Guyabanong Baklang Gangster!

By SiyoonieAnj17

304K 13K 5.6K

「O N H I A T U S - A N O V E L S T O R Y 」 ❝ tangna! mahal din kita, gago! ❞ ✿ ❀ ✿ ❀ ✿ NO SOFTCOPY �... More

Guyabanong Baklang Gangster!
♡ T R A I L E R s ♡
◆ Dyosang Note i ◆
PROLOGO + TEASER: GBG ❤
Kabanata 01 + Cast of GBG: Tangina!
Kabanata 02: You're Bleeding
Kabanata 03: Never ever ever ever!
Kabanata 04: His Side
Kabanata 05: Her Side
Kabanata 06: Asar!!
Kabanata 07: Nasarapan ako eh..
Kabanata 08: BI-nibini..
Kabanata 09: Hotdog o Egg ?
Kabanata 10: Tinamaan ako
◆ Dyosang Note ii ◆
Kabanata 11: Stickman ❤
Kabanata 12: Bra at Towel
Kabanata 13: Guyabano plus Tae
Kabanata 14: BWISITA
Kabanata 15: Post
Kabanata 16: Galawang breezy
Kabanata 17: Solo kita
Kabanata 18: Kiss Sabay Hug
Kabanata 19: Ikaw at Ako ❤
Kabanata 20: Best Friend
Kabanata 21: Tulad Mo ❤
Kabanata 22: Lola Katrina
Kabanata 23: Murahan Couple
Kabanata 24: Almusal de leche
Kabanata 25: KHASPY (Hotdog ko?)
Kabanata 26: Codename
Kabanata 27: Nasarapan kasi ako.. pt.2
◆ Dyosang Note iii ◆
Kabanata 28: Hokage Spy
Kabanata 29: Overnight ❤
Kabanata 30: Tadhana ✘
Kabanata 31: Painful Love
Kabanata 32: 3 Words. 3 Hearts
Kabanata 33: Doubt
Kabanata 34: Fire!
Kabanata 36: Kyle vs Kyle
Kabanata 37: Lagot na
Kabanata 38: Unpredictable
Kabanata 39: Tamang Landas?
CHALLENGE ACCEPTED!
Kabanata 40: That girl
Kabanata 41: Master Shin
Kabanata 42: Outing

Kabanata 35: EXOtic

1.5K 89 37
By SiyoonieAnj17

xxx

Kabanata 35: EXOtic

Kung kayo talaga, kayo. Kahit maraming humadlang, kahit maraming pumigil, kahi pati yung tadhana mang-asar. Kung may pagmamahal naman diyan, 'yun ang importante. - Hyro Kyle Rocher

Demon's PoV

  "Lintek!" hiyaw ko at tinadyakan si Deim sa tiyan. Napasinghap naman siya.

  Galit na galit akong tumingin sa pwesto ni Flare na nakayuko ngayon. Lumapit ako sa kanya at kwinelyuhan. "Bakit hindi niyo tinuluyan si Palmer ha?!" sigaw ko pero wala akong narinig na sagot sa kanya. Binaling ko naman agad ang aking tingin sa pitong miyembro na nakayuko rin. "Bakit?" malakas na sigaw ko. Nagecho naman agad ang aking boses sa bodegang pinagtataguan namin.

  "Du-dumating kasi ang miyembrong KS," nauutal na sagot ni Felix na kakambal ni Flare.

  "Ang sabihin mo. Mga duwag lang kayo!" singhal ko sa kanilang lahat.

  Binaling ko uli ang aking tingin sa kanilang lahat nang biglang magtama ang mga mata namin ni Gin. Nakakuyom ang kamao niya habang nakatingin siya sa'kin ng masama. Lumapit ako sa kanya at tinulak siya ng malakas. Sinalo naman agad siya ng malamig na dingding. "May gusto kang sabihin ha?" naiinis na sabi ko sa kanya.

  "Wala po, boss," malamig na sabi niya.

  Napakagat labi ako at walang pagdadalawang isip na sinuntok siya sa mukha.

  "Walang silbi!" singhal ko kay Gin na nasa harapan ko. "Ayan napapala niyo! Ang yayabang niyo! Para kayong pagong! Tinalo na naman tayo ng Kratos By Sense na iyan dahil ang bo-bobo niyo! Lahat kayo!" sigaw ko at sinuntok uli si Gin sa kabilang pisnge.

