THE POSSESSIVE KING

By hotmoma39

1.1M 29.4K 1.9K

"Hindi mo talaga alam kung ano ako.?" "Harris sir. Isa lang ang alam ko sa inyo, ikaw ang CEO ng Delvo indust... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
Chapter 9
Chapter 10
chapter 11
chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
AUTHORS NOTE
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
42
43

CHAPTER 28

21.6K 713 35
By hotmoma39

Iinomin ko na sana ang dugo ni Erros ng bigla iyong agawin sa akin ni Harris.

Inamoy nya iyon.

"Hindi ka na uli iinom ng dugo nya... Kung kailangan mo ng dugo you can have my blood."

Biglang lumabas ang kanyang mahahabang kuko at ibinaon nya ang isa sa kanyang pulsohan. Agad na lumabas sa sugat ang kanyang preskong dugo.

Itinapat nya iyon sa bibig ko.

"Baka hindi mo kayanin mahina pa ang kapangyarihan mo."

"Mas lalong hindi ko kayang makitang umiinom ka ng dugo ng ibang lobo gayung kaya ko naman yung ibigay sayo."

Hindi ako kumilos ayaw kong ipakipagsapalaran ang buhay nya.

Pero bago pa maghilom ang sugat nya ay inilagay nya iyon sa kanyang bibig at sinipsip nya ang kanyang sariling dugo.

At hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nya, siniil nya ako ng halik at dahandahan nyang isinalin sa bibig ko ang dugong inipon nya sa bibig nya, at wala akong nagawa kundi ang inomin iyon.

At ng maubos na ang laman ng bibig nya ay saka nya lang pinakawalan ang bibig ko.

"Sa susunod na mauuhaw ka o manghihina sabihin mo lang sa akin wag na wag kang iinom ng dugo ng ibang lobo, youre mine princes only mine kung may dugo man ng lobo na mananalaytay dyan sa mga ugat mo gusto kong dugo ko lang yun at hindi sa iba."

"Kahit dugo pa yun ng kapatid mo.?"

"Kahit dugo pa yan ni Erros."

"The Possisive king Harrison Delvo."

"Thats because I love You."

Ano daw.

Nanigas bigla ang katawan ko sa sinabi nyang yun feeling ko tumigil sa gitna ang paghinga ko. Katatapos ko lang uminom ng dugo pero pakiramdam ko namumutla na naman ako.

"Hey okey ka lang.?" Tanong nya sa akin.

"Katatapos ko lang makipagtalo kay kamatayn, tinakasan ko pa yung mga tauhan ng yung ama at ni daddy, nakipaglaban pa ako sa mga rogue, ni hindi pa nga ako nakakabawi doon sa mga kakaibang nangyayari sa buhay ko. Tapos heto ka na man nagsasabing mahal mo ako... Tapos tatanongin mo ako kung okey lang ako.... Ano kaya sa palagay mo ha.?"

Hinawakan nya na naman ako sa magkabilang pisngi.

"Kalimutan mo muna ang lahat Ang isipin mo lang muna ay ang sinabi ko sayo ngayon... Evaness I love you."

"Uso ba yan sa inyong mga lobo.?"

"We also have a heart sweetheart.... At kaming mga lobo pag nagmahal isa lang yan, walang iba mate or not."

"Pwede kayong magmahal sa hindi nyo mate.?"

"Yes.... Nangyari sa akin yun, minahal na kita kahit hindi ko pa alam na mate kita."

"Papano...?"

"Its a long story my queen... Matulog na muna tayo at magpahinga, pagod na pagod pa ako at ikaw rin alam ko, bukas na lang natin ipagpatuloy ang usapang ito.... But first magbihis ka muna ayaw ko nakikitang may suot kang damit ng ibang lalaki."

Pati pala yun napansin nya.

Pumasok ako sa banyo, naligo at nagbihis saka ako tumabi kay Harris sa kama.

Nakapikit ang kanyang mga mata pero ng humiga na ako ay awtomatikong pumulopot ang braso nya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya, nakasiksik ang mukha nya sa balikat ko.

"I love you too." Sabi ko sa kanya sa mind link.

Lalo syang isiniksik ang mukha nya sa akin at mas hinigpitan ang yakap nya.

"I know." Sagot nya sa akin, gamit rin ang link.

"Papano mo nalaman.?"

"Kasi hinanap mo ako at binalikan mo ako...I love you more my queen."

At kapwa kami nakatulog sa bisig ng isat isa.

Nagising Kami dahil sa malakas na pagkatok sa pinto.

"Hmmm." Tila naiinis na ungol ni Harris na sa halip na bumangon Lalo akong niyakap at isiniksik ang mukha nya sa balikat ko.

Pero hindi tumigil ang kung sino mang kumakatok.

Kaya ginamit ko na ang isip ko para pagbuksan ito.

"Shit.!" Bigla nyang hinablot ang kumot at itinakip sa akin.

Noon ko lang naalala pajama shorts nga lang pala ang suot ko.

"Patawad alpha, luna.."

"What it is beta.?" Paangil na sabi nya.

"Alpha....Paparating ang yung ama kasama ang vampire king."

Mabilis na bumangon si Harris at umungol ng malakas.

Ako naman ang bumangon at agad kong nakita ang galit sa mukha nya.

"Harris calm down."

"No... Gusto ko silang parusahan sa ginawa nilang pagtakas sayo."

"Baka naman pweding daanin na lang natin to sa mabuting usapan."

"Hindi ko maaring palampasin ang ginawa nila sayo."

"Alam kong hindi tama ang ginawa nila pero may magandang naidulot ang ginawa nila."

Tumingin sa akin si Harris.

