Based on a true story

By shxnepdf

536 5 1

When all else fail, someone will try to pick you up. More

When fate is began to twist.
I : Rain
II : Savior
III : Reason
V : Tears
VI : University of Sto. Tomas
VII : Before the conversation
VIII : Behind the Sky
IX : Clara

IV : Sky

24 0 0
By shxnepdf

NAGISING si Skye sa ingay ng pagsigaw ng kanyang ina. "IKAW TALAGA EDWIN ! WALA KA NA NGANG TRABAHO AYAW MO PANG MAG-HAGILAP NG PERA !" Sigaw ng kanyang Inang si Menggai. "Ano ba naman Ma', ang aga-aga nyong nagsisigawan hindi ba kayo nahihiya sa kapit bahay?" Suway naman ni Sha ang sumunod sa panganay na si Skye . "PANO kang hindi sisigaw tignan mo yang tatay mong batugan." Sagot ng kayang Ina. Habang ang Bunso naman nilang kapatid na si Moi' ay nakatutok sa Computer habang naglalaro ng League Of Legends. "Hayaan mo na nga sya. Nasan ba nakalagay ung P.E Uniform ko? Hindi ko kasi makita eh." Sambit ni Sha sa Ina. "Hanapin mo dun sa drawer na pink sa taas." Sagot nito. Nagmadali pumanaog paakyat si Sha' para kunin ang kanyang P.E Uniform dahil ito'y mala-late na sa pag-pasok.

                "NOOB (Hindi marunong), wag ka na ngang magLOL (League of Legends)."  Sinabi ni Skye sa kapatid na si Moi' na abalang-abala sa paglalaro. "Kaya pala, hindi ka manalo sakin." Sagot naman nito sa Kuya. Sa hindi kalayuan si Sha' naman ay nag-hahalungkat sa Aparador upang hanapin ang kanyang PE Uniform. "Papasok ka?" Tanong ni Skye sa kapatid. "Obvious ba?" Pilosopong sagot naman sa kanyang Kuya. Normal na kay Skye ang sagut-sagutin ng kanyang mga kapatid dahil ganito sila magpakita ng Apeksiyon ng pagmamahal sa isa't isa. "HINDI KO TINATANONG." Pilosopong sabi ni Skye sa kapatid. "AHAHAHA.. Hindi nya pala tinatanong eh, Wala ka pala Ate eh'." Sulsol ni Moi' sa narinig na pag-uusap ng dalawang nakatatandang kapatid. "Hay na ko! Maka-alis na nga." Ang iritableng sabi ni Sha' sabay mabilis na bumaba sa hagdan na nagmamadali dahil mala-late na ito sa kanyang pag-pasok.

 "Nag-almusal na ba kayo?"  Tanong sa kapatid na si Moi'. "Oo, mag-almusal ka na din dun sa baba." Sagot naman nito sa kanyang Kuya. Agad na bumaba si Skye upang makapag-almusal na hinanda ng kanyang Ina. "Oh, bakit ang ang ingay-ingay mo na naman Ma'." Tanong ni Skye sa Ina. "Eh kasi yung tarantadong tatay mo tinatamad na naman bumyahe kung hindi pa sisigawan hindi pa kikilos.." Habang umupo naman si Skye sa isang maliit na Couch na nakaharap sa isang mababang lamesa na kadalasang nakikita sa mga Japanese House na binili naman ng kanyang mga magulang sa isang Japanese Surplus. Pag-upo ay agad kumain ito ng almusal Mainit at mabangong pandesal kasama ang isang Tasa ng mainit na Kape.

"Anong oras ba pasok mo?" Tanong ng kanyang Ina.

"Mamaya pang Ala-una.." Sagot naman nito habang ngumunguya ng Pandesal na isinawsaw nya sa Kape.

"Sa skwelahan o sa Jollibee?" Dagdag na tanong ng Ina.

"Sa skwelahan syempre, mamaya pang Alas-sais ang Duty ko pag-uwi."

                Si Skye at Sha ay parehong Working Student na nagta-trabaho sa Jollibee pero sa magkaibigang Store. Silang dalawang magkapatid ang tumutulong sa kanilang magulat sa mga pantutos nilang pangangailangan. Si Sha, ay nag-aaral sa EARIST sa kursona scholar ng Gobyerno dahil ito'y SK Kagawad sa kanilang barangay. Habang si Skye naman ay nag-aaral sa QCPU-SF (Quezon City Polytechnic University – San Francisco Campus.)  Sa kursong Technical-Vocational in Computer Programming.