  "Bullshit! Mga tarantado!" Nanglamig ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang nakakatakot na boses nito.

  Lumingon ako sa direksyon kung saan nagmumula ang boses niya.

  Napansin kong isa-isa nagbow ang miyembrong EXOtic sa padating. Nagbow rin ako.. kay Master..

  Nagtatago siya sa dilim pero kalaunan ay natatamaan na siya ng maliliit na ilaw na nagmumula sa mga butas-butas na kisame, kaya kitang-kita na namin ang nakakatakot na ngiti na nagmumula sa katas-taasan naming guro.

  "Master..," sabay-sabay naming sabi.

  "Master?" tanong nito at nagsimulang tumawa ng malademonyo.

  Nakakabingi. Nakakatakot. Nakakapangilabot.

  May katandaan na siya. Kulubot na ang mukha pero mapapansin mo pa rin ang itsurang mayroon siya. Tinitingalaan rin siya ng lahat na tao dahil mayaman at Sikat siya..

  Sikat sa labas. Pero halimaw sa loob. Kinatatakutan ng iba. Nirerespeto ng lahat. Walang sinasanto. Patay kung patay. Ganyan siya kabagsik. Siya ang aming master. Siya rin ang aming guro.

  "Demon."

  Napatingala ako pero agad ako napaatras dahil sa gulat na nasa harapan ko na pala siya. Sa biglang pag-atras ko ay hindi ko na namalayan na may dalawang maskuladong tao pala na nasa likod ko. Hinawakan naman agad nila ako ng mahigpit sa magkabilang braso.

  "Bakit?" nasabi ko na lang sa isip-isip ko.

  "Ikaw ang duwag! Ikaw ang bobo! Ikaw ang lider nila pero ano? Walang napala sa pagiging inutil mo!! Ikaw ang walang kwenta, Demon. Kaya 'wag mong isisisi ang kapalpakan mo sa kamiyembro mo!" galit na galit na sabi niya sa'kin na talagang nanglumo ako.

  "Master," nasabi ko na lang.

  "Hinding hindi mo matutulad ang isang magaling dahil hindi ka naman karapat-dapat sa pwestong iyon!"

  Napakuyom ako ng kamao sa ibinulong niya.

  Nginisihan lang niya ako nang mapansin niya ang pakuyom ko. Binaling naman nito agad ang tingin niya sa dalawang maskuladong tao na nasa likod ko at nag-nod na parang may sinasabi mula sa isip. Bigla naman ako hinila ng dalawang bakekang na nasa likod ko. Pinagbabato ko ng masasamang tingin ang dalawang bakekang na todo hila sa'kin palayo at tumingin agad kay master na naglalakad rin papalayo sa akin, pero bago siya tuluyang maglaho sa paningin ko ay may binitawan siyang mga salita.

  "Nakakahiya ka, Demon.. Nakakahiya ka."

  Napakagat labi ako sa binulong niya habang pinipigilan huwag umagos ang mga luha ko.

  Napasinghap naman ako ng ibinato ako bigla at napaupo sa sahig ng dalawang bakekang maskulado sa isang madilim na kulangan. Tinignan ko sila ng masama pero ibinato lang ako ng ngisi habang kinakandado ang kulangan at umalis. Napatingin naman agad ako sa tiyan ko at hinawak ito ng maramdaman kong may umaagos na dugo mula rito. Napasulyap naman ako sa mahabang bakal na nasa gilid ko at napamulsa nang magflashback ang lahat ng nangyari.. ngayong gabi.

  "Hinding hindi mo matutulad ang isang magaling dahil hindi ka naman karapat-dapat sa pwestong iyon!"

  "Nakakahiya ka, Demon.. Nakakahiya ka."

  Napakuyom na naman uli ako ng kamao nang maalala ko ang mga huling sinabi niya.

  Wala ka na talagang awa, Master. Wala ka na rin puso dahil nasira na nito dahil sa isang tao.. dahil sa isang tao!

