Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

Por Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... Mais

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

Epilogue

86.9K 4.1K 1.9K
Por Serialsleeper



( DISPAREO THEME ABOVE : FOLLOW YOU – BRING ME THE HORIZON )


DISPAREO 2

EPILOGUE

THIRD PERSON'S POV



"Cielo!"


Naiwang luhaan at nakatulala si Dana sa gilid ng tulay nang makita ang tuluyang pagbagsak ni Cielo sa tubig ng kawalan. Ang kanyang duguang kamay ay naiwan sa direksyon ng kaibigan na animo'y sa kabila ng lahat, gusto parin itong abutin.


Sumigaw at umiyak, ito na lamang ang nagawa ni Dana hanggang sa bigla na lamang may humigit sa kamay niya at marahas siyang pinaharap.


Kitang-kita ni Dana ang galit sa mga mata ni Primo ngunit ngayon ay wala nang takot na nararamdaman pa si Dana. Bilang paghahanda sa katapusang naghihintay sa kanya, ngumisi na lamang si Dana at unti-unting napapikit.


Gaya ng inaasahan, agad siyang nakaramdam ng isang matulis na bagay na tumagos at pumunit sa kanyang balat. Unti-unting idinilat ni Dana ang kanyang mga mata at nagbaba ng tingin sa kanyang sikmura, nakita niyang nakasaksak na sa kanya ang itak ni Primo.


"'Yan lang ba ang kaya mong gawin?" Nagsisimula mang manghina, nagawa paring ngumisi ni Dana kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa kanyang bibig.


Walang ano-ano'y bigla na lamang pinihit ni Primo paikot ang itak na nakasaksak parin sa sikmura ni Dana dahilan para mas lalong dumami ang tugong dumadanak sa sahig. Unti-unti, sa sobrang hilo ay nagsimulang magpasuray-suray si Dana habang napapatras.


"W-wacky..." Hilong-hilo at napakalabo na ng paningin, pilit na hinanap ni Dana si Wacky ngunit bago pa man niya ito tuluyang mahanap ay bigla siyang sinakal ni Primo at isinandal sa gilid ng tulay. Buong lakas nitong naiangat sa ere ang halos lupaypay nang katawan ni Dana at tila ba isang kasangkapan itong inihagis sa tubig ng kawalan.


Kasabay nang pagbagsak ng katawan ni Dana sa napakalalim na ilog ang paghalo ng kanyang dugo sa tubig. Habang lumulubog sa kailaliman ng tubig, unti-unting nagawa ni Dana na maidilat ang kanyang mga mata at dito ay nakita niya ang walang buhay at lupaypay na katawan ni Cielo na nagpapadala na lamang sa galaw ng tubig. Gamit ang natitirang lakas, pilit na inabot ni Dana ang kamay ni Cielo at hinawakan ito sa huling pagkakataon bago tuluyang malagutan ng hininga.


****


Napasinghap si Dana at laking gulat nang matagpuan ang kanyang sarili na nakatayo sa gitna ng kawalan. Basang-basa man, imbes na lamig ay napakatinding init ang kanyang nararamdaman. Agad niyang pinagmasdan ang kanyang palad at laking gulat niya nang makitang wala na siyang sugat, mas lalo pa siyang nagulat nang makitang wala na ang saksak na tinamo mula kay Primo.


"Handa na ako Astaroth. Kaluluwa ko kapalit ng pagiging normal ulit ng lahat! Walang mga skunks, walang namatay, magbabalik ulit sa dati!"


Biglang narinig ni Dana ang boses ni Cielo kaya naman dali-dali siyang napalingon sa kanyang likuran.


Laking gulat ni Dana nang makita ang isang napakalaking fountain ngunit imbes na tubig ay naglalagablab na apoy ang lumalabas at umaagos mula rito. Sa tuktok nito ay nakaupo ang pigura ng isang taong animo'y nakatingin sa direksyon ni Dana habang kumakaway—Si Astaroth—Sa kabila ng liwanag na dulot ng apoy ay hindi makita ni Dana ang hitsura nito.


