, Bey!" sabi niya. Naramdaman ko na nagwoworied siya dahil nga magkaibigan kami. 

"I'm sorry Bey hindi ko alam. Kung sinabi mo pa, sana hindi ko nalang siya nagustuhan" lumapit si Deanna at niyakap ako. 

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nalilito parin ako. Parang naguguilty ako kung makipag hiwalay ako kay Jho. 

Pero, hindi ko rin kakayanin na makita si Maddie na sweet sila ni Mika. Pati sa classroom may mga lalaki ding nagpapansin sa kanya. Mas hindi ko kakayanin pag may boyfriend na siya.

Anu ang gagawin ko? Sino pipiliin ko? Yung taong Minahal ako nung panahong nasasaktan ako. O yung taong minahal ko at mahal ko pa hanggang ngayon? 

"Ako dapat ang magsorry sayo Dean kasi hindi ko agad sinabi sa iyo" pinahiran ko yung mga luha ko tumingin ako sa kanya at ngumiti rito. 

"Ang drama niyo" kahit kailan talaga mapang asar tong si Kianna. 

Inayos mo yung sarili ko. Ito ata yung una na umiyak ako sa harap ng mga kaibigan ko. Nagpapasalamat ako dahil andito sila. 

"So Bea, anung iniiyak iyak mo ah?" Kung kanina mapang asar ngayon naman parang nanay. 

"Onga Bey" isa pa to eh. Kaibigan ko karibal ko. 

"I still love Maddie"diretso kung sabi. 

Si Deanna, nabigla siya sa sinabi ko. Si Kianna naman feeling ako alam na niya na yun ang sasabihin ko. 

"What?" Wala na ba siyang ibanng sasabihin kundi puro what? 

"Puro nalang ka what Dean" sabi ni Kianna at tumawa ito. Napatawa narin ako. 

"Nakakabigla naman kasi tong si Bea eh" sabi niya. "So Bey, tingnan nalang natin kung sino sa atin ang pipiliin ni Maddie mylabs" Tiningnan ko siya ng masama. 

Nakikita ko at nararamdaman ko naman na seryoso si Deanna sa nararamdaman niya kay Maddie. 

"Baka nakalimutan mo Bea may Jho kapa!" Paalala sakin ni Kianna. 


*****


Maddie's POV


"So what was that?" Tanong agad ang bungad sakin ni Mika ng makarating kami sa condo ko. 

"Ang alin?" Maang-maangan ko. 

"Alam mo kung ano yung tinutukoy ko, Mads" Hindi ako sumagot instead humiga ako agad sa kama. Pagod na din kasi ako. 

"Ayaw mo kung sagotin ah" Sabi niya sabay kiliti sakin. 

Urgh nakikiliti ako.


"Miks naman eh nakikiliti ako" parang mahuhulog na ako nito sa kama pag hindi suya tumitigil. 

"Isa. Hahaha" tuloy parin siya.

"Dalawa" pagbabanta ko. Napahinto siya sa pagkikiliti sakin. Buti naman.

"Sorry na, malungkot ka kasi pinapatawa lang kita" sabi niya. Grabe siya sa ganitong paraan talaga? Sakin kaya sa tiyan yung ginawa niya. Sana nagjoke nalang siya. 

Tumingin ako sa kanya at yun nakatingin parin pala siya sakin. Nagpapasalamat talaga ako na nandito si Mika. Kasi hindi ko alam kung ano yung gagawin ko kanina kung hindi siya dumating. Hindi ko ata kayanin na makita silang Bea at Jho na sweet sa isa't isa. 

Parang nilamon ako ng selos. Bigla ko nalang talaga nararamdaman yun hindi ko alam kung bakit. I know sa sarili ko na nakamove on na ako. 


kung naka move on kana hindi ka magseselos -  Biglang singit ng konsensya ko


Nakita ko na masaya na si Bea at masaya naman ako para sa kanya. Yes. Totoo. I'm happy for them. Siguro dahil namimiss ko lang yung dati. 

Ayoko nalang isipin. Sinasaktan ko lang sarili ko eh. Ang hindi ko inaasahan ay tumulo na pala mga luha ko ng hindi ko man lang namalayan kung hindi dumampi ang kamay ni Mika para pahiran ito. 


"Hindi ko alam ang sasabihin ko, hug nalang kita" then Mika offered a hug. At ayun biglang humagulhol ako sa pag iyak habang yakap na yakap ako ni Mika. 


"Kahit sabihin mong nakamove on kana at masaya ka para sa kanya. Pero, pag nakikita mo naman sila magkasama hindi mo maiiwasang magselos" sabi ni Mika. Tama siya. Tama na naman siya. 


"Siguro ganun na nga pagmahal mo ang isang tao hindi basta bastang nabubura yun" sabi ulit niya. Hindi parin ako nagsalita. Nakahug parin kami sa isa't isa. Pero, unting unti na rin na lumuwag ang pagyakap namin at tumingin siya sakin.


"Basta andito lang ako parati sayo kahit ilang beses mo na akong binasted" tumawa siya pagkasabi niya. Kaya napahampas ko siya sa balikat niya. 


"Sana ikaw nalang si Bea" yun lang ang nasabi ko. 