*****

Khaile's PoV

  Napasulyap ako sa relo ko. It's already two in the morning. Ilang oras na rin pala ang nakalipas nang magpaalam ang Kambal. Hindi ko na rin inabala na gisingin pa sila kuya dahil buong magdamag sila abala sa pag-asikaso ng nalalapit na programa na gaganapin sa eskwelahan nila, sa katapusan ng Pebrero. Si Kyle naman ay tulog mantika at ayaw na ayaw niyang iniistorbo siya sa pagtulog. Si tita naman ay nasa out of town kasama ang mga katrabaho niya. Paalam niya ay almost a week siya roon dahil may investment at project silang inaasikaso at tinututukan.

  Kaya no choice. Personal nurse ako ngayon ni guyabano. Taga-alaga baga. Wala naman ang magulang niya para mag-alaga at tumingin tingin sa kanya. Kawawang guyabano, hay.

  Habang nagtitimpla ako ng gatas ay napatingin ako kay Spy na mahimbing na natutulog sa sofa. Ang kambal nga pala ang nagpunas at nagpalit ng damit niya dahil sa puno ng dugo na bumabalot sa buong katawan niya. Ang damit na suot suot niya ngayon ay damit ni Kyle dahil pansin ko naman na magkasukat sila ng katawan.

  Matapos kong magtimpla ay kumagat muna ko ng tira-tirang pritong hita ng manok na nakatakip sa plato at tuluyan ng lumabas ng kusina. Dahan-dahan ako lumapit sa sofa. Napakunot ang noo ko ng madatnan kong pawis na pawis si Spy at parang nilalamig.

  Pawis tapos giniginaw? Abnormal.

  Nilagay ko muna ang gatas ko sa maliit na lamesa na katapat lang ng sofa at dali-dali kong pinatong ang kamay ko sa noo niya.

  Napamura naman agad ako nang maramdaman kong nag-aapoy sa lagnat si guyabano.

  Matapos ko siyang i-check ay napanguso na lang ako at napaupo sa sahig. Sumingot ako at nagsimulang maglumpasay na parang bata na akala mo may tantrums.

  "Bwisit ka naman Spy e!" iritado kong sabi at tinadyakan ang sofa. "Akala ko pa naman kayang kaya mo! Magaling ka! 'Di ba pinamayabang mo pa sa'kin na astig ka! Tangina mo pala e! Bakit inaapoy ka ngayon sa lagnat?!" singhal ko at tinadyakan na naman uli ang sofa. "Gago ka talaga, Guyabano! Taga-kain lang ang alam ko hindi taga-alaga! Psh."

  Gulong-gulo na ang utak at buhok ko sa sobrang frustration. Anong gagawin ko? Wala naman akong alam sa pag-aalaga. Bata nga, hindi ko kinaya.. Matanda pa kaya? Nakakaleche naman ng buhay na 'to oh.

  Ano bang dapat gawin kapag may lagnat ang isang tao?

  Batuhin ng yelo? Buhusan ng malamig na tubig?

  O ipanood sa kanya ang mga porn videos para naman sumigla siya?

---

  Pinahid ko sa mukha ng natutulog na si Spy ang maligamgam na basang panyo.

  Walang maganda naiidudulot ang katangahan at ang pagtunganga lang kaya dali-dali ako nagsearch sa google kung anu-ano ang dapat gawin sa taong nilalagnat.

  Matapos kong punasan ang mukha, leeg, kili-kili, buhok at kamay niya ay napalunok ako nang biglang magtama ang tingin ko sa katawan niyang nababalutan pa ng damit.

  Oh Diyos ko, patawarin niyo ko sa gagawin kong kamanyakan este sa paghubad ng damit ng lalaking may six pack abs ; magandang ang built up ng katawan ; gwapo ; ang lakas ng alindog ; kaakit-akit ; nakakapangtunaw ; nakakainlove-- itong mahal ko..

  Uy, kinilig ako.

  "Pwe! Ano ba pinagsasabi ng isip ko," bulong ko sa aking sarili at sinimulan ko ng iangat ang grey t-shirt na suot niya habang nagsa-sign of the cross.

  "Ito na.. malalasap ko na ang kalangitan!" pilyong sabi ng aking isip.

  "Nanginginig ka. May trangkaso ka rin ba?" mahinang sabi ni Spy kaya napatingin agad ako sa natutulog na Guyabano habang hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa laylayin ng damit niya.