"'Wag! Cielo 'wag!" Pagwawala agad ni Dana nang makita ang kaibigang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanya at nakatingala sa direksyon ng demonyong si Astaroth.


"Dana anong ginagawa mo rito?!" Gulat na gulat si Cielo nang makita si Dana. Dali-dali siyang napatingala sa direksyon ni Astaroth, "Hindi siya dapat nandito! Paalisin mo siya rito!" Pagwawala agad ni Cielo sabay turo sa naguguluhang si Dana.


Biglang umalingawngaw ang napakalalim at makapanindig-balahibong halakhak ni Astaroth, "Gusto niyang kasama ka lagi eh kaya pinagbigyan ko nang makasunod."


"Cielo 'wag mong gawin 'to!" Bulalas ng ngayo'y luhaan nang si Dana. Dali-dali siyang nagtatakbo patungo sa direksyon ni Cielo ngunit bago pa man niya malapitan ang kaibigan ay bigla na lamang lumitaw ang naglalagablab ng apoy na umiikot kay Cielo.


"No! Stop it! Don't hurt her!" Sa gulat, napatili ng napatili si Dana habang luhaang nagmamakaawa sa direksyon ni Astaroth.


"Dana! Dana stay there and everything will be okay! 778! It's always going to be 778 after this! Just please 'wag kang makikialam!" Napapaligiran man ng naglalagablab na apoy, Paulit-ulit ang pagsigaw ni Cielo sabay taas ng kanyang mga kamay na animo'y sinesenyasan si Dana na 'wag gumalaw, na hayaan siya sa nararapat niyang gawin.


"Cielo!" Ayaw makinig ni Dana sa sinasabi ni Cielo, sa kabila ng apoy nag-pupumilit parin ang dalagang maghanap ng paraan para malapitan ang kaibigan. Sa bawat hakbang ni Dana papalapit ay mistula siyang inaatake ng apoy kaya naman maya't-maya siyang napapaatras habang nagsisigaw at humahagulgol.


"Pursigido ka." Laging gulat ni Dana nang bigla na lamang marinig ang isang boses mula sa kanyang likuran kaya dali-dali siyang humarap sa direksyon nito. Nanlaki ang mga mata ni Dana nang makita ang pamumuo ng kulay pulang usok sa kanyang harapan hanggang sa unti-unting mabuo ang pigura ng isang malaking nilalang sa kanyang harapan.


"Wacky?!" Napasinghap si Dana sa gulat at gamit ang nanginginig na kamay, napatakip siya sa kanyang bibig. Hindi makapaniwala si Dana sa kanyang nakikita; Si Wacky na ngayo'y purong kulay itim na ang mga mata, labis ang pamumutla at mayroong kakaibang ngisi sa kanyang mukha.


"W-wacky? Iyon pala ang pangalan nitong sisidlan ko?" Kaswal na tanong ni Wacky sabay turo sa kanyang mukha.


"Oh my God Wacky..." Sa labis na panlulumo, napahagulgol lalo si Dana, "Where is he? What did you do to him?!"


"Ano bang gustong mangyari?" Tanong na lamang ni Wacky na animo'y nababagot.


Napailing-iling si Dana habang humihikbi na animo'y paraan para lakasan ang kanyang kalooban at wakliin ang nararamdamang panlulumo, "G-gusto kong humiling sa'yo! Tumaparin mo ang kahilingan ko!"


"D-Dana?! Dana anong ginagawa mo?!" Gulat na gulat si Cielo. Lumingon si Dana sa direksyon niya't nagkatinginan sila. "Dana! Dana 'wag!" Agad na nagsisigaw si Cielo sa abot ng makakaya nang bigla na lamang ngumiti sa kanya si Dana na animo'y nagpapahiwatig na ng pamamaalam.


Nanginginig man at hindi halos makahinga, pinilit ni Dana na tumayo ng maayos. Taas-noo at may ngisi sa labi sa kabila ng luhang patuloy na bumabagsak mula sa kanyang mga mata, "K-aluluwa ko kapalit ang isang hiling....Y-ang si Cielo? Ang lamig na ng kaluluwa ng babaeng yan at—" Napalunok si Dana sa labis na emosyon at napakagat sa ibabang labi habang humihikbi, "I-impyerno ang buong buhay niya kaya ibahin natin sa pagkakataong 'to. Ako kapalit ng isang hiling, bobo ka kung hindi ka papayag."


