Loving a 'G'

By euzaku35

132K 2.4K 550

Everything about Tyrone Jake Marcos screams mystery… and trouble. At first, Patrice Ramirez was so sure that... More

Loving a 'G'!
CHAPTER 2: That Creepy Smile
CHAPTER 3: Sexy Dork
CHAPTER 4: After School Guest
CHAPTER 5: Facebook Chat
CHAPTER 7: Paint Play
CHAPTER 8: Red Lipstick
CHAPTER 9: Mystery Letter
CHAPTER 10: Meet the friends
CHAPTER 11: Say 'Good Night'-the Tyrone way
CHAPTER 12: KakaoTalk
CHAPTER 13.1: 1st Day. Maid Cafe
CHAPTER 13.2: 1st Day. Maid Cafe 2
CHAPTER 14.1: 2nd Day. Dart and Trust
CHAPTER 14.2: 2nd Day. Basketball Game
CHAPTER 14.3: 2nd Day. Confession
CHAPTER 14.4: 2nd Day. Decision
CHAPTER 15.1: 3rd Day. University Ball
CHAPTER 15.2: 3rd Day. University Ball 2
CHAPTER 16: Past To Present
CHAPTER 17.1: Tyrone's place
CHAPTER 17.2: Tyrone's place (Part 2)
CHAPTER 18.1: Interrogation
CHAPTER 18: Interrogation + Pictures
CHAPTER 19: Another Mystery
CHAPTER 20: Meet the sister
CHAPTER 21: Number Fourteen
CHAPTER 22: One Lucky Girl
CHAPTER 23: Late Night Movie Watching
CHAPTER 24: Sisterhood
CHAPTER 25: Let's Talk About Trust
CHAPTER 26.1: Bye Julian
CHAPTER 26.2: Consulting Tyrone
CHAPTER 27: Let's Do Good Day
CHAPTER 28.1: Tyrone's Birthday
CHAPTER 28.2: The Girl From The Past
CHAPTER 28.3: HE'S A 'G'
CHAPTER 29: Courage and Denials
CHAPTER 30: Dark Past Revealed
CHAPTER 31: Mom
CHAPTER 32: Gamble
CHAPTER 33: The Friendsss
CHAPTER 34: Memories
CHAPTER 35: Dream and Realization
CHAPTER 36: Serendipity
CHAPTER 37: Hearts and Flowers
CHAPTER 37.2: Hearts and Flowers (Part 2)
CHAPTER 38: The Pervert and the Modest
CHAPTER 39: "100+1 Things About Tyrone"

CHAPTER 6: 1st Date for A Cause

3.5K 68 7
By euzaku35

CHAPTER 6: 1st Date for A Cause

 August 10. Saturday. 10:35 PM

TIME CHECK: 10: 35 AM. Ang usapan ay 10 o’clock, pero late na naman sya ng more than 30 minutes. Kainis talaga yung lalaki na yun! Kanina pa ako naghihintay dito sa bus stop pero wala pa rin sya! Ilang bus na ang dumaan. Ilang pasahero na ang nakaalis. Ilang beses na ako pabalik balik pero wala pa rin talaga sya. Huhuhu. Sabi ko wag niya akong paghihintayin eh! yung lalaki talaga na yun daig pa ang babae. Ang kapal ng mukha, ako pa talaga ang pinaghintay! (>________<)

“Kanina ka pa? Kadarating ko lang eh.” tumingin ako sa lalaking kadarating lang na nagsalita. He’s wearing red converse, pants, black polo shirt and black cap. Wow ha, ayaw naman niya sa black? But in all honesty, bagay naman sa kanya yung black. Lalo sya nagmumukhang nakakatakot, yung mata niya kasi ang weird tumingin, diba? Bwahahaha! :D

“Oo nga, kadarating mo lang talaga, kanina pa ako dito eh. Grabe nga eh, ang aga mo.” I grunted. Kainis kasi, sabi ng mainipin ako pero pa-VIP na naman sya eh. Tapos darating dito na parang wala lang. Isn’t he annoying? Namimihasa syang maging late ha! (>o<)

“Sorry. May dinaanan kasi ako. Tara na, wag ka ng magalit.” Sabi niya tapos hinila yung wrist ko pasakay ng bus. Hihi. Holding hands? Medyo. Pwede na din. Sige apology accepted na nga. XD Dire-diretso kaming naglakad papunta sa may likod ng bus, dun sa dalawahan. Pinaupo niya ako sa malapit sa bintana.