  May sakit na pero may gana pa ring mang-asar.

  "'Wag kang ano! Siguro nagsasakit-sakitan ka lang 'no? Para makasama mo ko buong magdamag? Tss. Pabebe ka kasi!" singhal ko at pinalo siya sa tiyan.

  Uy, ang tigas..

  "Ugh!" daing niya na ikinagulat ko.

  "Ay! Sorry sorry," usal ko habang pinapahid ang parteng pinalo ko sa may bandang tiyan.

  Paulit-ulit ako nagsorry nang biglang pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko na nakalagay sa gitna ng tiyan niya. Napahinto ako sa pagpahid at tumingin sa kanya. Nakatingin rin siya sa'kin. Unti-unti siyang ngumiti kaya napangiwi ako.

  "Libre hawak," mahinang sabi niya at ngumisi.

  Pinagsingkitan ko siya at hinila ko ang kamay ko na dinaganan niya at pinalo uli siya sa tiyan. Pero this time, malakas ang pagkapalo ko na talagang napangiwi siya at napa-aray.

  Napakapilyong guyabano. Walang pinagbago. Siya at siya pa rin ang dating Spy na kalaro ko na mahal ko na ngayon.

  "Gago!" singhal ko at binato sa mukha niya ang basang bimpo.

  "I love you too..," pabulong na sabi ni Spy habang tinanggal niya ang bimpo sa mukha niya.

  Napangiti ako. Ngiting malapit ng mapunit.

  Hinawakan ko siya sa leeg niya. "Ang init mo pa rin," saad ko at kinuha ang paracetamol sa maliit na lamesa.

  "Alam kong hot ako.."

  "Ang kapaaal!"

  Napatawa siya ng mahina. Ako naman pinipigilan ko para s'yempre, hindi halatang kinikilig ako. Epal talaga nito.

  "Uminom ka na nga lang ng paracetamol para mawala iyang sakit ng ulo mo," usal ko at binigay sa kanya ang tableta at isang basong tubig.

  Agad naman niya ito tinanggap at ininom.

  "Ang sakit pa rin ng pagpalo mo, tomboy. Tae ka talaga!" mahinang sabi niya habang inaabot sa'kin ang baso na ininuman niya.

  Kung wala lang siya sakit, siguro kanina pa ko sinisigawan nitong kumag na 'to.

  "Epekto lang iyan sa paggulpi nila sa'yo! Hindi sa pagpalo ko! Iyan, ang hilig kasi sa away," singhal ko at binelatan siya.

  "Tss."

  "Speaking of away. Sino gumawa sa'yo nito?" tanong ko agad sa kanya. Agad naman nito nilihis ang tingin niya at hindi na tumingin sa direksyon ko.

  Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kaliwa niyang kamay ng mahigpit.

  "Hanggang ngayon ba, Spy. Wala kang tiwala sa'kin?" Yumuko ako, "Sa girlfriend mo?" pabulong kong sabi at pumikit.

  "Ginawa ko naman ang lahat para intindihin ka. Ginawa ko naman ang lahat para sundin ka. Ginawa ko naman ang lahat lahat para pagkatiwalaan ka at mahalin ka ng lubos..," malungkot kong sabi at pinahid ang luhang bigla tumulo.

  "Pero bakit ganoon? Baki--"

  "Shhh.. Ayoko lang na madamay ka," saad nito at iniangat niya ang ulo ko. Nakangiti siyang nakatingin sa'kin.

  Kinapa niya ang kaliwa kong pisnge at tinanggal ang iilan na patak ng luha ko.

  "Ayoko lang mapahamak ka. Listen Khaile, I love you so much! Millions, Trillions, Quadrillions, Sextrillions man iyan ay walang titibag sa pag-iibigan ng Murahan Couple," masayang tugon niya kaya napatawa ako ng mahina.

  "Walang titibag talaga sa pag-iibigan ng Murahan Couple," pabulong kong sabi kaya napatawa rin siya ng mahina.

.
.
.

  Ilang minuto na rin ang nakalipas ay wala nang nagsasalita sa aming dalawa. Tinulungan niya ko magtanggal nang damit niya at pinunas ko ang basang bimpo sa buong katawan niya.