"'Wag! Astaroth nakatakda ako para dito! Astaroth ako ang pakinggan mo! Hindi siya isang Fergullo! Hindi siya pwede!" Pagwawala lalo ni Cielo habang pilit na sinusubukang lagpasan ang apoy na nakapalibot sa kanya.


"Oo nga't hindi kayo magkadugo pero," Biglang tinuro ni Astaroth ang direksyon ng puso ni Dana habang nakatingin sa direksyon ni Cielo, "Sa huli, mas makapangyarihan ang puso kesa sa dugo."


"Madali akong kausap Mortal." Muli, ibinalik ni Astaroth ang tingin kay Dana habang may ngisi parin sa kanyang mukha, inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ni Dana.


"M-mabuti..." Mahinang sambit ni Dana habang patuloy parin ang kanyang pagluha. Rinig na rinig parin Dana ang bawat sigaw at pagmamakaawa ni Cielo pero hindi niya ito pinapakinggan. Takot na takot man sa mga nangyayari at sa mangyayari dahil sa kanyang naging desisyon, iniabot ni Dana ang nanginginig niyang kamay kay Astaroth.


"Masama ako mortal. Napakasama." Hinawakan ni Astaroth ang kamay ni Dana at laking gulat ni Dana nang bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang palad. Agad siyang napabitaw mula kay Astaroth at laking gulat nang makita ang isang maliit na ahas na nalaglag mula sa kanyang palad, nag-iwan ito sa kanya ng isang kagat.


"Anong kahilingan mo?" Tanong ng nakangising si Astaroth na animo'y nasisiyahan habang pinapakinggan ang mga sigaw ni Cielo at habang pinagmamasdan ang takot sa mukha ni Dana.


"B-bumalik sa normal ang lahat; Sa umaga ng Birthday ni Churchill. Walang skunks, Walang sumpa, Walang namatay." Tahasang sambit ni Dana sa kabila ng labis na kaba. Walang ano-ano'y bigla na lamang gumuho ang kinatatayuan ni Dana at nalaglag siya sa animo'y kawalan. Kasabay ng walang tigil na tili at pagdadalamhati ni Cielo, umalingawngaw ang napakalakas na halakhak ni Astaroth.


"Dana!" Walang ibang magawa si Cielo kundi mapahagulgol.


***


Sunod-sunod na malalakas na katok; Dahil dito ay agad na napadilat si Cielo at dali-daling napaupo mula sa pagkakahiga habang sumisinghap. Tagaktak ang pawis at luha, napahawak siya ng kanyang dibdib at umiyak ng umiyak nang makita ang apat na sulok ng kulay puting silid na kinaroroonan.


"Cielo! Kanina pa yung wake-up bell!" Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa silid ang isang babaeng nars dala ang isang tray ng pagkain. Nang makita si Cielo na umiiyak, dali-dali niyang inilapag sa isang tabi ang tray at nag-aalalang nilapitan ang kanyang alaga.


"A-anong nangyari sa'yo hija?" Animo'y nanlumo ang nars nang makitang mistulang hirap na hirap na si Cielo sa paghinga dahil sa sobrang pag-iyak. Nakita niya ang mga kamay ni Cielo na nakakuyom kaya naman dali-dali niya itong hinawakan at lalo siyang nag-alala dahil nanlalamig ito't labis naninigas.


"A-anong araw na?" Aligaga at tila ba wala sa sariling tanong ni Cielo.


"Miyerkules, Bakit? Nanaginip ka na naman ba ng masama?" Malambing at puno ng pag-aalalang sambit ng nars sabay punas sa luha ni Cielo, "alam ko na, siguro natatakot ka na naman sa magiging reaksyon ng mga kaibigan mo pagbalik mo diba? 'Wag kang matatakot, hindi sila galit sa'yo. Yung isa mo ngang kaibigan nasa lobby."