Habang nag-aalmusal ang binata ay naalala nya ang nangyari sa kanya kahapon ng makilala nya ang Apat na magkakaibigan na tumulong sa kanya. Biglang naisip nyang tignan ang kanyang Cellphone ngunit naalala naman nitong nasira pala ito dahil sa pagkakabasa sa ulan ng naglalakad sya nung nakaraang gabi. Naalala nya din ang papel na iniabot sa kanya ni Margareth bago ito umalis na inilagay nya sa bulsa ng kanyang bag at agad tinignan kung saan nakasulat ang mga Contact number ng Apat na magkakaibigan at buong mga pangalan nito.

Margareth Williams ... Ma. Christina Santiago ... Clarissa De Castro .. Claudia Farr

"That four gorgeous princess..." Ang bulong sarili habang tinitignan ang papel.

"Anong binubulong mo dyan?" Ang tanong naman ng kanyang Ina.

"Wala.."

"Oh sige magrelax ka pa dyan, a-alas-onse na oh baka ma-late ka pa."  Sabay tingin naman ng binata sa orasan. At nang makita na malapit nang mag 11AM ay agad itong tumayo sa kanyang inuupuan at kinuha ang tuwalya't naligo na.

                Nang makaalis ng kanilang bahay si Skye ay agad itong naglakad papunta sa kanyang pinapasukang paaralan dahil Walking Distance lang ito sa kanilang tinitiran. Pagpasok sa loob ng kanilang Campus ay nakita nya ang mga High School Students sa field ng campus na nag c-CAT. Habang naglalakad ay biglang may tumawag sa kanyang pangalan mula sa kanyang likuran sa paglingon ay nakita nya si Tom na kanyang ka klase.

"Oh, may assignment ka na ba kay Sir' Pascua?" Tanong nito.

"Wala pa nga eh, sobrang hustle kasi ng schedule ko sa Jollibee hindi na ko makagawa ng assignment,pa kopya naman." Dismayadong sagot naman nito sa kanyang ka-klase.

"ASA, ayoko nga.." Paasar na sagot nito sa kanya.

                Maya-maya ay may tumawag sa dalawang magka-klase habang naglalakad pa punta sa College Building ng QCPU "Skye! Tom! Hooooooy!" Sigaw ng isang kaklaseng si Joseph na tumatakbong palapit sa kanila. "Oh bakit engot?" Tanong ni tom. "Wala lang bakit masama bang sumabay sa inyo?" Sagot nito kay Tom habang nag-hahabol ng hininga. "Gab, may assignment ka ba kay Sir Pascua?" Tanong naman ni Skye sa kaklase.  "Saan sa Java o VBnet?" Sagot naman ni Joseph. "Bakit, dalawa ba assignment natin kay Ser?" Dagdag na tanong ni Skye.

"Oo, ungas pero syempre isa lang papasa ngayon kase Java lang subject natin kay Ser, at bukas pa yung sa VB." Sawsaw na sagot naman ni Tom sa dalawang nag-uusap.

"Pakopya naman ako Gab sa Java.. Hindi kasi ako nakagawa tas mamayang breaktime kopyahin ko nalang din yung sa VB." Nagmamakaawang sinabi ni Skye sa kaibigang si Joseph.

"Sige, pero tulungan mo ko saprogram ko sa Defense ha."

"Oo ba, matagal pa naman yun eh."

                Pagdating sa Classroom ng tatlo ay wala pa ang kanilang Professor sa Phil.History at nakita nilang abala ang kanilang mga kaklase na ang iba ay doon palang gumagawa ng kanilang mga Homework ang iba naman ay nagke-kwentuhan at naghaharutan. Agad na kinopya ni Skye ang kanilang homework kay Joseph, habang gumagawa naman ay nilapitan ito ni Tom. At iniabot ang kanyang Cattleya kay Skye at sinabing "Eto muna unahin mo gunggong mauuna si Sir Angelo." "May homework din pala dun?" "HINDE, wala project kasi yan e." Balagbag na sagot ni Tom.Sabay tingin ni Skye sa notebook ng kaklase. "Grabe andami naman nito, sige pahiram muna balik ko din agad kapag dating nya." "Sige, balik mo agad ha. Dun muna ako sa labas titignan ko kung wala pa si Ser." Sabay alis ng kanyang kaklase.

                Si Tom ay ang dating Class President ng CP1A habang si Sky naman ay Class President naman ng CP1B nung 1st Semester. Pagtungtong naman ng 2nd Semester ay nagkaroon ng Shuffling ng Estudyante may mga kaklase si Tom na napunta sa CP1B habang si Skye naman na mula sa CP1B ay napunta sa CP1A. Si Joseph San Gabriel naman na tinatawag ni Skye na Gab ay kaibigan ay galing din sa CP1A. Ilan-ilan lang ang kasama ni Skye na nakasama nya sa CP1B ito ay ang kanyang matatalik na kaibigan na si Roy Punongbayan, Jhade Bargamento, JM' napare-parehong naging Irregular student dahil may subject sila nung 1st Sem. Na hindi na tapos, na kasamaang palad si JM' naman ay hindi na pumapasok dahil sa hinaharap na Family Problem.