Oh wait, after he mentioned it, dun ko lang napansin na may dala-dala nga syang mga plastic pero hindi ko alam kung anong laman nun. I tried to take a look pero parang mga lata yata yung nakikita ko? Malalaking lata, tapos madami. I just ignored it kasi may isa pa akong pinagtataka. Nasaan na yung kotse niya? Bakit nag-bus kami, diba? (~__~)?

After some minutes, umalis na din yung bus. Nakapagbayad na din kami ng pamasahe pero dahil abala ako sa pagtingin sa may bintana kung saan may mag-syotang nag-aaway sa labas, hindi ko na tuloy narinig kung saan kami bababa. Haaayyy. Naalala ko tuloy si Julian, minsan ganyan din kami mag-away, tapos hahabul-habulin ko sya para mag-sorry pero maya maya, sya na yung nanghahabol sa akin dahil nagtatampo na din ako. Nabasa ko nga sa Facebook ang kasabihang, "Kapag galit si babae, nag-so-sorry si lalaki, pero kapag galit si lalaki, galit din si babae." Bwahahaha! :D

“Bakit pala ganyan ang suot mo, Patis?” tanong niya, lumingon sya sa akin at tiningnan yung suot ko. Tumingin din tuloy ako sa suot ko. What’s wrong with what I’m wearing?

“Because this is my style?” medyo hesitated kong sagot sa kanya. I’m wearing an above-the-knee white dress. Parang crochet-type yung pagkakatahi ng dress ko tapos off-shoulders sya na may straps. I matched it with a brown summer hat. Naka-wedge din ako. I so love my get-up talaga, alam niyo yun!!! Pero bakit sya ayaw niya yata? May mali ba sa suot ko? (~~,)?

“Aissh, dapat nag-pantalon ka na lang tsaka rubber shoes. Baka mag-reklamo ka mamaya sakin kapag masakit na yung paa mo o may mambastos sayo, igsi ba naman ng suot eh.” reklamo niya tapos binalik yung tingin sa harapan.

I furrowed my brows. Why would I complain? Saan ba kami pupunta? Don’t tell me we are going to a mountain-hiking trip? At bakit naman ako mababastos, aber? Sa squatters area ba kami pupunta or anywhere na may mga tambay at nag-iinuman? (O____O)

******


BRGY. DALISAY PUROK DOS

What is this place? Anong ginagawa namin dito? Is this where we are going to have our first official date?!! You gotta be fcking kidding me?!! This is not the date that I hoped for! Huhuhuhu hirap na hirap na naman ako matulog kagabi kakaisip kung anong pakulo ang gagawin ni Tyrone sa date namin tapos dinala niya ako dito sa Purok Dos, what baranggay again? Ah, Brgy. Dalisay. And not only that, pinaglakad pa niya ako ng almost thirty minutes bago narating itong lugar na ‘toh. I forced myself not to complain while on the way kasi baka sabihin niya ang arte ko! (T___T)

“Tyrone, what’s this place? Bakit dito mo ako dinala?” hindi sa naiinis ako ha pero nakakabadtrip kasi. Ang init init tapos nakakapagod kaya maglakad! Tirik na tirik ang araw! Eh naka-dress pa naman ako diba? Huhuhu di nga ako nagreklamo na mainit eh kasi pati sya naman naiinitan din, not to mention na ang dami pa niyang plastic bags na dala. (T^T)

“Dito rin tayo nagpunta nung nilibre kita sa gotohan, ibang way lang kasi nasa bandang unahan yung gotohan eh.” sabi niya sa akin. Tumigil kami sa parang isang shed tapos may tinext sya. Yung totoo? Bakit ba lagi na lang kami sa baranggay na ‘toh napunta? What’s so special with this place? Dahil dito sya lumaki? (~__~)

“Uy Patis, wag ka ng tumunganga diyan. Sumunod ka na sakin, late na tayo.” Tapos binuhat na niya ulit yung mga nilapag niyang plastic bags kanina sa ground at naglakad papunta sa isang kanto. OMG. Maglalakad na naman kami!!! Arghhhh!