"A-ano? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang sambit ni Cielo. Malamig man ang boses at pananalita, patuloy parin ang tagaktak ng kanyang luha.


"Nagtaka nga rin ako eh kasi akala ko papa mo ang darating... Kababata mo daw siya tapos andito na para sunduin ka, inihahanda na ng nasa taas ang huling mga papeles kaya magbihis ka muna at kumain man lang kasi malayo-layo rin ang Drayton eh." Dahil sa sinabing 'yon ng nars, dali-daling isinuot ni Cielo ang kanyang jacket at scarf bagay na labis ikinagulat ng nars.


****


Humahangos at tagaktak luha, agad na nahinto si Cielo sa pagtakbo nang madatnan sa hardin ang nakatulala at animo'y balisang si Raze. Nag-iisa lamang ito at animo'y napakalalim ng iniisip.


"It happened right? It wasn't just a dream." Walang emosyong bulalas ni Cielo dahilan para agad na mapalingon sa kanya si Raze. Napansin man ni Cielo ang pamumula ng mga mata ni Raze at pamamaga nito ay hindi siya nagtanong, bagkus ay nagsimula siyang maglakad patungo sa napakalaking gate, paalis sa institusyon kung saan siya ikinulong sa loob ng tatlong taon.


"Cielo s-sandali..." Mahinang sambit ni Raze na animo'y may gustong sabihin pero hindi siya pinapakinggan ni Cielo na dire-diretso lamang patungo sa parking lot.


Nahinto si Cielo sa paglalakad nang makita ang isang sasakyang may plate number na 778 sa hulihan. Agad na sumagi sa kanyang isipan ang mga alaala ni Dana noong mga bata pa sila. Naninikip man ang dibdib dahil sa bigat ng kalooban, mas pinili ni Cielo na manatili sa kanyang nakagawiang gawin—ang tumayo ng maayos, taas-noo habang walang kaemo-emosyon ang mukha.


"Buti naman at pinayagan ka ng Papa mo na gamitin ang sasakyan niya." Sambit na lamang ni Cielo sabay lingon kay Raze na balisa parin, "Your Dad.. he's still okay right?" Hindi maiwasan ni Cielo na mapatanong lalo pa't halos naging pangalawang ama narin niya ang pulis.


"N-nabuhay siya... Akala ko hindi ko na siya ulit makikita o makakasama. Wala siyang naalala sa mga nangyari." Sambit ni Raze dahilan para makumpirma ni Cielo na hindi isang panaginip ang lahat.


"Good." Tipid na sambit ni Cielo, "Now let's go back to Drayton. I want to see Dana, take me to her."


****


"Today's Churchill's birthday right?" Basag ni Cielo sa nakakailang na katahimikang ilang oras nang bumabalot sa pagitan nilang dalawa ni Raze habang bumabyahe.


Tumango-tango si Raze bilang sagot at nanatiling nakatitig sa binabagtas na kalsada gamit ang mga matang namumula at naluluha.


"Happy Birthday Churchy." Mahinang sambit ni Cielo sabay labas ng kanyang kamay mula sa bintana ng sasakyan na animo'y dinadama ang malamig na hangin. Maraming naglalaro sa isipan ni Cielo, marami siyang gustong itanong kay Raze pero sa kabila nito ay mas pinangungunahan siya ng takot sa magiging sagot. Sa huli, mas pinili na lamang ni Cielo na suotin ang kanyang headphones at makinig ng musika habang pinagmamasdan ang suot na kulay asul na scarf na siyang nagkukubli sa alaala at pait ng karahasang naranasan.


Samantalang si Raze naman ay nanatiling balisa habang nagmamaneho. Bahagya niyang naisandal ang kanyang siko sa salaming nasa kanyang gilid, napahawak siya sa kanyang noo at sa puntong ito'y hindi na niya mapigilan ang kanyang sariling maluha.


****


"Cielo... Cielo andito na tayo."


Nang marinig ang boses ni Raze at maramdaman ang kamay nitong tumatapik sa kanyang balikat, napadilat si Cielo ang napahikab. Agad na naagaw ng kanyang pansin ang napakalakas na buhos ng ulang sinasabayan ng malalakas na kulog at kidlat.