                Matapos ang dalawang Klase nila sa Phil. History at OJT ay nagbreak muna ang magkaklaseng si Skye,Tom at Joseph. Habang pababa sa kanilang Building at papuntang Caffeteria ay may tumawag kay Skye. " Presi !" Sigaw ng dalawang lalaking si Roy at Jhade. "Oh, tapos na klase nyo?" "Oo, kaumay nga eh nakahalo kami sa ibang Course." Sagot naman ni Roy. "Sabi ko kasi sa inyo nung 1st sem pasukan nyo si Ma'am Larobis e. Yan tuloy nahihirapan kayo." Sambit ni Skye sa dalawang kaibigan. "Boss, pa kopya naman ako ng assignment kay Sir' Pascua." Singit na sinabi naman ni Jhade.

"Wala akong gawa nakikopya lang din ako dito kay Gab." Sabay tingin naman ni Skye sa katabing si Joseph. "Gab, pakopya din kami ni Roy ah." "Sige lang.." Sagot naman ni Joseph.

"Kumain na ba kayo?" Tanong naman ni Tom sa dalawa.

"Hindi pa nga e, lilibre mo ba kami?" Nakangiting sinabi ni Roy.

"Aayain ko lang kayong sumabay samin lilibre agad?" Sagot naman ni Tom sabay tawa ni Roy.

"Akala ko naman manlilibre." Bulong naman ni Jhade.

"Sumabay na kayo samin kung kakain kayo." Alok ni Skye sa dalawang kaibigan.

Pagdating sa Caffeteria ay nagmadaling nagsipaglabasan ng kanya-kanyang notebook si Skye, Roy, at Jhade. Dahil ngayon palang sila gagawa ng Homework nila sa susunod na Subject nila. Habang si Tom at Joseph naman ay kumakain sa tabi ng tatlo. "Hindi ba kayo kakain?" Tanong ni Joseph sa tatlong abalang kumokopya ng kanilang Assignment. "Wala ng time.." Sagot naman ni Skye habang nagsusulat. "Grabe ang dami naman nito Presi' aabot pa kaya tayo kay Ser?" tanong ni Roy sa kaibigan. "Wag na kaseng madaming reklamo magsulat ka nalang dyan PunongBuyers." Ang pabuskang sagot naman ni Tom habang kumakain. "Ngayon ko lang nakitang nagagahol ka ng ganyan Boss ah." Sinabi ni Jhade habang nakatingin sa kaibigang si Skye habang seryosong nagsusulat. "Eh wala ng time si Presi para gumawa ng mga Assignment kasi pag-uwi nya papasok pa sya." Sabi ni Roy.

                Maagang na dismiss ng kanilang Professor na si Sir Pascua ang kanyang mga estudyante. Nang maglabasan ang mga estudyante nito. "Grabe ang galing talaga magturo ni Sir Pascua no?" Ang sabi ni Roy sa katabing si Jhade.

"Sino ba yan? Eh si Sir Pascua yan eh." Sagot naman nito sa kaibigan. "Presi !! anong oras Duty mo?" Sigaw na tanong ni Roy habang nakalingon sa kanyang likuran kung san naka upo ang kaibigang si Skye. "Mamaya pang 6PM, mga 5:30 aalis na din ako." Sagot naman ni Skye habang nakayuko sa lamesa sa kanyang harapan kung saan sya nakaupo. Sabay tingin naman ni Roy sa kanyang Cellphone. "5, palang sama ka samin? SM muna tayo?" Tanong muli ni Roy sa kanyang kaibigan. Nang marinig ni Skye ang SM ay naisip nya na pwede syang mag-pahinga dito habang nagpapalipas ng oras bukod dito'y makakapagrelax ito dahil sa lamig.

"Sige!" Sagot naman ng ganadong si Skye sa kaibigan ng marinig ang salitang SM.

                Naglalakad palabas ng Campus ang tatlong si Roy, Jhade at Skye. Nang mapansin ni Jhade na kasabay pala nilang naglalakad palabas si Tom at Joseph. "Wow, magkasama na naman kayo ah magbabaklaan kayo?" Pabuskang tanong ni Jhade kay Tom at Joseph. "Makabaklaan ka Jhade ah, kayo nga 'yung nagbabaklaan ni Roy e." Sagot naman ni Tom sa dalawa. "San ba kayo pupunta?" Tanong naman ni Skye sa dalawa.