“Huy wait kasi!” tawag ko sa kanya kasi halos tumakbo na ako maabutan lang sya. It’s my fault, ang bagal ko kasing maglakad. Pero kasalanan din niya yun, palibhasa, matangkad, kaya mahaba ang legs niya, so basically, malaki sya humakbang kesa sa akin na naka-wedge pa. Hmp. (ToT) Naabutan ko na sya nung tumigil sya, at may kausap na babae.

“Ate Gina, ito po si Patrice. Tutulong po sya sa atin ngayon.” Hila sa akin ni Tyrone, inakbayan ako atsaka ipinakilala sa akin si Ate Gina. TUTULONG SAAN?! (O____O)

“Mabuti naman hija at tutulong ka din ngayon. Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako. Maraming maraming salamat talaga sa inyo, lalo ka na, Tyrone.” Tuwang- tuwa na sabi ni Ate Gina tapos kinuha pa yung kamay naming pareho ni Tyrone at ishi-nake iyon.

“Wala po yun. Ang mabuti po mag-umpisa na kami. Sya nga po pala, pwede po bang pahiramin niyo muna ng damit si Patrice?” Sabi ni Tyrone tapos tiningnan ni Ate Gina yung suot ko at sumang-ayon na kailangan ko nga daw magpalit.

WHAT THE HELL?!! Tutulong ako saan? Bakit kailangan kong magpalit?! Anong ginagawa ko dito sa lugar na ‘toh?!!! UWAAAAA!!! Baka ito na ang sinasabi ni Anghelitang Konsensya!! Baka kapahamakan na itong pinapasok ko!!! MOMMY~!!!! (>____<)

*****



“Sige Patrice hija, lagay mo na lang iyang mga libro doon ha.” Utos sa akin ni Ate Gina tapos binuhat ko yung mga libro dun sa isang shelf. Naupo na ako sa harap noon at nilagay one by one yung mga books. Hindi ko na inisip kung maupo ako sa sahig kasi nakasuot naman ako ng shorts at loose white shirt na hiniram daw ni Ate Gina doon sa pamangkin niya na kasing katawan ko lang daw.

“Ate Gina, maganda po itong room na ito, ano po? For sure the kids will be so happy kapag nag-start na silang pumasok dito. Ang ganda ng decoration ng room tapos marami pa silang books. (^____^)” sabi ko kay Ate Gina na naglalagay ng mga charts sa wall.

“Oo nga. Yang mga bata nga dito sa baranggay eh pabalik balik dito pag hapon, excited na excited ng matapos itong classroom nila!” sabi ni Ate Gina. Just the way she’s talking, you can notice that she’s also excited herself. Ito pala ang tulong na sinasabi ni Tyrone. Meron kasing building-a-classroom project itong Brgy. Dalisay.

“Konti na lang po at mukhang matatapos na rin po ‘tong classroom. Yung ginagawa po ba ni Tyrone, ano po iyon?” tanong ko kay Ate Gina.