"At papanong may magandang naidulot yun, muntik ka ng mawala sa akin, papano kong ipinagpilitan ni Erros na makipag mate sayo, papano na tayo."

"Hindi gagawin yun ni Erros, dahil labis ang pag galang nya sayo hindi lang bilang hari at Alpha kundi bilang kapatid, ng makita nya ang marka mo ay lumuhod sya sa harap ko."

Hindi makapaniwala si Harris sa sinabi ko.

"Lumuhod sya sayo."

"Oo. At nangako din sya na tutulungan nya tayo sa problema natin... May mga research lang daw syang kaikangang gawin at mga taong kailangang kausapin para malaman mya kung papano ibabalik sa ayos ang lahat sa pagitan natin."

Hindi sya nagsalita.

"May magandang naidulot ang pagkikita namin ni Erros at hindi rin naman mangyayari yun kung hindi dahil sa kagagawan ng mga ama natin."

"Pero mali pa din ang ginawa nila."

"Mali na kung mali, pero uso naman siguro sa inyo ang salitang pagpapatawad."

"Hind!."

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula sa likuran. Naramdaman kong nabigla sya sa ginawa ko dahil bahagyang nanigas ang kanyang katawan.

"My King, please daanin na lang natin to sa usapan."

"Lagi mo na lang sinasalungat ang mga desisyon ko pagdating sa pagbibigay ko ng parusa sa mga kauri ko." Mahinahong sabi nya.

"At lagi mo naman akong sinusunod di ba at wala namang masamang nangyayari."

Humarap sya sa akin at niyakap nya rin ako.

"Para ka ng si ina kay ama." Naka ngiting sabi nya.

"Ibig sabihin ang matandang haring Alpha ay napapasunod rin ng Reyna Luna sa kagustohan nya."

"Yan ang malaking sekretong ayaw nyang ipaalam sa iba."

Ako naman ang napangiti.

Bumababa ang mukha nya para halikan ako, na sinalubong ko naman. Baki pa lumalim ang halik ay isang pagtikhim ang umagaw sa atensiyon namin.

"Beta.!" Inis na sabi ni Harris.

"Nasa baba na po ang dalawang hari."

"Baba na kami."

Pagkalis ni Paulo ay pumasok na ako sa banyo at naghanda sa pagharap sa dalawang hari.

Pero nagulat kami ng hindi lang ang mga hari ang nasa sala at naghihintay sa amin, kundi maging ang dalawang reyna.

"Mommy.."

"Oh my baby.... Salamat at ligtas ka."

Mahigpit akong niyakap ni mommy.

"Alam mo bang gusto kong gawing estatwa ang daddy mo dahil sa ginawa nya sayo... Kumusta ka na.?"

"I'm fine mom."

Ng maghiwalay kami ng mommy ko ay ang ina naman ni Harris ang yumakap sa akin.

"Iha.... Patawarin mo sana ang asawa ko sa ginawa nya sayo... Gusto ko na nga syang taniman ng silver bullet sa ulo dahil sa ginawa nya sayo."

"Wag naman po mahal na reyna."

"Tawagin mo akong ina." Nakangiting sabi nya sa akin.

Psgkatapos ng ina ni Harris ay si daddy naman ang yumakap sa akin.

"Patawarin mo ako anak."

"Dad...Naiintindihan ko naman na kaligtasan ko lang ang iniisip nyo pero sana iginalang mo man lang ang desisyon ko"

"I'm sorry baby."

Pagkatapos naming magyakap ni dad ay tumingin ako kay Harris

Nakita kong masama pa rin ang tingin nya sa kanyang ama, alam kong naguusap sila mula sa mind link.

Iniyakap ko ang bisig ko sa beywang nya.

Awtomatikong inakbayan nya naman ako.

"Bumalik na ang ibang lakas at kapangyarihan ko... Pero maliit na porsyento pa lang, yun pa lang kasi ang kaya ng katawan ng luna ko." Alam kong ang sinabi nyang yun ay karugtong ng kung anomang pinaguusapan nila sa link.

"Uminon ka rin ng dugo.?" Hindi makapaniwalang sabi ni Daddy.

"Kailangan kong mabuhay para sa aking Alpha."

"Kung ganun pwede na kayong mag mate." Ang ina ni Harris na nakangiti.

"Hindi pa rin, dahil ang aking luna naman ang nanghihina at sya naman ang maaring mamatay kapag ginawa namin yun."

"Ang hirap naman ng sitwasyon nyo." Ang aking ina.

"Pero kakayanin namin to ina... Kailangan lang namin ang tulong ni Erros."

Umungol ang kanyang ama.

"Tumahimik ka Eulysis.... Anak mo rin yun, bahagi sya ng pamilya natin, kung may maitutulong sya sa kapatid nya at sa mate nya kailangan natin yung tanggapin ng buong puso at magpasalamat." Pagalit na sabi ng ina ni Harris sa asawa nito.

At hindi man lang nakapagsalita ang Matandang hari.

"See what i mean my mate." Nakangiting bulong sa akin ni Harris.

Continue Reading

You'll Also Like

228K 6K 34
Moon Series SILVERMOON #82 in Werewolf
1M 36.7K 86
Isang immortal na pinalaki sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging buhay nya kung kakailanganin na nya ang magbalik sa kanyang tunay na mundo. Paa...
64.2K 1.2K 22
This story was written a long time ago so I want to apologize in advance if may ma encounter kayo na misspelled and grammatical errors dahil hindi pa...
456K 10.8K 46
-- Thank you for the awesome cover @yanariks. A Rogue's Mate Iyon ang iniiwasan ni Yhuna. Kaya mas ginusto niyang mag-imagine na isang Alpha ang...