"Foodcourt, tatambay, kayo?" Sagot naman ni Joseph. "Syempre dun din tatambay hahaha." Eksenang sagot naman ni Roy.

                Magkakasamang naglakad palabas ng kanilang Campus ang Limang magkakaibigan. At nang makarating na Lima sa Foodcourt ng SM North. Masarap nakaupo ang lima sa isang hilerang upuan sa harapan ng Club Synergy kung saan itong mga to' madalas tumambay. Halos mapapikit na sa sarap ng pagkakaupo si Skye at ang kanyang mga kasama habang si Jhade at si Roy ang nakikinig sa kilang mga Cellphone ng tugtog. Nang biglang maalala muli ni Skye ang Apat na mga kaibigang tumulong sa kanya nung nakaraang gabing naglasing sya.

"May ke-kwento ako sa inyo." Ang sabi ni Skye sa Apat na kaibigang sarap na sarap sa pagkakaupo dahil sa lamig ng Aircon. Habang hindi naman naririnig ni Roy ang sinasabi ng kaharap na si Skye dahil abala itong nagte-text at tila nakangiti pang kinikilig. Habang si Jhade naman ay nakapikit na sa sobrang sarap ng pagkakahiga.

"Baka kalokohan na naman yang ke-kwento mo ha." Sagot naman ni Tom sa narinig sa kaibigan.

"Gagu hindi ah.. sa History lang natin yung mga ganun." Natatawang sinabi ni Skye. Sabay inilabas ang papel na ibinigay sa kanya ng nakilala nyang si Margareth.

"Ano naman yan? Answer key ba yan sa e-exam natin sa Algebra?" Tanong naman ni Joseph habang nakatingin sa papel na inilabas ni Skye.

"Tangek hindi..." Sabay latag ni Skye sa papel na nakatiklop sa Apat sabay tingin naman Rostum at Joseph dito.

"Mm.. Margareth Williams ... Ma. Christina Santiago ... Clarissa De Castro .. Claudia Farr"  Basa ni Joseph sa sulat na nakalagay sa papel.

"Oh anong meron dyan?" tanong naman ni Rostum na halatang walang interes sa nakitang papel.

"Oy, tama na nga yang soundtrip nyo makinig kayo." Ang sabi ni Skye sabay malakas tapik nito sa dalawang kaibigang si Roy at Jhade.

"Bakit Presi?" Tanong ni Roy sa kaibigan nyang tumapik sa kanya.

"May ke-kwento kasi ako makinig kayo't mamangha." Higikgik na sinabi nito sa kaibigan.

"Ano daw?" Ang sabi ni Jhade dahil hindi nya narinig ang sinabi ni Skye.

"Basta makinig ka nalang daw kay Presi." Sagot naman ni Roy sa kanya.

                Ikinwento ni Skye ang nangyari sa kanya nung nakaraang araw. Ngunit iniba nya ang estorya sa kanyang mga kaibigan na sa halip na sabihin na tinulungan sya ng Apat na ito ay sinabi nyang nakilala nya. Dahil ayaw nyang malaman ng kanyang mga kaibigan na depress pa rin sya hanggang ngayon sa nangyari sa kanila ng Ex-Girlfriend nya. Dahil ayaw nitong kinakaawan sya ng kanyang mga kaibigan patungkol sa kanyang Love life. Dahil karamihan ng kanyang kaibigan at kaklase ay magaling itong magbigay ng Advise tungkol sa mga relasyon lalo na sa mga kaibigan nyang lalaking tinuturuan nya kung pano dumiskarte. Habang sa mga kaibigan naman nitong babae ay kilala dahil sa kanyang Words of Wisdom pa tungkol sa mga problema nito sa kani-kanilang Love Life.

                Ngunit hindi nila alam na sa likod ng kagalingan ni Skye magbigay ng mga salitang makakatulong sa kani-kanilang Love Life ay mahina ang loob nito kapag sya naman ang nakakaranas ng mga komplikadong pangyayari sa Love Life nya pati sa kanyang personal na buhay. Sa pagpapatuloy ng kwento ni Skye sa apat nyang kaibigan ay naging Curious ang apat na ito dahil sa pag-describe ni Skye sa kanyang nakilala na bukod sa saksakan na ng kagandahan ay halata pang mayayaman ito. Dahil sa ginawang deskripsiyon ni Skye sa apat na dalagang kanyang nakilala ay tinanong sya ni Tom.

"Eh kung nakilala mo yang Margareth, Klarisa, Kristina, Claudia na yan pano mo naman sila nakilala?" Sabay taas ng isang kilay nito na halatang seryosong gustong malaman ang tungkol sa Apat na dalaga.