Tapos ko ng ayusin yung shelf kaya tumayo na ako, sakto naman na natanaw ko si Tyrone sa labas. He’s only wearing a white sando on top. Tinutulungan niya yung ibang construction workers. May hawak pa nga syang pala at may ginagawa something dun sa buhangin. I don’t know kasi ang napapansin ko lang ay ang pawisan niyang mukha at biceps. Syeeetttt. Nalabas yung muscles niya kapag naghahalo sya ng buhangin using the pala. Ang hot niya tingnan. SYETTT! ANG HAWT HAWT NIYAAAA!! Pengeng kutsara o payong!! Ang init kasi!!! NAKAKAPASOO!!! (>/////<)

“Naggagawa pa sila ng isa ring maliit na waiting shed doon para naman may mauupuan ang mga magulang habang hinihintay yung mga bata.” Explain ni Ate Gina, pre-school kasi itong tinatayo na classroom. Si Ate Gina naman yung volunteered pre-school teacher dito sa Brgy. Dalisay.

“Ah, ganon po ba? Talagang natulong po si Tyrone dito?” tanong ko ulit. Nanunuod pa rin ako sa ginagawa ni Tyrone. Ewan ko, nag-e-enjoy akong panuorin sya eh. Hindi dahil sa pinagnanasahan ko yung katawan niya ha! Eh kasi ngumingiti sya, minsan natawa pa nga eh, kausap niya kasi yung ibang construction workers, hindi ko lang alam kung anong pinag-uusapan nila. Ewan, parang ang bago lang sa paningin na masaya si Tyrone. :”>

“Aba’y oo naman, hija! Sa katunayan, si Tyrone ang nagpagawa ng classroom na ito!! Lahat ay sya! Sya ang nag-pondo para matayo ito. Nakakatuwa talaga ang batang iyan at hindi kailanman nakalimot. Tingnan mo, sya pa mismo ang natulong sa construction!” tuwang- tuwa na sabi ni Ate Gina tapos tumabi na rin sa akin at pareho kaming nakatanaw sa bintana kung saan nandoon si Tyrone.

OH.MY.GOSH. REALLY?!! Sya ang nagbigay ng fund para matayo ito?!! I don’t know!! Hindi ko alam kung bakit ako nagugulat! Hahaha! Siguro dahil wala sa mukha niya na matulungin pala sya? Like you know him, right? Minsan bastos talaga sya at napaka-unglentleman, pero… Putspa. Isang tumataginting na pogi points itong nakuha niya ngayon mula sa akin!! *______*

“Ayos ka lang, hija? Bakit parang di ka makapaniwala diyan? Haha. Naiintindihan kita, kahit nga ako at ang mga taga-bayan eh hindi rin makapaniwala nung una na magpapatayo si Tyrone ng classroom. Alam naman naming mabuti syang bata at nakita na namin iyang lumaki pero hindi rin namin alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya at kinaya niyang mag-pondo ng isang malaking proyekto gaya nito.” Paliwanag ni Ate Gina.

Sa bagay… ano bang trabaho ni Tyrone? Grabe ang konti lang pala ng alam ko about him. pero hindi naman ako nangangamba kahit ganun, kasi ito palang malaman ko na matulungin syang tao eh sapat na para magtiwala ako sa kanya.

“About that, Ate Gina. Dito po lumaki sa lugar na ‘toh si Tyrone, diba po? Siguro po napalapit na talaga sya sa lugar na ‘toh kaya naisip niyang magpagawa ng classroom para sa mga bata.” Sabi ko kay Ate Gina.

“Dito na nga lumaki si Tyrone. Halos buong buhay niyan alam namin. Mula ng iniwan sila ng kanyang ina, at kalaunan ay iniwan rin sila ng kanilang papa, hanggang sa sila na lang nung bunso niyang kapatid ang naiwan. Pero nung pati yung kapatid niya ay namatay dahil sa lupus eh bigla na lang nagbago si Tyrone. Natakot nga kami at baka hindi kayanin ang mabuhay at magpakamatay sya dahil sa mga nangyari sa kanya, mabuti na nga lang at hindi.”

“Pero umalis rin sya sa lugar na ito, mga 19 years old lang sya siguro. Mula noon bumibisita na lang sya. Naging masakit ang buhay niya dito sa lugar na ‘toh kaya naman pasalamat kami at hindi niya pa rin kami kinakalimutan.” Habang sinasabi iyon ni Ate Gina, nakatingin lang ako kay Tyrone.