  Napapalunok na lang ako ng laway tuwing dumadampi ang balat ko sa mainit niyang katawan at abs.

  Pandesal for sale. Only for 3 dollars.

  Habang pinupunasan ko siya ay biglang nagsalita ito.

  "Ang grupong EXOtic," saad niya.

  Napahinto ako sa pagpunas at nilingunan siya.

  EXOtic? "Si Demon ulul ang gumawa sa'yo nito?!" tanong ko habang pinipigilang huwag magalit.

  Tumango lang siya at bumuntong hininga.

  "Bakit?" tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya.

  Huminga na lang ako ng malalim at hindi na nagtanong muli. Alam ko naman malulutasan ni Spy ito at ang grupong KS. Alam kong magagawa niya ito sa tamang paraan. Si Spy ata iyan, ang sikat na gangster, ang kababata ko at ang mahal ko.

  "Khaile.."

  "Hmm?" tanong ko nang bigla ito umimik.

  "Maipapangako mo ba..?" seryosong tanong niya sa'kin. Nakatitig lang ang kanyang itim na mata sa pwesto ko. Dahil sa titig nito ay parang sinusunog ang obaryo ko.

  "Ang alin?" takhang tanong ko.

  Ngumiti ito.

  Napatingin ako bigla sa pantalon niya nang mapansin kong may kinukuha siya mula sa bulsa ng pantalon nito.

  Isang papel. Isang maliit na pirasong papel.

  "Maipapangako mo ba na babasahin mo itong pirasong papel kapag mamimiss mo ko o nalulungkot ka na wala ako sa tabi mo pagkatapos ng 24 days?"

  Napakunot-noo ako bigla sa tanong niya. Pirasong papel? 24 days?

  Napatingin ako sa mata niya. Napakamisteryo nito. Hindi ko malaman laman o mabasa kung ano ang bumabagabag sa isipan niya.

  Hindi ko siya maintindihan.

  "Pero baki--"

  Magsasalita pa lang sana ako nang umimik uli siya.

  "Ipangako mo, Khaile," utos nito at inabot sa'kin ang puting papel.

  Tinanggap ko naman ito at tumingin uli kay Spy.

  "Pangako," seryoso kong sagot.

  Lumawak ang ngiti niya at dahan-dahan bumangon sa higaan na agad ko naman inalalayan.

  "Pero.."

  Napakunot-noo siya na tumingin sa'kin. Nawala ang maganda niyang ngiti.

  "Pero?" tanong nito.

  "Do me a favor," usal ko. Tinignan ko ang reaction niya. Seryoso lang siya nakatingin sa'kin. "Mag-iingat ka lagi," malumanay kong sabi. "Spy, sana gawin mo dahil hindi ko kayang mawala ka. Masakit isipin kapag nawala ka sa'kin," usal ko at hinalikan siya sa pisnge.

  Ngumiti siya at tumango.

  "Opo boss Khaile," saad niya at sumaludo.

  "Boss Khaile?" takhang tanong ko.

  Nginisihan lang ako ng kumag at mabilis na ini-smack kiss ako.

  Guyabanong Manyak.

  Nagulat naman ako nang bigla niya ko hinila papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

  "Boss Khaile..," bulong nito sa tenga ko habang hindi pa rin inaalis ang yakap.

  "Oh?" sagot ko.

  "Mas masakit kapag wala ka sa'kin.."

  Napangiti ako. Ngiting mapapalumpasay ka na sa kilig.

  Mabuti na lang ay hindi nakikita ni Spy ang nangangamatis kong mukha dahil magkayakap pa rin kami. Nakakahiya rin 'no!

  "Khaile Lynch Palmer," tawag nito.

  "Hmm.."

  Oo na, kanina pa ko kinikilig!

  "Wala ka talagang dibdib ano? Wala akong maramdaman.."

  Nawala ang ngiti ko. Tinulak ko siya at sinamaan siya ng tingin.

  "Aray, Khaile! Inalog mo utak ko."

  "Manyakis! Bastos!" singhal ko pero ngisi lang ang natanggap ko.

  Inaano siya ng dibdib ko? Pervert Manyak! Puta.

- dyosang an(j)hel -

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 484K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
1M 31.7K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
754K 8.2K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...