"Nakilala ko sila sa Bar.." Sagot naman nito sa kaibigan.

"Saang Bar?" Dagdag na tanong naman ni Joseph sa kanya.

"Bar sa timog, nakalimutan ko yung pangalan nung Bar kase malakas yung ulan non' tsaka inaya lang ako ng Ka-trabaho ko pagkatapos nung Duty namin." Palusot na sinabi ni Skye. Dahil siguradong hindi maniniwala ang kanyang mga kaibigan na pupunta ito mag-isa sa Bar dahil hindi naman ito mahilig uminom kasama sila.

"Oh talaga Presi? Pano mo naman nakilala yan?" dagdag na tanong ni Roy na ganadong nakikinig sa kwento ni Skye.

"Nilapitan ko 'tong si Margareth" Sabay turo sa pangalan ni Margareth na nakasulat sa papel.

"Kasi nakita ko syang mag-isa lang habang yung mga kaibigan nya nagsasayaw." Palusot na sinabi ni Skye sa mga kaibigan.

                Matapos ang kwentuhan kasama ang mga kaibigan ay nagpaalam na si Skye sa mga ito. Para mauna dahil may Duty pa siya. Habang naglalakad palayo sa upuan ng mga kaibigan ay pumasok sa isip nito kung pano nya mapapasalamatan ang Apat na magkakaibigan sa ginawang kabutihan sa kanya. Pero isang tanong ang pumasok sa isip nito ng maalala na kahit kung paano ko-kontakin ang mga number na nakalagay sa papel gayung wala itong pansamantalang ginagamit na Cellphone dahil sa nasira.Na hindi nakita ng kanyang mga kaibigan dahil nakasulat ito sa kabilang bahagi ng papel.

                Madaling araw na at pagod na pagod ng makauwi si Skye galing sa kanyang pinagtatrabahuhan. Paguwi ay sumalubong sa kanya ang kanyang Ina na nagbukas sa kanya ng pintuan. Habang ang kanyang Ama naman ay tulog na't humihilik pa. "May kanin at ulam pa dyan kung gutom ka pa." Ang mababang boses na sinabi ng kanyang Ina sabay humiga na ulit sa tabi ng kayang asawang mahimbig na ang pagkakatulog. "Sige mamaya gagawa pa ko ng assignment ko." Sagot naman ni Skye sa kanyang ina't dahan dahan na umakyat sa hagdanan.

Sa taas naman ay nakita nya ang kanyang kapatid na si Moi na himbing na himbing ang tulog sa kutson na nakalatag sa tabi ng Kama na tinutulugan naman ng Unica Hija nilang si Sha'. Sa tabi ng hinihigaan ni Moi' ay may nakalatag na ding kutson para sa kanya. Kahit na pagod galing sa kanyang eskwelahan at pinapasukang trabaho. Pag-akyat ay agad nitong binuksan ang kanilang Computer at umupo sa harap nito. Habang iniintay magloading ang computer ay kinuha nito ang kanyang bag at nilabas ang Unipormeng ginagamit sa kanyang  trabaho sumunod ay kinuha ang notebook at tinignan kung may mga asignatura ba itong dapat gawin.

                Habang binubuklat ang mga notebook ay nakita na naman nya ang papel na ibinigay sa kanya ni Margareth at pinagmasdan ito. Matapos ang Loading ng computer ay biglang may pumasok sa isip nito. Nagmadali binuksan ang Browser at nag log-in sa facebook. Biglang bumigat ang pakiramdam nito't nakaramdam ng init habang pinagmamasdan ang papel na may pangalan ng apat na magkakaibigang tumulong sa kanya. 

"Mar.. ga..reth.. Wil..liam..s." Ang mahinang bigkas nito sa kanyang sarili habang tina-type ang pangalan ng dalaga para hanapin sa facebook. Sobrang nanlamig si Skye bukod sa kadahilanang madaling araw na ito nakauwi nanlamig ito sa kanyang planong hanapin at Facebook at i-Add ang Apat na babaeng tumulong sa kanya.

                Huminga ito ng malalim at hinipan ang kanyang dalawang palad na naglalamig sabay mahinang sabi ng "Kaya mo 'to." ENTER sabay pindot nito't napalunok. Sabay dali-daling lumabas ang isang Account na may pangalanang Margareth Williams (Maggie). Nakita nya ang magandang Profile Picture ng dalaga bukod dito ay ikinagulat nya ng nakita nyang halos 2000+ ang friends nito sa facebook bukod pa dito ang 300+ na followers nito.

"What the hell?" Ang tanging nasabi nalang ng napangangang si Skye.