Nagtatawanan sila ng mga iba pang workers. Iba’t- ibang Tyrone ang nakikita ko sa kanya bawat pagkikita namin. Hindi ko alam kung alin ba dun ang totoo. Pero nung malaman ko ang nangyari sa kanyang pamilya, yung pag-iwan ng mama at papa niya sa kanila, tapos namatay din si Tricia sa sakit, parang nakaramdam ako ng awa kay Tyrone…

“PATIS!!!” sabay kaming tumingin ni Ate Gina kay Tyrone ng sumigaw ito. Ang engot ko nga eh, medyo nasanay na akong Patis ang tawag niya sa akin.

 

“HEH!! BALIW KA!!! (>////<)” sigaw ko naman sa kanya tapos tumalikod at naglakad palayo. Asdfghjkl!! Loko loko talaga ‘tong si Tyrone!! Paano naman kasi, diba tinawag niya ako? Pag tingin ko, bigla syang kumindat sabay nilagay niya yung thumb niya dun sa lips niya tapos in-extend yung braso niya papunta sa direksyon ko. ASDFGHJKL!!! Ang sweet lang ng way niya ng pagbibigay ng imaginary flying kiss!! Asdfghjkl!!! Hihihihi!! Kinikilig ako!!!! (>/////////////////////<)

“Ang sweet niyo namang mga bata kayo. Mga umiibig nga naman….” Pang- aasar sa akin ni Ate Gina. Lalo akong namula. What the heck? Pinagtitripan lang ako ni Tyrone noh! We’re not in love or anything like that. We’re just dating, okay? Hehe.

Pero ang galing noh. Habang nagiging malaking mystery sa akin si Tyrone, yung puso ko naman, unti-unti na ring nagbibigay ng puwang sa kanya. Not that I admit I love him already pero napaka-interesting niyang tao. Yung mga nalalaman ko about sa kanya ay iba ang impact sa akin. How I wish na mas makilala ko pa ang isang Tyrone Jake Marcos.

******


“Napagod ka ba?” nauupo ako dito sa isang kahoy na upuan dito sa loob ng kubo. Tumabi sa akin si Tyrone. Ang dami niyang pawis sa braso at neck niya, kaya pinupunasan niya iyon. Napalunok ako. Ooh lala~ ang pawisan pero ang bango, san ka?!!! :D

“Hindi naman. Konti lang naman ginawa ko eh.” Sabi ko sa kanya. Tumigil syang punasan yung braso niya tapos inabot sa akin yung isa pa niyang towel, tiningnan ko lang iyon.

“Hindi naman ako pawis masyado eh. Sayo na lang yan.” Sabi ko tapos itinulak pabalik sa kanya yung towel. Ang sweet naman niya. Hihihihihi. :”>

“Aishh, hindi yon. Ibig kong sabihin pakilagyan naman ng tuwalya yung likod ko. Baka matuyuan ako ng pawis eh. (=___=)” FOK. FOK. FOK. What the packing tape!! Pahiya na naman ako! Ughh!

“Sorry po, Señorito ha? Hindi ko po alam eh!!” naiinis kong sabi tapos tumalikod sya kaya nasa harap ko eh likod niya. Bago ko ipasok…. Yung twalya! XD sa likod niya ay lumunok muna ako. Yay! Ang sweet naman ng gagawin ko for him! Hihihihi!

 

“YAN NA PO!!” sabi ko tapos hinampas pa yung likod niya. Gusto ko sanang tanungin kung wala ba syang extra sando or shirt man lang pero wag na lang, sabihin pakielamera ako. XD

“Tyrone. Patrice. Pasensya na sa paghihintay ha. Ito na ang tanghalian niyo. Binigyan ko kasi muna yung mga trabahador doon. Ito na oh… Kain na kayo….” Sabi ni Ate Gina na ngiting ngiti sa amin at nilapag isa- isa yung mga pagkain dito sa kahoy na mesa.