"Hinding mangyayari yun, kasi magkaiba kami. Kung ikaw kaya niyang saktan, ako hindi" yumakap ulit siya sakin. 


Hindi naman yun ang ibig kung sabihin. 


"Hindi naman yun e. Ang ibig kung sabihin ay sana ikaw nalang amg minahal ko" sabi ko. 


*****


Mika's POV


After that night naisip ko na i want Maddie always happy. Ayokong makita ko siyang nasasaktan. Kung maaari ay parati lang ako sa tabi niya. Im doing this not because i want her to be mine. Well, kinda. Loljk. I'm doing this because it's my responsibilty. I'm her bestfriend tho. Happy na ako dun pero hindi ko sinasabi na hindi ko na siya gusto. Andun parin, but this time. I'm doing this as her bestfriend. 

Now, i prepared breakfast for her. I cooked egg and bacon ofcourse with TLC Haha. 

Maaga akong gumising para ipaghanda siya nito. Well, we still have 2hrs to prepare before we're going for our class. 


"Anyare sayo at nagluto ka ng ganito kaaga?" Tss. Kung mag thank you nalang kaya siya. Kahit kailan ang sungit niya. 


"What? I'm hungry" sabi ko. 

Parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Umupo siya at kukuha sana siya ng egg pero pinigilan ko siya. Mapagtripan nga. 


"Hep! Magluto ka para sayo. Akin kaya ang lahat ng to" sabi ko. Bigla nagbago expression ng mukha niya. 


"Eh di iyo na. Ang damot ang dami kaya niyan" mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko naman. Natawa nalang ako. 


"Babe, Ito naman joke lang" tawag ko sa kanya. At ayun ang sama ng tingin sakin. Dahil siguro sa tawag ko sa kanya. 


"Nakakainis ka! Gutom na kaya ako" Natawa nalang ako. 


****


Maddie's POV


"So, hatid nalang kita sa room mo?" sabi ni Mika. 


"Wag na. Baka malate ka lang, nasa kabilang building pa kaya room mo." ayoko naman mapagalitan siya sa prof niya ng dahil sakin. 


"may 5 mins pa kaya. So okay lang" pangungulit niya. 


"Sabay na kami ni Mads, Mika" napatingin kami sa likod ko. 


"Hi Dean" Bati ko rito. 


"Okay sige. Una nako Mads. Sabay tayo uuwi ah" sabi niya at nagpaalam na. 


Naglalakad kami ni Deanna ngayon patungo sa classroom namin ng makita namin si Jho and Bea. 


Biglang tumigil si Deanna at tumingin siya sakin. Nagtaka naman ako. 


"What?" tanong ko sa kanya. 


"Huh? Wala. Ang ganda mo lang ngayon" napahampas ako sa kanya. Akala ko kung ano na eh. 


"Dumadamoves ka Deanna ah" sabi ni Jho. Narinig niya yun? So, naririnig din yun ni Bea? Hmm sabagay mejo malapit rin kamibkung saan sila nakaupo. 


"Totoo naman kasi e. Ganda ni Maddie ngayon" nablush ata ako sa sinabi no Deanna sakin. 


Napansin ako si Bea, parang wala ata siya sa mood ngayon. 


"Hatid na kita sa classroom mo, Babe" sabi ni Bea at tumayo. 


"Wag na, sabay nalang kayo nila Maddie" sabi ni Jho. Nagnod lang si Bea. Kita mo to hindi man lang pilit yung girlfriend niya. Dati naman nung kami--- Wait. Erase. Haaay. 


Umalis na si Jho. Maglalakad na sana kaming tatlo baka kasi malate pa kami. 


"Hmm wait. May kukunin lang ako sa locker. Una nalang kayo guys!" nagpaalam samin ni Deanna. 


Spell AWKWARD? Kami yun eh. Walang nagsalita samin ni Bea. Ayoko siyang tignan. Baka kasi bumalik lang yung sakit kung nararamdaman. Naglakad nalang ako. Hindi ko alam if sumunod siya sakin o nakatayo parin sia dun. 


"Mads" napahinto ako. Lumingon ako sa kanya. 


"Wag mo kung iwan" hindi ko alam pero parang double meaning yung sinabi niya. Or assuming lang talaga ako.


Ngumiti siya. Pero makikita mo yung lungkot ng kanyang mga mata. May problema kaya siya? 


Nag'away siguro sila o nagkatampuhan sila ni Jho. Pero okay nama  sila kanina ah. Mukhang wala nga silang problema eh. Or si Jho lang. Pero itong papalapit sakin ngayon feeling ko may problema siya eh. 


Nabigla ako sa pag akbay niya sakin. Ngumiti siya. Nararamdaman ko na totoo yung ngiting yun. Alam mo yun, yung hindi pilit na ngiti. Tinignan ko siya. Ganun din siya nakatitig sakin. Kinakabahan ako na ewan. 


"Tama nga si Deanna, ang ganda mo" sabi niya at pumasok na sa room namin. 


Hindi ako makagalaw sa sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalakad patungo sa room namin. 


Hindi parin talaga siya nagbago, sobrang bolera parin. Tss. Napapangiti nalang ako. 


Continue Reading

You'll Also Like

66.2K 1.7K 36
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
192K 234 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
334K 12.7K 44
Rival Series 1 -Completed-
4.3M 169K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...