"Well, ano pa bang i-e-expect mo sa ganda mong yan." Dugtong pa nito.

At biglang nanlaki ang mata nito ng makita ang button ng ADD AS A FRIEND. Nagdalawang isip ang binata kung i-a-add nya ba ito. Huminga ulit ito ng malalim sabay click ng ADD AS FRIEND. Ngunit pagka-click nito ay lumabas na This Account Already Reach it's Limit.Tila nabunutan ng tinik ang binata at nakahinga na ng malalim.

"Sabi na e'." Ang sabi nito sa sarili ng may halong pagkadismaya. Sa dismaya nya ay itinuon nalang nito ang pansin sa pagbasa ng kanilang napag-aralan kanina.  Ngunit kahit anong pilit na pag-basa nito sa mga Notes na nakasulat sa kanyang Cattleya Notebooks ay walang ni isang pumapasok sa isip nito. Bukod sa Papel na ibinigay sa kanya ni Margareth na nakapatong sa Keyboard sa kanyang harapan.

"Grabe, hindi ko na kayo kaharap pero nahihiya pa din ako sa inyo." Buntong hiningang sinabi ni Skye habang tinititigan ang papel na may nakasulat ng pangalan ng magkakaibigan.

                Habang tinititigan ni Skye ang Account ni Margareth na lumabas sa kanyang pag-search ay nanlaki ang mga mata nito't biglang bigat ng kanyang pakiramdam ng makita nya na naka Public pala ang Account ni Margareth for Incoming Messages. Biglang napangiti ang binata ng makita ito. "Eto na 'to." Ang bulong ulit sa kanyang sarili kasabay nito ay agad nyang pinindot ang Message Icon na nakita sa Profile ni Margareth.

Ano naman kaya sasabihin ko? Baka hindi na ako kilala nun' Oh god why? .. Sabi nito sa sarili habang nagiisip ng kung anong sasabihin sa ise-send na message nya kay Margareth. "BAHALA NA NGA." Biglang sabi nito na napalakas ang boses na ikinagulat nya din sabay lingon sa dalawang kapatid nyang natutulog at baka nagising dhil sa ginawa nyang pag-sigaw.

"Potek, mababaliw na ata ako kakaisip sa sasabihin sayo e'." Nakangusong sinabi ni Skye. Habang dinuduro ang Profile Picture ng dalaga. "OKAY! What ever happens next i-ignore mo ko o hindi magse-send ako ng message sayo!" Dagdag pa nito habang patuloy na dinuduro ang Profile Picture ni Margareth. Maya-maya ay naglakas loob na 'tong mag-type ng message. "ETO NA TO!" Mahinang sinabi habang nakapikit at pinindot ang ENTER.

SKYe:  Hi, goodmorning. I know medyo late na 'tong

message ko. I-a-add sana kita kaso, Over populated

na 'tong facebook account mo. Hehe.. Pwede ka

nang gumawa ng Fanpage mo te'. Uhm. Wala lang

naalala ko lang kasi yung papel na binigay mo sakin

na may Contact Number nyo. Hindi ksi ako makapag-

text kasi nasira nga yung phone ko. Nagmsg ako baka

kasi nag-iintay kayo ng text ko.(ASA NAMAN AKO HEHE)

Sige na. Napahaba na 'tong msg ko. gagawa pa ko ng

HW ko. :)

                                                                                sent 1:49 AM

                Nakangiting tinitignan ni Skye ang message nito at binasang muli't tinignan kung may wrong grammar or wrong spelling ba syang na-itype na baka ikadismaya ni Margareth at sabihan syang Jejemon. Nang matapos itong basahin ulit ay iniintay nya lang kung magrereply ba ang dalaga sa message nya. "Bakit pa ba ko umaasang mag-rereply 'to? Eh for sure tulog na 'to kanina pa." Ang sambit nito sa sarili sabay buntong hininga. Dahil dito ay nagbukas ito ng panibagong TAB sa browser at nag advance reading ng kanilang lesson sa tulong ng Wikipedia.

                Makalipas ang ilang minutong pagbabasa sa mga Lesson na kanilang pinag-aaralan ay tinignan muli nito ang Facebook Tab kung saan ay nag-iintay ito ng reply ni Margareth. Nang biglang nanlaki ang dalawang mata nito at biglang tumayong ang kanyang mga balahibo na akala mo'y nakakita ng isang White lady sa kanyang harapan.