“Salamat po, Ate Gina. Kayo po, kumain na po kayo?” tanong ko sa kanya. Tumayo ako at tinulungan syang mag-ayos ng mesa. Si Tyrone naman, nakatingin lang sa mga pagkain.

“Ay oo, hija. Doon ako kakain sa amin at yung mga anak ko eh hinihintay ako eh. Aysya, kain na kayo at ako muna ay babalik doon. Damihan niyo ang kain niyo ha! Patawarin na lang ang pagkain at iyan ay mga tanim lang namin sa likod! Masarap naman ang luto!! Kain ng marami ha, Patrice, Tyrone….” Paulit ulit na paalala ni Ate Gina bago tuluyang umalis at naiwan kami dito sa kubo para mag-lunch.

“Nakain ka ba nito?” tanong ni Tyrone, tapos nilapit sa akin yung ginisang monggo. Alam ko tawag dun noh, di naman ako mangmang. Nag-nod ako, tapos pinagsandok niya ako ng monggo.

“Eto sigurado di ka pa nakakatikim.” Tapos nilagyan niya ng tuyo (?) yung plato ko.

“Ano ‘toh?” tanong ko sa kanya. Kinunutan niya ako ng noo tapos ngumiti.

“Daing tawag dito. Sila rin ang nagpatuyo nito. Ito namang isa, alam mo naman, ginisang monggo, tapos itong isa, talbos ng kamote na may tinapa. At itong isa, tokwa’t baboy. Ito kamatis, baka di mo pa alam. :D” Tinuro niya isa- isa yung mga ulam tapos tinawanan ako. Inirapan ko nga, duh~ of course I know what is tomato. (-____-)

“Ito na lang ulam ko. Hindi ako nakain nito tsaka nito.” Turo ko dun sa talbos daw ng kamote na may tinapa, what is tinapa, by the way? Whatever, tinuro ko din yung tokwa at kamatis. Di ako nakain nun eh.

Tahimik lang kaming kumain. Masarap naman yung luto ng monggo at ng daing. Kung hindi lang masyadong madami yung kanin ko, for sure naubos ko yung nasa plato ko kaya lang ang dami kong kanin, hindi ko naubos kaya binigay ko kay Tyrone. Mukhang gutom na gutom sya eh. Naka-kamay pa sya kumain. Grabe ang lakas pala niyang kumain, di halata kasi payat sya. Payat pero macho. Alam niyo yun? HAHAHA.

“Oh, bakit nakatingin ka diyan? Naga-gwapuhan ka sakin noh?” tumigil sya sa pagsubo at tinanong sa akin yun, at kinindatan na naman ako. Inirapan ko nga sya ulit. Yabang din talaga nito noh? Taas ng self-confidence, dre!

“Bakit ang hilig mong mag-wink? May mali ba sa mga mata mo?” natatawa kong tanong sa kanya. Haha.Inabot niya yung baso ng tubig at uminom. Tapos na syang kumain.

“Pasalamat ka nga diyan kinikindatan kita eh. Alam mo ba hinihimatay yung mga babae kapag kinikindatan ko?” mayabang niyang sabi. Presko talaga. Hand’s down ako sa kayabangan nito!

“Oh, really? Paano ba yan. Kinindatan mo ako, mga twice na? So ano? Hello San Pedro na ba ako? LOL” pang- aasar ko pa sa kanya. Hehe.

“Pwede rin. Pero baka ibang heaven ang gusto mong puntahan? Ano, sama kita?” sabi niya ng may nang-aasar na ngiti. Pakshit. Hindi ko gusto ang heaven na naiisip ko ha. Hihihi (>////<)

“Ewan sayo. Ang mabuti pa, bumalik ka na sa trabaho mo. Magliligpit na ako.” Sabi ko, tumayo at nilikom yung mga kinainan namin. Hindi ko mapigilang mapangiti. Nakaka-tempt naman yung heaven na sinasabi niya? Hahaha! Joke lang! (^_____^)v

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
209K 13.5K 67
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
281K 8.8K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...