Napadungaw si Cielo sa bintana at napabuntong-hininga nang makita kung nasaan sila—nasa kaisa-isang ospital ng Drayton.


Huminga ng malalim si Raze na animo'y hinahanda ang kanyang mga salita, "Cielo bago ka lumabas, may kailangan ka munang—" Bago pa man matapos ni Raze ang sinasabi, dali-daling lumabas si Cielo mula sa sasakyan. Sa kabila ng napakalakas na buhos ng ulan, walang kaemo-emosyong naglakad si Cielo patungo sa gusali.


"Anong room number niya?" Kaswal na tanong ni Cielo kay Raze na nakasunod lamang sa kanya. Gaya niya, basang-basa rin ng ulan ang binata pero mistulang balewala ito sa kanila. Pinagtitinginan na sila ng mga taong nakakasalubong nila sa pasilyo pero hindi nila ito pinapansin.


"Raze ano sabi ang room number niya?" Bulalas ni Cielo nang hindi siya makatanggap ng sagot mula sa dating kasintahan.


Imbes na sumagot, lumiko si Raze sa isang pasilyo kaya walang magawa si Cielo kundi sumunod na lamang rito. Sinundan niya ito nang sinundan hanggang sa makarating silang dalawa sa isang pasilyo na nasa dulo na ng gusali.


Hindi nakapagsalita si Cielo nang makita ang mga magulang ni Dana sa gilid ng pasilyo. Nakaupo lamang ang mga ito sa isang tabi, magkayakap habang balisa. Nakita rin ng dalaga ang ama ni Raze, nakasuot pa ito ng uniporme pero nasa isang tabi rin ito habang tahimik na lumuluha. Lalong nanlumo si Cielo nang makita rin sa isang tabi sina Churchill, Mira at Shem; lugmok ang mga ito at namamaga ang mga mata.


"Cielo..." Sa puntong 'to, hindi na napigilan pa ni Raze ang muling pagpatak ng kanyang luha, "Cielo andun siya." Nanlulumo pa nitong sambit sabay turo sa silid na nasa dulo ng pasilyo. Nakasulat mismo sa ibabaw ng silid na ito ang salitang, Morgue.


Naglakad si Cielo patungo sa silid, gaya ng dati wala paring kaemo-emosyon ang mukha nito, taas ang noo habang nakatayo ng maayos. Dire-diretso siya papasok sa morgue habang nakasunod naman sa kanya si Raze.


Pagpasok pa lamang sa silid, agad na tumambad sa harapan ni Cielo ang isang mesang gawa sa metal. Nakapatong rito ang isang katawang natatakpan ng kulay puting tela.


"Hindi na siya nagising..." Nanlulumo at lumuluhang sambit ni Raze na nanatili sa likuran ni Cielo.


Tila ba wala sa sariling lumapit si Cielo sa bangkay, kasabay ng muling pagpatak ng luha pababa sa kanyang walang kaemo-emosyong mukha. Gamit ang nanginginig na mga kamay hinawakan niya ang dulo ng tela at unti-unti itong ibinaba dahilan para unti-unting malantad sa kanya ang mukha ng kaibigang wala ng kulay, ang mukha ng ngayo'y bangkay nang si Dana.


Kahit wala mang kaemo-emosyong ang mukha, patuloy ang pagpatak ng luha ni Cielo habang unti-unti niyang hinahaplos ang pisngi nito.



THE END

THANK YOU FOR READING!

GOD BLESS <3

Note:

As a confirmation, the Epilogue in the first book depicted Dana's suffering in hell, it was the beginning of Astaroth's manipulation in order to consume Dana. So basically, this epilogue right here is the real continuation of Book 1's 778-titled Chapter. I'm not going to give away every answer to your questions because I want you to have the pleasure of discovering them :) 

Continuar a ler

Também vai Gostar

383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
106K 8.3K 98
A MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's...
485K 25K 199
ODONG HUNTERS #1 PART 1 & 2 • Bisaya Short Story • Epistolary "Para sa mga gipangchar-char lang." FIRST WATTPAD'S BISAYA STORY. Date Started: Decemb...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...