"SH........T." Ang sabi nito sa kanyang sarili habang nakatulalang nakatingin sa message nya kay Margareth ng mabasa nito ang Reply sa kanya ng dalaga.

text kasi nasira nga yung phone ko. Nagmsg ako baka

kasi nag-iintay kayo ng text ko.(ASA NAMAN AKO HEHE)

Sige na. Napahaba na 'tong msg ko. gagawa pa ko ng

HW ko. :)

sent 1:49 AM

Margareth:  OMG! SLR, Hnd ko napansin yung PM

mo sakin, kasi gumagawa din ako ng HW ko and naka-

standby yung browser ko sa Twitter :)

                                                                                sent 1:55 AM

Margareth:   UY, gising ka pa ba? :( Sorry talaga.

                sent: 1:58 AM

Margareth:  Hey there Skye, if ever na gising ka na.

pa accept ng Friend Request ko ha. Sleeptight po! :)

                                sent: 2:05 AM

                Nang mabasa ni Skye ang tatlong reply ni Margareth sa kanya ay agad itong tumingin sa orasan ng kanyang Monitor. "Shit." Ang pabulong na sinabi nito sa sarili nya ng makita nyang 2:25AM. Agad naman nitong nagmamadaling inaccept ang Friend Request ng dalaga't agad na pumunta sa HOME PAGE ng Facebook at isa-isang tiningnan ang mga naka-online nitong mga friend. Ngunit biglang nalungkot ito ng makitang naka Offline na ang dalaga.

"Haaaaaaaaaay... Antanga-tanga ko talaga." Ang dismayadong sabi ni Skye sa kanyang sarili.

"Makatulog na nga." Dugtong na sinabi nito sa sarili sabay itinabi ang kanyang mga ginamit na Notebook sa ilalim ng lamesa ng Keyboard. Habang nag-aayos naman ito ng laman ng kanyang bag ay napansin nito na may nag POP UP na message sa kanyang facebook.

                Napangiti at nanlalaki ang dalawang mata na akala mo'y nanalo ng Jackpot na papremyo sa Lotto ng makita na nag Message ulit sa kanya si Margareth.

Margareth:  Hey Skye, bakit gising ka pa? :o

                                sent: 2:31 AM

                Sa sobrang saya ng ekpsresyon sa mukha ni Skye na akala mo wala ng bukas ang ngiti nito. At agad agad nag-type upang replyan ang message sa kanya ni Margareth.

Margareth:  Hey Skye, bakit gising ka pa? :o

                                sent: 2:31 AM

SKYe:  Sorry po kung hnd ako nkpag reply agad

kanina may binasa po kasi ako eh. Tska hndi na

po  ako nag MSG. kasi nakita ko pong Offline ka na.

                Nakangiti't tutok na tutok sa harapan ng monitor si Skye habang tinitignan ang Conversation nila ni Margareth. Na hindi mo maipagkakaila na halos mapasigaw na sa nararamdamang tuwa. Hanggang sa nagtuloy-tuloy pa ang pag-uusap ng dalawa.

                                sent: 2:32 AM

Margareth:  It's alright, lagi naman 'tong naka-

Invinsible ksi andaming nagp-PM. Btw, hanggang

ngayon ba nagbabasa ka pa din? :o Sipag ah. :)  

                                just a few minutes ago

SKYe:  Ganun po ba, ikw ba nman may 2K+

na friends eh. Andami mong fans. Uhm

Hnd na po ako nagbabasa actually nagliligpit

na ako ng mga gamit ko. Ikaw po? Bakit gising

ka pa? May ginagawa ka pa po ba? Baka nakaka-

istorbo na ko.

                                just a few minutes ago

Margareth:  Hala :O hnd ka nakaka.istorbo a' actually

just like you I'm cleaning my computer desk ksi mtutulog

na din sna ako then I saw the notif. Na inaccept mo na pla

yung friendrequest ko :)

                                just few minutes ago

SKYe:  Ah gnun ba, sge na po Ms.Margareth matulog kna.

maaga pa ata ang pasok mo bukas. Sleeptight po :D 

                                just few minutes ago

Margareth:  Sge, psensya kna a' medyo inaantok na din ako.

bukas nlng then tag ko din syo yung mga picture mo sa cam ko.

Sleeptight din. :) 

                                just few minutes ago

                Matapos ang conversation ng dalawa ay halos hindi na maalis sa mukha ni Skye ang ngiti na kitang kita ang kasiyahan sa kanyang mukha. Kahit halos manlamig na ito habang binabasa ang conversation nilang dalawa ni Margareth. "Grabe, ano ba 'tong nangyayari sakin. Sobrang OA ko naman sa tuwa." Ang sabi nito sa kanyang sarili sabay sampal nito sa kanyang sariling pisngi ng dalawang beses. "Hindi kaya ma-inlove ako dun? .."

"Nako, hindi ka pwedeng mainlove dun Skye dahil for sure wala ka pa sa kalingkingan ng requirements sa manliligaw non." Na kanya namang ikinalungkot sa pagkadismaya ng katotohanan. "Atleast, friend ko diba?" Ang sabay sagot nito sa sariling tanong at biglang balik ng sigla't ngiti sa kanyang mukha.

                Tatayo na sana sa kanyang pagkakaupo si Skye upang matulog at i-Shutdown ang computer ng biglang makita nyang muli ang papel sa tabi ng Keyboard. "Oh my.. I forgot may tatlo pa pala." Sabay kuha sa papel at bumalik sa kanyang pagkakaupo't binuksang muli ang kanyang Browser. "Hindi ko pa pala na hanap si Ana Lucia." Ang sabi nito habang naglo-log-on sa FacebookSite na ang tinutukoy naman ay si Clarissa De Castro. "At si Ms. Joyce Ching." Na itinawag naman nito kay Ma. Christina Santiago. "At ang huli yung weirdong kamukha ni Sollen Heussaff."

                Sumunod nyang hinanap ay ang account ni Clarissa. At nakita nya naman ito agad Clarissa De Castro (Clara). Nanlaki ang mata nito hindi dahil sa nakita nyang halos 2000+ din ang friend nito sa facebook, kundi ng makita nyang ito'y nag-aaral sa DLSU-TAFT. "Aw, LaSallista pala 'tong si Ana Lucia." Ang sabi bulong nito sa sarili.

"Infairness, maganda sya siguro madami din 'tong manliligaw pero walang tumagal sa sungit mo ba naman." Natatawang komento nito habang nakatingin sa Profile Picture ni Clarissa sabay pindot nito sa button ng ADD AS A FRIEND. Na ikinagulat nya dahil sa halip lumabas ay Reach it's Limit kagaya ng kay Margareth ay nag FRIEND REQUEST SENT ito.

"Wow, himala. Hindi reach it's limit ah, siguro kasi may Mutual friend na kami."

                Pagkatapos ma-ADD si Clarissa sinunod nya naman ay si Claudia. Claudia Farr (Clau). "Alam mo kamukha mo si Sollen Heussaff, pero ayoko sa pangalan mo taga FEU ka pa man din.." Ang seryosong komento nito habang nakatingin sa Account ni Claudia sabay ADD sa dalaga.

"Last, si Ms. Joyce Ching." Nakangiting sinabi ni Skye sa kanyang sarili. Hindi dahil sa kamukha ni Christina ang artistang si Joyce Ching kundi literal na gandang ganda ito sa Artista na ikinatuwa nya dahil may kaibigan syang kamukha nito. Christina Santiago (MA).

"Bakit ganun, literal na mukha kang chinese may hawig ka pa nung Volleyball player ng Ateneo .. kaso Santiago apilido mo, Weird ka Ms. Ching ah." Komento naman nito dito habang pinagmamasdan ang itsura ni Christina sa kanyang Profile Picture. "Grabe, Joyce Ching na Joyce Ching e." Dagdag pang komento nito sabay ADD nito ulit.

                Matapos makita at ma-add ang mga Facebook Account ng apat na dalagang nakilala nya ng mapansin nyang 3:03AM na pala. I-s-Shutdown na sana ni Skye ang computer ng biglang nakita nito ang pinag-aaralan ni Christina.

"SAN SEBASTIAN, wow Baste. Iba-iba pala mga schools nila." Ang sabi nito habang nakatingin dito.

Biglang pumasok sa isip ng binata na kung si Clarissa ay sa DLSU, at si Claudia naman ay sa FEU habang si Christina ay sa BASTE saan naman kaya nag-aaral si Margareth? Nang dahil sa kilig nya kanina ay hindi na nya nagawa pang mapansin.

San kaya nag-aaral si Ms. Maggie?

                Seryosong sinabi nito sa kanyang isipan at tinignang muli ang Profile ni Margareth sa Facebook. Nang makita ay nanlaki ang dalawang mata nito. At hindi nalang nakaimik ng biglang makaramdam ng panlalamig sa nakitang sa University of Sto. Tomas ito nag-aaral sa kursong Information System.

Oh god why..

                Sa hindi mapaliwanag na pangyayari ay biglang nadismaya si Skye sa kanyang nakita. Pagkatapos nito ay na Shutdown nya na ang computer at tinanggal ang mga plug nito't humiga na. Habang nakahiga naman ay hindi pa din ito makatulog dahil gumugulo sa isip nito ang nakita nya.

"Nagkataon lang siguro .. Wag naman sana." Ang bulong nito sa kanyan sarili at ipinikit na ang kanyang mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

412K 17.3K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
Wattpad App - Unlock exclusive features